Chapter 4

2114 Words
JAYDEE "Don't think about what grandma said, Dee," basag ni Lucas sa katahimikan. Simula kasi ng umalis kami sa bahay nila ay tahimik lang ako habang tinatahak namin ang daan pauwi sa bahay. Alas nuwebe na ng gabi kaya minabuti ni Lucas na ihatid na ako sa bahay. "Sino naman ang may sabi sa'yo na iniisip ko 'yon?" pagkakaila ko at tumingin sa labas. "C'mon, Dee. Iba na lang, huwag ako," sagot naman nito saka mahinang tumawa. Napanguso ako sabay na nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Kilalang-kilala talaga ako nito. Kahit ilang beses pa yata ako magkaila ay alam nito ang dahilan ng pananahimik ko. "Nagbibiro lang naman si Lola Amor, hindi ba? " nakangiti kong tanong saka bumaling ng tingin sa kan'ya. Seryoso lamang itong nakatuon ang atensyon sa harap ng daan. "She's serious," walang kangiti-ngiting sagot nito. Base sa ekspresyon nito ay hindi ito nagbibiro. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Matagal na kaming magkaibigan ni Lucas at wala sa hinagap ko na magbibitaw ang lola nito ng ganoong salita. Para na kaming magkapatid ni Lucas kaya wala rin akong ideya kung ano ang pumasok sa utak ni Lola Amor kung bakit nito iyon sinabi mismo sa harap naming dalawa. Halos magkarugtong na ang pusod naming dalawa ni Lucas. Itinuring ko na siyang nakatatandang kapatid ko. Pareho kaming nag-iisang anak kaya siguro ay hindi na rin ako naghangad na magkaroon ng kapatid dahil nahanap ko na iyon sa katauhan ni Lucas at parehong alam ng pamilya namin iyon. "Don't you worry, I'll take care of it," sabi nito na hindi pa rin inaalis ang tingin sa daan. Muli akong nagpakawala ng buntong-hininga. "Ano ba naman kasi naisipan ni lola at sinabi niya iyon?" tanong ko rito at tinuon na ang atensyon sa harapan. "Kilala mo naman si lola. Boto sa'yo iyon pero ang sabi ko, you and I are just friends. Sinabi ko na rin sa kan'ya na may boyfriend ka. Hindi ko alam kung bakit na-open na naman niya," paliwanag nito. Sumimangot ako at muli siyang binalingan saka sinamaan ng tingin kahit hindi siya nakatingin sa akin. "Baka naman kasi sinolsolan mo si lola para lang asarin ako," reklamo ko rito. Kunwari itong inubo sa sinabi ko. "Excuse me, ako? Why would I do that?" tila hindi makapaniwala nitong tanong. "Kunwari ka pa. Aminin mo na kasi na kinausap mo si Lola Amor," giit ko at sinundot siya sa kaniyang tagiliran. "Dee, stop it. I'm driving," saway nito sa akin at iniwas ang katawan sa pagtangka kong muli na pagsundot sa tagiliran nito. "Kung ikaw lang din naman ang mapapangasawa ko, it's a big 'no'. Baka wala na akong mukhang maipagmamalaki dahil sa ka-bayolentehan mo." "Ah gan'on? Mas lalo naman ako, 'no. Baka tumanda lang ako ng maaga sa mga kalokohan mo!" ganting sagot ko sabay suntok sa braso nito. "Ouch! See, ngayon pa nga lang sinasaktan mo na ako. Paano na kapag araw-araw tayong magkasama? God, baka pagtawanan ako ng mga kaibigan ko dahil ginagawa mo akong punching bag," reklamo nito sabay himas sa braso. Huminto ito dahil naka-red ang traffic light. Kapag-kuwa'y sinulyapan ako. Hindi naman gano'n kalakas ang pagkakasuntok ko sa kan'ya. Sadyang maarte lang talaga siya. Isa pa, sa laki ng braso niya ay ako pa nga ang nakaramdam ng sakit sa aking kamao. "I can't imagine myself living in the same house with you, Dee," sambit nito saka umarte pa itong kinikilabutan. Tumawa lang ako sa sinabi nito sabay hila sa buhok nito na hindi naman nito naiwasan. Ewan ko ba at gustong-gusto ko itong sinasabunutan. "Ang arte mo. Choosy ka pa sa lagay na 'yan, ha. Hoy! Para sabihin ko sa'yo Lucasensio, ako lang naman po ang nakakatiis sa mga pang-aasar mo. Isa pa, ayaw mo pala ako makasama sa bahay, eh, bakit parati ka na lang kumakain sa amin at doon ka pa natutulog? Ang laki-laki ng kuwarto mo, doon ka pa sa bahay namin nakikitulog kapag tinatamad ka ng umuwi. Akala mo ba ay gusto kitang nasa bahay? Kapag nandoon ka, nagugulo ang tahimik kong buhay. Gusto ko ng payapang paligid pero nasisira ng dahil sa panggugulo mo sa 'kin!" asik ko rito at pabalyang binitawan ang buhok nito. Sumiksik ako sa gilid ng upuan at humalukipkip. Hinintay ko itong magsalita ngunit ilang segundo na ang nakalilipas ay wala na akong narinig na pinambato nitong salita sa akin which is iyon naman ang parati nitong ginagawa. Nang sulyapan ko ito ay seryoso itong nakatutok ang mata sa daan. Nagsimula na rin umusad ang mga sasakyan. Nanatili itong tahimik habang nagmamaneho kaya hindi na rin ako nagsalita. Nang nasa tapat na kami ng gate ng bahay ay tahimik pa rin ito. Nag-isip tuloy ako kung may sinabi ba ako na hindi nito nagustuhan. Sa pagkakaalam ko ay nag-aasaran lang naman kaming dalawa na parati naman namin ginagawa. "Papasok ka pa ba?" pukaw ko sa pananahimik nito. Hinintay ko itong sumagot ngunit nanatili pa rin itong tahimik. Nabahala tuloy ako dahil hindi nito gawain na manahimik na lang lalo na kapag nag-aasaran kaming dalawa. Tinanggal ko ang seatbelt na nakakabit sa akin at dahan-dahan na lumapit sa kan'ya. "Lucas, Ay!" tili ko ng bigla niyang pinihit ang mukha paharap sa akin. "Gotcha!" pilyo ang ngiti sa labi na sambit nito. Bakit nga ba hindi ko naisip na nag-iinarte lang pala itong magaling kong kaibigan? Isa lang ang masasabi ko, magaling siyang umarte dahil naisahan na naman niya ako. Dahil gusto ko makaganti ay mabilis akong lumapit sa kan'ya ngunit bago ko pa man mahablot ang buhok niya ay mabilis na siyang lumabas ng sasakyan. "Habulin mo ako, Dee. Catch me if you can…" tatawa-tawang sabi nito habang papalayo sa akin. "Siraulo ka talaga, Lucas. Humanda ka sa 'kin kapag naabutan kita. Kakalbuhin kita, damuho ka!" nakasimangot na sabi ko rito habang nagmamadaling naglakad palapit rito. "Really? Let's see, Dee. Sa iksi ng binti mong iyan? Oh, come on…" pang-aasar pa nito sa akin. "Loko ka, Lucas! 5'6 ang height ko, maliit pa ako sa paningin mo?" nag-iinit na ang mukha na sabi ko rito. Ngunit imbes na sagutin ako ay nakakaloko pa itong tumawa na mas lalo kong ikinainis. Sa aming dalawa, madalas ako ang mapikon. Pero kapag alam na niyang hindi na maganda ang itsura ko ay nilalambing na niya ako. Tulad ngayon, nawala ang pilyong ngiti sa labi niya, bagkus ay napalitan iyon ng pag-aalala. Lumapit siya sa akin at parang bata na ginulo ang buhok ko. "I was just joking, Dee," seryoso ang mukha na sabi nito. "Hmp! Nakakainis ka. Hindi ko talaga gugustuhin na mapangasawa ka, nakikinita ko na ang magiging kapalaran ko sa'yo," nakasimangot na reklamo ko rito dahilan para tumawa ito. "Ayos lang, ayaw rin naman kita maging asawa. Isa pa, maraming iiyak kapag nag-asawa ako. Sayang naman itong pogi mong kaibigan kung hindi pakikinabangan ng iba, hindi ba?" puno ng pagyayabang na sabi nito. Umikot ang mata ko sa pagbubuhat na naman nito ng sariling bangko. Oo nga at guwapo si Lucas, pero grabe naman sa kayabangan. "Ang yabang mo!" sabi ko sabay suntok sa sikmura nito. Napahawak ito sa parte kung saan ko ito sinuntok na animo'y nasaktan sa ginawa ko. Nagiging artista na naman ito. "Irereklamo na talaga kita, Dee. Grabe ka sa 'kin. Iniisip ko tuloy kung sa akin ka lang ba ganito. Masyado mo akong inaapi," reklamo nito sabay kinurap-kurap ang mata at suminghot na animo'y bata na binully ng kalaro. Gusto ko matawa sa kaartehan nito. Pang-famas actor ang dating. Pero dahil kilala ko na ito ay tinawanan ko lang ito. Kalauna'y lumawak ang pagkakangiti nito saka tumuwid ng tayo. Napapailing itong nakatitig lamang sa akin. "5'6 is not enough for me, Dee. Kahit matangkad ka, bansot ka pa rin sa paningin ko dahil hanggang balikat lang kita," pang-aasar na naman nito sa akin at mabilis na pumasok ng gate. Argh! Siya na ang matangkad. Hinabol ko siya papasok ng gate. Ngunit mabilis tumakbo si Lucas kaya hindi ko na siya naabutan. Nakita ko na lang siyang nakatayo sa pintuan ng bahay. Dahil nakatalikod siya ay hindi niya napansin na papalapit ako. Nang malapit na ako ay nagmamadali kong tinungo ang kinatatayuan niya. Kaagad ko siyang sinabunutan sa buhok habang ang isa kong kamay ay kinikiliti ang tagiliran niya. Umiiwas naman ito sa ginagawa ko. "Dee, stop it," saway niya sa akin habang hawak ang kamay ko na nasa buhok niya. Pero hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy ako sa aking ginagawa. Sa ganitong paraan na lang kasi ako nakakaganti sa kan'ya. Sa tangkad niya ay tumingkayad pa ako para hindi ko mabitawan ang buhok niya. "Akala mo makakatakas ka, ha," sabi ko na patuloy na nakahawak sa buhok niya. "Jaydee!" rinig kong tawag ni daddy sa akin. Lumingon ako sa kinaroroonan nito ngunit gayon na lang ang gulat ko ng makita ko kung sino ang kasama nito na nakaupo sa sofa. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay sa buhok ni Lucas. Bagamat kalmado ang pinapakitang reaksyon ng katabi ni daddy ay alam ko na may kakaiba na itong nararamdaman. Kaya bago pa man magkaroon ng tensyon sa pagitan niya at ng kaibigan ko ay lumayo na ako ng bahagya kay Lucas. Hindi ko man lang napansin ang sasakyan niya sa labas ng bahay. Marahil siguro ay abala ako sa pakikipag-asaran kay Lucas kaya hindi ko napansin ang kotse nito. Pasimple kong sinulyapan si Lucas. Nagkasalubong ang aming mga mata dahil nakatingin na pala siya sa akin. Kasabay niyon ang pag-silay ng ngiti sa labi niya. And something in his eyes tells me that everything will be fine. Lumapit ako sa lalaking katabi ni daddy. Animo'y may-ari ito ng bahay dahil printe itong nakaupo sa sofa na nakasampay pa ang isang kamay sa sandalan ng sofa. Paglapit ko ay hinalikan ko siya sa pisngi. "Kanina ka pa?" malambing na tanong ko rito na wala man lang kangiti-ngiti ang labi. "Almost one hour and twenty five minutes lang naman," sagot nito sa malamig na boses. Sinipat pa nito ang relo at muli akong sinulyapan saka pilit na ngumiti sa harap ko. Alam ko na gusto na ako nitong sabihan ngunit nagpipigil lamang ito dahil kasama pa namin si daddy. Pero once na wala na sa harap namin si daddy, magsisimula na naman kami magtalo ng madalas namin pagtalunan. "Sana tinawagan mo ako para nakauwi ako ng maaga." "I did," tipid na tugon nito ngunit nasa boses nito ang tinatagong emosyon. Nagtatanong ang tinging ipinukol ko rito. "Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot. Busy ka yata. I guess you're having a great time with your bestfriend," sagot nito na pinagdiinan pa ang salitang 'bestfriend'. Hindi na naitago sa boses nito ang inis sa kasama ko na muntik ko ng makalimutan. Awtomatiko akong lumingon sa kinaroroonan ni Lucas. Nang magtagpo ang aming mga mata ay nabanaag ko ang pag-aalala sa tinging ipinupukol nito sa akin. Alam nito na may hindi kami napagkaunawaan ni Albert kaya labis itong nag-aalala na baka lalo lang kami hindi magkaayos lalo na at nakita pa kaming magkasama samantalang narito pala sa bahay si Albert at ako ay nasa bahay nila Lucas. "Uuwi na ako, Dee," paalam niya sa akin. "Tito, sige po." Baling niya sa daddy ko. Ihahatid ko sana siya ng hawakan ni Albert ang kamay ko dahilan para mapa-upo ako sa tabi nito. Tumayo ang daddy ko. "Ihahatid na kita sa labas, Lucas," presinta ni daddy. Nakangiting sinulyapan kami ni Lucas. "Pare, aalis na ako," paalam nito kay Albert na nanatiling seryoso ang mukha ng sulyapan ko. Nakahinga naman ako ng makita kong tumango ito kay Lucas. Akala ko ay mapapahiya ang kaibigan ko. Bago tumalikod si Lucas ay matamis ang ngiti na iniwan nito sa akin, ang mga ngiting nagpapakalma sa akin. Nang wala na sa paningin ko si Lucas at si daddy ay nanatili akong tahimik. Wala akong balak na kibuin si Albert dahil sa aming dalawa, wala akong ginagawang masama. Sariwa pa rin sa isip ko ang pinagtalunan naming dalawa. Wala akong nakikitang dahilan para ako ang unang kumibo sa kaniya. Tahimik ako nanalingin na sana ay bumalik na si daddy. Pero matagal ito bago bumalik. Marahil nakipagkwentuhan pa ito kay Lucas na madalas naman nitong ginagawa sa tuwing pumapasyal ang kaibigan ko. Nang bumalik si daddy ay nagpaalam naman na papanhik na sa kuwarto. Marahil ay nasa kuwarto na rin si mommy dahil hindi ko na nakitang umaaligid dito sa sala. Naiwan kaming dalawa ni Albert sa sala na tila naging malalim ang iniisip. Huli naming pagkikita ay may pinagtalunan kaming dalawa. Which is hindi niya nagustuhan ang naging sagot ko. Pero kahit itanong niya ulit, paulit-ulit lang din ang magiging sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD