Chapter 5

2275 Words
JAYDEE "Hindi mo ba kayang gawin?" basag ni Albert sa katahimikan. Hindi ko napigilan ang magpakawala ng malalim na buntong-hininga. Base sa tanong niya ay pag-uusapan na naman namin ang madalas namin pagtalunan. Hindi ako sumagot at nanatili lamang akong tahimik sa tabi niya. Kahit ilang libong beses niya ako tanungin, iisa lang din ang magiging sagot ko. "Kapag pala pinapili kita, hindi mo ako pipiliin," mahinang turan nito dahilan para sulyapan ko ito. Malungkot ang mga mata nito ng sulyapan ko. I heaved out a deep sigh. Hinawakan ko ang kamay niya at humarap sa kan'ya. "Akala ko ba ay pinag-usapan na natin ang tungkol sa bagay na 'yan? Magkaibigan kami ni Lucas bata pa lang kami kaya hindi mo ako maaaring papiliin," mahinahon kong paliwanag rito. Oo, si Lucas ang madalas namin pagtalunan. Bago ko pa man makilala si Albert ay matagal ko ng kilala si Lucas kaya hindi niya ako maaaring papiliin lalo na at matalik kong kaibigan si Lucas. Marahan niyang pinisil ang kamay ko at dinala sa tapat ng labi niya saka dinampian ng mumunting halik. "I'm just jealous even though Lucas is your friend. Masyado kayong malapit sa isa't-isa. I can't help myself thinking na hinahawakan ka rin niya." Nagpakawala ako ng matamis na ngiti sa harap niya. "Wala naman malisya iyon, Al. Natural na lang talaga sa amin ang gano'n lalo na kapag nag-aasaran kaming dalawa," muling paliwanag ko rito. Kapag si Lucas ang kasama ko, hindi matatapos ang araw na hindi niya ako inaasar. Lumamlam ang mga mata nito. Kapag-kuwa'y sinapo ang aking kanang pisngi. "I love you," bagkus ay sabi niya. "I love you too," nakangiting tugon ko saka hinalikan siya sa labi. Tumagal iyon pero ako na ang kusang huminto. Hangga't maaari ay ayokong tumagal ang gano'ng intimate sa pagitan namin ni Albert. Lalaki ito at alam kung hindi ito makakapagpigil kahit nasa bahay kami ng magulang ko. Ngunit ng aalisin ko na ang labi ko sa labi niya ay hinawakan niya ang batok ko at kinabig para mas lalo pa magdikit ang labi niya sa akin. Naging malalim ang halik, mapusok, sabik at mapaghanap base na rin sa pilit na pagpasok ng dila niya sa loob ng bibig ko. Sabagay, hindi ko naman ito masisisi dahil ilang araw na kaming hindi nagkikita. Ngunit naalarma ako ng nagsimula ng maglakbay ang kamay niya at napunta iyon sa dibdib ko. Nanlaki ang mata ko at mabilis ko siyang itinulak. "Al, b-baka may makakita sa atin," pigil ko saka bahagyang lumayo rito. Bakas naman sa mukha nito ang pagkadismaya sa ginawa ko ng tapunan ko ito ng tingin. Totoo naman na baka may makakita sa amin dahil hindi lang kami ang tao sa bahay. Madalas rin na kapag ganitong oras ay gising pa si Manang Fe at Amy. Isa pa, hindi pa ako handa sa gano'ng bagay kahit pahapyaw na haplos lang ang ginagawa niya. Para sa akin sagrado ang bagay na iyon. Dapat ay ibibigay ko ito kapag ikinasal na kami. Isa din sa mga bagay na pinag-aawayan namin. Kung mahal ko raw siya ay bakit hindi ko ibigay. Ang sa akin naman, kung mahal niya ako ay kaya niyang maghintay. Alam kong sa panahon ngayon ay moderno na ang lahat. Pero namulat ako sa makalumang paraan at hindi ko ikinakahiya iyon. "f**k!" mariing pagmumura nito sabay marahas na napasabunot sa sariling buhok. He was frustrated. Pero kahit ilang beses niya gawin sa akin iyon ay paulit-ulit parin akong tatanggi. "I'm sorry…" baling niya sa akin ng hindi ako umimik. "Miss lang kita." "Okay lang," tipid kong sagot. Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga bago tumayo. "I should go home. It's getting late, you better take a rest," seryosong sabi nito at naglakad patungo sa main door ng bahay. Hinatid ko siya sa labas ng gate. Hindi na rin niya ako nagawang lingunin at basta na lang pinaharurot ang sasakyan paalis ng bahay. Napapailing na lamang ako habang papasok ng bahay. Kinasanayan ko na lang ang mga inaasal niya. Sa aming dalawa ay ako ang madalas na umuunawa sa pag-uugali niya. Minsan na nga akong pinagsabihan ni Lucas dahil baka raw mamihasa kung ako parati ang susuyo kay Al. Tinawanan ko na lang si Lucas sa sinabi niyang iyon. Alam ko naman na para sa akin ang payo niya pero kaya ko naman dalhin ang relasyon namin ni Albert. Nang makapasok sa kuwarto ay agad kong tiningnan ang cellphone ko. Marami ngang missed calls si Albert. Hindi ko narinig iyon dahil naka-vibrate lang ang tone ng phone ko. Napangiti ako ng makita ko na may message si Lucas. I-text ko raw siya kapag umalis na si Albert. Malamang, tsismis na naman ang habol nito sa akin kaya nagawa pa nitong mag-text sa akin. Hindi ko ito ni-reply-an, bagkus ay tinawagan ko ito. Isang ring pa lang ay sinagot na nito ang tawag ko. "What happened?" bungad na tanong kaagad nito sa akin. I rolled my eyeballs. Bagamat may pag-aalala sa boses nito, I doubt kung totoo man na nag-aalala nga ito. "Wala, nag-usap lang kami," dahilan ko. Hindi ko masabi sa kan'ya na pinagseselosan siya ni Albert. Ayoko isipin ni Lucas na isa siya sa dahilan ng pinag-aawayan naming dalawa ni Al. Kilala ko si Lucas, baka magkainitan pa silang dalawa ni Albert kapag sinabi ko iyon o baka pagtawanan lang ng kaibigan ko si Albert. Pareho silang mahalaga sa akin kaya ayoko dumating sa punto na mag-aaway sila ng dahil lang sa akin. "Nagka-ayos na ba kayo?" Sa sinabi nito ay nabahala ako. Hindi ko nga alam kung okay na ba kami ni Albert dahil may hindi na naman kami napagkasunduan at hindi ko rin pwedeng sabihin iyon sa kan'ya. Masyado na itong pribado kahit magkaibigan pa kaming dalawa ni Lucas. "Yes," pagsisinungaling ko. Nagdasal ako na sana hindi nito napansin ang boses ko na tila alanganin ang sagot. "That's good. Nasa kwarto ka na ba?" "Yes. Kaaakyat ko lang." "What are you doing?" "Naka-upo, ikaw?" Hinintay ko itong sumagot ngunit ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa ito nagsasalita. "Lucas?" pukaw ko rito. Masyado naman yatang malalim ang iniisip nito kaya nakalimutan na yata na may kausap siya sa kabilang linya. "Hmm…" "Hindi ka na sumagot." "May iniisip lang ako," seryoso ang boses na sagot nito. Bigla tuloy ako na-curious. "Ano naman?" excited kong tanong. Lalong lumawak pa ang pagkakangiti ko dahil sa sinabi nito. I doubt na nag-iisip ito ng tungkol sa kumpanya kapag ako ang kausap. I'm sure na nakaisip na naman ito ng ipang-aasar sa akin. "Babae," tugon nito. Ang malawak kong ngiti ay mabilis pa sa alas kuwatro na naglaho na parang bula sa naging tugon nito. Kapag ito ang kausap o kasama ko, kahit madalas kami mag-asaran ay hindi nawawala ang ngiti ko sa labi. No doll moments when I'm with Lucas. Pero ang marinig sa bibig nito na babae ang iniisip nito habang kausap ako ay nakakapanginig ng laman. "Dee, are you there? Ikaw naman ang nawala," natatawang saad nito sa kabilang linya. "Sinong babae naman 'yan? Seryoso na ba 'yan, ha?" sunod-sunod na tanong ko. Ang nakakainis kay Lucas ay puro babae ang nasa isip pero mukha naman na walang balak magseryoso. Ilang beses ko na ba ito nakikita na may kasamang babae? Simula lang naman no'ng teenager kami. Simula ng tubuan ito ng tigyawat sa ilong na labis na ika-stress nito dahil masisira raw ang kan'yang guwapong mukha. Hindi siya makaharap sa mga babaeng araw-araw na lang ay iba-iba ang mukhang nakikita kong kasama nito. Ang siste, hindi ito lumabas ng bahay hangga't hindi nawawala ang pimples nito sa ilong na akala mo ay ikamamatay niya. Mabuti na lamang at bakasyon iyon kaya hindi nakaapekto sa pag-aaral nito. Kahit naman um-absent si Lucas ay mabilis niyang makukuha ang pinag-aralan sa school dahil bukod sa guwapo ay matalino ito, mayabang nga lang. "Just kidding. Sige na matulog ka na. Ang sabi ko i-text mo ako hindi tawagan. Masyado mo na naman akong na-miss." Napasimangot ako. Kahit hindi ko ito nakikita ay alam ko na pilyo ang ngiti nito. "Ewan ko sayo. Sige na, goodnight!" singhal ko rito. Pipindutin ko na sana ang end button ng magsalita ito sa kabilang linya. "Dee." "Bakit?" "Don't forget you have a friend. When something bothers you, I'm here to listen." Lahat ng mga iniisip ko ay naglaho sa binitawan nitong salita. Ang mga gano'ng salita ng kaibigan ko ang nakakatanggal ng mga bagay na bumabagabag sa akin. Lagi akong nagpapasalamat sa itaas dahil binigyan niya ako ng kaibigan na handang makinig sa lahat ng hinanaing ko. Mapang-asar lang talaga bagay na hindi ko naman pinagsasawaan na gawin niya sa akin. "Yes, sir," I said and giggled. He chuckeld. I end the phone call. Sa aming dalawa, ako ang unang nagpapatay ng tawag kapag tumatawag siya o ako. Mas gusto raw niya iyon sa hindi ko malamang dahilan. Pagkatapos kong maligo ay nagpatuyo muna ako ng buhok. I'll check my cellphone if Al has a message. As usaul, katulad ng dati, wala man lang itong text kung nakauwi na ba o hindi pa. Napapailing na lamang ako sa ugali ni Albert. Kung tutuusin ay dapat siya ang dapat na magdadala sa relasyon naming dalawa dahil sa edad niya ay may naka-relasyon na siya. Samantalang ako ay first boyfriend ko s'ya pero ako pa yata ang bihasa sa pagdadala ng isang relasyon sa inaasta niya. Tumigil ako sa pagpapatuyo ng buhok gamit ang blower ng tumunog ang cellphone ko. I raised my brow when I saw my bestfriend calling. "Hindi pa rin pala tulog ang damuhong ito?" bubulong-bulong ko habang inaabot ang cellphone na nakapatong sa kama. "Dee, gising ka pa?" tanong nito dahilan para umikot ang mata ko. "Ay hindi, tulog na po ako. Malamang gising pa ako kasi sinagot ko ang tawag mo," pabalang kong sagot rito. Sumilay ang ngiti sa labi ko ng marinig ko ang malutong nitong tawa sa kabilang linya. Marinig ko lang ang tawa nito ay nawawala ang mga negative energy ko sa katawan. "You want milk tea?" Nagsalubong ang kilay ko sa tanong nito. "Oh no, no. Don't tell me," umiling-iling na sabi ko saka tumayo. "Yes, kaya habang malamig pa ito ay bumaba ka na," anito dahilan para mabilis kong tinungo ang pintuan ng kuwarto ko. Para akong bata na nagmamadaling bumaba ng hagdan dahil dala-dala ng magulang ko ang pasalubong ko. Ngunit sa pagkakataong ito, si Lucas ang may dala nito. Nakita ko itong printeng nakaupo sa sofa. Kahit nakatalikod ito ay alam na nitong parating na ako. "I doubt kung umuwi ka," bungad ko rito saka pahapyaw na hinablot ang buhok nito. "Ouch! Mag thank you ka na lang dahil bumalik ako," anito habang inaayos ang buhok. Umupo ako sa tabi nito at kinuha ang milk tea na dala niya na nakapatong sa glass table. Mabilis ko kaagad na ininom ito. "Thank you po," sabi ko at parang bata na ninanamnam ang pag-inom ng milk tea. Hindi ko na ito tatanungin kung sino ang nagpapasok rito. Sigurado naman ako na si Amy ang tinawagan nito para pagbuksan ito ng gate. Ito namang si Amy, dahil malaki ang paghanga sa kaibigan ko ay kahit inaantok pa ay pagbubuksan si Lucas. Natigilan ako sa pag-inom ng hawakan nito ang taas ng ulo ko. Muntik ng matapon ang nasa bibig ko ng hinila niya ang dulo ng buhok ko. "How many times do I have to tell you na huwag ka maliligo sa gabi? Matigas talaga ang ulo mo ano, Jaydee Antonio?" sermon nito sa akin. Alanganin akong ngumiti rito ng balingan ko ito. Seryoso ang mukha nito ng sulyapan ko. Ayaw na ayaw kasi nito na naliligo ako sa gabi. Hindi naman ako sanay na maligo sa gabi lalo na at galing pa ako sa labas. "Last na 'to," sabi ko kahit hindi totoo. "Huwag ako, Jaydee. Ilang beses mo ng sinabi iyan sa 'kin at hindi ako naniniwala na sinusunod mo ang sinasabi mo." Napangiwi ako sa sermon nito. Wala talaga akong maitatago sa lalaking ito. "Gusto mo manuod?" pag-iiba ko sa usapan at matamis itong nginitian. He automatically raised his brow. "Matutulog na ako," sabi nito sabay tayo at tinungo ang hagdan. "Hoy! Dito ka na naman matutulog. Nagpaalam ka ba kay lola at tita?" "Hindi na ako bata para magpaalam. Alam na rin nila kapag wala ako sa bahay," sagot nito habang patuloy sa pag-akyat. Nagmamadali naman akong sumunod rito dala ang milk tea. "Manuod muna tayo ng movie," pagpupumilit ko habang nakasunod rito. "Oh come on, Dee. Palibhasa hindi ka pa inaantok. Matutulog na ako dahil maaga pa ako bukas," tugon nito na hindi ako sinusulyapan. "Ako din naman ah," giit ko. Tinitigan muna ako nito bago nagpakawala ng buntong-hininga. "Ano'ng gusto mong panoorin?" Napangiti ako dahil alam ko na hindi ako nito matitiis. "May bagong movie ako na-discover, tara!" yaya ko rito at hinawakan ko ito sa kamay para umakyat. "Hindi ako magtataka kung horror na naman iyan." Natawa ako sa sinabi nito. Horror kasi ang madalas ko panoorin bagay na hindi nito gusto. Kapag kasi nasa part na suspense ay nagtatakip na ako ng mata. Nasa huling baitang na kami ng hagdan sa taas ng tumigil siya. Nagtatanong naman ang tinging ipinukol ko rito. "Nagbago na ang isip ko," anito dahilan para samaan ko ito ng tingin. "Pakiklaro, Lucas Connery," nakapamaywang na sabi ko at pinanliitan ito ng mata. Sumilay ang pilyong ngiti sa labi nito sabay gulo sa buhok ko. "Just kidding," natatawang saad nito at ito na ang humila sa akin papasok sa kuwarto ko. Matagumpay akong ngumiti. Kahit kailan ay hindi niya ako kayang tiisin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD