JAYDEE
Alas sais pa lang ay nasa shop na ako. Daily routine ko na ang maagang pumasok kahit may mga staff ako para magbukas ng shop. Kailangan ko rin kasi ma-double check kung may kulang ba sa mga ingredients na gagamitin ko sa pag-bake.
Kailangan ko rin maglinis kahit bago kami magsara ay naglilinis muna kami. Iniiwasan ko na magkaroon ng reklamo dahil ayoko masira ang pangalan ko lalo na ang pangalan ni Lucas. Nakasalalay ang pangalan ng kaibigan ko dahil siya ang nag-suggest sa akin na magbukas ng shop malapit sa Estevan University. Kilala siya ng mga professor lalo na at sa unibersidad din siya nagtapos.
Dahil sa dami ng customers ay hindi ko na sinubukan na mamigay ng flyers. Iyon sana ang plano ko ng bagong bukas ang shop, ang kumuha pa ng mga orders online. Hindi ko naman in-expect na marami pala ang tatangkilik sa gawa ko lalo na mga estudyante sa unibersidad.
Dalawang buwan pa lang ang shop kaya medyo inaaral ko pa kung paano i-handle ang makipag-usap sa mga customer. Mabuti na lamang at businessman si Lucas at tinuturuan niya ako.
Online business ang una kong ginawa. Mas naha-handle ko pa iyon kapag may order. Mapapakiusapan pa ang customer kapag made-delay ang order. Ang problema nga lang sa online ay may customer na nagka-cancel. Okay lang sana kung mga damit ang pinapa-order ko at pwede ko pa ibenta sa iba. Pero cakes and pastries ang mga iyon at wala ng remedyo. Kapag may gano'ng problema ay si Lucas ang taga-salo. Binibili nito ang cancel order ko na cake at hindi ko na alam kung saan niya dinadala.
Nang ilang beses na nangyari sa akin iyon ay minabuti ni Lucas na magtayo na lang daw ako ng sarili kong shop. Sumang-ayon ako dahil wala naman mawawala kung susubukan ko.
Ngunit hindi ko na yata alam ang gagawin kapag dumarami ang mga tao sa shop. Ibang-iba kasi sa online. Kapag gano'n ang nangyayari ay humihingi na ako ng tulong sa kaibigan ko. Mabuti na lang at natataon na hindi ito busy sa opisina nito.
Naglinis muna ako ng mga dapat linisin. Dahil linggo kahapon at pahinga ko naman ay si Josa ang namahala rito sa shop. Siya ang pinagkakatiwalaan ko kapag wala ako.
Josa is my college classmate. Wala naman daw itong ginagawa sa buhay kaya minabuti kong siya na lang ang hahalili sa akin kapag wala ako sa shop.
Nagpupunas ako ng mga tray ng mag-vibrate ang phone ko mula sa bulsa ng aking maong pants. Napangiti ako ng mapagsino ang tumatawag.
"Ang tigas talaga ng ulo mo, Jaydee Antonio," bungad kaagad nito sa akin sa kabilang linya.
Kapag ganitong buong pangalan ko ang binanggit nito ay seryoso ito at kailangan ko na mag-isip ng isasagot dahil alam ko na kung bakit gano'n ang bungad nito sa akin.
"Bakit?" patay malisya kong tanong.
"Don't play innocent, sweet cake," and now the endearment.
Nataranta ako at mabilis na lumabas ng baking area pero nasa loob na ng shop si Lucas.
Alanganin akong ngumiti sa harap niya ng makita ko ang seryoso niyang mukha. Binaba na nito ang nakalagay sa tenga at seryoso lang na nakatingin sa akin.
Pasimple akong bumuga ng hangin at naging malikot ang mata ko. Sana lang ay makumbinsi ko siya sa paliwanag ko.
"Maaga kasi umalis si daddy at mommy kaya hindi ako nakasabay. So I used my motorcycle," paliwanag ko na hindi ito sinusulyapan.
"Bakit hindi mo ako tinawagan instead?"
"Ahm…"
Ang hirap mag-isip lalo na kapag ganito kaseryoso si Lucas.
Sa gilid ng mata ko ay umupo ito sa bakanting upuan.
"Dapat pala hindi ako umuwi ng madaling araw," umiiling-iling na sabi nito.
Ayaw nito manuod ng horror kaya kahit hindi pa tapos ang pinapanuod namin ng nagdaang gabi ay tinulugan ako nito. Ako naman itong takot manuod mag-isa ay hindi na tinapos ang movie. Mas gusto kasi nito manuod ng action movie bagay na pinagkaiba naming dalawa.
Hindi ko na rin ito ginising dahil mahimbing na itong natutulog. Sa kabilang kuwarto na lang ako natulog, ang sariling kuwarto nito sa bahay. Naalimpungatan lang ako ng nagpaalam itong uuwi na.
"May kape na ba?"
"I'll make you a coffee, sir," nakangiti kong saad ngunit pinanliitan lang niya ako ng mata.
Hindi ko masisisi si Lucas kung bakit ayaw na niya ipagamit sa akin ang motorsiklo ko. Minsan ng nalagay sa peligro ang buhay ko dahil sa motorsiklo na ngayon ay gamit ko. Nang malaman iyon ni Lucas ay galit na galit siya. Pinahanap pa nga niya ang may-ari ng sasakyan na nakabangga sa 'kin pero sabi ko ay hayaan na lang dahil may kasalanan din ako.
Galing ako sa shop ng araw na iyon. Nagmamadali akong umuwi dahil gusto kong makahabol sa celebration sa bahay. Nagawa ko mag-overtake sa isang sasakyan na hindi ko naman alam na kakabig pala sa gawi ko kaya nasagi ang motorsiklo na minamaneho ko.
No'ng isang buwan lang nangyari iyon. Mabuti na lamang at gasgas lang ang tinamo ko. Simula ng mangyari ang aksidenteng iyon ay hindi na pinagamit sa akin ni Lucas ang motorsiklo ko.
Siya ang nag-regalo sa akin ng maganap ang ikalabing walong kaarawan ko kaya labis ang pagsisisi nito kung bakit sinunod niya ang wish ko na magkaroon ng sariling motorsiklo. Kahit mga magulang ko ay ayaw na rin ipagamit sa akin dahil nga sa nangyari.
Minsan pang nag-suggest si Lucas na bilhan na lang ako ng sasakyan pero tumanggi ako. Mas gusto ko sumakay na lang sa sasakyan niya kaysa ang magkaroon ng sariling sasakyan.
"Sir, your coffee is served," nakangiti akong tumingin sa kanya dala ang kape niya.
Umupo ako sa tapat niya ngunit tinaasan lang niya ako ng kilay.
"Sungit," nakasimangot na saad ko sabay tingin sa labas ng shop.
Maganda ang veniew ng shop. Malapit sa entrance ng mga estudyante kaya kapag may papasok at umuuwi ay napapadaan muna sa shop ko.
"Susunduin kita mamaya."
"Okay po," pigil ang ngiti na tugon ko.
"Makulit pa rin ba sila dito?" tanong niya habang humihigop ng kape.
Bumaling ako ng tingin sa kan'ya. Ang tinutukoy nito na makulit sa shop ko ay ang mga kapitbahay nitong mga estudyante na mga Fil-Am. Pinay ang nanay at American naman ang tatay.
"Hindi naman. Maingay lang sila pero kapag sinaway ko ay tumatahimik na. Alam kasi nilang isusumbong ko sila sa'yo."
"Good. Sabihin mo kapag makulit sila.
Iisa-isahin ko ang mga bahay nila para kausapin," bilin nito sa akin.
Tumawa na lang ako sa sinabi nito.
Kung magsasama-sama ang apat na iyon at si Lucas ay hindi mo na kailangan pumunta ng America para lang makakita ng foreigner. Sa mga mukha pa lang ng mga ito ay mabubusog ka na.
Ang papa ni Lucas ay German at talagang habulin ng mga babae. Eh, maganda si Tita Lucy, ang ina nito, kaya ang lumabas ay isang adonis. Kaya nga maging si Josa ay nagtataka kung bakit daw hindi man lang ako na-aattract sa kagwapuhan ni Lucas. Ang sabi ko naman ay hindi ko pag-iintresan si Lucas lalo na at tinagurian din itong playboy ng taon.
"Hindi ka pa ba papasok ng opisina mo?" tanong ko rito ng maubos na niya ang kape. Printe pa kasi itong naka-upo.
"Mamaya na kapag dumating na si Josa," sagot nito.
"Sabagay kahit anong oras ka naman pwedeng pumasok, 'coz you are the boss," sabi ko at tumayo saka kinuha ang tasa na ginamit nito.
Pumunta ako ng baking station at hinugasan ko ang tasa. Kahit hindi ako lumingon ay alam kong nakasunod ito sa akin.
"Bake mo naman ako ng cake," malambing nitong wika sa akin.
"Kanino mo naman ibibigay?" nakataas ang kilay na tanong ko.
"Kailangan ba may specific person kapag magpapagawa ng cake sa'yo?" pilyo ang ngiti sa labi na tanong nito ng tapunan ko ng tingin.
"What kind of cake?"
Nagpunas ako ng kamay sa apron na nakalagay sa aking katawan pagkatapos ko maghugas bago siya hinarap.
"Anything, I just want to celebrate the friendship of my bestfriend with me."
Sa sinabi nito ay napaawang ang labi ko. Anong araw nga ba ngayon?
Natampal ko ang noo ng maalala ko ang date at buwan.
Tumawa lang siya sa ginawa ko.
"You're only twenty five years old, Dee, pero sobrang makakalimutin mo na," natatawang turan nito.
"Marami kasi ako iniisip. Hindi tulad mo na puro babae ang laman ng utak," nakairap na sabi ko rito.
"Ouch, you're hurting me, Dee," sabi nito na humawak pa sa dibdib na akala mo'y nasaktan sa sinabi ko.
Binato ko ito ng basahan na pinanlinis ko sa tray. Mabilis naman itong nakailag.
"Ang arte mo."
"Gwapo naman."
"Baliw ka!"
"Baliw sila sa 'kin," tatawa-tawang sagot nito.
"Argh! Lahat na lang talaga, Lucasensio," nanggigigil na sabi ko rito.
Tinulungan na ako nito maglinis sa loob ng shop habang hinihintay si Josa at ang staff. Pawis na ito ng balingan ko habang hawak ang mop at nagkukuskos sa sahig.
"May dala kang extra shirt?" tanong ko rito habang inaayos ko naman ang counter.
"Yes. Sa office na lang ako mag-papalit," anito habang patuloy sa pag-mop ng sahig.
Kinuha ko sa locker ang bag ko at kinuha ang towel na parati kong dala. Lumapit ako rito at pumuwesto sa likuran nito. Tumuwid ito ng tayo dahil alam na nito ang gagawin ko.
"Huwag ka magpapatuyo ng pawis, Lucas. Mahirap ang magkasakit ngayon," pagpapaalala ko rito.
"Yes, ma'am," tugon nito.
Humarap ito sa akin ngunit nagkamali ito ng pihit. Naapakan pa nito ang mop. Dahil hindi pa ako nakakaalis sa likuran nito ay nasagi ako nito. Madulas pa ang sahig kaya nawala ako sa balanse.
Buong akala ko ay babagsak ako ngunit mabilis na umikot ang kamay ni Lucas sa baywang ko para saluhin ako at hindi tuluyang bumagsak sa sahig. Kasabay nito ay ang dinig kong pagbagsak ng kung ano sa sahig. Nang sulyapan ko ay ang mop iyon na kanina lang na hawak ni Lucas.
"Careful, Dee," kunot ang noo na sabi nito.
Mabilis kong hinablot ang buhok nito para sabunutan.
"Ikaw kaya ang mag-ingat. Alam mo naman na nasa likod mo ako," reklamo ko rito habang sinasabunutan ito.
"Aray! Ang careless mo kasi," paninisi nito sa akin.
"Ah, gano'n? Ako pa talaga ngayon ang careless."
Dalawa na ang kamay na ginamit ko sa buhok nito. Tawa naman ako ng tawa habang sinasabunutan ko ito dahil mukhang tuwang-tuwa pa ito sa ginagawa ko.
Isang tikhim lang ang nag patigil at nag-palingon sa aming dalawa. Sabay namin binitawan ang isa't-isa ng makita namin ang makahulugang ngiti ng bagong dating.
"Good morning, Papa Lucas, " bati ni Josa na bagong dating.
Akma itong lalapit kay Lucas para halikan sana sa pisngi pero umiwas si Lucas. Natawa naman ako sa itsura ni Josa. Nalukot ang mukha nito sa ginawa ni Lucas.
"Good morning, pa'no nandito na si Josa. I gotta go," paalam ni Lucas sa amin.
Inirapan lang siya ni Josa dahilan para tumawa si Lucas.
"Kung hindi ka lang guwapo Papa Lucas, hindi kita pagtatyagaan," reklamo nito sa kaibigan ko.
Tumawa lang si Lucas habang palabas ng shop. Ginaya pa nito ang lakad ni Josa. Ang lalaking lalaki kung umasta ay kumikendeng sa harap naming dalawa ni Josa. Natatawa na lang ako sa ginagawa ng kaibigan ko.
"Ikaw naman, bakla, pagsabihan mo 'yang kaibigan mo, ha. Ayaw kong nakikita ang guwapo niyang mukha rito sa shop. Jusko, nalalaglag ang panty ko!" anito sabay tili. Para itong bulate na sinabuyan ng asin sa sobrang kilig.
"Wala ka naman panty, brief ang sinusuot mo," natatawa kong sabi rito saka ito tinalikuran.
"Bastos din 'yang bunganga mo, bakla, ano? Kapag ako natuloy magpa-transgender, who you ka talaga sa akin. Itago mo na rin si Papa Lucas dahil aagawin ko s'ya sa'yo," puno ng determinasyon na sabi nito.
"Bago mo maagaw si Lucas, pipila ka muna, bakla. Alam mo naman na maraming babae ang nagkakandarapa sa kaibigan kong iyon."
"Eh, bakit naman kasi hindi mo pa itali sa'yo. Bagay naman kayong dalawa ni puppy. Kung ako sa'yo, bago ka pa matauhan at maunahan ng iba ay pikutin mo na bakla. Bahala ka, nasa huli ang pagsisisi," makahulugang sambit nito na tinawanan ko lang.
Ilang beses na niya akong nirereto sa kaibigan ko. Hindi ko lang pinapansin dahil wala naman akong balak na patulan. Isa pa, alam nito na may boyfriend ako.