JAYDEE
Pagkaalis ni Lucas ay agad akong nagpatulong kay Josa para mag-bake.
Tama lang ang oras para sa pagba-bake ko ng mga cakes and pastries, hindi ako ginagahol sa oras.
Nagsimula na ring dumami ang tao. Alas otso ang open ng shop pero hindi pa nga nakabukas ay may mga nakapila na sa labas at halos karamihan ay mga estudyante. May mga ilan na nagtutulakan pa pero pinaalalahanan ko na lang na mag-iingat. Kilalang unibersidad ang pinapasukan ng mga ito. Balewala lang sa mga estudyanteng ito ang gumastos ng malaki dahil anak mayaman ang mga ito.
Mabuti na lang at may apat akong staff. Tatlo sa kanila ay full timer at isang working student, sa unibersidad din nag-aaral. Mamayang hapon pa nga lang papasok dahil pang-umaga ang klase nito.
Si Josa ang pina-tao ko sa kaha at ako naman ay tinulungan ko ang tatlo na mag-assist ng mga customer. May ilan ding mga professor ang kumakain sa shop. Sa umaga at hapon dumadami ang tao sa shop kaya tanghali lang talaga kami nakakapag-pahinga.
Almusal nila sa umaga at meryenda naman sa hapon kaya iilan na lang ang natitira sa gawa ko kapag uwian na ng alas singko. Nililimitahan ko lang kasi ang ginagawa ko dahil ayoko umulit ang benta sa customer. Ayoko magkaroon ng negative feedback galing sa kanila kaya hangga't maaari ay pinapaubos ko talaga pagdating ng hapon para kinabukasan ay bago na ang naka-serve sa mga customer.
Pagdating ng hapon ay dumating na ang mga guwapo kong customers. Sila ang tinutukoy ni Lucas na makulit, ang tinaguriang Campus Heartthrob ng Estevan University. Iyon kasi ang pagkakarinig ko sa usapan ng mga kababaihan na kapwa estudyante sa naturang unibersidad.
Totoo naman kasi ang mga sinasabi ng mga ilang estudyante na babae. Nang magsabog ng ka-guwapuhan ay sinalo ng apat na binata.
Nang pumasok ang apat ay siya namang tinginan ng mga estudyante lalo na ng mga kababaihan.
They are very popular, that is why all eyes are on them.
Nakangiti akong lumapit sa apat.
"Magandang hapon. Welcome to Sweet's Dee shop. Sa dating pwesto kayo?" magalang kong tanong sa mga ito.
Hindi nakaligtas sa mata ko ang simpleng ngisi ni Drixx, ang friendly sa magkakaibigan.
"Hindi n'yo naman kailangan maging pormal sa amin, Ate Jaydee," saad nito saka tumawa.
"Customer ko pa rin kayo," tugon ko bago sila sinamahan sa paborito nilang pwesto.
Sa bandang sulok iyon. Naka-reserve na talaga iyon para sa kanilang apat dahil araw-araw silang pumupunta sa shop.
Hiningi ko ang order nila ng umupo na sila. Habang nagsusulat ay napansin kong palinga-linga si Haru, ang pinaka-seryoso sa apat.
"Sino'ng hinahanap mo?" tanong ko dahilan para matigilan ito. Iling lamang ang naging tugon nito.
"Ate, 'yong staff mo na freshman dito, papasok ba?" tanong ni Syke.
Sa apat ito raw ang tinaguriang playboy. Pumasok tuloy sa isip ko si Lucas.
"Oo, parating na rin iyon. Bakit mo natanong?" kunot ang noo na tanong ko rito.
Tumingin ito kay Haru na seryoso naman nakatingin sa labas.
"Just asking," tipid nitong tugon sabay sumilay ang isang ngisi sa labi.
Pagkatapos ko makuha ang order nila ay pumunta ako ng kaha at binigay ang listahan kay Josa.
"Magkakapatid ba 'yang mga 'yan at si Papa Lucas? Parang mga pinagpala sa kagwapuhan," tukoy ni Josa sa apat.
Kibit-balikat lamang ang naging tugon ko rito. Nang makuha ang order ay bumalik ako sa pwesto ng apat para i-serve ang in-order nila.
Napansin kong naglabas ng isang kaha ng sigarilyo si Zick sa bulsa ng bag. Kinuha ko ang atensyon nito at pinakita sa kan'ya ang sign na 'NO SMOKING'. Nakuha naman nito ang ibig kong sabihin kaya binalik agad nito ang kaha ng sigarilyo sa bag.
Si Zick naman ang badboy sa kanilang apat. Nagtataka nga ako kung paano naging magkaibigan ang mga ito samantalang magkakaiba ang personality ng mga ito. Sabagay, kami rin naman ni Lucas ay magkaiba ang ugali pero naging matalik na magkaibigan.
Narinig ko nagsalita si Drixx.
"Dude, she's coming," tila excited nitong wika.
Tumingin ang apat sa pinto. Papasok doon si Luisee, ang pinakabata sa mga staff ko. Diretso lang ang lakad nito. Marahil ay hindi niya ako napansin.
"Nah, you must do something if you want to be notice," wika ni Zick na may ngisi sa labi. Hindi ko lang alam kung sino ang tinutukoy nito pero isa lang ang pumasok sa isip ko, one of them admired Luisee.
Nagbabanta ang mata na tiningnan ko sila isa isa.
"Kayo ha, bata pa si Lui. First year pa lang 'yan. Kaya iyon pumasok sa 'kin dahil para makatulong sa magulang. Huwag kayo gagawa ng ikasisira ng pag-aaral niya," sermon ko sa mga ito.
Pagkatapos ko iyon sabihin ay nagtawanan ang mga ito maliban lamang kay Haru na seryoso pa rin ang mukha.
"Hindi na ako magtataka kung bakit kayo magkaibign ni Kuya Lucas, pareho kayo mag-isip," natatawa na sabi ni Syke.
"Sige pagtawanan ninyo ako. Isusumbong ko kayo kay Lucas," nakairap na banta ko sa mga ito.
Sabay-sabay na tumigil ang mga ito. Nag-muwestra pa na nag-zip ng bibig si Drixx habang si Syke ay nakalapat ang hintuturo sa labi. Natatawa na lang ako sa mga kalokohan ng mga ito.
Pabalik na ako ng counter ng maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa aking bulsa ng pantalon. Napangiti ako ng makita ko ang 'My Enemy' sa screen ng phone ko.
"Have you eaten your lunch?" bungad na tanong kaagad nito sa akin.
Mariin akong pumikit saka nakagat ang ibabang labi. Nakalimutan ko nang kumain. Hindi ko pa kasi nararamdaman ang gutom.
"Again, Dee?" tila dismayado na saad nito.
"Kakain na po," bagkus ay sabi ko na lamang.
"Gusto mo ba kumain sa labas? Sabay na tayo mag-lunch," bagkus ay suhestyon nito.
Nilibot ko ang tingin sa loob ng shop. Dahil alas dos ng hapon ay wala pa naman masyadong estudyante. Kaya na ni Josa ang tumingin dito sa shop.
"Sige, hihintayin na lang kita," sagot ko rito saka tinapos na ang tawag.
Lumapit ako kay Josa. Hindi pa man ako nagpapaalam ay tila alam na nito ang sasabihin ko dahil sa makahulugang tinging ipinupukol nito sa akin.
"Kahit hindi ka magpaalam sa akin bakla, gora na. Si puppy naman ang kasama mo, unless…" pinutol nito ang sasabihin saka sumimangot.
Alam ko naman kung sino ang tinutukoy nito kaya mas mainam na rin na hindi nito tinuloy ang sasabihin dahil hanggang ngayon ay wala pa akong mensaheng natatanggap mula sa kan'ya. Mukhang nakalimutan na naman niyang may girlfriend siya.
Ilang minuto lang ay nasa tapat na ng shop si Lucas. Hindi na ito pumasok dahil baka harangin pa ito ng apat ko na guwapong customer.
Kinuha nito ang bag ko at binuksan ang pintuan sa front seat.
"So, where do you want to eat?" tanong nito ng makapasok sa loob ng sasakyan.
"Syempre, doon tayo sa, bida ang saya…" tugon ko at inawit ko pa iyon. Natawa naman ito sa ginawa ko.
Malapit lang sa shop ang fast food chain na pinuntahan namin. As usual, pagpasok namin sa loob ay sa amin na naman ang tingin ng mga kababaihan. Ito naman na kasama ko ay diretso lang ang tingin sa harap at mukhang pumipili na ng o-order-in kahit wala pa man sa counter.
"What do you want to eat, Dee?" tanong nito ng makahanap kami ng bakanteng mesa.
"Burger with fries and sun-"
"Magkanin ka. Burger steak, gusto mo?" putol nito sa sasabihin ko.
Sumimangot ako dahil hindi na sana ito nagtanong kung siya lang din naman pala ang magde-decide ng gusto kong kainin.
"Ikaw na bahala," nakasimangot kong tugon.
Matagumpay ang binitawan nitong ngiti sa labi saka ginulo ang buhok ko bago tinungo ang counter. Ako naman ay naiwang nakasimangot habang tinitingnan siyang nakapila.
Mayamaya lang ay nilibot ko ang tingin sa loob ng fast food chain. Mas dito ako komportable kumain lalo na kapag si Lucas ang kasama ko. Hindi mo aakalain na kumakain pala ang isang bilyonaryo na katulad niya sa ganitong kainan.
Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko ng makita ko ang grupo ng kababaihan malapit sa pwesto namin na halos hindi magkandatuto sa pag-aayos sa sarili. Dinig ko kung paano kiligin ang mga ito habang nagagawi ang tingin sa unahan ng counter. Umikot ang mata ko dahil alam ko na kung bakit parang mga bulate ito na animoy sinabuyan ng asin dahil sa sobrang kilig.
Nang bumalik si Lucas dala ang pagkain namin ay narinig ko na may impit na tumili. Mukhang nagsimula ng magtulakan ang mga babae kung sino ang lalapit.
"Ano'ng nguso iyan?" puna nito sa akin.
"Hmp, sa susunod, huwag mo na ako tanungin kung ano ang gusto ko kung ikaw rin naman ang masusunod," nakairap kong reklamo rito.
Natatawa na lamang ito habang nilalagay ang pagkain sa harap ko.
"Saan mo gusto mag-celebrate, Dee?" tukoy nito sa anniversary ng friendship naming dalawa.
"Sa bahay n'yo?"
"No. Gusto mo ba na mag-open na naman si lola about sa ating dalawa?"
"Sabagay, eh, saan tayo?"
Ilang segundo itong naging tahimik. Mayamaya lang ay pasimple nitong tinapunan ng tingin ang grupo ng kababaihan sa kabilang mesa. Isang matamis na ngiti at kindat ang pinakawalan nito bagay na nagpaikot sa mata ko.
Sunod-sunod na subo ang ginawa ko at hinayaan ko itong magpa-cute sa mga babaeng kulang na lang ay maputulan na ng ugat sa leeg sa kakatili.
"Ang guwapo talaga ng kaibigan mo, Dee," pagmamayabang na naman nito saka ako binalingan.
"Guwapo na mayabang," pagtatama ko.
"Tss, accept it Dee. Wala kang magagawa dahil nagkaroon ka ng bestfriend na guwapo. Kaya hindi mo rin ako masisisi kung maraming babae ang nagkakandarapa sa 'kin," buong pagmamalaki na sabi nito.
Kinuha ko ang natitirang burger steak at sinubo iyon sa kan'ya. Pinigilan ko ang tumawa dahil dumaloy sa gilid ng bibig nito ang sauce ng burger steak.
"Ang daldal mo. Kumain ka na lang."
Napapailing na lang ito habang nginunguya ang burger steak na sinubo ko sa bibig nito. Nang tapos na nito kainin ay kumuha ako ng tissue para ipunas sa sauce na nasa bibig nito. Natigilan naman ako sa ginagawa ko dahil nawala sa isip ko na may mga babae pala ang nagpapa-cute rito. Baka isipin ng mga ito na boyfriend ko si Lucas, masisira ang diskarte nito.
Tatanggalin ko na sana ang kamay ko sa bibig nito ngunit pinigilan niya ako. Nagtatanong naman ang tinging ipinukol ko rito.
"Hayaan mo sila kung ano ang gusto nilang isipin, Dee. Pinagbigyan ko lang sila kanina, but now, I don't really care about them. As long as kasama ko ang bestfriend ko, sa'yo lang ang atensyon ko," seryosong saad nito na matamang nakatitig sa akin.
Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ng labi ko. Kaya gusto kong kasama si Lucas kahit saan ako magpunta dahil wala siyang pakialam sa mga babaeng napapalingon kapag dumadaan siya dahil kasama niya ako. Lahat ng atensyon niya ay sa akin lang napupunta. Masuwerte na ako dahil nagkaroon ako ng kaibigan na nasa akin lang ang atensyon kapag magkasama kaming dalawa. At gusto ko iyon ipamukha sa mga babaeng gumagawa ng paraan para lang mapansin ni Lucas.
Pagkatapos namin kumain ay nagyaya na akong bumalik sa shop.
"Hey, huwag masyado magpapagod. Magba-bake ka pa mamaya," bilin nito sa akin ng palabas na ako ng sasakyan.
"Opo, ikaw rin," tugon ko at muling sinara ang pinto ng sasakyan saka humarap rito.
"Sorry Lucas, nawala sa isip ko. Hindi tuloy ako nakagawa ng tarpaulin nating dalawa," paghihimutok ko.
Dati kasi ay nagagawa ko pa mag-decorate sa veniew kung saan gaganapin ang celebration dahil kaya ko pa mag-adjust ng oras. Ngayon kasi ay may shop na ako kaya hindi ko na nagagawa ang nakasanayan ko dati. Nagawa ko pang makalimutan ang pinaka-importanteng araw sa amin ni Lucas. Mabuti na lamang at hindi ito tulad ng ibang kaibigan na hindi marunong umintindi, bagay na nagustuhan ko rito, maunawain itong kaibigan.
"Hey, hey, stop it, Dee. Don't do that again, okay? You're hurting my bestfriend," saway nito sa akin ng sinabunutan ko ang sariling buhok.
Napabuga ako ng hangin saka ngumiti sa kan'ya.
"Mamaya na lang natin isipin kung saan tayo," nakangiti kong turan rito.
Tumango ito kasabay ng isang matamis na ngiti. Ginulo muna nito ang buhok ko bago ako lumabas ng sasakyan nito.
"Ingat sa pagmamaneho, Lucasensio," bilin ko rito sabay pilyang ngumiti.
"I told you not to-"
"Bye!" putol ko sa sasabihin nito at tatawa-tawang pumasok na ng shop.
Alam ko na kasi ang sasabihin nito. Binanggit ko na naman kasi ang buong pangalan nito bagay na hindi nito gusto.