Chapter 10

2318 Words
JAYDEE Halos walang humpay ang tawanan namin sa mga kuwento ni Lucas. Ito ang nangunguna pagdating sa kuwento, kung baga, siya ang bangka. Hindi ko napapansin na marami na rin pala ako nakakain dahil halos lahat yata ng pagkain na nasa mesa ay nilantakan ko. Para kaming dumalo sa fiesta sa isang barangay sa dami ng pagkain. Hindi ko naman in-expect na magpapaluto pa pala si Lucas. Napag-usapan na rin naman kasi namin dati na hindi na kami maghahanda ng marami. Cake is enough pero nagpaluto pa pala ito. Ang sabi ni mommy ay hindi pwedeng walang handaan ang magaganap dahil ito rin ang araw kung kailan ako nag-open ng shop. Tama nga naman dahil tinaon ko din ang pag-bukas ko ng shop sa mismong date kung kailan kami naging magkaibigan ni Lucas. Kumuha pa ako ng spaghetti na nasa harap ni Lucas. Hindi na yata ako mapipigilan lalo na at mga paborito ko ang nasa harap ko. Kinuha ni Lucas ang serving spoon na hawak ko. Hinayaan ko na lang na siya ang maglagay sa plato ko. "Anak, hindi naman kaya sumakit ang tiyan mo niyan? Kanina ka pa kumakain," puna sa 'kin ni mommy. Sumimangot ako. "Kasalanan n'yo 'to, nagluto kasi kayo ng marami. Ang masaklap, mga paborito ko pa," paninisi ko kay mommy saka binalingan si Lucas at sinamaan ng tingin. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pigil na ngiti nito. Alam kasi nito na kapag nasa harap ko ang pagkain lalo na at mga paborito ko ay hindi ko talaga mapigilan ang hindi kumain ng marami. No wonder na siya rin ang nag-suggest ng mga ito para lutuin ni mommy. Tinaasan ko siya ng kilay ng mapansin ko na nilagyan pa pala niya ako ng cake na gawa ko. "See, mom, tingnan mo nga si Lucas oh, sinasadya talagang pakainin ako ng marami para sumakit ang tiyan ko," parang bata na sumbong ko kay mommy ngunit tinawanan lang ako ng mga ito. "Pero kinakain mo naman," ganting sagot nito. Pinanliitan ko naman siya ng mata. "Okay lang 'yan Ati Jaydee, maganda ka pa rin naman sa paningin namin kahit tumaba ka," singit naman ni Amy. Umikot ang mata ko sa sinabi nito. "Nambola ka pa, Amy. Wala akong pera. Si Lucas ang purihin mo dahil umaapaw ang pera niyan sa kaban," biro ko rito saka muling binalingan ang kaibigan ko at pinaningkitan ng mata. Muling napuno na naman ng tawanan ang mesa. "Sa susunod, anniversary na ng kasal ninyo ang i-celebrate natin," sabi ni Lola Amor dahilan para tumahimik ang mesa. Tila may dumaang anghel sa gitna ng mesa sa sobrang tahimik. Para kaming natulala sa isa't-isa dahil lang sa binitawang salita ni Lola Amor. Wala ni isa sa amin ang gusto magsalita. Lahat kami ay nakatuon ang atensyon kay Lola Amor na parang walang pakialam na patuloy lang na kumakain. Pasimple kong sinulyapan si Lucas. Nakatingin din ito sa lola niya. Maya maya lang ay tumawa si Lola Amor dahilan para muli ko itong balingan. "Nagbibiro lang ako," bawi nito sa sinabi. Nakahinga ako ng maluwag. Muli kong binalingan si Lucas. Sa pagkakataong iyon ay nakatingin na siya sa akin. May kung ano akong nabanaag sa mata niya ngunit hindi ko iyon mapangalanan. Kalauna'y nawala rin iyon ng ngumiti siya sa akin. Natapos ang selebrasyon sa tawanan. Halos kabagin yata ako sa katatawa lalo na at sinasabayan ni Amy si Lucas sa pagkukwento. Bago kami umalis ay naglinis muna kami ng shop. Kay Lucas na rin ako sumabay dahil may sasabihin ako rito. Sina mommy at daddy naman ay nauna na. Gayon din sina Tita Lucy at Lola Amor. "Pupunta ako sa opisina ni Al bukas," sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan ni Lucas. Tinatahak na namin ang daan pauwi. Pinaiwan na rin ni Lucas sa akin ang motorsiklo ko sa shop. Ipinasok namin iyon sa loob. Kukunin na lamang daw kapag ang pick up niyang sasakyan ang ginamit. "Malapit na rin kasi anniversary namin," patuloy ko. "That's good. Baka isipin niya ay wala ka ng panahon sa kan'ya. What time?" "Before lunch siguro," sagot ko na nanatiling nakatingin sa labas. "Okay, I'll fetch you before lunch," presinta nito. "Baka may gagawin ka," baling ko sa kan'ya. "I'm always free," anito saka tinapunan ako ng tingin at ngumiti. Tinitigan ko siya habang nakatuon ang atensyon niya sa daan. Para itong modelo sa suot nitong sky blue longsleeve polo na nakatupi ang manggas hanggang siko. Kahit relo lang ang tanging palamuti nito sa katawan ay hindi nakabawas iyon sa ganda nitong lalaki. Ang iba kasing nakikita ko na mga gwapo ay ginagawa ng jewelry shop ang katawan sa dami ng nakasabit na kung anu-ano. Ang buhok nito na kahit magulo ng bahagya ay gwapo pa rin tingnan. Malago ang kilay nito at bumagay sa nangungusap nitong mata. Kulay abo ang mata nito bagay na mas lalong nagpa-attract rito. Matangos ang ilong nito kaya madalas ko rin pisilin kapag nakasimangot ito. Katamtaman din ang kapal ng labi nito. He has a perfect jaw line either. In short, perfect face na talagang kinababaliwan ng mga kababaihan. Halos lahat ng nakakasalubong nito ay napapalingon. Alam ko iyon dahil parati ko iyong nasasaksihan sa tuwing magkasama kaming dalawa. Minsan ay ayaw ko dumikit sa kan'ya dahil napagkakamalan kaming magkasintahan. Pero kulang ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita. Hindi ako sanay na hindi ko nakikita ang presensya niya. Maliban sa magulang ko ay si Lucas ang happy pill ko. Hindi ko rin masisisi ang mga nakakakilala sa amin kung madalas kaming pagtambalin. Magkagayon man ay tinatawanan na lamang namin ni Lucas kapag nirereto kami sa isa't-isa. Alam kasi namin sa sarili namin na hanggang magkaibigan lang talaga kami. Baka nga siguro pinagtagpo lang kami para maging magkaibigan. Sa akin ay wala naman iyon problema. Pero sa mga nakakakilala kasi sa amin ay paulit-ulit na sinasabi na bakit hindi na lang daw si Lucas tutal ay kilala na namin ang isa't-isa, hindi na raw ako mahihirapan na pakisamahan siya. Pero tulad nga ng paulit-ulit kong sagot ay kaibigan ko lang si Lucas at masaya ako sa relasyon namin bilang isang matalik na magkaibigan. Napansin yata niya na nakatitig ako sa kan'ya kaya sinulyapan niya ako. "What? May dumi ba ako sa mukha?" takang tanong nito at tinuon muli ang atensyon sa pagmamaneho. "Ang pangit mo," nakasimangot na sabi ko at muling binaling ang tingin sa labas. "Really, huh? Sabi nila, kapag sinabi mo na pangit ang isang tao kahit hindi naman, it means, pogi siya sa paningin mo. Am I right, Dee?" Umikot ang mata ko. Umiiral na naman kayabangan ng lalaking 'to. "Sabi lang nila 'yon. Naniwala ka naman," sagot ko na nanatiling nakatingin sa labas. Wala na akong narinig mula rito kung 'di tumawa lang ito sa naging tugon ko. Pagdating sa bahay ay nakipag-kwentuhan pa si Lucas kay daddy. Umakyat naman ako sa kwarto dahil pagod na rin ang katawang lupa ko. Araw-araw na nga yata akong pagod. Hindi rin naman ako nakapag-pahinga ng linggo dahil tumatanggap ako ng order. Nagkataon lang kahapon na wala akong order. Ang problema lang ay maaga akong binuwesit ni Lucas. Bumibigat na ang talukap ko. Hindi pa ako naliligo pero tinatamad naman ako tumayo. Isa pa, baka sermon na naman ang abutin ko kay Lucas kapag nalaman niyang naligo ako. Kilala ko ang lalaking iyon, aakyat pa iyon para magpaalam na uuwi na siya. Nakabalagbag at nakadapa pa ako ng higa. Hindi ko na rin napigilan na ipikit ang mata ko. Pakiramdam ko ay sa kuwarto lang na ito ako nakakapagpahinga ng lubusan. Naramdaman kong lumundo ang kama ko. Hindi ko iyon pinansin dahil amoy palang ay alam ko na kung sino ang nasa kuwarto ko. "Do you feel sleepy?" malambing na tanong nito dahilan para mapangiti ako. "Hmm…" Rinig ko ang pagpapakawala nito ng malalim na buntong-hininga. "Do you think it's a good idea to introduce someone as my girlfriend to lola so she can stop matching us?" Agad akong nagmulat ng mata ng marinig ko ang sinabi nito. Tila nawala ang antok ko sa tanong niyang iyon. Kahit hindi ko siya tingnan ay alam ko na seryoso siya. "Basta may ipapakilala ka na sa kan'ya," sagot ko na nanatiling nakataob. Hinintay ko siyang sumagot. "Meron." Agad akong napabalikwas at mabilis na bumangon. Nakahiga na ito sa tabi ko at nakapatong ang ulo sa dalawang kamay nito. Tuluyan na rin nawala ang antok ko dahil sa sinabi nito. Nag-indian sit ako saka hinampas siya sa dibdib. "Ahw! Ayan kana naman, Dee. Nagiging bayolente ka na naman," reklamo nito sa akin habang himas ang bahagi ng dibdib na hinampas ko. "Bakit hindi mo sinasabi sa akin, ha?" nakasimangot na tanong ko rito. "Na ano?" patay malisyang tanong nito. Akma ko sana siya na sasabunutan pero mabilis siyang nakaiwas. Ginaya na rin niya ang upo ko. "Na may girlfriend ka na. Kaibigan mo ako tapos wala akong alam," may bahid ng pagtatampo na sabi ko. "Did I say that?" nagmamaang-maangan nitong tanong. "Oo, sinabi mo. Hindi ako bingi Lucasensio!" asik ko rito at hinampas ko siya ng unan na mabilis kong dinampot sa tabi ko. Mabilis naman niya iyon nasalag ng kan'yang braso saka kinuha sa akin ang unan. "I didn't say that, Dee. Inaantok ka lang," tanggi nito habang tumatawa. Tiningnan ko siya ng masama. "Pinagtitripan mo na naman ako," naiinis na sabi ko at pasalampak na nahiga. Tumagilid ako ng higa para talikuran siya. "I'm going home, Dee. Goodnight. Sleep well," bagkus ay sabi nito pero hindi ko siya pinansin. Ilang segundo na ang nakalipas ay hindi ko pa narinig na bumukas ang pintuan ng kuwarto ko. Hindi ako nakatiis kaya pumihit ako paharap para tingnan siya. Gayon na lang ang panlalaki ng mata ko ng humarap ako. Nakayukod siya at maliit na espasyo na lamang ang nasa pagitan ng aming mukha. Base na rin sa nakakaloko niyang ngiti ay hinihintay niya akong humarap. Mabilis na gumalaw ang kamay ko at dumapo iyon sa pisngi niya. Nasampal ko siya. "Ouch!" usal nito habang himas ang pisngi. Napatuwid din ito ng tayo at pinanliitan ako ng mata. "Buti nga sayo," sabi ko at tinawanan siya. "Tsk, kung hindi lang kita kaibigan ay ibinenta na kita sa mga sindikato," napapailing na sabi nito. Bumangon ako at tumayo sa kama. Muling gumalaw ang isang kamay ko para pisilin ang matangos niyang ilong. Nakatingala siya dahil mas mataas ako sa kan'ya. "Eh 'di ibenta mo, kung kaya mo," panghahamon ko rito. "You brat." Sa haba ng braso niya ay hindi siya nahirapan na abutin ang ilong ko saka gumanti ng pisil. "Aray, Lucas, ang sakit!" reklamo ko na lumiit ang boses dahil sa pagkakaipit ng ilong ko. "Mas masakit ang ginagawa mo sa 'kin," anito para mas lalo pang diinan ang pagkakapisil sa ilong ko. Para kaming mga bata na walang gustong magpatalo sa laro. Ang isang kamay ko naman ang gumalaw at pinisil ang kabilang pisngi niya. "Dee, ouch! Aray!" daing nito habang pisil ko ang pisngi niya. Kahit masakit na ang ilong ko ay hindi ko maiwasan na matawa sa kalokohan naming dalawa. Namumula na rin ang pisngi ni Lucas sa pagkakapisil ko pero wala akong balak bitawan siya. Alam ko naman kung sino sa aming dalawa ang unang susuko. Matagumpay akong ngumiti ng sa wakas ay una siyang bumitaw. Tinanggal ko na rin ang kamay ko sa ilong at pisngi niya. Hawak ang ilong at sapo ang pisngi ay para itong nanghihina na naupo sa kama. Naupo na rin ako sa tabi niya at pilyang sinilip ang pisngi niya. "Damn," rinig kong sambit nito saka tinapunan ako ng tingin. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Alam niya na ayaw kong nakakarinig ng bad words mula sa kan'ya. "Sorry," anito. Hinaplos nito ang ilong ko at napuno ng pag-aalala ang mga mata niya habang ginagawa iyon. "Sorry about this. Don't worry, I won't do it again. Baka kasi kapag ginawa ko ulit ito, iba na ang susunod kong gawin," makahulugang sambit nito dahilan para magsalubong ang kilay ko. "At ano naman, aber?" natatawa kong tanong at ginaya na rin ang ginagawa nito sa ilong ko. Marahan kong hinaplos ang ilong nito. Pagkatapos ay ang pisngi naman nito na namumula dahil sa pagkakapisil ko. Tumigil siya sa paghaplos sa ilong ko. Kapag-kuway dahan-dahang nilapit ang mukha sa akin. Sa ginawa nito ay mabilis na napalis ang ngiti sa labi ko. Tila ilang segundo rin tumigil ang aking paghinga. Sa sobrang lapit niya ay hindi ko magawang huminga lalo na at amoy pagkain pa ako. "I will kiss you," he huskily said. Pinapungay pa niya ang mata sa harap ko. Dahil sa kapilyahan ko at alam kong pang-aasar na naman niya ang sinabi sa akin ay nilapit ko rin ang mukha ko sa kan'ya. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko. Alam ko na sa aming dalawa ay ako ang madalas mapikon at minsan ay hindi ko siya kayang sabayan sa kalokohan niya. Pero sa tuwing ginagawa ko ang bagay na hindi niya inaasahan na kaya ko rin makipaglaro sa kan'ya ay hindi ko maipaliwanag ang nagiging reaksyon niya. "Then, do it," pilya ang ngiti sa labi na panghahamon ko rito. Pigil ang ngiti ko sa nakikita kong reaksyon ng kaibigan ko. Alam ko naman kasi na hindi niya ako kayang halikan dahil kaibigan niya ako. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga saka dahan-dahang nilayo ang mukha sa akin. "Matulog ka na," bagkus ay sabi niya at ginulo ang buhok ko. Bago siya tumayo ay dinampian niya ako ng halik sa noo. Pasimple akong napabuga ng hangin. He was referring to a kiss on the forehead. Tiningnan ko lang siya habang naglalakad patungo sa pintuan. Bago niya sinara ang pinto ay sumilip muna siya. Napapangiti na lang ako habang nakatanaw pa rin sa saradong pintuan. Hindi talaga kumpleto ang araw namin ng hindi nag-aasaran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD