JAYDEE
Nag-prepair na ako ng mga tools na gagamitin sa pagba-bake. Nilabas ko na rin ang mga ingredients.
Kahit maghapon akong naging busy dahil sa pag-entertain ng mga customers ay hindi ko naramdaman ang pagod ngayon dahil excited pa ako mag-bake ng cake namin ni Lucas. Siguro dahil ay espesyal talaga para sa akin ang araw na ito.
Nakapag-lagay na ako ng plastic gloves sa kamay ng maalala kong nakalugay pa pala ang buhok ko.
I sighed.
"Bakit?" takang tanong ni Lucas na nakaupo na para tingnan ang cake na gagawin ko.
"I forgot to tie my hair," sagot ko.
Akma kong tatanggalin ang plastic gloves sa kamay ng tumayo siya at pinigilan ako.
"Let me. Where is your pony?"
Wala na akong nagawa kung 'di ang ituro rito kung nasaan ang pony ko. Kapag kasi tapos na ang operations namin sa shop ay nagtatanggal na ako ng tali sa buhok dahil iniiwasan ko na masira ang unat kong buhok.
Kapag kasi nasa shop ay kailangan nakatali ako para walang buhok ang maligaw sa cakes na isi-serve namin. Ganoon din ang mga staff ko. Hindi ko sila hinahayaan na may mga buhok na naliligaw sa mukha nila. Hangga't maaari ay ayaw ko masira ang image ng shop ko ng dahil lang sa buhok.
Lumabas si Lucas ng baking station. Pagbalik niya ay dala na ang pony ko. Hinawakan niya ako sa balikat at pinatalikod ako sa kan'ya. Inipon niya ang mga hibla ng buhok ko sa likod ng aking ulo.
Lagi na niyang ginagawa ito sa akin pero hindi pa rin siya masanay-sanay. Natatawa na lang ako kapag may mga takas pa akong buhok pero naitali na niya kaya wala siyang choice kung 'di ang ulitin niya ang pagtali ng buhok ko.
"Bakit kasi ang kapal ng buhok mo? Ang hirap talian," reklamo nito.
"Kaya ang higpit na ng pagkaka-hawak mo. Ang sakit kaya sa anit," reklamo ko rin rito.
Nang sinabi ko iyon ay bahagya niyang niluwagan ang kamay na nakahawak sa buhok ko.
Napangiti ako sa pagiging maingat niya sa akin. Ayaw na ayaw kasi niya akong nasasaktan pero ayos lang sa kan'ya na saktan ko siya ng ilang beses. Kaya raw kasi niyang indahin ang pananakit ko huwag lang daw ako ang masaktan.
"Mas malala naman ang ginagawa mo sa 'kin. Kung hindi lang din talaga makapal ang buhok ko, malamang panot na ako. It's done."
Sa sinabi nito ay tumawa ako. Natapos na rin siya sa pagtali ng buhok ko na inabot ng ilang minuto.
"Hindi ako ang magiging dahilan ng pagka-panot mo, Lucas," paglilinaw ko rito.
"Really? I guess, kailangan ko na rin umiwas sa kanila. Kailangan ko rin siguro ito i-reserve para sa tamang tao," makahulugang saad nito saka pilyong ngumiti sa akin ng humarap ako rito.
Napailing na lang ako sa kapilyuhan nito.
Nagsimula na akong mag-bake. Si Lucas naman ay nakaupo lang at pinapanood ang bawat kilos ko. Kapag may kailangan ako ay pinapakisuyo ko sa kan'ya.
Habang busy ako, siya naman ay walang tigil ang bibig sa kaka-kuwento tungkol sa reklamo niya sa opisina. Ako naman ay nakikinig lamang sa mga hinaing niya. Kapag may gusto ako sabihin at ipayo sa kan'ya ay tumatahimik siya at nakikinig sa akin. Isa sa mga gusto kong ugali ni Lucas, nakikinig siya sa payo ng iba. Hindi siya ang tipo ng tao na sarili lamang ang pinakikinggan, marunong siyang makinig lalo na kung alam naman niyang malaki ang maitutulong sa kaniya.
Malapit na akong matapos sa ginagawa at naglalagay na lang ako ng icing sa ibabaw ng cake ng lumuwag ang pagkakatali ng pony sa buhok ko.
Awtomatikong napatingin ako kay Lucas. Nakapangalumbaba ito at seryosong nakatingin sa ginagawa ko. Sa sobrang seryoso nito ay hindi nito namamalayan na halos magdikit na ang kilay nito sa pagsalubong.
Nag-angat siya ng tingin ng marahil ay napansin niya na hindi ko pa tinutuloy ang ginagawa ko.
"Why?" takang tanong nito.
Napanguso ako. Dumiretso ako ng tayo at tumalikod sa kan'ya para makita niya ng lumuwag ang pagkakatali niya sa buhok ko.
"Patali po ulit," malambing kong utos sa kan'ya.
Hinintay ko itong magsalita pero nanatili itong tahimik.
"Lucas, patali ako," ulit ko rito.
"You're unfair, sweet cake. Malambing ka lang sa akin kapag may kailangan ka," nagtatampong turan nito.
Umikot ang mata ko sa pagtatampo-tampuhan nito. Puro reklamo pero ginagawa naman ang inuutos ko.
Naramdaman ko na nakalapit na siya sa likuran ko kaya maingat akong muling humarap sa ginagawa ko. Nang mahawakan na niya ang buhok ko ay yumukod ako para tapusin ang paglagay ng icing sa cake.
"Sa ating dalawa ikaw ang maraming reklamo, alam mo ba 'yon? Ano'ng gusto mo, ang palagi kitang sabunutan o ang maglambing sa'yo kapag may kailangan ako?" pilya ang ngiti sa labi na tanong ko rito. Alam ko na rin kasi ang magiging sagot nito.
"Both," sagot nito dahilan para mas lalo pa lumawak ang ngiti ko sa labi.
Napuno na ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nag-concentrate na ako sa paglalagay ng icing habang siya ay tinatali pa rin ang buhok ko.
"Dee," pukaw nito sa akin.
"Hmm.."
"Let me tie your hair first before you proceed," saad nito ngunit hindi ko pinansin ang sinabi nito at nagpatuloy sa aking ginagawa.
"Bakit naman? Icing na lang 'to oh," sagot ko.
I heard his deep sigh.
"Ang laswa kasi tingnan. Nasa likod mo ako tapos ikaw gan'yan ang pwesto mo."
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nito. Awtomatikong sinipat ko ang posisyon naming dalawa. Mas lalo lang nagdikit ang kilay ko dahil hindi ko makuha kung ano ang nais nitong tukuyin.
Ano naman ang malaswa? Naglalagay lang naman ako ng icing samantalang siya ay nasa likuran at hawak ang buhok ko.
Kapag-kuway nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko ang sinabi nito. Mabilis na gumalaw ang isang paa ko at inapakan ang paa niya.
"Ang bastos mo!"
"Ahw! What? Totoo naman. Kung may makakakita sa atin dito ay baka isipin na may ginagawa tayong kakaiba," katwiran nito.
"Tumigil ka Lucasensio, ha. Umiiral na naman ang kamanyakan mo," inis kong sabi rito.
Tumawa lang ito sa sinabi ko.
"Bakit kasi d'yan ka pumuwesto sa likuran ko kung pwede naman dito sa gilid ko?" tanong ko rito na nanatiling nakatuon ang atensyon sa ginagawa.
"Tumuwad ka kasi kaagad eh," paninisi pa nito sa akin.
"Ako pa ang sinisi mong pervert ka."
Muli itong tumawa at lumipat na ito sa gilid ko at hinawakan ako sa balikat.
"Sige na, stand straight," malambing naman na utos nito.
Sinunod ko na lang ang sinabi nito. Kahit kailan talaga ay hindi ito nawawalan ng pang-aasar sa akin. Magkagayon man ay naroon ang pag-iingat na hindi ako mabastusan sa mga binibitawan nitong salita.
Nang tapos na siya sa pag-tali ng buhok ko ay nagpaalam siyang lalabas muna. Tumango lamang ako bilang tugon. Malapit ko na rin matapos ang pag-decorate sa cake. Kami lang naman dalawa ang kakain pero dahil espesyal ang araw na ito ay pinaganda ko ang decoration sa cake.
I put a message at the top of the cake. 'Happy 17 years of asaran with you my enemy' ang nilagay ko.
Every year ganito ang set up naming dalawa. Nakakatuwa lang na umabot ang pagkakaibigan naming dalawa ng ganito kahabang taon.
The last time we celebrate our friendship was at his house pero ngayon ay wala pa kaming lugar na maisip kung saan kami magce-celebrate. Wala pa rin naman siyang nababanggit.
Nagsalubong ang kilay ko ng ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin siya. Ang tagal niyang bumalik samantalang wala naman siyang sinabi kung ano ang gagawin niya sa labas.
Minabuti ko ang lumabas na ng baking area para puntahan siya. Dinala ko na rin ang cake na ginawa ko. Paglabas ko ay gayon na lang ang pagtataka ko dahil nakasara na ang mga ilaw. Kanina lang ay bukas pa ang ilan sa mga ilaw lalo na ang pilot light.
Pinatay ba ni Lucas?
Ilaw na lang sa labas ng shop ang tanging nagsisilbing liwanag sa loob. Dapat pala hindi ko muna sinara ang pintuan ng baking station dahil nakabukas ang ilaw doon.
Nilapag ko muna sa counter ang hawak kong cake.
"Lucas?" tawag ko rito.
Hinintay ko s'yang sumagot ngunit ilang segundo na ang lumipas ay nanatiling tahimik ang loob ng shop.
Saan ba ang labas na sinasabi ng lalaking iyon?
"Lucas? Where are you?" tawag kong muli sa kaniya.
Naghintay pa ako ng ilang segundo ngunit katulad ng kanina ay wala pa rin sumasagot. Nakaramdam tuloy ako ng takot.
"Prank ba 'to, Lucas? If this is a prank I tell you, hindi nakakatuwa."
Nilagyan ko na ng inis ang boses ko para lumabas siya. Alam niyang hindi ko gusto ang prank.
Wala pa rin akong naririnig na boses ni Lucas. Binalot ng kaba at takot ang puso ko dahil baka napagtripan si Lucas sa labas. Pero secured naman ang paligid kaya kampante ako kahit mag-isa nga lang akong maiiwan sa shop ay ayos lang. Pero ang hindi ko makita ang kaibigan ay sadyang nakakaalarma.
Minabuti kong silipin siya sa labas. Baka kasi nakatulog ito sa loob ng sasakyan. Base sa kwento nito kanina ay marami itong ginawa. Pero dahilan ba iyon para iwan niya ako rito sa shop? Hindi ang tipo ni Lucas na basta na lang ako iiwan mag-isa lalo na at wala akong kasama. Hindi niya ako hahayaan mag-isa rito.
Malapit na ako sa glass door ng magliwanag ang buong paligid ko.
"Happy friendshipsary!"
Napaigtad pa ako ng marinig ko ang sabay-sabay na bati.
Nilingon ko ang pinanggalingan ng mga nagsalita. Sa sulok iyon kung saan laging nakapwesto ang apat kong gwapong customer. Nakatayo doon si mommy at daddy. Maging sina Lola Amor at Tita Lucy ay nandoon at malawak ang ngiti sa labi na nakatingin sa akin. Kasama rin sina Manang Fe at Amy na may hawak na balloon number seventeen. Then Lucas was there too wearing his widely smile.
I knew it. This is a surprise.
"Pinakaba n'yo naman ako," sabi ko habang hawak ang dibdib dahil para itong tumalon sa kaba ng magulat ako sa malakas na bati nila.
Lumapit ako sa mga ito. Niyakap ko si mommy at daddy, gayon din si Tita Lucy. Pagkatapos ay lumipat ako kay Lola Amor. Nagmano muna ako rito bago ko ito niyakap.
"I didn't expect this," naluluhang baling ko kay Lucas pagkatapos kong yakapin si Lola Amor. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi nito.
"Hindi ko naman hahayaan na tayo lang ang mag-celebrate, Dee. Parang hindi mo naman ako kilala," nakangiting sabi nito.
Dinibdiban ko ito at kinurot sa tagiliran. Tumawa lang ito sa ginawa ko.
"I'm your bestfriend, wala ba akong hug?" tanong nito na nakabuka na ang mga braso sa harap ko.
Inirapan ko siya bago ako lumapit. I hugged him. His manly scent makes me feel relaxed.
"Happy seventeen years of friendship, Dee," bati nito sa akin. Boses pa lang nito ay nawawala na ang pagod ko.
"Same here," tugon ko.
I hugged him tightly.
Napakaswerte ko at nagkaroon ako ng kaibigan tulad ni Lucas. His different. At sobra akong maiinis kapag may umagaw ng atensyon niya sa akin.
"Dee."
"Hmm?"
"Wala ka naman galit sa akin, 'di ba?"
Umiling ako bilang sagot ngunit nanatiling nakayakap rito.
"Hindi na ako makahinga. You're hugging me as if may aagaw sa akin sa'yo."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang iyon at mabilis pa sa alas kwatro ng kumawala ako sa pagka-kayakap ko rito. Nakangisi ito ng tingnan ko.
"Kapal mo," sabi ko at sinuntok ko siya sa dibdib.
"Ahw!" daing nito na animo'y nasaktan sa ginawa ko sabay hawak sa dibdib na dinapuan ng kamao ko.
"Don't worry, Dee, I'm all yours," tumatawa na sabi nito.
Nagtawanan ang mga kasama namin. Inirapan ko na lang ito dahil nagsimula na naman itong mang-asar.
Masaya ako dahil kasama namin mag-celebrate ang pamilya namin.
Maliban sa pag-celebrate ng mga kaarawan namin, isa ito sa pinakamasayang araw na gusto ko, ang i-celebrate ang araw ng pagkakaibigan namin ni Lucas. At maliban rito, ang makasama ko siya at ang pamilya ko ay sobrang nagpapaligaya sa akin.