Chapter 3: Sunrise & happy moment
"BAKIT hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo? There's a big way," malamig na tanong ni Jai sa lalaki. He puts me on his back and steps closer to the man. He seems nag-aaya talaga ng away. Bago pa man uminit ang ulo niya rito ay hinila ko na siya sa braso niya.
"Jai, let's just leave, shall we?" masungit na saad ko sa kanya. Hindi niya ako pinakinggan kaya humarang na ako sa pagitan nila. Tinulak ko ang lalaki sa dibdib at nagsalubong ang kanyang kilay, napatingin pa siya sa dibdib niyang hinawakan ko. Mabilis naman akong hinila ni Jai dahil hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.
"Baby, what the fvck?" he cussed at pinunasan pa niya ang kamay ko gamit ang panyo niya na dinukot pa niya sa pocket ng white pants niya. Napataas ang kilay ng lalaki dahil sa ginawa naman ng boyfriend ko.
Pinagtaasan ko rin siya ng kilay.
"Dude, next time. Wear your own eyeglasses para hindi ka na makabangga pa ng lalaki. Okay?" malamig na sabi ko at inaya ko nang umalis doon ang boyfriend ko.
Binitawan ko rin siya nang makalayo kami pero hinabol niya lang ang kamay ko.
"Are you still angry?" malungkot na tanong niya sa akin. Sinulyapan ko siya at walang emosyon na tinitigan.
"Ano sa tingin mo?" supladang tanong ko at inikutan ko siya ng mata.
Hindi ko na siya sinita pa nang sumama talaga siya sa canteen at dumiretso ako sa bakanteng table.
"I'll be the one to order," presinta niya. Duh, ginagawa naman niya iyon madalas. Siya ang nagbabayad ng kinakain namin. His duty raw as my boyfriend.
Hinawakan ko siya kumibo at pabagsak kong inilapag ang dala kong backpack, lumikha iyon nang ingay. Nakita ko pa na tumalon ang kanyang balikat dahil sa gulat. Mariin na tinikom na lamang niya ang bibig niya at bumuntonghininga. Maski ang schoolmates namin ay napatingin din sa gawi namin. Naguguluhan na timing nila kami. Nang makita ang madilim na mukha ko ay agad silang nag-iwas ng tingin.
Inabala ko ang sarili ko sa hawak kong phone habang naghihintay sa pagbabalik niya. Marami ng estudyante sa canteen at abala na rin sila sa pagkain nila.
Ibinaba ko lang ang phone ko nang makabalik si Jai. May dala siyang tray na naglalaman ng rice and fried chicken. Mayroon ding fried fishcake, softdrinks and mineral water. Tinanggal niya ang takip ng isa at inilapit iyon sa akin. Hinayaan ko siya nang siya mismo ang nag-asikaso sa akin. Panay ang kanyang pagtikhim dahil hindi ko talaga siya pinapansin.
"Hindi mo naman siguro susundin ang Daddy mo, `no? Hindi mo papalitan sa puwesto niya si Gov. Delos. Baby..." sabi niya. Alam kong ayaw na ayaw niyang gawin ko iyon Dahil nag-aalala siya. Sobrang delikado raw at masyado ring magulo.
"Let's see," balewalang sabi ko. Dahil wala rin naman akong makita na dahilan para hindi ako susunod sa aking ama.
"Baby naman..." mahinang saad niya. "Don't do that, baby..."
"Alam mong nag-iisang anak lang ako. That's why I don't have any choice but to accept my fate, susunod pa rin ako sa yapak ni daddy. Siya pa rin ang masusunod, walang magbabago roon," sabi ko sa kanya at umigting lang ang kanyang panga.
"May iba pa bang paraan para hindi iyon matuloy? Dahil gagawin ko iyon. Ayokong pumasok ka sa politika," sabi niya sa akin. Uminom muna ako ng tubig at ngumisi ako sa kanya. Pinaglalaruan ko pa ang straw ng drinks ko.
"Kung haharapin mo si Senator Ferrara, magpapakilala kang boyfriend ko at pakakasalan mo ako agad tapos handa kang maging sunod-sunuran kay Dad. Ikaw ang tatakbo, kapalit ko. Iyon lang ang paraan para hindi ako pipilitin ng daddy ko na pumasok sa politika," sabi ko at napahinto siya. Natawa na lamang ako dahil sa nakita kong reaksyon niya. Of course, isa lang joke iyon at alam ko na ang pagiging doctor talaga ang gusto niya at pangarap niya. Mahal ko siya kaya susuportahan ko naman siya. "Kumain ka na," sabi ko sa kanya at tinulak palapit sa kanya ang pagkain niya. "Don't mind that, Jai. I was just kidding, baby," nang-aasar na sabi ko sa kanya.
"In the right time, baby..." sabi niya lang saka siya nagsimulang kumain.
Inihatid pa niya ako sa classroom ko nang matapos kaming kumain na dalawa. Tahimik pa rin ako at kahit papaano naman ay nawawala na ang galit at tampo ko sa kanya. Kaya hinahayaan ko na siya na hawakan ang kamay ko. Magkasiklop iyon. Kaya ang mga estudyante ay hindi maiwasan ang mapatingin sa amin.
Alam naman nilang lahat na may relasyon kami ni Jai at kilala rin nila ako bilang anak ni Senator Ferrara. May naririnig din ako tungkol sa pagtakbo ko bilang gobernador. Grr. May nag-cheer up pa na kayang-kaya ko raw iyon. I don't think so, if I'm capable of that.
"Pumasok ka na rin baka ma-late ka pa," I told him. Tumango siya at humalik sa pisngi ko saka marahan na pinatakan naman niya ng halik ang labi ko.
"I'll make it up to you, baby... I love you, Mih," sabi niya.
"Alright. Mahal din kita," sabi ko. Niyakap pa niya ako nang mahigpit saka siya umalis.
Lumipas ang ilang linggo at hindi na niya inulit pa ang ginawa niya sa akin. Si Dr. Lervin na lang ang nakikita kong kasama ni Jillian pero may pagkakataon pa rin na tumatagal ang tingin ni Jai sa dalawa. Na tila may bumabagabag din sa kanya. Parang hindi talaga siya napapakali.
Hindi smooth ang relasyon namin ni Jaickel kung iyan ang itatanong niyo. Madalas na siya ang kasama ko pero parang hindi rin. Tila hindi ko naman siya kasama kasi palagi siyang tahimik, hindi nagsasalita at panay ang pagbuntonghininga niya. Nasa malayo rin ang tingin. Tinatanong ko naman siya kung ano ang problema niya pero sinasagot niya lang na wala at ayos lang ang lahat.
One time ay inaya ko siyang mag-unwind. Lingid ito sa kaalaman ni Dad dahil pagbabawalan niya talaga ako at ayaw niyang naglalabas-pasok ako sa mansion namin pero nagawa kong tumakas. Of course hindi ko sinabi sa boyfriend ko na pagtakas lang ang ginawa ko. Dahil for sure ihahatid niya ako pauwi. Ayaw niya raw kasi na tumatakas ako, dahil baka magalit sa akin si Dad at kung ano ang gawin no'n sa akin.
Strict lang si Dad pero hindi siya nananakit physically. Hindi siya katulad ng mga tatay na mahilig manakit sa kanilang mga anak. Pagagalitan lang ako no'n at hindi ako sasaktan.
Dala ko ang kotse ko and I just texted him na nasa labas ako ng condo niya. Naghintay ako sa loob ng sasakyan ko ilang minuto, tulog pa yata siya pero nakita ko agad ang pag-ilaw ng cellphone ko. Tumatawag na siya.
"Hello. Madaling araw pa lang, Mih. What are you doing there?" sabi niya sa kabilang linya. Bagong gising pa lang siya kaya namamaos ang kanyang boses. I smiled. Gusto ko talagang marinig ang boses niya na pang-bedroom.
"Come on. Lumabas ka na lang dito habang mahaba pa ang aking pasensiya. Kanina pa ako rito, eh," ani ko sa kanya. Bumuga siya ng hangin at nagmamadali na yata siya. Dinig na rinig ko ang mabilis na kilos niya from the other line.
"Sana tinawagan mo muna ako bago ka pumunta rito. Delikado, baby... Baka mapaano ka pa..." may bahid na galit na sambit niya. I just shrugged my shoulder. Yeah, he's overprotective boyfriend.
"Bilisan mo na lang ang pagpunta mo rito," sabi ko at binabaan na siya ng tawag.
Tinapik-tapik ko ang manibela at pakanta-kanta pa nang makita ko ang paglabas niya. Nagpalinga-linga pa siya dahil halatang hinahanap niya ang kotse ko. Nang makita niya ito ay lakad takbo ang ginawa niya, makalapit lang sa akin. Kinatok niya ang bintana at ibinaba ko naman iyon. Itim na hoodie ang suot niya at maong na pants. Mukhang nilalamig pa siya.
"Good morning," bati ko sa kanya sabay kindat. Namumungay pa ang mga mata niya at tumaas ang sulok ng labi niya.
Humilig siya sa kotse ko. Hinawakan ang chin ko at iniangat ito pataas. "Good morning, baby," he greeted me back at unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin. I close my eyes when I feel his soft and warm lips on mine.
I kissed him back kahit hindi komportable ang posisyon naming dalawa kaya nang hindi na siya makatiis pa ay binuksan niya ang pinto. Kinalas niya ang suot kong seatbelt saka niya ako hinila.
He made me sit on the hood of my car at pumuwesto siya sa pagitan ng mga hita ko. I growled when I felt his hard member at muli akong siniil ng mas malalim na halik. Iniyakap ko ang magkabilang braso ko sa leeg niya at nagtaas baba ang kanyang kamay sa likod at baywang ko. That made me goosebumps.
Marahan niyang kinagat ang pang-ibabang labi ko and that's his way to slide his tongue inside my mouth. Sisipsipin niya ang labi ko at dila ko kaya para akong mahihibang sa ginawa niya. Nagsisimula na rin na uminit ang katawan ko at alam ko na ganoon din siya.
"Jai, let's go... B-Baka may makakita sa atin dito," humihingal na sabi ko sa kanya at marahan ko na siyang itinulak pa.
Narinig ko ang mahina niyang pagdaing at bumaba lang ang halik niya sa leeg ko. Binigyan ko pa siya ng laya at natatawa ako dahil may kiliti ako roon. Nararamdaman ko rin ang basang dila niya roon at kakagatin na naman siya pagkatapos siyang sipsipin.
"Come on, baby... Let's go," pag-aya ko at ibinaba ko ang hoodie niya sa ulo. Inilayo ko ang mukha niya sa akin gamit nang pagsabunot ko sa buhok niya. Natawa siya at hinalikan na lang ako sa pisngi.
"Let's continue inside your car?" nang-aakit na tanong niya at ibinaba na niya ako sa kotse.
"No. Hindi ako makakapaglakad sa tabi ng dagat niyan," nakangusong sabi ko. Hindi lang naman kasi halik ang gagawin niya. Aangkinin niya ang katawan ko at dahil marupok ako ay bibigay naman ako sa kanya.
Yeah, ginagawa na namin ang bagay na iyon pero sinisigurado pa rin naming dalawa na may protection kami dahil pareho pa kaming hindi handa na magkakaanak. Magiging komplikado lang ang lahat.
"Then, later?" pangungulit pa niya sa akin. Kagat labing tumango na lang ako at pulang-pula na talaga ang magkabilang pisngi ko dahil ramdam ko ang pag-iinit nito.
Pupunta lang naman kami sa tabing dagat. Iyon ang sinasabi kong unwind. Kaya madaling araw pa lang ay bumiyahe na kami sa resort namin para makita rin ang sunrise.
"I will drive," he said but I shook my head.
"Bagong gising ka pa lang, baby. I will drive na," sabi ko at nag-tiptoed ako para mahalikan siya sa pisngi niya. "Get in, doc..." matigas kong utos. Wala na nga siyang nagawa pa kundi ang sumakay sa backseat.
"You have this power para pasunurin ako, ah," sabi niya na ikinatawa ko nang malakas.
"Yes and I'm proud of that," sabi ko at muli siyang kinindatan. Naiiling na ngumiti lang siya. "Fasten your seat belt, Jai."
"Alright, Ma'am. Here we go," natatawang sabi niya.
Being with him ay talagang wala na akong mahihiling pa. Pinapasaya niya ako kahit na may pagkakataon pa rin na pinapaiyak niya ako. But I love him, and I'm afraid to lose him. Siya lang ang nagpapasaya sa akin.
Tatlong oras lang ang biyahe namin at nakarating kami agad. Umupo kami sa tabing dagat at nakayakap sa akin patalikod si Jai. May dala akong blanket at dalawa kami ang nag-share no'n. I yawned and leaned on his chest. Naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko at humigpit ang yakap sa akin.
"I want us to stay like this forever..." mahinang bulong niya na sapat na para marinig ko.
"Ako rin..." sabi ko at pumikit pero dumilat ulit nang makita ko na ang sunrise. Sobrang ganda niya at talagang hindi siya nakakasawang panoorin.
Inayos ko ang camera ng cellphone ko. Gusto ko na may picture kami rito ni Jai. For remembrance. Hindi puwedeng wala.
"Let me do this, baby," presinta niya at ibinigay ko sa kanya ang phone. Kinunan niya ng picture ng iba't ibang anggulo ang mukha namin. Mayroon iyong hinahalikan niya ako. May video pa kaming dalawa at ang boses lang namin ang maririnig doon. Nangingibabaw ang boses ko dahil kinikiliti niya ako habang hinahalikan niya ang leeg ko. Ang gago, eh. Alam niyang malaki talaga ang kiliti ko roon.
Tumuloy kami sa resthouse at natupad nga ang gusto ng boyfriend ko. Nasa legal age naman na kaming dalawa at alam naman namin ang mali at tama. Normal na ginagawa na ito ng magkasintahan at saka siya lang ang lalaking gusto ko na umangkin sa akin kahit paulit-ulit pa.
"I love you, baby..."
"I love you, too," sabi ko sa kanya at yumakap sa kanya nang mahigpit.
That was the happiest thing that happened to my life after all. But who would have thought there was an end? Na may hangganan pa rin ang pagmamahal namin ni Jai?
Na ang lahat ng iyon ay pansamantala lamang.