CHAPTER 4

2257 Words
Chapter 4: The break up SUMAMA pa rin ako kay Dad para ipakita rin sa mga tao at ang suporta ko sa kanya kahit wala si Mommy. Hindi ko lang alam kung ano ba ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita niya rin ang ibang kasamahan namin na palaging sumasama rin ang mga asawa nito. Siguro nga na matapang na tao at matigas ang loob ni Daddy at wala na sa kanya ang mga bagay na ito, and beside ginusto niya ito kaya paninidigan niya ang pinili niyang landas without my mother. "Are you busy with your Dad, love?" my Mom asked me. Yeah, love ang tawag niya sa akin, baby pa lamang ako. "Yes, Mother," I said. "Aren't you going to say good luck to him, Mom?" I asked her, half joke. Alam ko kasi na never niyang ginagawa iyon. "I know his best, love. No need to say that on his face. I know that's his passion and sure, he will win," sabi niya lang na mukhang hindi naman big deal sa kanya. "But at least, cheer him up, Mother?" pangungulit ko. "I need to drop the call, love. Take care, okay? I love you," paalam niya at hindi na ako hinintay pa na sumagot dahil agad niyang ibinaba ang tawag. I took a deep breath, disappointed pa rin ako. Napaupo ako nang makaramdam na naman ako ng hilo, mabilis iyon napansin ni Daddy. "Take a break for now, Miamor," utos ni Dad. Hindi ko alam kung nag-aalala ba siya sa akin nang makita ang pamumutla ko. Hindi naman ako ganito dati, hindi ako mabilis mahilo. Pero ewan ko ba kung bakit lahat na lang ng bagay na nakikita ko ay parang gumagalaw at sumasakit ang ulo ko. "Yes, father," sabi ko at tumango. Lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. "Don't stress yourself, my daughter. Take your rest," sabi niya sa akin at hinalikan ang pisngi ko. Sa ganoong gesture ni Dad ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. He cared for me naman. I'm only his daughter, after all. The next day ay pinaghahandaan ko na ang fourth anniversary namin ni Jai. I'm so excited pa but of course, wala akong surprise sa kanya, just a gift, siya kasi ang madalas na gumagawa no'n. Pero nasabi ko na sa kanya na kung saan kami ulit pupunta since hinayaan na muna ako ni Dad na mag-break. Nahalata niya kasi na sobrang stress ko na at madalas ang pagpapahinga ko kahit busy siya sa rally namin. It was Saturday morning at pareho kaming walang pasok kaya tamang-tama talaga ang araw na ito kahit kinabukasan na ulit kami uuwi. Hindi naman na ako aabalahin pa ng aking ama. I'm wearing my sleeveless light pink dress. Actually hindi ganito ang type kong dress and color na sinusuot pero dahil special nga ang araw na ito ay hindi na ako nag-inarte pa. Strap heels sandals din ang suot ko na 2 inches lang ang taas nito. I called my boyfriend at sinabi kong ready na ako. Maghihintay lang din ako kung saan kami magkikita o kung saan niya rin ako susunduin. Hindi naman puwedeng sa mansion namin dahil nandito si Dad. Baka kung ano pa ang gawin ni daddy sa kanya. But hindi sumasagot ang gago. Busy ba siya? Naalala naman niya siguro kung ano ang araw na ito, `no? Dahil kung hindi ay malilintikan siya sa akin. Makikita niya. Hindi na ako nakatiis pa at lumabas na ako sa mansion. Sumama sa akin si Red para ipagmaneho ako ng sasakyan. Alam naman niya kung saan ang condo ni Jai kaya hindi na siya nagtanong pa sa akin. Nakabusangot ang mukha ko habang nasa biyahe kami at pagdating namin ay agad akong bumaba. Nagpaiwan si Red sa kotse, pagkatapos niya rin akong ihatid sa exit. Wala kasi kaming kasama na bodyguards. Sinubukan ko ulit na tawagan si Jaickel and this time ay sumagot na siya. "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?!" tanong ko sa kanya. Sa lakas ng boses ko ay nakuha ko agad ang atensyon ng mga tao pero hindi ko sila pinansin. Isa-isa ko pa silang sinamaan nang tingin. "W-Where are you, Mih?" sa halip ay tanong niya sa akin. Tumibok ng husto ang sentido ko. May naririnig akong pag-iyak sa background niya, hindi ko lang makilala ang boses dahil masyadong magulo. Pero alam kong babae iyon. "Nasaan ka?" galit na tanong ko. "Nasa condo ako," sagot niya. May kasama ka sa condo mo? Papunta na ako riyan at hintayin mo ako," malamig na sabi ko sa kanya. Hindi na ako nag-doorbell sa unit niya dahil nandoon siya agad nakaabang habang namumula ang mata niya. "Mih," tawag niya sa akin at nagulat pa siya nang makita ang ayos ko. Pinasadahan pa niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Yeah, naghanda ako para sa `yo, gago!Malalaki ang bawat hakbang ko makalapit lang sa side niya. Malakas ko siyang tinulak para makapasok ako sa loob. Nadatnan ko sina Lervin at Jillian sa sofa. Umiiyak ang bruha habang pinapatahan siya ng isa. "Ano'ng ginagawa niyong dalawa rito?" walang emosyon na tanong ko sa kanila. Napaigtad pa sa gulat si Jillian. Umiiyak nga ang bruha. "Mih, mag-usap muna tayo sa labas." Hinawakan ni Jai ang braso ko pero mabilis kong binawi iyon. Lumayo ako sa kanya. "Ano ulit ang ginagawa nila rito?" mariin na tanong ko pa. Walang sumasagot sa akin. Really? "Jai and Jillian are getting married. You need to talk with your boyfriend for your officially break up," Lervin said at pumintig lang nang paulit-ulit ang sentido ko. Nanikip ang aking dibdib. Ano'ng pinagsasabi ng lalaking ito?! "What the fvck, Lervin?! Ako ang magsasabi sa kanya," suway ni Jai at parang wala na akong lakas pa nang magawa niyang hilahin ako. Nagpumiglas ako nang makalabas kaming dalawa sa condo niya. "Gusto mo akong kausapin pero kailangan dito pa sa labas? Ako ang girlfriend mo at dapat sila ang palabasin mo, hindi ako!" asik ko sa pagmumukha niya. Nagtaas baba ang aking dibdib dahil sa pagtaas din ng boses ko. Hindi ko maiwasan ang masaktan dahil sa ginawa niya. "I'm sorry," sabi niya lang. "Diyan ka magaling, Jai. Ang mag-sorry sa akin. So, alam mo ba kung ano ang araw na ito?" malamig na tanong ko at napayuko siya. Bumuntonghininga pa. "What now? Answer me," sabi ko at sinipa ko pa ang tuhod niya. Dumaing lang siya pero nanatiling nakayuko. "Naaalala mo naman siguro, tama?" "Our...f-fourth anniversary," nauutal na sagot niya. Nabasag pa ang kanyang boses. May pakiramdam ako...na may magwawakas sa aming dalawa. Parang alam ko na ang susunod niyang gagawin. Sa sinabi lang ng kaibigan niya pero bakit? Bakit niya gagawin iyon? Bakit...bakit sila magpapakasal? "And paki-explain nga sa akin ang pinagsasabi ng kaibigan mo," saad ko. "Hindi ko maintindihan." "Jillian... She needs me, Miamor..." "The fvck, Jaickel Sanre?! Ano'ng kailangan ka niya?!" sigaw ko at hinampas ko ang dibdib niya. Inulit ko pa iyon dahil inis na inis na ako sa kanya. "Let's b-break up, baby..." Natawa ako sa sinabi niya. Is he joking? Ano'ng break up ang pinagsasabi niya? Ano'ng gusto niyang mangyari? Ang makipaghiwalay talaga sa akin? Seriously? "Bakit ka naman makikipaghiwalay sa akin, Jai? Ano? May problema na naman ba sa akin? Sawa ka na? Masyado ka ng nasasakal sa akin? Bakit ang daling sabihin iyon? Pinaghahandaan mo na?" nanunuyang tanong ko sa kanya. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko maintindihan kung bakit biglaan itong pakikipaghiwalay niya sa akin. Eh, sa pagkakatanda ko ay ayos pa ang relasyon namin. Na hindi naman kami nag-away, nagkasawaan at lahat-lahat. Ngayon lang din kami ulit mag-aaway, dahil sa pinagsasabi ng lalaking iyon! "Hindi... I just want your freedom from me..." "Seryoso ka sa break up natin? Mahal mo ba ang babaeng iyon kaya mo pakakasalan? Ako ang girlfriend mo, tangna mo..." saad ko. "I'm so sorry...sorry, baby... But I need to do this," sabi niya at walang halong biro ang kanyang boses. Seryoso nga siya. Unti-unti ay parang nanghihina rin ako. Nagsisimula na sa pagbagsak ang mga luha ko. "Why?" tanong ko at napatingala pa ako. "Why so sudden, Jai? Today is our fourth anniversary. Then... T-Then... Are you just playing with me? Tell me, Jai. Do you really love me?" I asked him while I was crying. It feels like my chest is being stabbed with a sharp blade and it seems non-stop, so I feel more pain in my heart. "I love you, Miamor. I love you, so much, baby..." garalgal ang boses na sambit niya. Gusto kong maniwala. Gusto kong maniwala na totoo ang sinabi niya na mahal niya ako but how? Paano ko siya paniniwalaan kung pinipili na nga niya ngayon si Jillian? Saang parte ko pa siya paniniwalaan? He broke my trust, he wasted it. "But you can leave me just like that and marry your best friend?! Or are you just lying? That you don't really love me and that Jillian is exactly who you want to be with and not me!" I screamed and my tears started falling down my cheeks. Mahal? Parang wala roon ang pagmamahal na pinagsasabi niya. Hindi ko mahanap, hindi ko makita at hindi ko maramdaman! My chest is just getting tighter and it seems I'm having trouble breathing again. Feels like a big hand is squeezing my heart. "I love you, Miamor but I want to help Jillian. She need--" "You don't love me, Jai! I never felt that love! You give it to others and not to me! So, you can hurt me like this! You are only doing this because of your best friend! So, that you and Jillian can be free!" I said, it's roaring. He just shook his head at me and I could see tears also falling from his eyes and he even bit his lower lip. His fist was tight so his veins came out there. Kaya niya akong saktan ng ganito? Pero bakit siya umiiyak? Dapat panindigan niya iyon ay huwag niyang ipakita sa akin ang mga luha niya! I don't like it! "I'm sorry..." What he said made me even more sad. Four years. We've been in a relationship for 4 years and I admit to myself, I never felt the love he says. Cause he always thinks of Jillian. I knew that girl had a space in his heart, because otherwise... If he really loves me he will choose me, and he will leave Jillian, not me... "I regret giving myself to you. I regret knowing you and wasting my time just to love you. What a coward you are!" I shouted him with my heart broken. He walked closer towards me at humakbang ako paatras. He held my face and I slapped his hands. "D-Don't touch me!" umiiyak na saad ko. Wala akong laban para makawala sa kanya. Kaya hindi ako nakapalag nang mahigpit niya akong niyakap. "I'm s-sorry, baby... I'm so sorry..." paulit-ulit na sabi niya. "A-Ano ba ang mayroon sa kanya? Ano ba ang mayroon sa babaeng iyon at bakit siya ang pinipili mo? M-Mahal mo ba siya? M-Mahal mo na?" Ang sakit-sakit sa puso, para talaga siyang paulit-ulit na hinahati. "I-Ikaw ang m-mahal ko... Ikaw ang mahal ko, Mih..." "P-Pero m-mas m-mahal mo siya..." sambit ko. Halos malukot ang laylayan ng shirt niya dahil sa higpit nang hawak ko rito. "No..." "You're a liar, Jai. A fvcking liar!" Inipon ko ang lahat ng lakas ko at muli ko siyang tinulak. Nanlalambot ang mga tuhod ko at umuulap na rin ang paningin ko. Hinawakan niya ang siko ko pero mabilis akong umiwas. "Mih..." "T-Thank you... Thank you for everything," sabi ko at kahit masakit, susubukan ko siyang kalimutan. Tatanggapin ko at rerespetuhin ko ang desisyon niya. "B-Baby..." "Pasensiya na... P-Pasensiya na dahil masyado kong kinukuha ang oras mo na dapat sa kanya lang... I'm sorry..." I said and he shook his head. "No, n-no baby..." "Hindi ako maghahabol, Jai. Susubukan ko rin na kalimutan ka, I'm sorry. Happy fourth anniversary," sabi ko at ibinigay ko sa kanya ang hinanda kong regalo saka ko siya tinalikuran. Humabol pa siya sa akin at tinawag ang pangalan ko. Pero nagmistula akong bingi at bulag. "Miamor..." Hindi na siya nakahabol pa nang tuluyan nang sumara ang elevator at napasandal ako sa malamig na pader nito. Napahawak ako sa dibdib ko at sunod-sunod ang patak ng mga luha ko. This is...his surprise... Hindi lang ako na-surprise dahil nagawa niya ring paguhuin ang mundo ko. "Miamor," tawag sa akin ni Red nang makita ang hitsura ko. Pasimple kong pinunasan ang mga luha ko at ngumiti sa kanya. "I'm fine, Red," sabi ko kahit deep inside ay sobrang durog na durog na ang puso ko. "I just want a hug," sabi ko pa sa kanya at sinalubong niya ako agad nang mahigpit na yakap. Umiyak ako kahit alam kong maraming tao ang puwedeng makakita sa akin. Hindi ko na iyon pinansin. "M-Mahal niya raw ako...pero n-nakipaghiwalay niya... N-Nasaan ang pagmamahal na iyon? Mahal niya ako pero nagawa niya pa rin akong saktan? Ganoong klase ba'ng magmahal ang lalaking iyon? Masakit at hindi ko maramdaman? M-Maliban sa puso ko na tila may sugat na rin..." umiiyak na sumbong ko sa kanya. Naramdaman ko ang paghagod ng kamay niya sa likod ko na mas ikinaiyak ko lalo. "Magiging ayos lang ang lahat, Miamor," she said. "Of course... Pero m-matagal...matagal b-bago umayos ang lahat ng sinira niya sa akin... M-Mahihirapan lang ako, Red... I regret loving him... I hate him so much, so fvcking much... I really really hate him..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD