KADAX’s POV Nagulat ako nang biglang may nagtakip sa aking mga mata. Bigla akong kinabahan. Ang bilis ng isip kong mag-isip. Baka pakana ito ni Lolo Cirilo. Akala ko pa naman ay tanggap na tanggap na niya ako pero hindi pala. Niyaya niya ako rito sa garden dahil may sorpresa siya. Ipapadukot ba niya ako? “Lo, ano pong kasalanan ko? Mahal ko po talaga si Via.” “Iniwan mo ako. Iyon ang kasalanan mo. Nawala ang antok ko.” At tumawa siya nang kay lakas. Pati si Lolo Cirilo ay nakitawa sa kalokohan ng asawa ko. Napasandal ako sa upuan. Pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag. Niyakap naman ako ng asawa ko at mula sa likuran ay inabot niya ang mga labi ko para hagkan ako. Hindi ko na siya napigilan, nasa harapan pa naman namin si Lolo Cirilo. “Natakot ba kita, hon?” tanong niya pagka

