bc

SECRET NIGHTS OF KADAX (SSPG)

book_age18+
357
FOLLOW
4.4K
READ
billionaire
family
HE
escape while being pregnant
fated
second chance
pregnant
single mother
heir/heiress
sweet
bxg
lighthearted
kicking
campus
city
office/work place
friends with benefits
addiction
like
intro-logo
Blurb

MATURE CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK!

Si Val ang dahilan kung bakit palaging nababasted si Kadax at ang kaniyang mga kaibigan. Isang pustahan at isang bagong pagkakaibigan ang nagdala kay Kadax nang mas malapit sa kaniya, at unti-unti, nahulog ang kanyang puso kay Val. Tuwing magkasama sila, may lihim na nagaganap tuwing lasing si Val, isang sikreto na tanging si Kadax lang ang nakakaalam. Ngayon, kailangan niyang harapin ang pinakamahirap na tanong: paano ipapahayag ang tunay niyang nararamdaman? Isang kuwento ng pagkakaibigan, pagnanasa, at pusong nahulog sa pag-ibig na hindi niya inaasahan.

chap-preview
Free preview
1
KADAX’s POV “Bro, available ka ba mamaya? Inom tayo.” Malungkot na yaya sa akin ni Val. “May problema ba, bro?” Nag-aalalang tanong ko rito. Sa tuwing nakikita ko siya ay lagi siyang masaya lalo na at kapag naihatid niya ang kaniyang chick. Nagtino na nga siya ngayon, dati marami siyang chicks. Sabay-sabay pa. Nakakabilib din siya. Gwapings. Dinaig pa ako. Tumingin siya sa akin. Malungkot ang kaniyang mga mata. Hindi ito nangniningning. “Malaki bro. Niloko niya ako. Pinaasa niya lang ako. Kung kailan ako nagtino saka naman ako ginago.” Napayuko na siya. At sa tingin ko ay umiiyak siya. “Hey! Walang tigasin na umiiyak. Kaunting oras na lang at uwian na. Saan tayo mamaya?” wika ko sa kaniya habang tinapik-tapik ko pa siya sa balikat niya. “D’yan na lang, bro. Sa malapit na bar lang. Ako na ang bahala.” Sabi niya sa akin. Napunta ako rito sa kompanyang ito dahil kay Val. Kaibigan ni Daddy ang CEO ng company na ito. Isa akong IT Analyst dito. May position na naghihintay sa akin sa MGE pero mas gusto kong dito magtrabaho. Kahit hindi ganoon kalakihan ang sahod ay okay lang. Hinintay ko si Val, sa labas ng building. Dito naman kami madalas magkita. Kapag gusto ko siyang makita, gumagawa ako ng paraan para pumunta sa department nila. Nasa Marketing siya, pero may mga trabaho kami na magkarugtong. Madalas may kailangan sila sa department namin. Kami ang gumagawa ng system sa company. At sila naman ang madalas gumagamit. Palabas na siya. Nakikita ko na siya mula sa puwesto ko. Talagang malungkot siya. Kahit may bumati sa kaniya ay hindi siya ngumingiti. Nalulungkot din ako para sa kaniya pero may bahagi ng puso ko na nagdiriwang. Hindi dahil nasaktan siya, kundi dahil binasted siya. Mapapansin na rin niya ako. Makukuha ko na ang buo niyang atensyon. “Cheer up, bro! tara na. Mag-taxi na lang tayo. Iiwan ko na lamang dito ang kotse ko. Mas mahirap mag-drive kapag lasing na. Puwede naman tayong mag-grab pag-uwi.” Sabi ko sa kaniya. Namamasahe lang siya sa pagpasok. Ako naman ay may dalang kotse pero luma naman ito. Sakto lang sa position ko rito sa company. Hindi ko pa siya naiisama sa bahay. Wala pa siyang kilala sa mga kapatid ko at pinsan ko. Lagi kasing naantala kapag mag-iinom kami sa labas, kasama ang kapatid ko at sina Doz at Ivez. Nasa loob na kami ng taxi. Maraming bar ang magkakatabi rito. Pipili ka lang ng establishment na papasukin. “Dito na lang tayo, KD.” Pinaiksi niya ang pangalan ko. Siya ang nagbansag sa akin ng KD na ginagaya na rin ng mga ka-officemate namin. Hinila na niya ako sa aking braso. Akala ko sa kamay niya ako hahawakan. Akala ko lang pala. Okay naman ang lugar. Tama lang ang lakas ng sounds. Hindi malakas kaya hindi masakit sa tainga. Kaya lang sa klase ng tugtog, baka mas lalong malungkot si Val. Tama nga ako. Tahimik na uminom ang kaibigan ko. Dinadama ang bawat lyrics na naririnig. Sinasabayan ko siya sa pag-inom niya. “Bro, hindi ko talaga kaya. Salamat at nandiyan ka para damayan ako. Ang sakit, sobrang sakit.” Sambit niya at hinahampas pa niya ang dibdib niya. Lumipat ako ng upuan at tumabi ako sa kaniya para mas madali ko siyang mapigilan. Baka kung mapaano siya sa ginagawa niyang paghampas sa dibdib niya. Pinigilan ko siya. Napaharap siya sa akin at umiyak siya sa dibdib ko. Hinaplos ko ang likod niya habang hinahayaan ko lang siyang umiyak. Ganoon pa rin ang sinasabi niya, paulit-ulit. “Val, lasing ka na. Ihahatid na kita.” Lango na siya sa alak. Ako rin ay lasing na. Pero may malinaw naman ang aking isipan. Kaya ko pang lumakad ng diretso. Mayroon pa akong pang-uwi. Hindi talaga ako nagpakasagad dahil sa sunod-sunod na pagtungga ni Val. Ngayon lang nalasing ng ganito si Val. Sa mga inuman namin, hanggang dalawang bote lang siya. Hindi siya nagpapakalasing. Pero ngayon, lasing na lasing. Hindi lang isang dosena ang nainom niya. Halos mag-isang case na siya ng San Mig. Tinawag ko na ang waiter para sa aming bill. Ako na ang magbabayad kahit nagsabi siyang siya ang taya. Okay na iyon. May pera naman ako. Bukod sa suweldo ko, may allowance pa rin akong nakukuha. Pero hindi para lustayin, nag-iipon din ako. Itinuro iyon sa amin ng aking Daddy Dax at Mommy Kassy. “KD, nahihilo na ako. Hindi ko na kayang maglakad, dito na lang ako matutulog.” Kung anu-ano na ang sinasabi ni Val. “Nasaan ang susi ng apartment mo?” tanong ko sa kaniya. “Nasa bulsa ng pants ko,” wala akong choice kundi kunin ito. “Bubuhatin na kita,” dahil mas maliit ang katawan niya kaysa sa akin ay madali ko lang siya nabuhat. Mas mahirap na alalayan ko lang siya dahil puwedeng matumba kaming dalawa. Itinawag naman kami ng taxi ng guard kaya mabilis kaming nakasakay. Nasa sasakyan pa lang kami, gusto nang maghubad ni Val. Pinigilan ko lang siya. Malapit na naman kami sa apartment niya. Mag-isa lang siya sa tinutuluyan niya. Naka-ilang beses na rin akong nakapunta sa kanila dahil minsan ay isinasabay ko siya. “Val, nandito na tayo.” Sabi ko sa kaniya pagtigil ng taxi sa tapat ng apartment ni Val. Nasa akin na ang susi kaya muli ko siyang binuhat. Binuksan ko ang ilaw pagpasok namin. Isinara ko dahil hindi ko naman kilala ang mga tao rito. “KD, inom pa tayo. May alak pa ako sa refrigerator.” Wika pa niya. “May pasok pa tayo bukas. Magpahinga ka na, Val.” Dinala ko na siya sa kwarto niya. Kukuha lang ako ng malamig na tubig para punasan ang mukha niya at mabawasan ang pagkalasing niya. Naghanap pa ako ng puwede kong paglagyan ng tubig. Puwede na ang tabo. Nagtungo ako sa bathroom para kumuha ng towel. Mayroon akong nakita, nakasampay kasama ng mga panloob niya. Panloob pa lang niya ang nakita ko pero napalunok na ako. Mabilis kong kinuha ang towel at binalikan ko sa kitchen ang tabo na may tubig. Mababawasan ang pagkalasing niya kapag napunasan ko na siya. Pagpasok ko sa kwarto niya, muntik ko ng maitapon ang tubig sa tabo. Wala siyang suot ni isang saplot sa katawan. Nakabilad sa maliwanag na ilaw ng kaniyang kwarto ang kaniyang katawan. Hindi ko alam kung tatakpan ko ang aking mata o patuloy na pagmamasdan ang kaniyang katawan na matagal ko ng pinananabikan. Ngayon ko pa lang siya nakita na ganito pero iba ang epekto niya sa katawan ko. Napatda na ako sa aking pagkakatayo. Pinapanood ko na lang siya mula rito. Iiwan ko ba siya sa ganitong sitwasyon?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.2K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.6K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.6M
bc

MY HEARTLESS EX-HUSBAND'S OFFER (SPG)

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook