KADAX’s POV Bukas na ang alis namin papunta sa probinsiya nina Via. After noong dinalhan niya ako ng snack sa office, hindi na kami nagkita. Naging masyado akong busy dahil sa dami ng ipinagawang report sa akin ng aking boss. Late na akong umuuwi at wala na si Via sa kanilang opisina. Hindi ko siya nirerequire na samahan ako dahil hindi naman niya ito trabaho. At ako rin naman ang may gusto na maging boyfriend niya. Sana nga lang sa totoong buhay na rin at hindi lang para sa lolo niya. Nasabi ko na naman na mahal ko siya, hindi nga lang niya matandaan dahil lasing siya at wala siya sa tamang ulirat. Kapag nag-message ako sa kaniya, sumasagot naman siyang busy siya kaya hindi siya nakakapunta sa office namin. Hindi ako sigurado kung totoo nga iyon. Dahil nang minsan na daanan ko siya p

