PROLOGUE

423 Words
Timex’s Maniniwala ka ba, kung sasabihin kong ang kaluluwa ng isang tao ay umuulit lamang? Kung oo ang iyong sagot... Paano kung mabigyan ka ng pagkakataong balikan ang iyong nakaraang buhay, handa ka bang alamin ito? Kung hindi o ewan, ang iyong naging tugon sa unang katanungan... Hayaan mong ipakilala ko sa’yo ang isang taong nanggaling sa hinaharap at ang kaniyang natatagong kuwento pabalik sa nakaraan. Nakatanaw ang isang matandang lalaki sa malawak na karagatan, napapalibutan ito ng mga mga berdeng bulubundukin. Namumuti na ang mga buhok nito at kulubot narin ang kaniyang mga balat. Dinama niya ang isang malakas na hanging yumakap sa kaniyang buong katawan at kasabay no'n ay ang masamyong amoy ng sampaguita na nakapaligid mula sa kaniyang kinatatayuan. Batid niyang ito na ang huling araw niya sa mundo. Sa huling pagkakataon ay nais niyang tanawin ang paglubog ng araw kahit mag-isa na lamang niya itong pagmamasdan. Mapapansin ang hawak niyang libro sa kaniyang kanang kamay. Sa oras na ito ay babasahin na niya ang huling kabanata ng kuwento na hudyat ng pagtatapos ng lahat.  Huminga siya ng malalim bago binuklat ang huling pahina ng libro ang pamagat nito ay You're My Dawn till Dusk (Written by Love, Aphrodite). Ito ang huling nobelang isinulat ng babaeng kaniyang nakilala, isang siglong mahigit na ang nakakalipas.  Ang kuwentong ito ay patungkol sa dalawang taong nagmahal sa tamang tao ngunit sa maling oras at panahon. Unang nagtagpo ang dalawang bida ng kuwento sa mismong bukangliwayway at dito nila unang naramdaman ang kakaibang pakiramdam na naging susi sa patuloy na paglalapit ng kanilang mga landas. Kahit anong pilit nila layuan ang isa't-isa ay gumagawa parin ang tadhana upang paglapitin sila. Hanggang isang araw, namalayan na lamang nilang dalawa na unti-unti na pala silang nahuhulog sa isa't-isa. Dumating ang araw na handa na nila tanggapin ang nais ng tadhana para sa kanila, ngunit kasabay no'n ay ang mapait na kapalaran na dapat nilang tanggapin. Nang marating na niya ang pinakadulo at ang huling pahina ng nobela ay dito na rin matatapos ang lahat ng mga ala-alang nanahanan sa kanyang puso't isipan na mas pinili niyang huwag mabura kahit pa sa susunod na habang buhay. Sadiyang may mga taong kahit ilang siglo at saaang panahon pa sila magtagpo ay hindi pa rin maaring magkatuluyan hanggang sa dulo. Ang kuwentong ito ang patunay sa isang pagmamahalan na kahit pinagtagpo at itinadhana pa sila ay may hahadlang at hahadlang sa kanilang daan patungo sa isa’t-isa. Isang kapalaran na hindi kayang takbuhan ng sinuman at ito ang kamatayan.                                                                        ************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD