June 12, 2100
Nagkaroon ng masigarbong palakpakan, nang tumayo ang bagong presidente mula sa kaniyang
kinauupuan. Naglakad na ito patungo sa harapan na kung saan may punong hukom na naghihintay.
Lumapit sa kaniya ang isang lalaki na may hawak na bibliya. Muling nagkaroon ng katahimikan sa
paligid. Ipinatong niya ang kaniyang kaliwang kamay dito habang naka taas naman ang kanang kamay
bilang simbolo ng panunumpa.
"I, Wei Machiavelli Zantin Voltaire do solemnly swear that I will faithfully, consensusly fulfill my duties
as a president of the Philippines , preserve and depend the constitution, execute the laws to justice, to
every man and consecrate myself to the service of the nation."
"So help me God "
"So help me God," pag-ulit niya. Kinamayan siya ng punong hukom kaya bahagya lamang siya ngumiti.
"The President will now proceed to sign his oath of office," saad ng taga-anunsyo. Pagkatapos lagdaan ng presidente ang isang pahabang screen sa pamamagitan ng stylus ay tumayo na ito sa kaniyang kinauupuan. Madami siyang nakasalubong na mga opisyal at makakapangyarihang tao, isa-
isa itong nakipagkamay sa kaniya. Mapapansin din sa kalangitan ang mga nagliliparang drone na kumukuha ng mga litrato at video upang magsilbing dokumento sa pinakamahalagang kaganapan ng taon.
Tulad ng nakasanayang tradisyun, ay nagpaputok ng b***l sa ere ang mga sundalo sa labas ng palasyo. Ito ay bilang simbolo ng pagdeklara at pagbibigay pugay sa bagong presidente ng bansa. Sabay-sabay na
nagsisi-ilawan sa kalangitan ang mga drone na nag-iiba-iba ang posisyon upang makabuo ang mga ilaw
nito ng iba’t-ibang hugis. katulad ng bandila ng Pilipinas at mga salita na nabubuo sa pamamagitan
lamang nito.
Saktong kaarawan ngayon ng bagong pangulo ng pormal siyang maideklara bilang presidente ng
Republika ng Pilipinas. Ipinagdiriwang din ngayon ang mahigit dalawang daan na taon na kalayaan ng
Pilipinas mula sa mga kastila. Kaya inaasahang magkakaroon ng magarbong pasasalo-salo pagkatapos ng seremonya; bago ang lahat ay magbibigay muna siya ng kaniyang talumpati sa mga madla.
Pumunta ang bagong halal na presidente sa harap at nasa likod naman niya ang bandila ng Pilipinas.
Tumikhim muna siya bago sinimulan ang kaniyang pagsasalita.
" Today I'm grateful for being elected as the 30th President of the Republic of the Philippines," panimula
niya.
"I can't promise you that I can make this nation a perfect place. Because, I do believe that promises are
meant to be broken and there's no such thing as perfect. All I can assure is, I will try my very best to be
deserving to this position and always choose to do the right thing.
"I will not ignore your grievances and always do my duty as a president of this country. Together let’s
make a better place for this nation, for the future of the next generation. Thank you and may God bless us
all!”
Napatango naman ng dalawang beses ang mga opisyal sabay palakpak sa kanilang mga kamay at may iba naman na tinatawag ang pangalan ng presidente. Muling nagkaroon ng katahimikan ng magsalita ang taga-anunsyo. "Excellencies, ladies and gentlemen the 30th president of the Republic of the Philippines... President Wei Machiavelli Z. Voltaire!"
Matapos opisyal na ideklara ang bagong pangulo ng bansa ay sabay-sabay na nagsipalakpakan ang mga
tao na nasa loob, kaya dumagundong ang isang malakas na pag-ingay.
Ito ang taong 2100 na kung saan halos lahat ng bagay ay saklaw na ng teknolohiya at ito rin ang hinaharap ng bansang Pilipinas na tinaguriang "Technology Invasion"
****************
22ND CENTURY
1 year later
MR. PRES
I found myself in the middle of nowhere where everything that surrounds me is in a vast catastrophe and
everything seems in chaos. There are people laying on the streets covered with their own blood, some are
frozen in ice and the others are slowly turning into ashes.
I struggled to prevent the falling debris of the buildings and other infrastructures. As I look to the sky, I
notice the flying technologies blasting down to the surface and it produces a tremendous explosion that
made me lose my hearing.
As I tried to regain, the events that I see now seems in a slow motion. The world I recognize now, is
different from the world it was used to be. The sky is so dark and it's concealed by polluted smoke that made me breathe uneasily, I felt my throat suffocating because of the air that I breath in. The temperature was so high that it could burn my skin.
I tried to stand on the ground, but I felt the shaking of the surface. It made the buildings and towers
collapsing apart. The next thing I discovered makes me feel hopeless, I know from myself that no matter how fast I run, I could never escape from it...
A big tidal wave is coming towards my direction, I stood frozen with wide eyes open. Until I feel the impact of the water on my body. I strive to swim but my body seems so weak and my vision is getting blurred. I can't breathe anymore... I have no choice but to let myself be slowly drowned by the water. In my last * **********
"Mr. Pres it's already time to wake up, time check it's already 8:25 AM in the morning... Mr. Pres
it's alrea—"
Nagising ang presidente dahil sa ingay ng kaniyang Combot (COMPANION ROBOT) na hugis at sing
laki lamang ng totoong aso, ngunit kulay pilak ang katawan nito samantalang bughaw naman ang mga
mata. Sila ang nagsisilbing alalay at alaga ng mga tao sa panahong ito.
"Good Morning, please... SHUT UP!" iritadong saad ng presidente sa kaniyang Combot. Hindi kasi ito
hihinto hanggat hindi niya sinasabi ang salitang good morning. Napilitan siyang bumangon mula sa
pagkakahiga, sa hindi malamang dahilan ay lagi niyang napapaginipan ang pagkasira ng mundo subalit
hindi na lamang niya ito pinagtutuonan ng pansin.
“Good morning! Today is Monday, 13 June 2101. Time check it’s already 8:25 AM. The weather is
currently sunny at 60°C. You have a meeting at the Palace of the Nation at exactly 9:00 AM. Have a
great day ahead, Mr. Pres!”
Pagkatapos niya pakinggan ang anunsyo ng kaniyang combot ay tumayo na siya upang maghanda. "Fix,"
usal niya. Dahilan upang kusang maging sofa ang kaniyang kama. Sa panahong ito, halos lahat ng bagay
ay kusa ng gagalaw o pupunta sa'yo sa simpleng pagsasalita lamang kumbaga voice sensor.
Kaagad siyang nagtungo sa banyo at nagwika ng salitang "Open", na naging dahilan nang pagbukas ng
pinto. Sa unang tingin aakalain mong isang malawak na espasyo lamang ito dahil walang makikitang
gamit at tanging puting tiles lamang ang mapapansin. "Bathroom," saad niya. Lumabas ang pahabang
cylindrical capsule na sing taas ng tao at kapag pumasok ka sa loob ay kusa kang lilinisan nito.
Pagkatapos niya maligo ay nagbihis na siya ng itim na long sleeve, kapag sinuot ay kusang magsasara ang mga butones may kasama narin itong kurbata na kusang nagkno-knot. Tulad ng suot niyang kurbata ay tinernuhan niya ng itim na slacks at belt na kusang naglo-lock sa beywang at huli naman niyang sinuot ang itim na coat na may cooling pressure kapag mainit ang temperatura at heat pressure naman kapag malamig. Maging sa kaniyang sapatos ay kakaiba rin, dahil hindi na kailangang humakbang para maglakad kusa na itong aabante sa pamamagitan lamang ng isip na nakakonekta sa isang round chip na nakalagay sa kaniyang noo. Nagagawa ng chip na ito na maging kakulay ang balat ng isang tao kaya hindi ito halata kapag nakakabit kumbaga ay kaya nitong mag-camouflage.
Ang nasabing chip ay may kakayahang din ma-expand ang brain storage ng tao at maaring gamitin upang mapagalaw ang mga bagay katulad na lang sa kaniyang sapatos. Tinatawag itong B.A.S.I (BRAIN
ARTIFICIAL STORAGE INTELLIGENCE).
Nang matapos na siyang mag-ayos ay biglang umilaw ang Tigram (TIME HOLOGRAM) senyales na
may tumatawag. Nakabit ito sa kaniyang kanang pulsohan, kulay itim ito na hugis relo ngunit screen
lamang ang makikita. "Answer," wika niya.
Biglang nag pop-up ang hologram ng isang lalaki. Kapansin-pansin ang mestizo nitong balat, natural na
kakaibang mga mata na kulay abo(grey) sa kanan, samantalang sing itim naman ng kadiliman ang
kaliwa.
May matangos ito na ilong at buhok na bughaw na pinatungan ng sombrero. Kung tutuusin ay
perpekto ang pisikal na kaanyuan niya, ngunit normal na lamang ang ganiyan sa mga tao ngayon.
Sa pagdating ng makabagong teknolohiya ay madali ng nababago ang kaanyuhan ng isang tao. Mula sa
kulay ng balat, mata, buhok at maging sa itsura.
Nagwika ang lalaki sa hologram, "Mr. Pres, I just want to inform you that we have a meeting today, together with the other officials and—" hindi na niya ito pinatapos sa pagsasalita kahit may gusto pa sana itong sabihin. Siya ang secretary ng presidente na si Denver Cromwell Octavius A.K.A Octave, 22 yrs. old.
Marisponsableng tao, mabuti ang puso at isa rin siyang detective ngunit kadalasan na lamang siya nag-
iimbestiga ng mga kaso. Dahil sa panahong ito madali ng natutukoy ang suspect sa tulong ng mga makabagong teknolohiya. Ang nasabing presidente ay si Wei Machiavelli Voltaire A.K.A Mr.Pres, magkasing edad lamang sila ng kaniyang secretary. Magkaiba na magkaiba sila ng ugali dahil sadiyang napaka seryoso, tahimik, hindi pinag-aaksayahan ng oras ang mga bagay na hindi naman siya nakikinabang at strikto rin ito pagdating sa trabaho.
Ngunit sakabila nito ay ang secretary lamang niya ang nakakatiis sa kaniya. Mapapansin din na may
pagkakahintulad sila sa kulay ng mga mata, ngunit ang kanang bahagi ay sing itim ng kadiliman,
samantalang kulay abo naman ang kaliwang bahagi. Natural lamang din ito at hindi ipinabago.
Matapos niya p*****n ng tawag ang kaniyang secretary ay nagtungo na siya sa isang transparent na pinto na kusa namang nagbukas. Sa loob nito nakaparada ang kaniyang lumilipad na kotse, tinatawag itong A.I.C 10 ( ADVANCED INTELLIGENCE CAR 10). Hugis kotse ito na may kulay na itim. Mapapansin sa
labas na bahagi ang dalawang nagsisilbing pintuan nito na nasa magkabilang gilid.
Wala itong gulong ngunit kaya nitong magmaneho sa lupa at himpapawid na may limitadong taas lamang. Nilagay niya ang kaniyang hinlalaki sa pinto ng kotse kaya kusa itong bumukas. Sa loob ng sasakyan ay may apat na upuan at walang makikitang manibela na typikal na makikita sa isang normal na sasakyan.
"Palace of the Nation," utos niya. Sa simpleng pagsabi sa lokasyon ay kusa nang magmamaneho ang
sasakyan sa sinabing lugar na nais puntahan. Nang umandar na ang kotse ay dire-diretso lamang ito kahit nasa itaas na bahagi ng bahay ito nakaparada. Walang pag-aalinlangang kusa itong lumagpas sa palapag hanggang sa tuluyan na itong nakalipad sa ere.
"30 minutes, before you arrive at your destination," anunsyo ng A.I.C 10. Habang nasa biyahe ay makikita sa labas ang mga naglalakihang gusali na nakakalulang titigan dahil sa literal na abot langit ang taas. May mga iba't-ibang klaseng disenyo ito, hugis, kulay at bakas ang pagka-moderno ng mga imprastraktura. Madaming ding ibang mga makabagong sasakyan ang makakasabay sa himpapawid. May mapapansin ding tila hugis drone na may camera na nagsisilbing CCTV ng mga bawat lugar.
Ang lugar na ito ay tinatawag na Entice o ang Upper Class, tanging mayayaman at makapangyarihan
lamang ang naninirahan sa parteng ito. Sila lamang ang may kakayahang makabili ng B.A.S.I, A.I.C 10,
Combot, Tigram at iba pang mga modernong teknolohiya. Madalang na lamang ang nagsasalita ng
Filipino dahil ang iba ay tuluyan na itong kalimutan at maging ang sariling kultura ng bansa. Dahil
kasabay ng pagbabago ng panahon ay tuluyan na rin silang na-impluwensiyahan ng mga taga ibang bansa.
"You have arrived at your destination," muling anunsyo ng kaniyang kotse. Saktong kalahating oras siya
nakarating kahit malayo ito sa kaniyang bahay. Huminto ang kaniyang sasakyan sa ika-labing limang palapag ng gusali na hugis tatsulok ang disenyo. Ang mga ding-ding nito ay transparent at kapag natatamaan ng ilaw ay nagkakaroon ng iba't-ibang kulay. Aabot sa limampu ang palapag nito at sa pinakaitaas na bahagi ay mapapansin ang pangalan ng gusali, Palace of the Nation.
Dito laging ginaganap ang pagpupulong ng mga opisyal. Pagkababa niya palang sa kaniyang kotse ay napakunot ang kaniyang noo ng may mapansin siyang nakatayong matandang lalaki ilang metro lamang ang layo sa kaniya. Napaka misteryoso ng kasuotan nito na parang bang nasa Greek Mythology.
Kinuha niya ang kaniyang salamin na nakasukbit sa suot niyang tuxedo tiyaka sinuot ito. May kakayahan
ang salamin na mag zoom-in kahit malayo pa ang karoroonan ng titingnan sa simpleng pagpindot lamang sa gilid ng frame nito. May kakayahan din itong makilala ang pagkakakilanlan ng isang tao.
Nang mapagmasdan niya ito ng malapitan ay una niyang napansin ang kuwentas na orasan, kulay
tsokolate at halata rin ang pagka-antigo nito. Ang nagsisilbing numero ng orasan ay Roman Numerals.
Kasunod niya namang napansin ang kasuotan nito, puting tela na abot tuhod at manggas na hanggang
siko. Kapansin-pansin din ang gintong kapa na nasa kaniyang likuran at ang mahabang puting buhok na
abot balikat. Inakala ng president na namamalikmata lamang siya sa kaniyang nakita.
Habang sa kalagitnaan ng pag-iisip kung imahinasyon niya lang ba ang lahat ay hindi niya inaasahan ang
sunod na nangyari. Kasabay nang pag-ihip ng malamig na hangin ay bigla na lamang ito nawala ng
parang bula. Napailing na lamang siya sa kabila ng nakita at nagsimula ng maglakad papasok sa gusali.
Taas noo siyang naglakad sa loob, nakasalubong niya ang mga H.A.R (HUMAN ARTIFICIAL ROBOT).
Mukha man silang totoong mga tao ngunit nakaprogram lamang sila na mga robot. Nilikha sila upang
mapagsilbihan ang mga tunay na tao ng hindi napapagod at hindi na rin sila kailangan pang bigyan ng
suweldo.
Nakasuot sila ng kulay pilak na pormal na kasuotang may nakasulat na H.A.R C.O sa gilid.
"Good Morning, Mr. Pres!" pamungad na bati sa kaniya. Nagpatuloy lamang ang presidente sa
paglalakad ng hindi man lang lumingon o pumansin sa mga ito. Nang nakarating na siya sa pinto ay pinagbuksan siya ng dalawang H.A.R na nasa gilid ng pintuan. Pagkapasok niya palang ay unang bumungad sa kaniya ang limang opisyal na kaagad naman nagsitayuan mula sa kanilang kinauupuan ng makita siya.
"Good Morning Mr. Pres!" sabay-sabay na bati ng lima. Wala siyang sinabi na tugon at diretso lamang
naglakad patungo sa kaniyang high tech na swivel chair na nasa gitnang bahagi ng pahabang lamesa.
Nang ilibot niya ang kaniyang paningin ay napakunot ang kaniyang noo ng mapansing kulang ng isa ang
kaniyang mga opisyal.
"Where's Octave?" malamig na saad niya sa lima. Nagkatinginan muna ang mga opisyal na tila ba hindi nila alam kung ano o sino ang sasagot. Nang biglang napatikhim ang presidente ay kaagad nang nagsalita ang kaniyang spokesperson, umupo muna ito ng maayos bago nagsimulang magsalita. "Mr. Pres, secretary Octave didn't attend to our meeting. Because, the D.I.J (DETECTIVE INTELLIGENCE OF JUSTICE) requested his presence for handling a case. He came here a while ago to get his other important files."
Sasabihan sana siya ng kaniyang secretary kanina na hindi ito makakadalo, kung hindi niya lang sana
agad pinatay ang kaniyang tigram. Hindi nagustuhan ng presidente ang dinahilan ng kaniyang secretary, wala siyang pakialam kung may ibang mahalagang gawain pa ito. "I thought he already knew, that I didn’t want anyone to be absent or be late especially when it comes to my meetings. Call him now or... I WILL FIRE HIM!" galit na saad ng presidente at malakas na isinalampak ang palad sa lamesa. Dahil kaibigan ng spokesperson si Octave ay dali-dali niya itong tinawagan.
Natataranta siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan at nagtungo sa pinakagilid na bahagi na medyo malayo sa mga opisyal. Kaagad niyang kinuha sa bulsa ang kaniyang cellphone na tinawag na S.I.P #22 (SUPER INTELLIGENCE PHONE #22). Manipis at sing liit lamang ito ng kaniyang palad ngunit kaya nitong mag-expand hanggang labing dalawang pulgada. Pagkatapos tawagan ng spokesperson si Octave ay bumalik na ito sa kaniyang kinauupuan, kung saan siya naka-puwesto kanina na nasa kaliwang bahagi ng presidente. Kilala ang spokesperson bilang si Stanley Wade Stark A.K.A Stade, 21 yrs.old. Kakakaiba ang kulay kahel na mga mata nito at maging ang kaniyang buhok na kakulay ng sinag ng araw.
May magandang boses ito na nakakahalina at siguradong lahat ay makikinig kapag siya na ang nagsalita.
Maliban sa pagiging secretary ng pangulo ay isa rin siyang tanyag na abogado. Lagi siyang nakasuot ng
pormal na kasuotan kahit saan man siya magpunta. May mabuti rin itong kalooban at higit sa lahat hindi
rin ito mapagmataas. Ito ang isa mga dahilan kung bakit kaagad sila nagkasundo ng secretary ng president na si Octave.
"Mr. Pres, he will be here in a couple of minutes," anunsyo ni Stade. Tumango na lamang ang presidente
bilang tugon.
"Alright, let's just start our meeting. I can’t wait anymore, also I have some more important things to do.”
Pinindot ng presidente ang hawakan ng kaniyang upuan kaya nagpop-up sa lamesa na nasa gitna ang mga larawan ng mga tao, lugar, at ang mga kaganapan na kanilang pag-uusapan. "It’s been a year, but, still our main problem was still the same: climate change, over population, lack of food supply and air pollution,” panimula ni Stade. Naglabasan ang mga kaganapan na nabanggit sa hologram na nanggagaling sa lamesa.
“I already gave all of you 365 days to think and research on how we can solve this undying problem. So...
does anyone here already have a plan?” Napahalukipkip ang president habang nililibot ang kaniyang
paningin sa bawat isa at naghihintay kung sino ang sasagot. Naunang magsalita ang pinuno ng Gideons o Lower Class na nasa kanang bahagi ng spokesperson.
Tumayo ito at tila may pinindot na button sa kaniyang kinauupuan na naging dahilan upang mag-iba ang
lumalabas na mga pangyayari sa hologram. Kilala ang pinuno ng Gideons bilang Nasa o Nikolas Alvarez Salares, 20 yrs. old. Nakikitaan ito ng pagkapurong Pilipino mula sa kayumangging balat, buhok na magkahalong kulay tsokolate at itim. May mga mata itong sing itim ng kadiliman at simple lamang ang kasuotan nito kumpara sa kaniyang mga kapwa opisyal. Tanging itim na T-shirt na pinatungan ng puting long sleeve na nakatupi ang manggas ng hanggang siko.
Isang huwarang guro sa kaniyang pinamumunuan bago pa man siya naging pinuno sa kaniyang
nasasakupan. Tanging ang Gideons na lamang ang may paaralan. Ang mga taong nahihirahan na lamang
dito ang nagpapanatili sa kultura at tradisyun ng bansa. Hindi gaanong maunlad sa teknolohiya ang mga
mamamayan sa Gideons dahil mas pinili nilang maging payak at simple lamang ang kanilang
pamumuhay. Higit sa lahat hindi rin sila tuluyang nagpaimpluwensiya sa mga pagbabagong naganap dahil nanatili pa rin ang wikang nakasanayan at ang mga nakagawian ng mga tao bago pa tuluyang nasakop ng teknolohiya ang sistema ng bansa.
"Maari nating—" hindi na natapos ni Nasa ang kaniyang sasabihin ng magsalita ang presidente.
"Stop using that old style language," iritadong pagkakasabi nito. Sa halip na kumontra ay sinunod na
lamang niya ang gusto ng presidente.
"I suggest that we could held a program for planting vegetations and fruit bearing trees. If we could just
try to save our nature. Then, I’m positive that in this way we could solve those problems such as lack of
food supply, pollution and climate change," sumang-ayon naman si Stade sa sinabi ni Nasa. Samantalang
bahagya namang natawa ang pinuno ng Entice na nasa kaniyang harap lamang.
Sunod naman nagsalita si Kashmir Xian Raze siya naman ang pinuno ng Entice o Upper Class A.K.A
Axi, 21 yrs. old. Magulo ang kulay kahel na buhok nito ngunit bumagay naman ito sa kaniyang mga mata
na kulay berde. May suot siyang salamin na katulad sa ginamit ng president kanina. Aakalain mong
napakabait nito dahil sa inosenteng mukha na kabaliktaran naman ng kaniyang ugali. Isa siyang
siyentipiko at inventor ng mga makabagong imbensyon gamit ang teknolohiya. "Save our nature? Such a useless suggestion.” Bahagya siyang ngumisi at bakas sa kaniyang mukha na hindi siya makapaniwala sa narinig. “Do you really think that your ancient idea can save us? Hmm... no wonder you're just a leader to those Gideons people," pagmamaliit na tuno ni Axi.
Kahit gustong-gusto na niyang suntukin ang taong kaharap niya ngayon ay nanatili pa rin siyang
mahinahon. “I guess you’re not respecting my opinion Chairman Axi so.... what’s your useful
suggestion?” nagtitimpi ang boses nito. Tumikhim muna ang pinuno ng Entice bago nagsalita. "I worked hard for this and I planned it very well. All we have to do was to create a capsule that can sustain the daily nutrients of each people everyday and as for the pollution and climate change... I can invent a device that can help to control the pollution and climate." Napa-iling na lamang si Nasa sa suhestiyon ni Axi, samantalang bahagya namang napatango ang presidente.
“How on earth can you control the climate? Are you God?” nang-aasar na tanong ni Odacer. Isang
masamang tingin naman ang ibinigay sa kaniya ni Axi bago nito sinagot ang kaniyang nang-aasar na
tanong. “I am the one made AI human possible, did you just forget who I am? Also, God does not exist,”
mayabang na saad ng pinuno sa Entice. Hindi na lamang ito pinatulan ni Odacer na siyang assistant ng
bise president.
“I’m just gonna excuse myself to get some coffee and some golden glaze for all of us.” Hinayaan lamang
siya ng presidente na abala sa pag-aaral sa hologram kung saan makikita ang plano na gustong gawin ni
Axi. Dahil hindi na kayang tingnan ni Nasa ang nakangising mukha ng kaharap habang hinihintay ang
magiging desisyon ng president ay naisipan niyang tulongan na lamang si Odacer na kumuha ng pagkain.
Si Odoacer Hades Martel A.K.A Odacer, 19 yrs old ay katulad ni Nasa na isang Gideons. Naging Entice
siya magmula nang maging assistant siya ng bise presidente. Mala tsokolate ang kulay ng kulot na buhok
nito. May singkit na bughaw na mga mata na bumagay sa kaniyang mestizo na balat.
Isa siyang astronaut o manlalakbay sa kalawakan, pagmamay-ari ng bise presidente ang ahensiya na
siyang gumawa ng unang sasakyang pangkalawakan na kung saan siya nagtatrabaho na saklaw din ng
H.A.R.C.O. Kaya pumayag siyang maging assistant nito.
Magkahiwalay ang pagkain sa mga inumin, nasa kaliwa si Nasa habang kumukuha ng makakain at nasa
kanan naman si Odacer na kumukuha ng maiinom. Isa-isa nilang nilapag ang pagkain at maiinom sa
lamesa. Maari naman sila mag-utos ng H.A.R upang maghanda ng pagkain sa kanila, sadiyang nais lang
talaga nilang umalis sa kinauupuan dahil kay Axi.
Pinindot ng presidente ang hawakan ng mug kaya kusang uminit ang kape, pagkatapos ay kumuha rin
siya ng hugis donut na may gintong glaze sa ibabaw, maliit lang ito kaya na-ubos niya kaagad. Muli na
nilang pinagpatuloy ang pagpupulong.
"I will approve your proposal Chairman Axi, make it sure that you will not fail," paninigurado ng
presidente.
“How about the overpopulation?” Habang naghihintay ng sasagot ay ininom niya muna ang kaniyang
kape. Nang maibaba na niya ang hawak na mug ay mabilis pa sa alas kuwatro na lumapit ang bise
presidente sa kaniya.
"You all know that I'm the vice president of this nation. That's why, Mr. Pres and to all of you. I want you
to trust me in handling the solution for over population. As a symbol of your trust. I want you to sign this,
Mr. Pres."
Sabay abot ng pahabang screen at stylus sa kaniya. Tinitigan niya muna ito at tiningnan sa mata ang bise
president bago ito tuluyang tanggapin. Isang buntong hininga ang kaniyang pinakawalan bago
pinermahan ang dokumento na nakasaad sa screen.
Ang nasabing bise presidente ay si Ivanovich Grindelwald A.K.A Ivadel, 23 yrs. old. Magkatunggali sila
ni Wei noong election, ngunit naging pangalawa lamang siya sa naging opisyal na resulta. Naihalal na
lamang siya bilang bise presidente dahil kasunod lamang niya ang naihalal na presidente na minsan narin
niyang naging kapatid.
Kakaiba ang mala nagbabagang apoy na buhok nito na naka mohawk. Maging ang mga matang kulay lila,
hindi rin nakasarado ang pulang coat nito. Sa kaniya napunta ang pinaka tanyag na kompanya sa buong
bansa at ito ang H.A.R.C.O na ipinamana ng kaniyang ama nang mamatay ito.
"I don't trust anyone, but I think you have the capabilities to handle this problem. Just make it sure that no
one will be harm to your plans, because my name is in this agreement," saad ng presidente. Tango naman
ng tango ang kaniyang kapatid na si Ivadel. Binalik na niya ang stylus at parihababang screen matapos ito pirmahan.
Mag-iisang oras na ngunit hindi parin dumarating ang kaniyang secretary na si Octave. Dahil naiinip na
siya ay naisipan na lamang niya na tapusin ito.
"I have to go, let's just continue our meeting tomorrow. And also, just inform secretary Octave that he's
no longer my secretary, because his... fired," deklara ng presidente. Napakurap na lamang ang kaniyang
spokesperson habang napailing na lamang ang ibang opisyal na nasa loob. Noong isang taon ay sing bilis ng kidlat niya lang din tinanggal ang kaniyang secretary bago pa man si Octave.
Hindi inasahan ni Stade na gagamitin na naman ng presidente ang kapangyarihan niya na pumili at
magtanggal sa puwesto sa nahalal na mga opisyal. Alam niyang maari itong gawin dahil nakasaad din ito
sa batas. Dahil ayaw niya naman na matanggalan ng trabaho ang kaniyang kaibigan ay naglakas siya ng
loob na habulin ang presidente at kausapin ito.
Akma na sanang bubuksan ng presidente ang pinto ng biglang siyang nakaramdam ng paninikip ng
kaniyang dibdib na naging dahilan ng pahirap niya sa paghinga. Nanginginig narin ang kaniyang labi at
tila nagiging bughaw na ito. Naramdaman niya ang panghihina ng kaniyang mga tuhod hanggang sa bigla
na lamang umikot ang kaniyang paningin.
Mabilis ang pagkabog ng kaniyang puso, unti-unti na rin bumibigat ang kaniyang mga talukap. Bigla na
lamang kumirot ang kaniyang ulo hanggang sa nandilim na ang kaniyang paningin at tuluyang nawalan
ng malay. Mabuti na lang at saktong nasa likod niya ang spokesperson nang matumba siya kaya natatarantang pinatawag nito ang H.A.R.
Hindi makapaniwala ang presidente sa kaniyang nasasaksihan nang nakita niya ang kaniyang sariling
katawan na naka handusay sa sahig.
"A-anong nangyayari s-saakin?" gulantang niyang tanong sa sarili.
MOONSIA 7 (Mr. Pres, Octave, Odacer, Nasa, Stade, Ivadel and Axi)