Habang nasa kawrto ako hindi ko maiwasan mag- isip kung ang lalaking nag abot ng bulaklak kay Ate baby kanina at yung pumasok sa bahay kagabi ay iisa lang, Sino siya at bakit tinatawag niya akong Asawa?Bulong ko. "Oras na malaman ko kung sino ka mata mo lang ang walang latay." Ilang oras na lang makikila ko na ang matandang mapapangasawa ko, para yatang ang saklap ng magiging kapalaran ko. "Nakakainis!! Sigaw! Ko habang palakad lakad ako sa aking silid, sabay nag pakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago ako humakbang patungo sa binta upang tignan ang mga kasambahay na abala sa pag- ayos sa malawak na bakuran. "Tuloy." Saad ko ng marinig ko ang katok mula sa pinto. "Ma'am Nica, may nag padala po sinyo ng kahon na ito." Saad ng isang kasambahay ng makapasok ito sa loob

