"Sa ayaw at sa gusto mo Nica, Umupo ka dito at sabayan mo kaming kumain ng mommy mo." Saad ng aking Ama. "Sweetheart, sige na umupo ka na dito pag bigyan mo na kami ng Daddy mo." Wika naman ng aking Ina. "Pero Busog pa ako." Katuwiran ko pero ang totooo kagabi pa talaga ako nagugutom kung hindi lang sa lalaking pumasok kagabi sa bahay di sana nakakain na ako. "Please Anak pag bigyan mo na kami ng daddy mo." Pag susumamo ng aking Ina, habang hawak niya aking kamay at parang maiiyak, ito wala akong nagawa kundi pag bigyan na lang ang aking Ina sa kahilingan nito hindi ko naman maaatim na paiyakin si Mommy. "Salamat anak." Saad ng aking Ina ng umupo ako sa bakanteng upuan sa tapat ni Mommy. "Anak, Anong gusto mong kainin?" "Mommy, Ako na lang po ang kukuha ng pag kain ko." Saad ko

