Chapter 6 Plano Ni Nica.

1106 Words
"Anong gagawin ko, hindi ako pwedeng dumadaan sa malaking gate na to." Saad ko habang kakamot- kamot ako sa aking ulo, hindi naman ako pwedeng dumaan sa pader na dinaanan ko kagabi dahil wala akong gagamitin hagdanan para makaliban ako. "Bahala na nga." Mahina kong usal sabay nag doorbell ako, isang doorbell lang ang ginawa ko at binuksan agad ni Manong guard ang gate. "Ma'am Nica, kayo po pala." Saad ni Manong guard sabay hagod niya ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa. "Manong nasaan si Daddy? "Ma'am Nica, sa totoo lang po kagabi pa kayo hinahanap ni Don Fredie, galit na galit nga ho." "Eh, Nasaan po si Daddy ngayon? "Nasa loob po ng inyong bahay, hinihintay po ang pag uwi niyo." "Sige po Manong salamat po sa pag bukas ng gate papasok na po ako sa loob." Saad ko at dahan- dahan akong nag lakad papasok sa loob ng bahay, sana hindi pa ako makita ni Daddy. Bulong ko. Ngunit sa pag iingat ko sa pag pasok sa loob ng bahay, nagulat ako sa sigaw ng aking ama. "Nica, Lumapit ka rito! Malakas na sigaw ni Daddy, napahinto naman ako sa pag hakbang, at lumingon sa kinaroroonan ng aking ama, habang nakaupo ito sa sofa sa sala katabi si mommy. "Hi Dad Hi Mom." Sabay kaway ko sa kanila ngunit hindi ako nag tanggkang lapitan sila. "Hindi mo ba Narinig ang tawag ko sa'yo Nica, "Dad, Narinig ko po." Anas ko sabay lumapit ako sa kinaroroonan nila. "Saan ka nanaman ba nanggaling huh???! Ganyan na ba katigas ang ulo mo bata ka?! Kababae mong tao para kang mag nanakaw na dumadaan sa bintana, nang dyes oras ng gabi ganyan ba ang tinuturo namin sa' yo ng Mommy mo huh??! Singhal! Ng aking Ama, ng tuluyan akong nakalapit sa kanila. "Daddy, pumunta lang naman po ako sa bahay, ng kaibigan ko." Pag sisinugaling ko. "Maaga akong makakalbo sa' yo bata ka kailan kaba titino Nica? Dahil Dyan sa katigasan ng ulo mo kailangan idaos na ang magaganap na party, upang ipa alam na ikakasal kana at makilala mo na rin si Repper. Saad ng aking Ama, habang galit itong nakatingin sa akin. "Ano kaba mahal ko wag mong sigawan ang anak mo baka naman mag tampo naman sa'yo ang anak mo." Sabat nang aking Ina. "Yan, ka naman Nora, kaya tumitigas ang ulo ng anak mong niyan dahil lagi mo na lang siyang kinakampihan, paano matuto ang batang yan kung lagi ka na lang nasa likod niya, para supurtahan ang katigasan ng ulo ng batang yan. Inis na saad ng aking ama. "Fredie ayaw! ko Lang naman mag kasamaan kayo ng loob ng Anak mo." Katuwiran naman ni Mommy. "Hindi bali na lang na mag katapuhan kami Ng batang yan! Nag sasawa na rin ako sa kakasaway sa kanya! Galit! Na Sambit! Nang aking Ama. "Sige na Nica, umakyat kana sa kawarto mo Ako na ang bahala sa Daddy mo para mayos mo ang sarili mo." Wika ni Mommy, Agad naman akong umalis sa harapan nang aking magulang, at umakyat ako sa aking silid, na masamang- masama ang ang loob ko sa aking Ama dahil sa gusto niyang mang yari ipakasal ako sa lalaking hindi ko pa naman nakikita, pag pasok ko sa aking kwarto padapa akong nahiga sa aking silid. Kailangan gumawa ako nang paraan upang hindi matuloy ang binabalak ni Daddy na ipakasal ako sa matandang amoy lupa. Ano ba ang dapar kong gawin para hindi matuloy! Ang plano ni Daddy.Bulong ko. Sa aking pag- iisip nang plano napangiti ako ng Maalaala ko si Jett Budhi, na nakilala ko sa bar, isang bakla gunit ang katawan nito parang katawan ng lalaki bakit hindi ko na lang siya pag panggapin na boyfriend ko, at sasabihin ko kay Daddy si Jett, ang gusto kong pakasalan. Tama hihingi ako ng tulong kay Jett, sana pumayag siya, kailangan kung makausap ang baklang yon.Bulong ko. "Bwesit! Madali ko sanang makakausap si Jett, Kong hindi sinira ng kapreng lalaking yon, ang aking cellphone. Hihiramin ko na lang muna ang Cellphone ni Ate Baby tutal naman tanda ko pa naman ang cellphone number ni Jett. Nag mamadali akong bumangon sa aking higaan at handa sa akong lumabas upang hanapin si Ate Baby, ngunit napangiwi ako na amoy pawis na pala ako kaya naisipan ko na lang munang maligo. Inihanda ko muna ang lahat ng aking susuotin bago ako pumasok sa loob ng banyo, nag babad muna ako ng ilang minuto sa bago ako natapos sa pag ligo. Pag katapos kong maligo binalot ko ang aking buhok ng towel at Nag suot ako ng roba bago ako lumabas ng banyo. Pinunasan ko ng mabuti ang aking mahabang buhok ng tuwalya bago ako nagbihis ng pambahay. Pagkatapos kong magbihis nag mamadali akong lumabas ng aking silid hindi ko na nagawang suklayin pa ang aking buhok dahil nag mamadali na akong lumabas habang pababa ako nang hagdanan natanaw ko sala ang aking ama At isang lalaking nakatalikod habang nakaupo ito sa sofa. Ngunit hindi ko na lang ito Pinansin ang lalaking kausap ni Daddy, dahil mas importante ang aking gagawin. Kailangan kong hanapin si Ate Baby, ngunit bigla na lang akong tinawag ni Daddy. "Nica, saan ka nanaman pupunta nag babalak ka nanaman bang tumakas huh?! Kaya napalingon ako sa aking Ama. "Hindi po Daddy, pupunta lang po ako ng kusina." Sagot ko naman, kay Daddy. "Sige po Sa kusina lang po ako." Pa alam ko sa aking Ama agad akong pumunta ng kusina at hinanap ko si Ate Baby, ngunit wala naman ito sa kusina. "Manang Rosing, Nakita niyo ba si Ate Baby?" Tanong ko sa kusenera namin. "Oo Iha, puntahan mo na lang siya sa laundry area, nag lalaba siya doon." "Salamat po Manang." Mabilis akong nag pumunta sa laundry Area, nakita ko naman agad si Ate baby habang nag lalaba ito nang aming damit kasama ang isang pang kasambahay namin "Ate Baby, Pwede ka bang makausap saglit?" Saad ko ng makalapit ako sa babae. "Oo naman Ma'am Nica, ano po ba ang kailangan niyo sa akin? Ma'am pasensya na kayo kanina kung hindi ko kayo napuntahan kanina, at isa pa po paputol- putol ang ating usapan kaya hindi ko alam kung saan ko kayo pupuntahan." Paliwanag ng babae. "Ate, Baby, Ayos lang po Yon, siya nga pala pwede bang makahiram ng Cellphone mo nanakaw kasi Ang cellphone ko kanina may kailangan lang akong tawagan." Saad ko sa babae. "Oo, naman tamang- tama may pantawag po ito." Saad ng babae, sabay abot niya sa akin ng kanyang cellphone mabilis ko naman kinuha sa kamay ni Ate Baby, ang telepono nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD