Chapter 7 Repper.

1015 Words
Pag kakuha ko sa kamay ni Ate Baby, ng telepono niya, agad kong tinawagan ang numero ni Jett, nakailang dial din ako bago may sumagot sa kabilang linya. "Hello sino Ito?" Maarteng tanong ni Jett, sa kabilang linya. "Jett, si Nica ito." "Oy! Bakla ikaw pala bakit napatawag ka? Masayang tanong ni Jett, sa boses niyang parang inipit na palaka. "Jett, Pwede bang makahinge ng tulong sa'yo?" Tanong ko sa aking kausap sa kabilang linya. "Hay! Bakla anong tulong naman ang maitutulong ko sa'yo?" "Pwede bang mag kita tayo ngayon sa isang restaurat malapit lang dito." "Bakla ka mukhang mahalaga ang sasabihin mo sa akin." "Oo at ikaw lang ang makakatulong sa akin." "Sige bakla makikipag kita ako sa'yo ngayon din, saan restaurant tayo mag kikita?" "Ititxt ko sa'yo kung saan." Saad ko rito. "Okay, babo na at para naman mapag handaan ko ang pag kikita natin." Napangiti naman ako dahil pumayag itong makipag kita sa akin, sana pumayag rin siya sa hihilingin kong tulong dito. "Sige, bye." Bago ko ibinalik ang Telepono ni Ate Baby, tinixt ko muna si Jett, kung saan restaurant kami Mag kikita. "Salamt ate Baby,may isa na lang akong hihilingin sa'yo, pwede bang samahan mo ako sa bayan saglit lang tayo doon." "Ma'am Nica, baka magalit si Don Fredie, sa akin." Nag- aalalang saad nito. "No, ako ang bahala, mag papa alam ako kay Mommy." "Sige po Ma'am Nica." "Kung ganon hintayin mo ako mag- papa alam ako kay Mommy." Saad ko sa babae, Mabilis akong umalis sa laundry Area at muli akong pumanhik sa itaas upang puntahan si Mommy sa kanilang silid, sa tingin ko na roon si Mommy dahil wala na ito sa sala. Pag karating ko sa tapat ng silid ng aking magulang kumatok muna ako ng ilang ulit bago ko narinig ang boses ni Mommy. "Pasok." Agad kong binuksan ang pinto nang silid nila mommy,napangiti naman ako ng makita ko ang aking Ina habang nag babasa ito ng balita sa dyaryo. "Oh, Anak ikaw pala." Saad ng aking Ina, nang lumingon ito sa akin, lumapit ako rito at umupo ako sa tabi ni Mommy. "Mukhang, may kailangan ka sa akin, Anak." "Opo mommy, mag papa alam sana ako sa inyo, pupunta po ako sa bayan, may bibilihin lang po ako, wag po kayong mag- alala babalik po ako agad, at isa pa po kasama ko naman si Ate Baby Mommy, payagan niyo na po ako hindi po ako mag tatagal sa bayan." "Nag pa alam ka na rin ba sa Daddy mo?" "Hindi pa po alam kong hindi naman ako papayagan ni Daddy, kaya nga po sa inyo na lang po ako mag- papa- alam." "Anak kaya laging nagagalit ang Daddy mo sayo dahil hindi ka marunong mag- alam sa kanya at isa pa lagi ka na lang tumatakas Nica, Anak tama naman ang sinasabi ng Daddy, mo sa'yo sasamahan kita sa Daddy mo para mag pa alam." "Pero Alam niyo naman galit sa akin si Daddy, sermon lang aabutin ko sa kanya." Saad ko sabay, Buntong hininga ko. "Sa ayaw at sa gusto mo mag papa- alam ka pa rin sa Daddy, mo, dahil hindi rin kita papayagan, halika na at sasamahan kita sa Ama mo." . Wala akong nagawa kundi sundin ang sinabi ng aking Ina at sabay na rin kaming bumaba ni Mommy, pag ka baba namin ni Mommy Pansin kong naroroon pa rin ang bisita ni Daddy, habang nakatalikod pa rin ito habang nakaupo sa sofa. "Mahal, mag- papa- alam ang anak mo sa'yo." Saad ng aking Ina nang makalapit ito kay Daddy ako Naman nanatili na lang ako sa tabi. "Nica, aalis ka nanaman ba kakarating mo lang aalis ka ulit anong ugali mayroon kang bata ka huh." Sambit! Nang aking Ama. "Daddy, may bibilihin lang po ako sa bayan kasama ko naman po si Ate Baby." Saad ko." "Hindi ka aalis dito ka lang, at wag mong subukan na tumakas Nica, dahil sa oras na tumakas ka habang buhay ka nang hindi makakapasok sa bahay na ito! Sambit! Ng aking Ama. "Fredie, wag mong pag salitaan ang Anak mo nang ganyan baka pag umalis yan dito baka hindi na siya bumalik." Saad naman nang aking Ina. "Sinasabi ko lang ang pwedeng mangyari Nora, at hindi rin ako nag bibiro oras na tumakas ulit ang Anak mo hindi na siya makakabalik dito. Tutal, nandito ka na rin may pag uusapan tayo ng Mommy mo tungkol sa magaganap na kasal mo." "Daddy, Ayaw ko pang mag pakasal bata pa ako at wala pa sa isip ko ang mag pa kasal! "Wala kana nang magagawa Pa Nica, dahil nag kausap na kami ni Reaper," "Excuse po, Ma'am Nica, tumawag po si Sir Jett, pinasasabi niya po na papunta na po siya sa Restaurant na sinabi niyo." Saad ni Ate Baby nang sumulpot na lang ito bigla. "Salamat ate Baby." "Nica, Sino Ang Jett?! Na yon, Huh! Tanong ng Aking Ama. "Siya po ang boyfriend ko." Pag sisinungaling ko. "Ngayon Alam niyo na may Boyfriend na ako siguro naman hindi niyo na ipag pipilitan na ipakasal ako sa isang tao na hindi ko pa nakikita at isa pa po mahal ko po ang boyfriend ko." "Damn!!! Narinig kong Sambit! Ng Lalaking bisita ni Daddy, kaya na pasulyap ako rito, hindi ko Pa rin masiyadong makita ang mukha nito dahil nakasuot ito nang Sungglasses sa Mata sira ulo yata ang lalaking ito Bulong ko. "Don Fredie señiora aalis na po ako may mahalaga pa akong gagawin." Pa alam ng bisita ni Daddy, sabay tayo nito sa kanyang pag kakaupo, Tumango lang si Daddy dito bago humakbang ang lalaki pa alis habang nakayuko ito na dumaan sa akin harapan. Nahabol ko nang tingin ang lalaki ng Malanghap ko ang pamilyar na pabago ng lalaki, tama nga kaamoy niya ang pabango nang lalaking kapreng dumukot sa akin.Bulong ko. "Ikaw Nica, Umakyat ka na sa Kwarto mo bukas na lang tayo mag- uusap ang bilin ko sa'yo pag tumakas ka pa ulit hindi kana makakabalik sa bahay na ito at hindi mo na kami makikita ng Mommy mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD