Chapter 34

1546 Words

Sarah "Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday to, Johan," masayang kantahan ng mga taong inimbita namin ni Josh sa unang kaarawan ng aming anak. Sa loob mismo ng kanyang restaurant ginanap ang unang kaarawan ng aming Johan at si Josh mismo ang naghanda at nagluto ng lahat. Ang lahat ay siya ang gumawa sa tulong na rin ng mga emplyado niya. Kahit na kinulang na siya ng tulog para lang maihanda ang lahat ay wala man lang akong narinig na reklamo mula sa kanya. Talagang masaya siyang ginagawa ang lahat para sa anak ko. "Blow the candle, champ," nakangiting utos ni Josh sa anak ko na pilit inaabot ang malaki niyang cake na may disenyong spiderman. Natatawang hinawakan ni Josh ang magkabilang kamay ni Johan kaya nagpumiglas ang anak ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD