Chapter 7

2394 Words
Sarah Nagising ako sa umaga dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Unti-unti kong iminulat ang inaantok kong mga mata at sinalubong ang liwanag na nagmumula sa likod ng kurtina. Ang panloob na makapal na kurtina ay nakabukas na samantalang ang manipis na panlabas na kurtina ay nananatiling nakasarado pa rin ngunit mahina iyon tinatangay ng hangin. Napangiti ako. Ang sarap gumising sa umaga na payapa mong nasisilayan ang liwanag ng mundo. Kung gaano ito kaygandang damhin na para bang ikaw na ang pinaka-maswerting tao sa balat ng lupa para bang ay nakakahalina. Alam kong maswerte na ako sa buhay na tinatamasa ko ngayon dahil masaya at kuntento ako sa piling ng aking asawa at tahimik na namumuhay kasama siya. Hindi ko kailangan mag-alinlangan pa dahil alam kong mahal niya ako at hindi niya ako sasaktan. Alam ko at may tiwala ako na hindi siya gagawa ng isang bagay na ikakasakit ng damdamin ko. Hindi niya pinaghirapan na makuha ang pagmamahal ko para lamang pakawalan niya, hindi siya nagpakahirap na mapasagot ako para lang balewalain lahat 'yon. Alam kong mahal niya ako at hindi niya ako sasaktan dahil naniniwala ako sa sinasabi ni Mama na ang taong pinaghirapan mong makuha ay hindi dapat pinapakawalan pa. Nakangiti kong pinalibot ang aking tingin sa kabuuan ng aming kwarto hanggang sa huminto ang aking mga mata sa asawa kong tahimik na naka-upo sa mahabang sofa habang binabasa ang hawak nitong papel. Bumaba ang tingin ko sa katawan niya at napakagat labi na lang ako nang makita ang kahubaran niya, tanging boxer lang ang kanyang suot at may puting tuwalya na nakapatong pa sa kanyang ulo. Napalunok ako. Bagong ligo siya at alam kong malamig pa ang katawan niya at masarap 'yon yakapin lalo pa at walang saplot iyon. Sa harap niyang lamesa ay nando'n ang marami pang papel na nakakalat at ang nakabukas niyang laptop. Ngunit gano'n na lang kabilis lumaki ang aking mga mata nang dumiretso ang tingin ko sa malaking orasan na nakasabit sa pader sa bandang likuran ni Jonas. Alas-otso y bente na. (8:20) "Hala..." nagugulat kong sambit, at saka mabilis na bumangon at bumaba mula sa kama. "Babe, dahan-dahan lang," natatawang sabi ni Jonas. Sinamaan ko siya ng tingin at naglakad papalapit sa kanya. Nakangiti niyang binitawan ang hawak na papel at tinapik ang kanyang kandungan. Hindi ko napigilan ang pagguhit ng ngiti sa aking labi dahil nakakahawa ang kanyang hitsura. Nakakahawa ang masaya niyang ngiti at kaysarap 'yon panoorin. Tila ba ang ganda nang simula ng kanyang umaga. Mababakas sa kanyang mukha ang saya at kapayapaan. Nakangiti siya habang inaalalayan akong paupo sa kanyang kandungan. Agad akong yumakap sa kanya at isiniksik ang mukha ko sa kanyang leeg. Agad na pumuno sa ilong ko ang mabango niyang amoy na kaysarap amoy-amoyin. "Bakit hindi mo 'ko ginising?" inaantok ang tinig kong turan. "Ang himbing ng tulog mo kanina kaya hinayaan na kita, at saka maaga pa para pumunta sa mansyon. May isang oras pa bago dumating sila Jane," natatawa niyang paliwanag. "Kumusta ang pakiramdam ng buntis kong asawa,hmm," malambing niyang tanong kapagkuwan. Hindi ko siya sinagot at patuloy lang siyang hinahalikan at inaamoy sa kanyang leeg. Natatawa niyang pinanggigilan ang pang-upo kong nababalot ng manipis na pantulog. Alam kong siya ang nagsuot nito sa akin dahil natulog akong nakahubad. "Ang bango mo," mahina kong sabi at muli siyang hinalikan sa leeg na mahina niyang ikinatawa. "I love you, babe!" bigla ay sabi nito. Iyon ang naging tugon nito sa halip na sagutin ang aking sinabi. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi upang titigan ako sa aking mga mata. Mariin akong napatitig sa kanyang mukha at hindi ko maintindihan dahil bigla na lang binalot ng matinding kaba ang puso ko. Sa tagal naming magkasama ay hindi ko pa rin kabisado ang bawat galaw niya at minsan pa ay pinaghihinalaan ko pa rin ang pagmamahal niya para sa'kin at ang intensyon nito. Mahirap siyang basahin dahil napakaamo ng kanyang mukha ngunit minsan ay para bang may kakaiba sa kanyang mga ngiti. "Babe, mahal na mahal kita. Kung may magawa man akong kasalanan sa'yo, sana ay huwag mo akong iwan," seryoso niyang sambit. Mas lalo pang tumindi ang kaba sa dibdib ko dahil sa kanyang sinabi. "Jonas, anong ginawa mo? May kasalanan ka ba at ganyan ka magsalita?" magkasalubong ang kilay kong tanong sa kanya. Nakangiti siyang umiling at saka masuyo niya akong hinalikan sa mga labi. Kahit nalilito man ako sa mga puntong 'yon at naguguluhan sa mga salitang binitawan niya ay kusa pa rin gumalaw ang mga labi ko at tinugon ang kanyang halik. Mahina akong napa-ungol nang dumapo ang kanyang palad sa dibdib ko at haplosin iyon. Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang maalalang bagong gising pa pala ako at hindi pa nakakapasok ng banyo upang gawin ang mga dapat kong gawin. Nangunot ang kanyang noo nang itinulak ko siya palayo sa labi ko. "Kakagising ko lang at hindi pa ako nagsisipilyo," mabilis na aniya ko. Muli kong tinulak palayo ang kanyang mukha nang akma na naman niya akong hahalikan. Natatawa siyang umiling dahil sa naging kilos ko. "Babe, araw-araw kitang hinahalikan sa labi kahit bagong gising ka pa lang," natatawa niyang sambit, ang ngiti sa kanyang labi ay hindi nawawala. Sunod-sunod akong umiling dahilan upang muli siyang tumawa. "Okay, maligo ka na bago pa kita paliguan," nakangisi niyang sambit. Napakagat labi ako at hindi umalis sa kandungan niya nang maramdaman ko ang matigas na bagay na tumutusok sa p********e kong natatakpan pa ng tela. "Babe, galit na siya," mahina nitong sambit. Napapalunok siyang nakatingin sa mga mata ko hanggang sa unti-unti nang bumaba ang kanyang mga mata sa dibdib kong bumabakat ang tuktok nito sa manipis na telang suot ko. Dahan-dahan niyang hinawi ang tumatakip dito at inilabas ang u***g ko. "My beautiful babies," napapaos niyang bulong habang may pagnanasa sa kanyang mga mata. Muling umangat ang kanyang tingin at nakipagtitigan sa akin habang unti-unti niya itong pinasok sa kanyang bunganga at agad na sinipsip. Napapikit ako dahil sa kakaibang kiliting dumaloy sa katawan ko at bahagya pang napa-ungol. Naimulat ko lang ang aking mga mata nang maramdaman kong gumalaw ang kanyang kamay at inilabas ang galit niyang alaga na handa nang maghasik ng lagim. "Babe, dahan-dahan lang," kinakabahan kong sambit. Tumango siya at dahan-dahan niyang tinusok ang butas ng p********e ko. Sabay na tumakas sa aming mga bibig ang mahinang ungol nang tuluyan na itong nakapasok. Nanatili ang tingin ko sa kanyang mukha habang mabagal niyang iginagaya pataas pababa ang balakang ko. Kagat nito ang kanyang labi habang nakapikit na tinatamasa ang kakaibang sarap na pinagsasaluhan ng aming mga katawan. Napangiti ako. Alam kong nagpipigil lang siya dahil hindi siya 'yong tipo ng lalaki na iingatan ka pagdating sa bagay na 'yon. Maamo ang pagmumukha ni Jonas ngunit para siyang mabangis na hayop pagdating sa kama at ilang beses ko na 'yon napatunayan. Habol ang hininga kong yumakap sa kanyang leeg. Mahina ko pang tinampal ang kanyang pisngi nang mahina siyang tumawa nang maramdaman na para bang nauubusan na ako ng lakas samantalang siya ay hindi man lang hiningal o pinagpawisan man lang. Kulang na kulang pa para sa kanya ang naibigay kong 'yon ngunit wala akong magawa dahil hindi maaaring abusuhin ang p********e ko dahil maselan ang pagbubuntis ko. "Sorry, babe. Sorry dahil hindi ko maibigay sa'yo ang pangangailangan mo. Naiintindihan mo naman siguro ang kalagayan ko. Jonas, alam mong handa akong gawin ang lahat para sa'yo para mapasaya ka lang pero kasi... hindi ko pweding ipilit ang gusto ko, hindi ko pweding unahin ang pangangailangan natin pareho dahil ang anak natin ang mapapahamak!" madamdaming kong wika. Tila ba nagulat siya nang bigla na lang akong humagulgol habang nakasiksik ang mukha ko sa kanyang leeg. Alam kong marami akong pagkukulang sa kanya bilang asawa niya, lalong lalo na sa pangangailangan niya bilang isang lalaki dahil hindi ko nasasabayan ang lakas at ang tibay niya pagdating sa bagay na 'yon. Kaya kahit sinabi na sa akin ng Doktor na hindi na maaaring gawin pa ang bagay na 'yon dahil mahina ang kapit ng anak ko at pwede niyang ikapahamak 'yon ay sinusubukan ko pa rin siyang pinagbibigyan. Kahit mapanganib ay hinahayaan ko pa rin siya sa gusto niyang gawin ngunit alam kong hindi sapat para sa kanya ang isang beses lang. Minsan ay natatakot din ako sa tuwing nakikita kong hindi siya nakukuntento sa kaya kong ibigay. Ayaw kong magkulang sa kanya dahil natatakot akong baka mahanap niya sa iba ang mga pagkukulang ko. Natatakot ako na baka maibigay ng ibang babae ang mga bagay na ako dapat ang gumagawa para sa kanya. "Hush babe,please, don't cry. I love you!" bulong niya habang hinahaplos ang likod ko. Paulit-ulit niyang sinasabi ang salitang I love you habang sinusubukan akong pakalmahin ngunit hindi ako makaramdam ng tuwa. Hindi ko alam dahil may parte sa akin na nasasaktan. Ang daming "what if" na pumapasok sa isipan ko. Linalason nito ang puso at isipan ko dahilan upang makaramdam ako ng sakit at pangamba. Paano kung... Paano kung... Paano kung... No, it can't be. Hindi pwede... Hindi maaari... Hindi magagawa ni Jonas 'yon sa akin dahil mahal niya ako. Hindi niya ako sasaktan, tulad ng araw-araw niyang pangako na hindi siya gagawa ng anumang bagay na makakasakit sa damdamin ko. "Napaka-iyakin mong buntis ka, baka maging iyakin din ang anak natin paglabas niyan," natatawa niyang sabi, at pinunasan ng kanyang hintuturo ang luhang dumaloy sa pisngi ko. Napangiti ako habang patuloy na umaagos ang mga luha sa pisngi ko. Siguro nga ay nagiging emosyonal lang ako dahil sa pagbubuntis ko. Siguro ay napapa-praning lang ako kaya gano'n ang mga naiisip ko, na kahit ang pagmamahal niya sa akin ay pinaghihinalaan ko na. "Beh, mahal kita, kaya pinapalaya na kita. Mahal kita kaya hahayaan na kitang maging masaya sa piling ng lalaking mahal mo pero mangako ka, mangako kang babalik ka sa akin pag sinaktan ka niya!" Mariin akong napapikit nang bigla na lang bumalik sa isipan ko ang senaryong 'yon kung saan mas pinili niyang magparaya. Mas pinili niyang palayain ako nang malaman niyang mahal ko na si Jonas. Umiiyak siya nang sandaling 'yon habang pinapalaya ako. Masakit para sa kanya ang bitawan ako ngunit mas mahalaga pa rin sa kanya ang kaligayahan ko. "Kung saan ka man ngayon, beh, sana ay masaya ka na dahil masaya at kuntento na rin ako sa buhay ko. Mahal niya ako at mahal ko si Jonas kaya malabong sasaktan niya ako," Taimtim akong nanalangin na sana ay masaya na siya ngayon sa buhay niya. Masaya na ako tulad ng kagustuhan niya kaya't sana ay palayain na rin niya ang kanyang puso. Napaangat ang tingin ko kay Jonas nang tumayo siya habang maingat akong binuhat. Napangiti na lang ako nang makitang naglalakad siya patungo sa banyo. Mahina pa akong natawa nang ipasipa niya ang pinto sa akin upang buksan ito ng malaki. Dahan-dahan niya akong ibinaba sa kulay asul na banyera upang buksan ang tubig. Tumayo ako sa gitna ng banyera upang hubarin ang suot ko, natatawa kong inirapan si Jonas nang sumipol siya nang makita ang kahubaran ko at hinubad din nito ang suot na boxer at sinamaan ako sa loob ng banyera. Habang magkadikit ang aming mga katawan sa ilalim ng tubig na punung-puno ng bula ay panay rin ang tawa ko dahil sa kakulitan niya, tawa na minsan ay nagiging ungol na dahil sa malikot na kamay ni Jonas. "Gising na gising sa ilalim ng tubig," natatawa kong kinanta 'yon nang paupuin niya ako sa kanyang kandungan paharap sa kanya. Malakas akong napasinghap nang bigla na lang niyang ipasok ang p*********i niya sa loob ko. "Huwag mo nang asarin pa, babe.Mas lalo mo lang ginagalit," natatawa niyang sabi. Malakas akong humalakhak nang gumalaw sa loob ko ang galit niyang alaga. "Ilabas natin ang galit niya kung gano'n," bulong ko sa pagitan ng aming mga labi. Natulala siya nang dampian ko ng halik ang kanyang labi at kalaunan ay napalunok siya at mariin na napapikit nang simulan ko nang gumalaw sa ibabaw niya. Mabagal at maingat ang bawat galaw ko, sinisiguro kong ramdam niya ang bawat pagbaon ng halimaw niyang alaga sa loob ng p********e ko. "Bakit parang mas nagagalit pa siya?" nakanguso kong tanong. Napapapikit ako dahil pakiramdam ko ay punung-puno ang p********e ko dahil mas lalo pa 'yon lumalaki sa loob ko. Malakas siyang tumawa dahil sa tanong ko ngunit kalaunan ay mas nakita ko sa galaw niya ang matinding pagnanasa na kanyang nararamdaman. Naging mapaghanap ang kanyang bawat galaw. " Babe, ang sarap,sige, igiling mo pa..." hinihingal niyang sambit. Mas lalo ko pang ginalingan ang ginagawa ko nang makita sa kanyang mukha na nakukuntento na siya. "Babe, malapit na aahh..." napayakap sa akin si Jonas pagkatapos sabihin 'yon. Ilang segundo lang ay nanigas na ang katawan niya at naramdaman ko na rin sa loob ko ang pagsabog at pag puno ng mainit niyang katas sa p********e ko. Napapikit ako at patuloy pa rin sa paggiling sa ibabaw niya, ayaw ko pang tumigil dahil binabaliw ako nito sa subrang sarap. Hinawakan niya ang pang-upo ko at mas pinagdiinan pa niya ang p********e ko sa p*********i niya. "Babe, ayos ka lang? Walang masakit sa'yo?" bigla ay naging tanong niya. Tila ba nahismasan siya sa makamundong bagay na 'yon na aming muling pinagsaluhan at bigla ay naalala ang kalagayan ng aming anak. Nakangiti akong umiling bago siya hinalikan sa mga labi at mahina pang napa-ungol nang muli niyang ipagduldulan ang p*********i niya sa loob ng bukana ko. "I love you!" nakangiti niyang sabi habang deretsong nakatingin sa mga mata ko. "Mas mahal kita, Jonas," inirapan ko siya at pilit na pinipigilan ang ngiti sa aking labi. "Hindi ka talaga magpapatalo e, no?" natatawa niyang sagot kaya hindi ko na rin napigilan pa ang ngiting gumuhit sa mga labi ko. Natatawa akong umiling nang umiling bago siya mapusok na hinalikan. "Tama na, baka hindi na ako makapagpigil pa at maka-isa na naman ako, kawawa naman ang anak ko," natatawa niyang sabi, inalalayan niya akong tumayo at saka hinayaan na dumaloy pababa ang tubig sa hubad kong katawan. Hinayaan ko siyang paliguan ako kahit pasaway ang kanyang kamay. Hinayaan ko siyang gawin ang lahat ng gusto niya dahil pakiramdam ko ay nagdiriwang ang puso ko dahil sa nakikita na kakaibang saya sa mukha ng aking asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD