Chapter 2

1563 Words
GREY'S POV “Tsk! Ang clumsy mo, talaga Ms. Natividad. “ Hindi ko maiwasan na bulalas sa babaeng, alam ko nag-aapoy na naman ng galit sa kanyang mukha. I don’t understand myself why I felt happy when I saw her face to being rude of me. Hindi ba dapat magalit ako? Dahil siya lang ang kaisa-isang tumanggi sa ‘king kagwapuhan? But hell! Why did I feel strange towards this woman? I am Grey Arthur Sandoval, a CEO of my own company. I am the owner of one of the largest hotels in all over the country. And the woman who is standing in front of me doesn’t really care who I am. Napangiti ako ng nagpakawala siya ng malakas na hangin sa bibig. Hindi rin nakaligtas sa akin ang kanyang pag-irap. Lihim akong napangisi, dahil kumpleto na ulit ang araw ko, nasira ko na ulit ang araw ng babaeng lagi na lang gumugulo sa utak ko! Starting with my friend’s wedding, two years ago to be exact. “Hindi ako clumsy noh! E, ano ba kasi ang ginagawa ng isang kapre dito? “ Saad sa akin, biglang nag-asim ang ‘king mukha because that word, I hate to called me being kapre! Hell! Sa gandang lalaki kong ito? Dammit! Mukhang gusto pa niyang matuwa sa akin, kaya dahan-dahan ko siyang nilapitan, ngunit umatras siya. Lihim akong napangisi. “Scared? “ Nang-uuyam kong tanong sa kanya, I don’t care if someone watching us. “A–Ako? Hind no! “ Medyo na-utal nitong sagot sa akin, kaya hindi ko maiwasan ang hindi mapahalakhak, Ewan ko ba sarili ko kung bakit sa tuwing nakikita ko ang babaeng ito ay kumpleto na ang araw ko. Kahit alam kong may galit siya sa akin. Na wala akong alam na kasalanan. “Really huh? “ Tanong ko ulit sa kanya, dahan-dahan ko siyang nilapitan, ngunit humahakbang siyang paatras. Hanggang sa wala na siyang maatrasan pa. Tinukod ko ang aking braso sa magkabilang pader kung saan siya nakatayo. Tumitig ako sa kanyang mga mata. Ang mga mata n'yang kulay asul na minsan nanggugulo sa akin. I don’t understand why, dahil nakikita ko sa kanya ang mga mata ng taong ayaw magpakita sa akin. Dahil sa isang maling na nagawa ko noon, na alam ko naman pwede ko pang itama. Bigla ko siyang iniwan at napailing na lang ako. Sa tuwing tumitingin ako sa kanyang mga mata, bigla akong napapa-urong. Bago ako lumabas sa pinto, sumulyap muna ako sa kanya, tulad ng inaasahan ko. Umuusok na naman ang ilong sa sobrang inis sa akin, malamang. Tsk! Paglabas ko ng malaking pinto, dumiretso na ako sa aking kotse. Papito-pito pa ako. It’s early 10 in the morning. Napailing na lang ako. Binuhay ko na ang makina ng aking sasakyan at bumalik na ako sa aking kumpanya. Pero bago yun, may tinawagan muna ako. “kring......” Narinig kong tunog mula sa kabilang linya, hindi ako nag–hintay ng matagal at may sagot agad. “Did you find her?” Tanong ko agad. “Mr. Sandoval, magkita tayo sa tagpuan.” Sagot niya sa akin at mabilis akong umalis sa lugar. Napa-igting ang aking panga dahil sa babaeng yun. Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi ko makita ang aking fiance. Scarlet babe, please magpakita kana sa akin.” Para akong timang na kinakausap ang aking sarili. Hindi nagtagal, nakarating na ako kung saan kami magkita ang binayaran kong detective. Ibinigay niya sa akin ang isang envelop. Habang siya nagsasalita, inisa-isa ko ang mga litrato na binigay niya sa akin. Litrato lahat ni Vanessa na may hawak-hawak na maleta, mukhang lumabas sa bansa. “Mr. Sandoval, matagal ng wala si Vanessa dito sa bansa, 6–years ago. Bigla siyang nawala na parang bula, kasabay ang pagkawala ni ma’am Scarlet.” Pagsisimula niya. “Ayon sa nakalap kong impormasyon, umalis siya dito sa bansa, at hindi na bumalik pa. Anim na taon ang lumipas, hanggang ngayon wala pa rin ang pangalan niya sa record mula sa airport na bumalik dito sa bansa Sir. Ang pinuntahan nitong bansa ang ay Thailand. Pero bigla na lang siya nawala, na parang bula." Nag-igting ang panga ko sa aking narinig, hindi pwedeng ganun na lang iyun, dahil malaki ang atraso niya sa akin. Kahit babae siya wala akong pakialam! Siya ang sumira sa buhay ko. Hanggat wala si Scarlet hindi ko siya titigilan! “Ok, tell me immediately what you’re finding out, especially about my fiance.” Tugon ko sa kanya, at umalis na ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ako pinagtataguan ng aking fiance, anim na taon na. Alam kong malaki ang pagkakamali ko sa kanya, but hell! Dammit! TERRY'S POV “Kapre kang damuho! Humanda ka talaga sa ‘kin!! “ Inis na inis akong bumalik sa office ni Dra. Nepomuceno. “Uh, what that face nurse Natividad? “ Tanong niya sa akin nagpakawala muna ako ng hangin, bago ako sumagot. “Hays! “ “Meron lang po sumira sa araw ko Dra, pero wag na po kayo mag-alala sa akin, ok na po ako. “ Nakangiti kong sagot sa kanya, napailing na lang din si Dra. sa akin. Dahil kilala niya ako. Ewan ko ba sa mga ito, weird din minsan. Isa pa, ang babait kasi nila sa akin lahat. Kung sabagay friendly talaga ako. Pero maldita din ako minsan. Depende ‘yon sa taong nakakasalamuha ko. At isa na ang Sandoval na ‘yon! Ang kapre na yun! Nanggigigil talaga ako sa kanya. Nagsimula lang naman ‘to nung kasal ng bestfriend kong si Cassy. Flashback… Habang nakatayo ako dito sa may biranda, hindi ko alam kung bakit, biglang akong nakaramdam ng kilabot sa aking sarili. Alam kong ito ang una kong apak, dito sa Intramuros Sandoval Hotel, na pagmamay-ari ng kaibigan ng asawa ng aking bestfriend na si Cassandra Mondragon. Ang bigat sa aking pakiramdam ng una kong umapak dito, pakiramdam ko, biglang nasaktan ang aking puso ng hindi ko mawari ang dahilan. Ito kasi ang hotel na inukupahan ng mag-asawa, para sa mga bisita nila. Bawat isa sa amin ay may sariling silid. Iwinaksi ko ang aking iniisip at bumabagabag sa aking damdamin. Ipinikit ko ang aking mga mata, at ninamnam ang simoy ng hangin na siyang nanonoot sa aking balat. Pagkatapos ng kasal at kasiyahan ay napagpasyahan kong umalis na dahil palalim na ang gabi, isa pa mahina ako sa alak. Hindi ko ba alam kung bakit konti lang ang nainom ko, ay malasing na ako agad. Habang ako ay nakapikit, kinakausap ko ang aking sarili kasama ang mga bituin mula sa langit. “Hays! Kailan din kaya ako magkakaroon ng lovelife? LORD… Maganda naman ako, mabait mapagmahal na anak at ate, bakit po ba ayaw mo akong bigyan ng lovelife? Dahil ba maliit ako? “ Tanong ko sa langit habang nakapikit! Pero ang totoo yan, 5’2 ang height ko. Nasabi kong maliit ako, kasi naman parang hinganti ang mga kasama ko sa trabaho, lalo na ang mga kaibigan ng asawa ng aking bestfriend na si Cassandra Mondragon. Parang ang liit-liit ng tingin ko sa aking sarili sa tuwing napapasama ako sa kanila. Ang ganda kaya ng hotel na ‘to. Pang mayaman talaga, pero kahit ganun, hindi pa rin maalis ang bigat ng pakiramdam ko magmula kanina. “Oo! Dahil pandak ka, kaya walang magkakagusto sayo. “ Isang boses ang nagpa gimbal saakin. Kaya naman napamulat ako sa 'king mga mata at tumingin sa paligid. Wala naman akong nakita na kahit anino kaya tumingala ulit ako sa langit. “Lord naman! Nagbibiro lang naman ako eh! Matangkad naman ako e, 5’2 po ang height ko. “ Kausap ko ang langit. Pero ang totoo kinikilabutan na ako. At napayakap pa ako sa aking sarili gamit ang aking braso. Kahit alam ko naman sa aking sarili na matangkad talaga ako. “Kung binigyan kita ng tangkad, baka ngayon lahat ng lalaki boyfriend mo na. “ Sagot sa akin! Kaya napa sulyap ulit ako sa paligid. Wala naman tao dahil madilim na. Isa pa sarado lahat ng biranda ng katabi ko. Maliban lang sa katabi ng room ko na ang dilim-dilim sa loob. Hindi kaya pinagloloko ako ng katabi kong suit? Ngunit pag sulyap ko ay isang malaking tao ang nakatayo sa isang sulok na parang kapre dahil may usok pa na bumubuga sa bibig nito, at ang maliit na ilaw na kulay pula ang nagsisilbing liwanag sa kanya. “Ay kapre!! “ Sigaw ko at mabilis akong pumasok sa aking kwarto! At agad akong nag talukbong ng kumot. Nanginginig ako sa takot. At binalikan ang kanyang itsura. Pero ng napagtanto ko. May kapre bang ganun? Bakit parang ang gwapo n’ya at pamilyar pa saakin. Yung mga mata n’yang brown. “May kapre bang brown ang mata? “ Mga katanungan sa aking isip. Nagbalik ang aking diwa ng tapikin ako ni Dra, sa aking balikat. “Nurse Terry, ang layo ulit ng isip mo? Si Kapre ulit? “ May halong biro ang boses ni Dra. sa akin, ewan ko ba kung bakit na-kwento ko sa kanya ang nangyari two-years ago. At ang sabi pa sa akin, si Mr. Sandoval daw ang katabi ng ‘king suit sa araw na ‘yon. Kaya doon nagsimula ang galit ko sa kanya, hindi rin kasi biro ang pinagdaanan ko sa gabing yun, nilagnat ako pagkatapos dahil sa sobrang takot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD