Chapter 3

1536 Words
GREY'S POV "Good morning Sir, may bisita po kayo. " Pagdating ko sa 'king kumpanya, ito agad ang bungad sa akin ng secretary ko. Hindi ko na tinanong kung sino. Isa pa ang pinapa-pasok ko lang sa loob ng 'king opisina ay ang mga mga kaibigan ko. Kaya diretso na ako sa loob. "Waaaahh!! Wahhhh!! " Hindi ko pa nabubuksan ang pintuan narinig ko na ang matinis na iyak ng batang babae, mukhang kilala ko na kung sino ang bisita ko. Pagpasok ko sa loob, isang batang babae ang nakaupo sa sahig habang nagmamaktol, at batang lalaki na nakasandal sa sofa na akala mo matanda, at syempre ang ama nila na under de saya. At pinapatahan ang anak nitong umiiyak Tsk, tsk! Napailing na lang ako. Mukhang malaki na naman ang problema ni Marco Mondragon! "Dude! " Malakas ang 'king boses, na kinagulat pa yata niya, haist! Grabe kasi kong tratuhin ang asawa niya! Akala mo iiwan ng asawa. Tsk! "Didi Gley! " Bulol na bati ni Charlotte sa akin. Hindi kasi niya mabigkas ang letter-R. Magda-dalawang taon palang kaya bulol pa. Buti na lang marunong na din magsalita. Pero daddy talaga ang tawag nila sa 'kin. "Didi. " Mahina na boses ni Clayton, ang kambal nito. Samantalang ang ama nila ito ngayon, mukhang problemado ulit. Hulaan ko inaway na naman siya ng pinakamamahal niyang si Cassandra, sigurado! Natatawa talaga ako sa kaibigan kong to. Ako ang lagi niyang takbuhan, palibhasa wala pa daw akong asawa. Parang kasalanan ko pa kung bakit hanggang ngayon single ako. Nagpahalik muna ako sa mga bata at umupo na ako sa sofa, tumigil na rin si Charlotte sa pag-iyak at umupo sa aking kandungan. Ganito ako ka-close sa mga bata. Kaya minsan binubusko ako ng mga gong-gong kong mga kaibigan dahil ako na lang daw ang walang anak. Who cares! I am happy for being single. Ang lagi kong sagot sa kanila, kapag nahanap ko ang fiance ko, hahabol ako. That's my goals! Isa pa, ayaw ko matulad sa kanila, puro under de saya. "Bakit ang aga niyo dito? Dudes marami akong trabaho! " Maktol ko, para kasing alam ko na naman ang binabalak ng kaibigan kong to. Gagawin akong yaya! Gaddement! Sa gandang lalaki kong to? Gagawin yaya? Mayaman din ako! Pero ang seste! Ayaw daw niya sa iba, may tiwala daw sa akin. s**t! Ngunit parang nabasa niya ang isip ko. Dahil sa wakas nagsalita rin. Akala ko na pepi na si Marco Mondragon. "I don't understand her, she's very rude at me. " Pagsisimula niya. Sabi ko na nga ba, asawa niya ulit ang problema. "Tinanong mo? " Maiksi kong sagot sa kanya, wala din pakialam ang kanyang mga anak. Dahil busy na si Charlotte sa paglalaro ng kanyang hawak na babydoll. Si Clayton naman, nanonood ng ipad. "Ayaw nga ako kausapin. " Mabigat ang boses nitong sagot sa akin. " E, bakit mo kasama mga anak mo? Isa pa dudes weeksdays ngayon. Wala kabang pasok? " Balik tanong ko sa kanya. "Papasok ako mamaya, " tipid pa rin nitong sagot sa akin. Sabay harap sa akin na seryoso. Alam ko na naman saan mapunta ang usapan. Iiwan na naman ang anak sa akin! Tsk! "Kaya nandito kami dahil-" hindi ko na siya pina-tapos pa, dahil alam ko gagawin na naman akong yaya! Ganitong-ganito ang kaibigan ko kapag may gustong ipagawa sa akin! Mahirap din maging mabait talaga minsan! Haist! Tumingin ako sa kanya ng seryoso. Nagbuga muna ako ng hangin. Ano akala sa akin ng kaibigan kong to? Yaya ako? Gaddement! "Dudes, alam kong binata ako, at walang anak. Pero parang awa mo na! Hindi ako maka-chixs! " Maktol ko sa kanya. " Marami rin akong trabaho! " Segunda ko pa. "Kahit ngayon lang, babalikan ko din sila, aayusin ko lang ang problema namin, alam mo naman wala sila mommy, malayo din sila lola. Dudes ikaw lang talaga ang inaasahan ko. Ayaw ko din sa mga yaya nila, baka gagawin na naman niya ang maglayas kasama ang mga anak ko. Mabuti na ang sigurado ako. Hindi yun aalis kapag wala ang mga anak namin. " Sa haba ng kanyang litanya napanganga na lang ako. Totoo kasi ang sinabi niya. Minsan naglayas ang asawa niya, dahil kung bakit hanggang ngayon habulin pa rin ng babae ang kaibigan ko kahit todo iwas na nga. Napaling na lang ako. "Ano payag ka na ba? Babalikan ko talaga dudes. Give me 1-hour " Tingnan mo, isang oras daw. Aabutin din naman ng hanggang hapon! Haist! Tapos tinanong pa ako kung papayag ako? Kung sinabi ko ayaw ko, may magagawa din ba ako? "May magagawa ba ako? Isang million ang sahod ko. Ay hindi pala, dapat dalawang million, dahil dalawa sila. " Sagot ko sa kanya, "Ok! I'll give you a cheque later, thanks dudes. The best ka talaga! " Masaya niyang bulalas, tingnan mo, bale wala sa kanya ang dalawang million. Napailing na lang ako. "Payo ko lang sayo, wag ka naman masyado nagpapa-under de saya sa asawa mo. Kaya lumalaki ang ulo! " Malakas kong boses sa kanya, na ikina-gulat pa ang kanyang mga anak. At masama nila akong tiningnan. Akala yata inaaway ko na ang daddy nila. "Oh, ano? Wag kayo sa akin magalit, pinagsasabihan ko lang ang ama niyo na under de-" Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng sumabat ang kaibigan ko. "Wag mo na akong siraan sa mga anak ko, basta dating gawi, wag mo sila paiiyakin. Sige na aalis na ako. Salamat dude. " Paalam pa sa akin at agad na nitong kinausap ang mga junakis niya. "Baby, aalis muna si Daddy, at maiwan kayo dito kay ninong Grey ok, babalik ako agad at kasama na si mommy. " Nakangiti pa nitong bulalas sa kanyang mga anak, kung meron man ako masabi dito sa kaibigan kong ito, siya na yata ang pinakamabait na under de saya sa balat ng lupa! At ang mga anak niya, kumaway-kaway pa, akala mo naiintindihan ang sinasabi ang ama nilang under de saya! Napailing na lang ako. At 'tong kaibigan ko naman, kinakausap ang mga anak kahit hindi naman sumasagot. "Yes baby, kaya dito muna kayo ni Clay, kay ninong Grey, I'll be back soon ok. Be good hmmp.. " Dagdag ng kaibigan ko habang pinapanood ko silang mag-aama. Ang bait talaga ni Marco Mondragon. Akala mo hindi babaero noon. Pero bilib din talaga ako sa kanya. Alam kong mahal na mahal niya ang kanyang asawa at syempre mga anak. I can't imagine na magkakaroon ako ng ganito in my future life. For being under de saya to my wife? No, no! Never to my gorgeous hot body! Tumayo na si Marco, at tumango lang ako sa kanya, naawa talaga ako sa kaibigan kong 'to. Tinapik ko ang balikat niya bago siya lumabas sa aking opisina. Tinawagan ko na rin ang 'king secretary na ipa- cancel ang lahat ng meeting ko today. Tiningnan ko ang wristwatch ko sa aking bisig, it was 11 in the morning, masyado pang maaga para patulugin ang dalawa. "Ms. Gloria, cancel all my meetings today. " Pagkasabi ko pinatay ko na ang tawag. Binaling ko na sa dalawang bubwit ang 'king atensyon. Ang panganay ni Marco, ito siya ngayon inaaway ang babydoll na hawak niya, bugnutin talaga ang isang 'to! Samantalang si Clayton busy sa ipad. Napailing na lang ako. Isang taon palang mahigit, pinabayaan ng maglaro ng gadget! Pero biglang sumigaw ang panganay niyang anak. "No play, no play! " Maktol niya, sabay busangot. Sa tanan ng aking buhay ni minsan hindi ko pinangarap ang magiging yaya sa buhay ko! Pero natawa ako dahil sa itsura niya, isang taon mahigit palang pero bugnutin na tsk! Ang dami talagang problema ng kaibigan ko! Pero wala naman ako makitang pagsisisi sa mukha ng aking kaibigan. Mukhang masaya naman, maliban lang talaga kapag sinumpong ang asawa niya. Napailing nalang ako. Sayang din ang dalawang million kapag hindi ko sila alagaan ng mabuti. Kaya may naisip akong magandang paraan. "Tama! " Nagbunyi pa ako sa 'king naisip. Nag-iwan ako ng mensahe sa kanyang cellphone number, alam kong mabasa niya mamaya. At sigurado ako na hindi rin siya makatanggi. Lalo pa at pinasa ko ang litrato ng kambal. "Thanks kido! May dalawang million na ako, may maaasar pa tayo. " Nakangisi kong bulalas sa mga batang walang muwang. Habang nakatitig sila sa akin. Kaya binuhat ko na sila at inilabas sa aking opisina. Bitbit ang bag na siyang naglalaman ng gamit ng kambal, dahil 10-minutes from now alam kong may umuusok na ang ilong sa sobrang galit. Wala na rin akong pakialam kung yaya ako ngayon. Sayang ang two-million pesos. Lumabas na kami sa 'king opisina, karga-karga ko ang dalawang bata na akala mo, ako ang ama nila! Pinasakay ko na sila sa passenger seat, dahil pinalagyan pa ni Marco ang baby seat ng mga anak niya sa kotse ko. Hindi na rin ako nagreklamo noon. Kung sabagay ngayon lang 'to. "Anong ngayon? Madalas niya 'tong ginagawa sayo! " Sigaw ng utak ko. Napa-iling na lang ako. Tumingin muna sako sa mga bata sa front mirror ng 'aking sasakyan, tahimik naman sila habang kumakaway ang mga kamay at paa. Na animo'y nag-e-enjoy sa nangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD