TERRY'S POV
Habang busy ako sa pag-aayos dito sa office ni Dra. Nepomuceno, sa mga listahan ng pasyente niya, ay biglang nag beep ang aking phone. Kinuha ko sa aking bulsa ngunit numero ni kapre ang bumungad. Nagtataka pa ako noon, kung paano niya nakuha ang phone number ko. Hindi naman ako choosy, pero nagtataka talaga ako kung ano ba talaga ang trip ng lalaking 'to sa akin.
Dahil nalaman ko sa 'king bestfriend na si Cassandra, na kinulit daw ni kapre Sir Marco dahil lang sa cellphone number ko noon. Ibabalik ko na sana ang phone ko, ng biglang nag-beep ulit at nahagilap sa gilid ng mata ko ang pictures ng mga kambal ng 'king bestfriend ang senend nito. Kaya agad-agad kong inangat ang aking phone mula sa aking bulsa at tiningnan.
Habang nakaupo si Charlotte na may hawak na doll at nakabusangot, samantalang si Clayton ay presenting nakaupo sa sofa at seryoso kung ano man ang tinitingnan sa hawak nitong ipad. Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti dahil sa sobrang cute ang mga anak ng aking bestfriend. Nagtaka pa ako at bakit kasama na naman ni kapre ang mga bata?
Kung hindi ako nagkakamali, sinusumpong na naman si Cassandra Mondragon. Mabuti na lang talaga at mabait ang asawa niya. Napailing na lang ako. Ibabalik ko sana ang 'king phone sa aking bulsa ng nag beep ulit. Kaya tiningnan ko at baka picture ulit ng mga kambal. Nakangiti pa ako dahil akala ko picture nila, kaso napalitan ang inis ang aking nakapaskil na ngiti mula sa aking labi.
"Ms. Natividad, see you in about 10 minutes. At the same place. Don't be late. " Basa ko sa message ni kapre.
Ganito palagi siya, kung hindi lang dahil sa mga inaanak ko, nunka! Kung susundin ko ang utos ng kapre na yun! Pero dahil mahal ko ang mga bata at malapit na rin ang breaktime, kaya puntahan ko na lang. Mabuti at malapit lang ang place na sinabi ng kapre na yon, Mukhang nag-eenjoy din sa pagiging yaya ng hinayupak. Dahil hindi ito ang una niyang pagiging yaya. Minsan nakakabilib rin ang samahan nilang magkakaibigan. Sino ba naman ang mag-aakala, na ang isang certified womanizer ay papayag sa pagiging yaya?
Magpaalam na ako kay Dra, isa pa hindi rin sumipot ang ibang pasyente niya. Kaya walang masyadong ginagawa dito. Sakto, nakaupo lang siya sa swivel chair niya.
"Dra, pwede po ba ako lumabas saglit? " Paalam ko sa kanya, tumingala muna sa akin, at tiningnan ako ng masinsinan, sabay sulyap sa orasan sa side table niya. Syempre ngumiti ako, alam ko naman na hindi pa oras ang breaktime. Sana payagan ako. Peping dasal ko ko.
"Ok, hindi ka naman siguro maghapon sa labas diba? " Hindi ko alam kung galit ba siya o nagbibiro, o nagtatanong. Kasi naman nakangiti at nakataas pa ang kilay na akala mo alam ang nasa utak ko, at patango-tango pa! Napalunok pa ako. Kaya wala na akong ibang choice kundi sabihin ang dahilan ko.
"Kasama po kasi ni kapre ang kambal Dra. " Nahihiya kong tugon, kahit wala naman tinatanong.
"I see, I know it. Sige na Terry, ako na bahala dito." Nakangiti niyang tugon sa akin. Napanganga na lang ako. Ganyan kasi siya palagi, sa tuwing nagpapaalam ako wala man lang hindi sa kanya. Puro oo, lalo na kapag kambal ang dahilan, kung sabagay close friend din sila ni CAssandra. Dalaga pa naman si Dra. Nepomuceno. Kaya lang nasa 30+ na. Takot na takot ang mga lalaki sa kanya dahil daw siya ay masungit. Pero para sa akin, mabait siya at parang kapatid ang turingan namin sa isa't isa. Feeling close ako diba?
"Thank you Dra. " Nakangiti kong pasasalamat sa kanya, sabay paalam na rin.
Mabilis akong pumunta sa aking locker upang kunin ang aking damit at makapag-bihis na ako. Mabilis ang aking galaw na akala mo'y hinahabol ako ng oras. Ay oo, naghahabol talaga ako dahil malapit na matapos ang 10-minutes na binigay ni kapre sa akin.
"Bakit ba kasi sinusunod ko ang utos ng kapre na yun? " Galit kong tanong sa aking sarili.
"Dahil ito sa mga bata. Tama! " Para timang kong bulalas sa aking sarili. Kaya mabilis ang aking galaw. Mabilis ang bawat hakbang ko at pumunta na ako sa mall, kung saan doon namamalagi si kapre sa tuwing kasama niya ang mga bata. Kung sabagay malapit lang naman dito sa hospital dahil isang sakayan lang.
Mabilis akong nakalabas ng hospital at tumingin ako ng tricycle na pwede kong sakayan, upang mabilis akong makarating sa mall. Pwede ko rin lakarin hanggang doon ngunit mataas pa ang sikat ng araw, lalo at tanghaling tapat.
Tumigil ang tricycle sa aking harapan at sinabi ko na agad ang aking pupuntahan. Mabuti at mabilis si kuya. Dali-dali akong nagbayad sa kanya at bumaba na agad. Mabilis akong pumasok sa mall at agad kong tinungo kung nasaan si kapre.
Hindi ko na alintana ang aking dinadaanan dahil palinga, linga pa ako sa paligid. Hanggang sa nahagilap ko sa gilid ng aking mga mata at mabilis ang aking takbo dahil nakikita ko na ang mga batang parang nag-aalboroto na, samantalang ang yaya nilang kapre mukhang nasisiyahan. Ngunit ang lahat ng tao sa kanya ay nanonood na akala mo isang modelo ang mokong. At mukhan nag-eenjoy ang damuho!
"Feeling talaga! " Himutok ko sa aking sarili at mabilis na akong lumapit sa kanila, ngunit bigla akong nabunggo!
"Ouch! " Maarte pa nitong bulalas, pero hindi ko na siya binigyan ng pansin, at humingi na lang ako ng sorry.
"Sorry miss, sorry. " Hinging paumanhin ko. At tumingala ako sa kanya. Dahil hindi pa siya umaalis sa harapan ko.
"Wow! Ang ganda! " Para akong nahipnotismo sa taglay nitong ganda, ngunit napalitan ang aking matamis na ngiti ng nagsalita siya.
"Pwede ba, tumingin-tingin ka sa dinadaanan mo, stupid! " Hindi ako agad nakapag-react dahil sa aking pagkabigla, ng medyo nahimasmasan ako, para sagutin sana siya ngunit nakalayo na.
"Maganda sana, kaso masama ang ugali. " Kausap ko sa aking sarili, at napa-iling na lang ako. Pumunta na ako, kung nasaan si kapre at mga bata.
Kung bakit kasi, sa yaman ng taong 'to, dito pa talaga sa playground ang naisip na dalhin ng mga bata. Kung sabagay ako pala ang may pakana! Hays.
"Wahhhh! I want dodo! " Malakas na boses ni Charlotte, sabay ang pag kaway-kaway nito ng mga paa niya, akala mo hindi mahigit isang taong gulang, dahil ang lakas ng boses, parang gusto magwala ang panganay ng bestfriend ko. Ang sinasabi ay gusto ng gatas.
"Hi kambal! " Bati ko sa kanila, mukhang nagulat pa yata sila sa aking pagdating. Pati mga tao dito sa amin sila nakatingin, ay hindi pala sa lalaking karga, karga ang dalawang bata na akala mo isa siyang ulirang ama! Ngunit kabaliktaran dahil ulirang babaero pwede pa!
Inirapan ko siya, ngunit hindi nakaligtas ang bulungan ng mga tao. At napangisi pa si kapre. Akala mo nasisiyahan sa mga naririnig.
Ngunit si Charlotte agad na nagpakarga sa akin. Kinarga ko din.
"Mimi.. " Tawag niya sa akin. Akala nila tuloy ako ang mommy ng bata.
"Ang sweet talaga nila noh? Ang bait ni mister sa asawa niya, dahil siya pa talaga ang nag-aalaga sa mga anak, sana ako din. " Assyoso ni ng isang ginang.
Napa-simangot naman ako, dahil kahit sa panaginip, ni hindi pumasok sa isip ko na magiging asawa ko ang damuho na 'to! OA na ako kung OA, E, ano ngayon? Porket gwapo at mayaman sige tayo ng sige? Kahit pa nakikita na natin na babaero? No way! Never my beautiful and sexy body! Hindi sa taong to masisira ang pinaka-iingatan kong p********e. Ibibigay ko lang sa taong karapat, dapat para sa pagmamahal ko. Iyan ang pangako ko sa aking sarili. Pero bakit nga ba ang dami ko naman sinasabi?
Nagbalik ang 'king diwa ng may tumikhim sa aking harapan. At ang taong yun walang iba kundi si kapre, sino paba.
Sa layo ng nilakbay ng isip mo, nagutom na ang mga bata. " Mahina lang ang boses niya, hindi ko alam kung galit. O nang-aasar na naman. Wala akong makitang kahit anong emosyon sa kanyang mukha.
Hindi ko siya sinagot, ewan ko ba sa aking sarili kung bakit hindi ako takot sa taong to. Kahit alam ko naman sa aking sarili na isa rin siya sa mga business tycoon sa buong bansa, according to my best friend. Pero who cares. Wala naman yun sa batas. Tyaka hindi naman ako bastos noh! Magalang din naman ako sa kanya, pwera lang talaga kapag inaasar ako. Dahil kumukulo talaga ang aking dugo hanggang sa aking balon-balunan.
"Charlotte baby, you want milk? " Tanong ko sa bata na ngayon at nakayakap na sa akin. Mukhang inaantok na dahil sa mapungay nitong mga mata. Ang cute niya talaga kaya hindi ko na napigilan ang aking sarili na halikan siya, dahilan upang mapa-hagikhik.
Natawa din ako sa kanyang itsura, dahil pati kili-kili nito hinalikan ko. At napasigaw pa si Clayton kaya napaangat ako ng aking mukha.
"Mimi, kit ko, kit ko po. " Nanghihingi din siya ng kiss, mga bulol pa kasi sila palibhasa, magdadalawang taon palang sila. Pero infairness hah, marunong ng magsalita. Iyon nga lang bulol pa.
"Sige po, sorry po." Tugon ko sa kanya, at pinahaba ko na ang mapupula kong labi para i-kiss siya. Mabilis siyang hinalikan ako at tuwang-tuwang pa. Wala din akong pakialam sa taong naka-kandong sa kanya, kahit panay taas na ang adams apple niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
Titimplahan ko na sila ng gatas, dahil kumpleto sila ng gamit. At dala-dala ni kapre na kanina ko pa napapansin ang kanyang katahimikan. "Himala" kausap ko sa aking sarili.
"Mimi, dodo akow! " Mahabang nguso ni Charlotte sa akin.
"Opo sandali lang, ito na po. " Tugon ko sa bata kasi naman, naka-kandong sa akin tapos ang higpit pa ng yakap. Ang sweet talaga ng mga anak ng bestfriend ko. Kaya hindi ko sila maindihan. Napangiti pa ako.
"Let me do it, just seat there with the kids. " Hindi ako agad nakauma, dahil mukhang ibang kapre ang kasama ko ngayon. Hindi kaya may sumanib sa kanya na engkanto? Himala mabait ngayon.
"Gutto ko mik, didi mik!! " Nagising ang 'king diwa sa sigaw ni Clayton. Gusto daw ng milk. Natawa ako sa itsura ni kapre, pero in fairness kaya niya huh! Kinuha nito ang feeding bottle ng kambal na may tubig at syempre ang gatas na nakalagay sa milk powder container. Habang pinapanood ko siya, hindi ko maiwasan ang humanga sa kanya. Sino ba ang mag-aakala na ang isang womanizer ay marunong din magtimpla ng gatas? Kung sabagay maliit na bagay.
"Yes buddy, just wait ok, behave. If you not behave, no milk. " Bigla naman tumigil si Clayton sa pag-alboroto. Hindi rin nakaligtas sa akin ang pag-smirk ni kapre.
"That's my boy. " Bulong pa nito sabay kindat sa akin, na kina-nganga ko.
"In love kanaba sa akin? " Hindi ako nakauma agad sa kanyang sinabi, dahil halos bulong lang. Kinilabutan pa ako dahil dumampi ang mainit nitong hininga sa aking balat, na siyang nanonoot sa aking katawan, at parang kuryente na hindi ko mawari ang dahilan.
Nagising ang 'king diwa ng biglang sumigaw si Charlotte.
'Yehey! My dodo!! " Kumaway-kaway pa ang mga kamay at paa nito, habang si damuho matamis ang ngiti. Napalunok ako. Pero humarap ako sa kanya, dahil magkalapit lang naman kami.
"Kapal mo. " Mahina kong sagot sa kanya, ngunit alam kong narinig niya, dahil tumawa pa. Na mas lalo akong napa-nganga! Bakit ang sarap pakinggan ang tawa niya? Napakurap pa ako.
"Hindi ako pwedeng magka-gusto sa kanya. " Bulong ko sa kawalan. At napa-iling na lang ako sa aking sarili. Dahil kung ano-ano na ang tumatakbo sa aking utak.