TERRY'S POV
What? You told me dude, only one hour, but now five hours have passed! "
Sa lakas ba naman ng boses ng damuho, syempre narinig ko ang sinasabi niya. Nandito na kami ngayon sa kanyang opisina, niyaya ako sa kanyang penthouse pero mas mabilis pa sa kabayo na tumanggi ako. Ano ako sira? Para sumama sa babaerong 'to? Kahit pa sabihin natin na wala siyang gagawin na masama sa akin. Mas maganda na ang sigurado. Dahil wala akong tiwala sa kanya. Ay hindi pala. Wala akong tiwala sa sarili ko. Mas maganda dito dahil marami siyang empleyado.
"Dude, limang oras na akong tigang, mamatay ako kapag hindi 'ko nilabasan! " Malakas na boses niya ulit, na bigla akong nabilaukan, dahil sakto akong iinom sana ng tubig.
Napatingin siya sa akin, at pinaikutan ko siya ng aking mga mata! Kahit kailan talaga ang manyak ng lalaking 'to! Hindi yata mabubuhay ng walang... Gosh! Hindi ko tuloy matuloy ang tumatakbo sa utak ko, dahil nagiging madumi na rin sa tuwing kasama ko ang damuho na 'to!
"A-anak-anak ka hindi mo kayang alagaan?! " Humitok niya ulit, ewan ko lang kung na-offend ang kausap. Ang bastos talaga ng bunganga ng damuho na 'to. At pinatay niya ang tawag, dahil nakita ko binaba na ang kanyang cellphone sabay hawak sa kanyang sintido.
Lihim naman akong napangiti, dahil mukhang problemado siya, kung bakit kasi akala mo kung sino siyang kumuha ng alagaan at idadamay pa ako. Pati tuloy trabaho ko napurwesyo dahil sa kanya, mabuti na lang at maunawain si Doctora.
Bigla akong napatindig sa aking upuan, ng bigla siyang nagsalita.
'Haits! Kapag talaga ako nagka-anak bibigyan ko ng maraming yaya at lahat ng sulok may cctv! Hindi ba naisip ng Mondragon ang bagay na iyun! Fu*k! " Hindi ko alam kung saan niya sinasabi ang katagang 'yon. Pero nakatingin siya sa akin. Ayaw ko rin siya sagutin noh!
"Would you mind talk to me, kahit ngayon lang Terry please. " Nabigla ako sa kanyang asta. Sa unang pagkakataon ngayon lang siya gumamit ng please. Mukhang problemado siya. Wag niyang sabihin na problema niya ang kalibugan niya?
At ano naman ang sasabihin ko? Wala din naman akong masabi? Isa pa tulog ang mga bata. baka magising sila. Buti nalang, soundproof ang kanyang silid sa loob ng opisina, kaya kahit malakas ang boses hindi narinig mula sa labas, baka magising sila. Pero syempre panay silip ko sa mga bata sa loob ng silid.
"Ano naman ang sasabihin ko Sir? " Seryoso kong tugon sa kanya.
"Sir? " Pag-uulit pa niya sa aking sinabi. Timang din pala e.
"Kung hindi Sir, ang itawag mo sa akin, kapre! Would you mind called me my name? " Hindi ko alam kong galit ba siya o nag-uutos? Wala naman akong nakitang emosyon sa kanyang mukha, maliban sa mga mata nitong brown na akala mo huhubaran ka. Sa manyak ba naman niya!
"Sige po Mr. Sandoval, ok naba? "Tanong ko sa kanya, ngunit gumalaw ang panga. Mukhang hindi nagustuhan ang 'king sagot.
"I said my name, that's not my name. " Napansin ko pa ang panga nitong gumalaw, hindi naman siya sumigaw. Pero halatang irita, sarap asarin pala ito eh. Siguro kaya galit dahil natigang na limang oras, tulad ng sabi niya. Hays! Sa hilig ba naman kawawa talaga ang magiging asawa nito. Kausap ko sa aking sarili. Pero napailing ako dahil ang layo agad ang narating ng 'aking isipan.
" O, sige po Sir Arturo. " Lihim akong napangiti dahil para siyang gustong magwala. Bakit siya galit? Tinagalog ko lang naman ang pangalan niya na Arthur.
"Terry, I'm warning you, wag mo akong susubukan. " Napatindig ang 'king tayo dahil hindi ko man lang siya namalayan na nasa harapan ko na pala siya. Napatingala ako sa kanya dahil sa kanyang sobrang tangkad.
Nakipaglaban ako sa kanyang mga titig, tiim bagang niya akong tinitigan na para bang binabasa nito ang laman ng 'aking isipan. Hindi ko narin mabilang kung ilang lunok ang pagtaas-baba ng adams apple niya, pero hindi rin ako kumurap, dahil ayon sa aking nakikita sa kanyang mga mata na para bang meron siyang gustong sabihin sa akin?
"I'll just check the kids. " Siya na rin ang kusang nagbaba ng tingin, at agad-agad na rin siyang umalis sa harapan ko. Nahihiwagaan talaga ako sa damuho na yun. Sa tuwing tumitingin sa aking mga mata, para siyang may kinatatakutan na ewan, hindi ko maipaliwanag ang dahilan. Dahil umalis na lang siya bigla-bigla. Katulad na lang ngayon.
"Problema nun? " Kausap ko sa aking sarili. Napailing na lang ako. Nagulat ako ng biglang sumigaw si kapre.
"Terry!! " Tawag niya sa aking pangalan, akala mo may sunog. Kaya dali-dali akong pumunta sa kwarto kung saan, naroon ang mga bata. Dahil hinayaan niyang nakabukas na ang pinto.
Pagdating ko dito, napanganga ako dahil hindi ko maipaliwanag ang itsura ni Sir Grey, dahil nakangiwi ito at hawak ang diaper ni Charlotte na puno ng ihi. Dahil sa kulay yellow na 'to. Parang gustong masuka sa itsura niya. Ang OA niya din. Para ihi lang.
Dahil sa kanyang malakas na sigaw nagising tuloy ang kambal nito na si Clayton, at ayun nga magsimula ng umiyak ang dalawa dahil yata naistorbo ang tulog nila.
Mabilis akong lumapit at pinalitan ang diaper ni Charlotte. Ngunit inirapan ko ng tingin ang lalaking kasama ko, dahil ang iniisip lang yata nito ay kalibugan.
"Wahhhhh!! Wahhhh!! Mimi!! " Iyak ni Charlotte, halos sabay pa silang magkapatid.
"Don't cry baby, you're Mom, and Dad they coming soon hmmp,"pagtatahan ko sa kanila na akala mo naiintindihan ako.
Tyaka ko sumulyap si Sir Grey na nakatingin pala sa akin. Pinaikutan ko lang siya ng aking mga mata, pero hindi nakaligtas ang pag smirk niya sa akin.
"How did you know how to care for the baby? " Tanong niya sa akin, habang pinalitan ko ang diaper ni Charlotte, pinunasan ko muna ang kanyang gitna ng wet-tissue. Mukhang kaya umiyak dahil nandiri sa puno na nitong diaper, kung bakit kasi nakalimutan ko palitan bago siya natulog.
"Nakalimutan mo ba Sir, na nurse ako? Aba malamang alam ko. " Mahina lang ang boses ko baka mamaya magising ulit sila, kasi nakapikit na ulit, pati si Clayton. At hindi ako tumingin sa kanya habang kinaka-usap ko.
"Oh, yeah. I almost forget. " Mahina niyang sagot sa akin. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya dahil pakiramdam ko, nakatitig siya ulit sa akin. Ramdam ko ang mainit nitong mga titig.
Palitan ko din sana ng diaper si Clayton na siya na mismo ang nagpresenta. Pinabayaan ko na lang siya. At pinanood kung marunong siya. Baka ang alam lang ay mambabae? Napataas pa ang aking kilay.
Ngunit nagulat ako, dahil kaya din pala niya? Itinaas niya ang pang-upuan ni baby Clayton at tinanggal nito ang diaper, at pinunasan niya ng wet-tissue, katulad ng ginawa ko kanina kay Charlotte. Wala na rin akong nakitang pandidiri sa mukha nito, na para bang nag-eenjoy pa siya. Napalunok pa ako.
"Tada! I'm done! " Nagising ang 'king diwa sa kanyang boses, akala mo naman nanalo bilang champion sa isang patimpalak.
"Galing mo Sir ah, pwede ka na talaga sa pagiging yaya. " Biro ko sa kanya, sabay palakpak ko ngunit mahina lang. Mahirap na baka magising ang mga bata.
"As in yaya talaga? Hindi ba pwedeng maging daddy? Mas marunong pa yata ako mag-alaga ng anak kaysa kay Mondragon, alam mo ba 'yon? " Ay kapal din ng mukha nito, magpalit lang ng diaper, magaling na daw na ama? Kakaiba din ito eh.
Sagutin ko sana siya ng biglang may tumikhim sa aking likuran, kaya sa aking gulat muntik akong malaglag sa bed, mabuti na lang at hinawakan ako ni Sir Grey, ngunit mas kakaiba naman ang aking nararamdaman dahil sa dumampi nitong braso sa aking beywang.
Dali-dali akong tumayo at lumayo sa kanya, dahil sa nakakapaso nitong mga braso. Kahit may damit naman ako.
"Bakit may kuryente? " Kausap ko sa aking sarili, bigla din akong natauhan sa sundot sa aking tagiliran.
"Hoy! " tawag ni Cassy sa akin at kakaibang ngiti ang binungad niya, hindi ko rin maiwasan ang hindi mapahagikhik dahil sa may kiliti ako sa aking tagiliran.
"Ano kaba! May kiliti ako dyan gaga! " Medyo malakas kong boses, nakalimutan ko tuloy na may nakatitig pala sa amin na dalawang lalaki. Hindi ko alam kung galit si Sir Marco dahil nasigawan ko ang asawa niya. Dahil nakatingin sa amin at kunot ang noo.
Ngunit kalaunan binaling niya ang mga mata nito kay Sir Grey.
"Dude, hindi ko iniwan ang mga anak ko sayo para siraan mo lang ako. " Mahina nitong tugon kay Sir Grey ngunit sa mga anak nito nakatuon ang pansin at umupo na sa gilid ng kama, sabay haplos sa mga junakis nitong ang cu-cute.
"Tsk! " Iyun lang ang narinig kong lumabas sa bibig ni Sir Grey.
"Salamat pala sa inyo hah, lalo kana besh, napurwesyo ka na ulit. Sorry. " Hinging paumanhin ng aking kaibigan sa akin.
"Ano kaba, wala yun, saka ok lang basta para sa mga bata. Alam mo naman hindi ko sila maindihan besh. " Nakangiti kong sagot sa kanya.
Naka-upo na rin kami ngayon sa labas ng room at naiwan ang dalawang lalaki sa loob. Dahil meron daw pag-uusapan.
"Salamat talaga besh, ewan ko din ba sa sarili ko, ang dali ko kasi mainis sa asawa ko, pero kung wala naman hinahanap ko. " Naka nguso niyang sagot sa akin. Gusto ko tuloy matawa sa itsura niya. Pero infairness hah, kahit dalawa na ang anak, maganda parin talaga siya at mas lalo pang sumexy.
Hindi pa nga ako nakakasagot sa kanya ng magsalita ulit, mukhang madaldal ngayon ang aking bestfriend.
"Pero besh, payo ko lang sayo hah, wag ka mahuhulog sa Grey na yan, babaero yan. Ayaw kong masaktan ka. " Napangiti ako sa aking kaibigan, alam naming dalawa na talagang certified babaero talaga si Mr. Sandoval. Sagutin ko na sana ng biglang may sumigaw sa aming likuran.
"Talaga lang Mrs. Mondragon? Sisiraan mo pa talaga ako, dito sa mismong teritoryo ko?!