Chapter 14

1337 Words
"Thank you, Kaye," sambit ni Yohan sa kanya. Sakay na ito ng sasakyan ng Special Forces para dalhin sa ospital. Tinimbrehan na rin niya ang mga agents na huwag lubayan ng mata ito at obserbahan. Tumango siya rito at ngumiti. "Babalik ako, Kaye. Pangako." Napakurap siya sa tinuran ng lalaki dahil hindi niya naiintindihan ang ibig nito sabihin. Seryoso ang boses at mukha nito kaya kumunot ang noo niya lalo na ng bumaling ito kay T-Ross. Ngunit dagli rin ang pag-ngiti na umabot hanggang mata at bumalik ang tingin sa kanya. Umandar na ang sasakyan kung kaya't kumaway na lamang siya. Nilingon niya si T-Ross na walang bahid ng kapilyuhan ang itsura. Nakakatakot rin pala ito kapag gano'n kaseryoso. Ang kanang kamay ay humihimas sa baba at nakasalubong ang makapal na mga kilay. Napukaw ang paglipad ng isip niya ng dumating na ang responde ng grupo ng mga agents at pulis na agad na pinalibutan at sinuyod ang buong lugar. May isang agent na lumapit kay T-Ross, kilala niya ito. Mula ito sa intelligence department. "Commander, hindi po ma-identify ang grupo na sumalakay sa Vermin Gang. Wala po tayong profile nila. May nahuli kami na isa kanina pero agad din siyang nagbaril ng sarili, dead on the spot," humahangos pa ito habang nagrereport. "Search the whole area! Baka meron pang naiwan na pwede natin mapagkunan ng impormasyon. Hindi pwedeng manatili tayong nangangapa! I need a positive report ASAP!" Napaatras siya dahil sa lakas ng boses nito. Ang litid nito ay halos lumabas na sa leeg. 'High blood yern?' Napataas ang kilay niya. Agad sumaludo ang agent at mabilis na tumakbo papunta sa site. Si T-Ross naman ay tumalikod na at walang sabi-sabi na naglakad papunta sa loob ng sasakyan. "Impaktong toh! Walk out ang peg? Iiwan talaga ang beauty ko?" maktol niya na may kasamang padyak at mabilis na hinabol ito habang nakasapo sa braso na may tama. "Hoy, dinosaur! Bakit ba nang-iiwan ka?" sita niya ng makapasok na siya sa loob ng passenger's seat. Lumingon ito sa kanya habang nakahawak sa manibela. Kita niya ang paghigpit ng hawak nito doon. Mula sa pagtitig sa kamay nito ay umangat ang mata niya sa mukha nito at sinalubong ang titig nito. Kita'ng kita niya ang labis na pagkalito sa mukha nito. "Ano ba'ng problema? Ex mo ba si Yohan?" wala sa loob na wika niya. Wala kasi talaga siyang maintindihan sa inaarte nito at naiinis na siya! Ang mga kakilala kasi niya nawawala sa sarili kapag naka-encounter ang ex nila eh. Yung biglang nawawala sa mood or parang natutulala. Parehas na parehas sa itsura ng dinosaur ngayon! Muli itong lumingon sa kanya habang nakakunot noo. "Ano'ng ex?" Bumaba ang tingin nito sa may braso niya at napatingala sabay pikit ng mariin. "F*ck! Sorry, I spaced out. Umuwi na tayo para magamot natin ang tama mo, $ekerim." "Ha? Uuwi para gamutin ang tama ko? Kailan pa naging ospital ang bahay mo ha, Dinosaur?" Mabilis na nito pinasibad ang sasakyan at tinahak ang daan papunta sa condo nito. "It's getting dangerous. We can't go to the hospital." "May idea ka ba sino ang kalaban? Tsaka bakit ganoon na lang ang tingin mo kay Yohan kanina?" "I can't devulge any information yet, $ekerim. Not until I confirmed it. For now, ang kailangan lang natin gawin ay mag-ingat." "Bakit? Hindi ba VG naman ang hinahabol nila?" "I have a feeling that this also has something to do with our mission to find Eros. Kung tama ang hinala ko, pinipigilan nila tayo to get a lead. O baka gusto tayo iligaw. O baka isa rin tayo sa target nila." "Tayo? Luh, bakit ako nadamay? Nananahimik ako ah!" Hindi talaga niya alam kung ano ba talagang gulo ang pinasok ng kuya niya at ng talipandas na dinosaur na 'to. Mukhang hindi kasi basta-basta at literal na tila gyera ang susuungin nila. "Juice colored! Bakit ba' ko nadamay-damay dito? Dati naghahanap ako ng aksyon at bakbakan pero parang nagbabago na isip ko! Gusto ko pang makita ang lahi ko!" parang nasisiraan ng bait na ngawa niya. Feeling niya nahawaan na siya ng kabaliwan ni Wolfsbane. "Mataas ba tolerance mo sa pain?" Pag-iiba ni T-Ross sa usapan. Sandali siyang nag-isip bago sumagot, "Uhmm, kaya kong magmahal at maging masaya kahit may mahal na siyang iba. Pain tolerance na ba 'yon?" Tumaas taas pa ang kilay na balik-tanong niya rito. Mahina naman itong napatawa at saglit siyang binalingan na nakasingkit ang mga mata. "Dami mong alam, $ekerim. Kaka-cellphone mo yan." Umirap siya at lumukot ang mukha. "Ang pangit mo ka-bonding. Ang korni ng mga linya mo!" Nang makarating sa condo ay mabilis na dinouble lock nito ang pinto. May camera rin ito na makikita mo ang tao na nasa labas. "Sit down. Kukuha lang ako ng panlinis ng sugat mo." Pumasok ito sa kuwarto at paglabas ay may bitbit ng mga gamit. Inilapag nito iyon sa lamesa bago dumiretso sa kusina at pagbalik ay may bitbit ng bowl at sa kabilang kamay ay ang thermos. "Feeling ko para akong manok na kakatayin at gagawin mong tinola," biro niya rito pero ang totoo ay dinadaga na siya dahil alam niyang magiging masakit ito. Ikaw kaya operahan ng walang anesthesia? Ngumiti ito. "I'm sorry, $ekerim. Magiging masakit ito pero tiisin mo lang ha. Promise I'll be gentle." hinimas pa nito ang braso niya. "Maka- I'll be gentle ka riyan akala mo naman ide-devirginize mo iyong braso ko!" Irap niya rito sabay piksi ng braso niya. "Pwede rin naman natin gawin sa ibang parte--- aray!" hinampas niya ito ng towel na nilagay sa tabi niya. "Umpisahan mo na bwisit ka!" pa-angil niyang turan habang pinipigil ang mapangiti. Nagsalin na ito ng mainit na tubig sa glass bowl at binuhusan ng alcohol ang tubig. Nakababad din ang mga gamit sa alcohol. Sinindihan nito ang kandila at pinatayo sa lamesa. "Bakit may kandila? Albularyo yarn?" pang-aasar niya rito. Ngumisi ito sabay kuha ng kutsilyo at idinarang sa apoy ng kandila. Kinuha nito ang isang towel na tuyo at pinanganga siya. "Bite this. Kailangan mo iyan para hindi magsugat ang labi mo kakakagat dahil sa sakit." Ngumanga naman siya at kinagat ito. Muling dinarang ng lalaki ang kutsilyo sa apoy sabay lapat sa sugat niya. "Urgghh!" ungol niya. Gitil-gitil ang pawis niya sa tindi ng sakit. Maya-maya ay kinalabit siya ng dinosaur kung kaya't napilitan siya magmulat. "Drink this. Makakatulong 'yan para maibsan ang sakit." Inabot nito ang alak sa kanya na mabilis naman niyang tinanggap. Binuga niya ang towel sa bibig at agad nilagok ang alak mula sa bote. Nagpatuloy ito sa pag-aalis ng bala sa braso niya habang siya ay wala ring tigil sa paglagok ng alak. Kita niya ang pag-angat ng forcep at nasa pagitan nito ay ang bala na bumaon sa braso niya. Napaangat ang tingin niya sa mukha ng dinosaur at butil-butil na rin ang pawis sa mukha nito. Pero bakit gano'n? Ang hot pa rin nito tignan? Juice mio! Mukhang tinamaan na siya ng alak... 'maghunos-dili ka self!' pagpapakalma niya sa sarili. "It's done, $ekerim!" masayang wika nito at pinakita ang bala na nakuha nito. Hapong-hapo na sumandal siya sa sofa habang hawak pa rin sa isang kamay ang alak. Nakaramdam na rin siya ng hilo. Pa'no ba naman kasi at halos maubos na niya ang isang buong bote sa mabilis na paglagok niya. Matapos bendahan ang sugat niya ay walang sabi-sabi na inagaw nito ang bote sa kamay niya at binuhat siya papunta sa kuwarto. "Uyyy, kaya ko naman maglakad!" protesta niya ngunit hindi naman ito nakinig. "You're too exhausted and I guess lasing ka na rin. Nagbubuhol na dila mo eh," natatawa nitong turan. Bigla ang bundol ng kaba sa kanya ng lumagpas ito sa kama at tinatahak ang daan papunta sa banyo. "Teka! Bakit sa banyo tayo papunta?" nagpapanic ang boses niya. "Paliliguan kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD