Chapter 13

1087 Words
"Ang sabi ko dumapa ka sa 'kin." Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi sa binulong nito at akma sana na sasagot ngunit narinig nila ang mga yabag na huminto sa kwarto kung nasaan sila kung kaya't kapwa sila natahimik at halos pigilin ang paghinga. Dinig nila ang maingat na pagbukas ng pinto ng silid at lagatok ng kanilang mga hakbang. Dahil nangangawit na ang leeg niya sa paglayo sa mukha ng lalaking dinosaur gayundin ang mga braso niya na nakatukod sa gilid ay dahan-dahan niyang inilapat ang kaliwang pisngi sa dibdib nito. Bahala na kung ma-awkwardan ang lalaki basta nangangalay na siya! Amoy na amoy ang pinaghalong pabango at ang natural na scent ng katawan nito na lalong nagdagdag sa nakakapang-akit nitong awra. "Matigas pero ang sarap gawing unan!" wika ng malanding isip niya habang ninanamnam ang pagkakahiga sa dibdib nito. "F*ck!" dinig niya ang mahinang mura ni T-Ross na nagpa-angat ng ulo niya. Ngunit dahil madilim sa loob ng kinalalagyan nila ay hindi niya makita ang mukha nito. Ramdam din niya ang mabilis na pagtaas baba ng paghinga nito. "Anyare sa aircon na 'to?" wika niya sa isip. Hindi kasi niya maisatinig dahil baka mahuli sila ng mga kalaban. Pero hindi nagtagal at biglang nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang labi ng maramdaman ang T-Rex nito na tila unti-unting nabubuhay at tumutusok sa puson niya. "Jusko! Nag-flag ceremony ng hindi oras ang dinosaur! Nyeta!" turan ng isip niya. Akma siyang aangat para supilin ang kakaibang pakiramdam na naguumpisang gumapang sa kaibuturan niya ngunit naging maagap ang mga braso nito na humapit sa kanya kaya lalo siyang naapadiin sa katawan nito. Napasinghap siya ng tila lalong naging matigas ang pagtusok ng dinosaur nito sa kanyang puson, kasabay nito ay ang mga yabag na tila nasa tabi ng kinalalagyan nila ang mga humahabol sa kanila na lalong nagpabilis ng t***k ng kanilang puso. Mainit sa loob at ramdam na niya ang halos paghahalo ng pawis nila ngunit bukod dito ay may kakaibang init pa siyang nararamdaman na sigurado siyang hatid ng kahalayan ng lalaking talipandas na ito! Nakahinga sila ng maluwag ng maramdaman na lumabas na ang mga yabag at ang pagsara ng pinto. Mabilis ngunit maingat siyang umangat habang umalalay naman si T-Ross sa pagbukas ng takip. Masama niya itong tinignan habang humahakbang palabas ng baul. "Why you're giving me that deadly stare, $ekerim?" nakangisi nitong turan habang tumatayo na rin. "Pagsabihan mo 'yang dinosaur mo na huwag magpa-flag ceremony ng wala sa oras! Nakaka-distract!" angil niya rito. Mabilis nakalapit si T-Ross sa kanya habang nakangiti. Umangat ang kamay nito at pinahid ng likod ng palad ang pawis na naglandas sa pisngi niya. Umatras siya ng isang hakbang dahil napakalapit nito habang nilagay naman ng lalaki ang kamay sa beywang at hindi inaalis ang titig sa kanya. Naisip niya baka hinihintay din nito na punasan ang pawis nito. Kapal! "Huwag mo'ng iexpect na pupunasan ko rin yang pawis mo. Kadiri kaya no!" nakairap niyang sambit sabay pihit na papunta sa pinto ngunit hindi pa siya tuluyang nakakalapit ay bigla itong bumukas at niluwa ang isang lalaki na nakasuot ng itim na mask at tanging mata lamang ang nakikita rito habang nakaumang ang baril. Walang alinlangan nitong ipinutok ang baril papunta sa kanya. Sa pagkabigla ay hindi agad siya nakakilos maging si T-Ross. Napapikit siya ng maramdamanan ang mainit na bagay na bumaon sa kanang braso niya kasunod nito ay ang mainit na likido na umalpas mula sa sugat. "Sh*t!" mahinang usal niya. Nang nakabawi sa pagkabigla ay agad siyang kumilos at umikot sabay sipa sa baril nito. Tumilapon iyon sa kabilang gilid, kinuha naman ni T-Ross ang pagkakataon na iyon at agad dinamba ang lalaki at pinagsusuntok hanggang sa mawalan na ito ng malay. "T-Ross, tama na 'yan. Nalagutan na yata ng hininga sa tindi ng suntok mo!" awat niya rito dahil kahit wala na itong malay ay hindi pa rin tinatantanan ng lalaki sa pagsuntok. "That f*cking bastard deserves to die!" angil nito habang hinihingal sa galit. "Are you okay?" Hinaplos nito ang braso niya na dumudugo. "Okay lang. Malayo sa bituka." Ngumiti pa siya para ipakita na okay lang siya. Pero sa loob ay ramdam na niya ang kirot sa parteng iyon at pangangalay. Hinawakan nito ang braso niya at sinipat. "The bullet is still inside. Kailangan itong matanggal agad, $ekerim." seryoso ang tono nito. May binunot ito na panyo at itinali sa braso niya. Matapos nito ay mabilis na silang lumabas. Habang tinatahak ang daan palabas ay may namataan sila sa sulok na nakasandal. Duguan na ito at tila hindi makakilos. Agad niyang sinenyasan si T-Ross na sumunod. Nang makita ito ng malapitan ay nanlaki ang mga mata niya ng mapagsino ito. "Yohan!" bulalas niya sa pangalan nito. Pilit naman binuksan ng lalaki ang mga mata ng marinig ang tinig niya. "Kaye?" sambit nito. Ang mukha nito ay duguan at ang kaliwang mata ay namamaga. "Asan ang mga tauhan mo?" tanong niya. Sa dami ba naman ng mga tauhan nito ay kung bakit hinayaan na maging ganito ang pinuno nila. "Hindi ko alam. Nang may sumabog na bomba ay nagkalabo-labo na at hindi ko na alam kung nasaan na sila." Pumikit itong muli wari bang iniipon ang natitirang lakas. Napatingin siya sa daliri nito na tumatapik-tapik sa hita. Tila mannerism ito ng lalaki. "Kaya mo ba tumayo? Aalalayan ka namin," tanong niya rito habang sinisipat kung may iba pa ba itong tama. Kung titignan ito ay para lamang ordinaryong tao na walang kakayahang ipagtanggol ang sarili. Hindi talaga ito mukhang leader ng gang! Nilingon niya si T-Ross ngunit blangko lamang ang ekspresyon nito. Tila tumatagos ang tingin sa lalaki at pinag-aaralan ang kilos nito. "Uhmm yeah. I think kaya ko naman." Ngumiti ito at inangat ang likod mula sa pagkakasandal. Hinawakan niya ito sa braso at inakbay sa balikat niya para subukan na tulungan itong makatayo, ngunit dahil malaking tao ito ay nahihirapan siya. Nakakunot ang noo na binalingan niya si T-Ross. "Hoy, baka naman gusto mo 'ko tulungan? Ano ba nangyayari sa 'yo?" Tila kasi ito biglang natulala na hindi naman niya alam kung bakit. Sa itsura nito ay parang nahulog ito sa malalim na pag-iisip habang nakatunghay kay Yohan. Siniko niya ito ng wala pa ring makuhang response at bigla naman ito napakurap. "Ano? Crush mo?" nanlalaki ang mga mata niyang turan dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD