Chapter 12

1608 Words
Dumiretso na siya ng lakad at hindi na hinintay si Kash na makasunod sa kanya. Mainit ang ulo niya baka bigla na lang ito bumulagta kapag hindi niya natantiya. Luminga siya habang ang paligid ay puno pa rin ng usok at ang sahig ay puno ng tipak ng mga bato at piraso ng mga nagiba na dingding at pader. Napayuko siya ng makarinig ng sunod-sunod na putok sa hindi kalayuan. Mabilis na binunot ang baril at kinasa ito. Naging alerto ang bawat kilos at hakbang niya. Napatigil siya ng makarinig ng mahinang ungol. Nagmasid siya ng maigi sa paligid at nakita na may gumagalaw sa ilalim ng isang malaking tipak ng pader na tumumba sa sahig. Mabilis siyang lumapit para tignan ito habang nakaumang ang kanyang baril. Mahirap na, baka patibong ito at maunahan pa siya. "Help!" dinig niya na sambit ng nasa ilalim nito. Mahina pero malinaw niyang narinig. Sinuksok niya ang baril sa beywang at sinubukan na iangat ang tipak ng pader ngunit kulang ang lakas niya. Binuksan niya ang flashlight mula sa cellphone niya at sinilip ang nasa ilalim nito. "Agent Darius! Oh f*ck! Agent Rena!" sigaw niya ng mapagsino ang mga nasa ilalim ng tipak ng bato na iyon. Luminga siya sa paligid baka may mapadaan na maaari siyang tulungan ngunit mukhang malabo. Baka may dumating nga pero kalaban naman. "Sandali lang, iaalis ko kayo riyan!" Nakakita siya ng medyo mahabang bakal, dinampot niya iyon at inangkla sa bato para maiangat ito. Sh*t! Masyadong malaki ang pader na nakadagan sa kanila! Ngayon niya pinagsisihan na hindi pinapunta ang V Queens sa location at pina-standby lang sa hideout. Nakampante siya dahil madami ang mga tauhan ni T-Ross na kasama sa misyon. "V's, kaya n'yo ba makaresponde? May engkwentro sa location," sambit niya habang nakapindot sa bracelet niya. Tumunog ito at narinig na may sumagot. "Nandito na 'ko sa location." Napakunot ang noo niya at pilit na hinintay maproseso ng utak niya kung sino ito. Ayaw niyang paniwalaan ang naririnig ng tainga niya. "W-wolfsbane?" Hanggang sa mga sandali na iyon ay ayaw pa rin niya paniwalaan na tama siya ng hinala kung sino ito. "Wala ng iba! In the flesh!" Napalingon siya sa pinanggalingan ng nagsalita habang nakahawak pa rin sa bracelet niya. Napaawang ang kanya'ng labi at nanlaki ang mga mata. "P*tangina! Ano'ng ginagawa mo rito?" sigaw niya rito ng makahuma sa pagkagulat. "P*nyeta ka! Ang ganda ng bungad mo sa 'kin ah? Tutulungan ka na nga!" Inambahan siya nito na pupukpukin ng baril pero hindi naman nito itinuloy. "Gagi! Baka patayin ako ni Winter El Grejo! Hindi ka nanaman ba nakainom ng gamot mo at pumipitik nanaman 'yang saltik mo?" Halos maglabasan ang litid niya sa leeg. Tumawa lang ito ng malakas at isinuksok sa beywang ang baril. Humakbang na ito papunta sa direksiyon ng mga kasamahan niya na natabunan ng pader at nilagpasan siya. Mabilis niyang hinabol ito at hinila sa kamay. "Wolfsbane, ano ba? Baka nakakalimutan mo buntis ka? Baka mapaano ang bata!" Gustong-gusto na niya sabunutan ito sa sobrang tigas ng ulo. Kilala niya ang ugali nito, kapag umiral ang kabaliwan ay walang makapipigil kahit harangan pa iyan ng sibat! Ngumisi lang ito at winaksi ang kamay na nakahawak sa kanya sabay nameywang. "Baka nakakalimutan mo rin na noong buntis ako sa kambal ay naglambitin pa 'ko sa helicopter at tumalon sa building? Huwag ka mag-alala, malakas ang kapit nito!" Sabay tapik sa puson nito at nagsimula na muling maglakad. Siraulo talaga! "Magulo rito, Wolfsbane! Hindi ka dapat nandito!" Naihilamos na niya sa mukha ang dalawang palad niya. Nilingon siya nito. "Kaya nga 'ko nandito kasi gulo ang hanap ko. Kung katahimikan ang hanap ko edi sana sa sementeryo ako nagpunta? Hello?" Kinaway pa nito ang kanang kamay sa kanya. Napapikit na lang siya ng mariin at pumindot sa bracelet niya. "V's, utang na loob! Sunduin n'yo itong bruhang abnormal na 'to dito. Baka pasabugin tayo ni Winter El Grejo kapag napahamak 'to! Ayoko pa mamatay, hindi pa ko nakakatikim ng dinosaur kaya please lang!" Pagmamakaawa niya sa mga kasamahan. Dinig niya ang tawanan ng mga ito sa kabilang linya. "We're on our way. May dala kaming straight jacket at tranquilizer para kay Wolfy. Inaway niyan si Winter, kasi nangati ang cookie monster at hindi nakatikim agad ng big bird!" turan ni Larkspur sabay tumawang muli. Maging siya ay napatawa na rin at naiiling. "G*ga talaga! Kaya nabubuntis agad kahit kapapanganak pa lang eh. Masyadong malantod!" mahinang bulong niya sa mga ito. Nang maputol ang tawag ay napairap nalang siya sa hangin bago sumunod na rito na nag-uumpisa ng tanggalin ang ilang bato na nakatabon. "Huwag ka masyado magbuhat ng mabigat, babae! Hay naku naman! Ilang beses ka ba pinanganak at ganyan ka kakulit?" kunsumido niyang sigaw rito. Tila naman balewala lang ang mga sinasabi niya rito at nakukuha pa na ngumisi. "Ano tingin mo sa 'kin? Mahinang nilalang? Huwag mo 'ko hamunin, baka gawin pa kitang barbell diyan!" Pagyayabang pa nito at pinagpatuloy ang ginagawa. Maya-maya ay nagsidatingan na ang V Queens. Nakakatuwa dahil kahit papaano ay nakumpleto na ulit sila. Sabay-sabay nilang pinagtulungan ang pag-aalis ng bato sa pagkakadagan sa dalawang agents. Inaakay na nilang itayo ang dalawang agents ng biglang magkapalitan nanaman ng putok at isang malakas na pagsabog muli ang yumanig sa lupa. "Sh*t!" mahinang sambit niya ng ma-out balance sa hindi inaasahang pagyanig. Mabilis siyang tumayo muli. Inaakay nila Larkspur at Oleander si Agent Rena na mukhang napuruhan ang dalawang binti dahil hindi ito makatayo. Si Agent Darius naman ay nasa kanang braso at hita ang hindi maikilos. Idagdag pa na parehas duguan ang mukha at katawan ng mga ito. Lumikot ang mga mata niya ng makakita ng anino na papalapit sa gawi nila kaya mabilis niyang inumang ang baril. "V's, bring the casualties to safety! May medic na naka-standby on the northeast side of the main entrance. Kailangan nila malapatan ng agarang lunas. Pagkatapos niyan ay palayasin n'yo na si Wolfy. Maiwan muna ako rito. Mag-ingat kayo." Umirap si Wolfsbane sa kanya pero hindi nagsalita at nag-umpisa ng akayin si Agent Darius palabas. Binalikan ng tingin niya ang anino at napasingkit ang mga mata niya ng naging dalawa ang mga ito na papalapit. Kita rin niya ang mahabang baril na bitbit ng mga ito. Mukhang walang binatbat ang baril na hawak niya. Nilapat niya ang katawan sa naiwang poste ng pader at pinagdarasal na sana ay hindi kalaban ang mga ito. Ngunit mahirap malaman kung kakampi o hindi ang mga ito. Ang mga agents ay hindi nakauniporme, hindi rin nila matutukoy alin ang tauhan ng Vermin Gang at alin ang tauhan ng mga kalaban ng mga ito. Mga peste! Kung kailan kasi nasa misyon sila tsaka naman kasi sumabay ang mga hinayupak na iyon. Naipit pa tuloy sila! Sarap pagbabarilin! Nasa kalagitnaan siya ng pagmumuni-muni ng may mga kamay na humaklit sa kanya sabay takip sa bibig niya. Mabilis ang kilos na nagpumiglas siya at pilit na nanlalaban ngunit sadyang malakas ang mga bisig nito at hindi man lang siya makatama kahit isa. Nakatalikod siya rito kaya't hindi niya nakikita ang mukha nito. Nakakita siya ng pagkakataon at tinapakan niya ang kanang paa nito. "Urghh!" impit na daing nito. Lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya at kinuha niya ang pagkakataon na iyon para makaikot at makita kung sino ito. Pero isang malaking pagkakamali ang pag-ikot niya dahil muling humapit ang braso nito sa beywang niya at isinandal siya nito sa pader. "T-Ro--" Hindi niya natapos ang sasabihin ng bigla nito'ng muling tinakpan ng kamay ang bibig niya at ang isang kamay naman nito ay itinaas sa bibig nito at nagmwestra na huwag gumawa ng ingay. Ngunit ng akma siyang humakbang para kunin ang balanse niya ay may naapakan siya na hindi niya alam kung ano at gumawa ito ng ingay. Kasabay nito ay ang mga nagmamadaling yabag na papunta sa direksiyon nila at putok ng baril. "F*ck!" dinig niya'ng mura ng lalaki. Mabilis siya hinila ni T-Ross at nagpatinaod na lamang siya. Pumasok sila sa isang silid na hindi na niya mawari kung ano'ng klase ng silid dahil magulo na ang lugar at nagtumbahan ang mga kasangkapan at natabunan ng alikabok ang paligid. "Get in, $ekerim." Napakurap pa siya at doon niya lang napagtanto na pumasok ito sa loob ng isang parang baul. Nakahiga ito roon at sakto lamang sa katawan at laki nito. "Diyan?" pabulong na turo pa niya sa kinalalagyan nito. "Yes. Please make it fast, $ekerim! Before we get caught," bulong nito pabalik sa kanya. Humakbang siya papasok sa loob ngunit hindi niya alam paano siya magkakasya dahil na-okupa na lahat ito ng laki ng katawan ng talipandas! "Paano ba 'ko magkakasya? Umusog ka ng konti!" Mahina niyang sinipa ang binti nito. "Come here. Dumapa ka, $ekerim." "Paano ako makakadapa ang lapad-lapad mo!" pabulong na angil niya habang magkalapat ang ngipin. Nag-squat na siya pero hindi talaga siya magkakasya kahit ano'ng gawin niya. "What are you doing? Hindi ka talaga magkakasya diyan. Dumapa ka sa 'kin." Napanganga siya. Gusto niyang isipin na mali ang narinig niya. "Ano?" tanong niya upang siguraduhin ito. Napalingon sila ng sabay sa pinto ng marinig ang mga yabag at mahinang boses. Mabilis na hinatak siya ni T-Ross at pabagsak siyang napadapa sa ibabaw nito. Inabot nito ang takip at marahan na isinara. Napakurap siya ng humapit ang braso nito sa beywang niya at itinapat ang labi sa tainga niya sabay bulong. "Ang sabi ko dumapa ka sa 'kin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD