Chapter 11

1422 Words
Nagpa-excuse siya matapos makipagkilala si Yohan Vermin. Meron na kung ano sa pagkatao nito ang misteryo para sa kanya. Mabilis siyang naglakad papunta sa kusina habang okupado ang isip ng leader ng VG. Paghakbang niya papasok sa pinto ng kusina ay muntik na siyang mapatili ng may mga kamay ang bigla na humaklit sa kanya. Napapikit siya ng mariin dahil sa gulat. Dahan-dahan siya nagmulat ng maramdaman sa likod ang lamig ng pader at ang galit na boses ng dinosaur. "Bakit ang tigas ng ulo mo, Elix Khale? Hindi ka marunong sumunod sa instructions!" ramdam niya ang hagod ng ngitngit nito sa bawat salita na sinasambit. Napakurap siya dahil halos maduling ang paningin niya sa lapit ng mukha nito sa kanya. Ang mabangong hininga nito ay tumatama sa mukha niya na tila nagpapaliyo sa kanyang pakiramdam. Ang dalawang kamay nito ay mahigpit na nakakapit sa palapulsuhan na nakataas sa magkabilang gilid niya. "Bitiwan mo nga 'ko! Alam ko ang ginagawa ko, okay? Pagkakataon ko na iyon para makalapit sa grupo nila. Baka nakakalimutan mo na ang plano ay ang mapasok ang kampo ng VG?" ganting angil niya rito habang iniikot ikot ang kamay niya para subukan na makawala. Madilim ang mukha nito at nagtatangis ang mga bagang. "Did you enjoy talking and holding the hand of that m*therf*cker? Huh?!" wika nito habang ang mga mata ay naglalakbay sa mukha niya. Naiinis na siya sa inaakto ng dinosaur na aircon na 'to. Idagdag pa na parang mabibingi na siya sa lakas ng tambol ng puso niya at nanghihina ang mga tuhod niya sa posisyon nila ngayon. Pinilit niyang pinatapang ang mukha niya at pinatatag ang boses. "Yes! Mukha nga siyang masarap kasa---uhmp!" Nanlaki ang mga mata niya ng bigla siya nitong haklitin at siilin ng halik. Mabigat ang bawat dantay ng labi nito at may diin. Tila binubuhos ang galit na kanina pa pinipigil. Ilang saglit lamang ay naging mabagal at masuyo na ang galaw ng labi nito. Ang kaliwang kamay nito ay humapit sa kanyang beywang at ang isang kamay naman ay nasa likod ng ulo niya para hindi siya makaiwas sa pagsalakay ng labi nito. Tila may sariling isip naman ang kanyang mga kamay at kusa itong tumaas at kumawit sa batok ni T-Ross. Nakapikit na rin siya at wala sa sarili na tumutugon sa malalim na paghalik nito. Naramdaman niya ang pagngiti ng labi ng dinosaur habang nakalapat sa labi niya ng tumugon siya sa halik nito. Sh*t! Bakit ang hirap tumanggi? Sinasabi ng isip niya na itulak ito pero ang katawan naman niya ay tila alipin na ang tanging nais ay ang magpalukob sa nakapanghihinang halik nito. Sandaling naghiwalay ang mga labi nila para sumagap ng hangin bago marubdob na sumalakay muli at mas lumalim pa ang mga halik. Naramdaman niya ang isang kamay nito na humahaplos sa likod niya habang ang labi nito ay unti-unting naglalandas pababa sa kanyang panga. He's now tracing the lines of her jaw down to her neck. "Damn it, $ekerim!" mas lamang na pa-ungol at paanas ang pagkakasambit nito. Ang isang kamay nito ay nangahas ng pumasok sa loob ng kamison niya. Kapwa sila darang at baliw sa sensasyon na dulot ng pagsasanib pwersa ng kanilang mga labi. Tila sila mga tigang na lupa na hindi nadiligan ng matagal na panahon. Nasa kalagitnaan sila ng kabaliwan nila ng mapatigil matapos yumanig ang buong lugar kasabay ng nakabibinging pagsabog. "F*ck!" dinig niya ang pagmumura ni T-Ross na agad siyang hinaklit payuko at itinakip ang katawan para hindi siya tamaan ng mga nagtatalsikan na parte ng kabahayan. Dagli nitong pinindot ang earpiece at tila hinihingal na nagsalita, "what the hell is happening? Ano yung sumabog?" Kita niya ang paglabasan ng mga ugat sa leeg nito. Luminga siya sa paligid at naging mausok ang lugar sanhi ng pagbagsakan ng mga parte ng pader. Mabilis siyang napakapit sa hita niya kung saan naroroon ang holster ng baril niya ng makakita ng bulto na papalapit. Malabo ang imahe nito at hindi niya mapagsino dala na rin ng usok ng paligid. "Commander, ang VG po ang target nila. Mga kalaban na grupo ng Vermin Gang. Hindi pa sigurado ang intelligence kung ano'ng grupo ang mga ito nabibilang. Pero ang sigurado ay si Yohan Vermin ang target nila," mahaba na litanya ng team leader ng mga agents. Binunot niya ang baril at itinutok sa bulto na papalapit. Napansin naman ni T-Ross ang pag-umang niya ng baril kung kaya't lumingon ito at naalerto na rin. Naramdaman niya ang paghigpit ng kamay nito na nakayakap sa kanya at kapwa nakahanda sa anumang pagsalakay ng bulto na iyon. "Whoa! Easy man! Ako lang 'to!" sigaw ng bulto matapos itong biglang dambahin ni T-Ross ng makalapit ito at sabay sila natumba sa sahig. "Ano ka ba naman kasi, Kashmir! Daig mo pa kasi ang pusa na pakendeng-kendeng sa gitna ng pagsabog!" Binitiwan ni T-Ross ang pagkakakwelyo nito sa lalaki. Napaigik pa ito dahil sa pagdiin ng likod sa mga piraso ng mga nadurog na pader at mga nagtumbahan na gamit sa kusina. Mahina itong napatawa bago mabilis na rin na bumangon. "Kendeng-kendeng talaga? Hindi ba pwede naglalakad lang?" Binaba na rin niya ang pagkakaumang ng baril dito at binalik sa holster. Sabay-sabay sila napatigil ng tumunog ang earpiece nila. "Commander, agent Jera passed out! Andito siya sa second floor." "Okay copy!" mabilis na sagot nito bago walang sabi-sabi na tumakbo ito papunta ng second floor. Napasingkit ang mga mata niya at napatiim ang labi. Ano ba talaga ang meron sa Jera na iyon? Nagsusumigaw ang inis niya. Parang gusto niya mamaril ng T-Rex! Nangangati ang kamay niya! "Uhmm agent Elix hindi ka ba susunod sa taas?" pukaw ni agent Kash sa kanya habang nagpapagpag ng sarili. Masama ang tingin na nilingon niya ito bago nagsalita, "huwag mo 'ko matanong-tanong ngayon, sinasabi ko sa 'yo! Baka ikaw ang pasunurin ko kay San Pedro!" gigil na sambit niya rito habang nakaduro ang daliri sa mukha nito. Dito nabaling ang bumangon na inis niya sa dinosaur na iyon! Napatda naman ang lalaki at marahas na napalunok sabay ngisi at iling. "Sabi ko nga eh. Manahimik na lang ako," mahinang usal nito sabay mwestra na tila zinipper ang bibig. Umirap siya bago masama ang tingin na pinukol sa may hagdan na inakyatan ni T-Ross. Ang hudyo na 'yon! Matapos magpakasasa sa paghalik sa kanya, may Jera naman pala ang talipandas! Ang kapal ng mukha! Mas makapal pa sa great wall of china ang mukha niya! Gusto niya magtransform at maging incredible hulk at durugin sa kamay niya ang T-Rex na 'yon. Yung literal na magiging pulbos sa mga kamay niya! Napalingon sila ng marinig ang yabag na pababa mula sa second floor at naaninag ang bulto ni T-Ross. Pero halos umusok ang ilong niya ng makita na buhat ng talipandas ang maarteng babae na akala mo hinang-hina sa buhay. Nakakawit pa ang kamay sa leeg ng lalaki. "Akala ko ba nahimatay? Sarap tuluyan para maging makatotohanan!" mahinang bulong niya. Pilit niyang kinalma ang sarili at huwag magpakita ng anumang emosyon kahit na gustong-gusto na niya pagbuhulin ang dalawa at ipatawag si doktor kwak kwak pagkatapos. Naipilig niya ang ulo. Parang ang korni ng naisip niya. "Agent Kash, kindly escort Agent Elix out of this place and bring her to safety. I just need to attend to Jera first," walang emosyon na mababakas sa tono at mukha nito na lalong kinahuramentado ng sistema niya. Tinignan niya ito ng patamad bago bumaba ang mata sa babaeng mukhang seaweeds na nakabaon ang mukha sa dibdib ng herodes. Gawin kitang samgyupsal diyan eh! Tumalikod na siya at naramdaman niya ang kamay ni Agent Kash sa siko niya. "Kash," dinig niyang mahinang tawag ni T-Ross dito. Hindi na siya nag-abala na lumingon dahil lalo lang siyang kinakain ng inis niya at baka masapak pa niya ng sabay sa mukha ang dalawa. Hindi niya alam ano ang sinambit ng dinosaur na iyon ngunit narinig niya ang pagpalatak ni Agent Kash at naramdaman niya ang pagbitaw nito sa siko niya. Nagpatiuna na lamang ito at itinuro kung saan ang daan na akala mo isang tourist guide habang nakangisi. "This way po," wika nito na may halong pang-aasar. Tinignan niya ng nakamamatay si Kashmir. "Eh ang way sa katapusan mo, gusto mo?" angil niya rito. Sabay walang lingon-likod na nilampasan ito at dumiretso na ng lakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD