Chapter 10

1587 Words
Maaga silang gumayak para maghanda sa misyon. Pagdating nila sa location ay naghahanda na ang mga undercovers. Nakakalat na ang surveillance team sa paligid. Sila Agent Rena at Agent Darius naman ay kasalukuyan na nilalagyan ng prosthetics sa mukha para patandain ang itsura nila. "Agent Elix, ikaw na ang next na aayusan." Tawag sa kaniya ni Kashmir na isa ring agent. Tumango ako at sumunod na rito. Nilingon ko si T-Ross, kasalukuyan nitong kausap ang iba pang agents habang pinaplantsa ang magiging takbo ng misyon. Hindi siya nito napansin kaya dumiretso na lang siya ng paglalakad. Pagpasok niya ay tinuro ni Kashmir ang upuan sa harap ng salamin at pinakilala ang mag-aayos sa kaniya. "Agent Elix, this Jera ang mag-aayos sa iyo," pagpapakilala nito. Tumango ito sa kaniya na may tipid na ngiti. "Jera, ikaw na ang bahala kay Agent Elix. Basta ang ayos dapat niya ay nakakaakit pero inosente ang dating," pagbibigay ng instruksiyon ni Kashmir. "Copy," maikling sagot nito bago bumaling sa kaniya at giniya paupo sa silya habang si Kashmir naman ay lumabas na. Nakaharap siya sa salamin na may mga ilaw sa gilid. Inobserbahan niya si Jera, mukhang nasa mid-20's lang din ang edad nito. Balingkinitan ang katawan, morena at matangkad. Sa tantiya niya ay nasa 5'6" ang height nito. Maganda rin ang mukha at maamo pero tahimik lamang ito at hindi palasalita. Isa pa sa hindi nakatakas sa paningin niya ay ang mahabang pilat nito sa mukha. Mula sa ibabaw ng ilong nito pababa sa kaliwang pisngi. Ang pilat na iyon ay nagdagdag pa sa misteryosang dating nito. "Agent Elix, paki-suot nito." Inabot nito sa kaniya ang isang manipis na kamison at isang palda na hapit sa balakang. Tumalima naman siya, mabuti na lamang at nakasuot siya ng t-shirt bra kaya hindi masagwa ang view sa dibdib niya. Pero dahil manipis ang kamison ay nakahakab ang hinaharap niya at medyo mababanaag pa ang cleavage niya dahil mababa ang neckline nito. Ang palda naman niya ay nilabas ang mahubog niyang mga binti at mas agaw-pansin pa ito lalo dahil sa mamula-mula nitong kutis. "Alam mo Agent sa lahat ng inayusan ko sa iyo ako hindi nahirapan. Napakaganda mo," malumanay nitong sambit. May maliit na ngiti rin na nakasilay sa labi nito. Tinignan niya ito mula sa salamin na nasa harap niya at ngumiti pabalik. "Salamat Jera. Agent ka rin ba?" usisa niya rito. Tumango ito sa kaniya. "Oo agent din ako. Pero mula nang mapa-engkwentro at muntik ko ng ikamatay nilipat ako ni T-Ross dito." Tila kinalabit ang puso niya sa sinambit nito. Nilipat siya ng dinosaur na iyon? Tapos ay hindi commander ang tawag nito at first name lang talaga. Lalo siyang naintriga ano ang meron sa dalawa at ano ang nangyari rito. "I can sense that you are curious what happened on my face," sambit nito at inangat ang kamay para haplusin ang sariling pilat. Napakurap siya. Hindi niya inasahan na ganun ito ka-prangka. Diretsahan, walang ligoy-ligoy. Ngumiti ito pero pakiramdam niya ay hindi iyon umabot sa mata nito. "Nga pala, wear this earpiece. Diyan makikipag-communicate si T-Ross sa 'yo." Sabay abot ng maliit na gadget sa kanya. Mabilis naman na ikinabit niya ito sa kanan na tenga. "And this one, make sure na suot mo palagi. May tracking device ito. Para alam namin ang whereabouts mo kung sakaling tangayin ka ng tauhan ng VG." Isinuot nito ang relo sa kaliwang palapulsuhan niya. Muli nitong sinipat ang kabuuan niya bago muling nagsalita, "you're all set, Agent Elix. Good luck sa misyon" Tinapik nito ang kanyang balikat. "Sa susunod na ako magkukwento sa iyo." "Salamat, Jera" Tumayo na siya sa silya at tinignan ang sariling repleksiyon sa salamin. Aaminin niya, magaling si Jera. Nagawa nitong natural ang make-up niya. Ang labi niya ay mukhang likas lang na mas mapula kaysa sa orihinal nitong kulay. Gayundin ang kanyang kilay at mga pilikmata. Mas napalantik niya ang mga ito na nagbigay buhay sa mga mata niya. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at sabay sila napatingin ni Jera. Niluwa nito si T-Ross na direktang nakatingin sa kaniya. Kita niya ang pagpasada ng paningin nito sa kaniya mula ulo hanggang paa at pabalik sa mukha niya. Nakakunot ang noo nito sabay lipat ng tingin kay Jera. "Jera, palitan mo ang damit ni Agent Elix." Madiin na utos nito. Bumakas naman ang pagkalito sa mukha ng babae habang naglilipat-lipat ng tingin sa kanya pabalik kay T-Ross. "Sinunod ko lang ang instruction ni Kashmir, T-Ross. Bakit siya magpapalit ng damit?" "Do it, now! And stop asking questions!" bulyaw nito sa babae. Muntik naman siya mapatalon sa gulat ng bumaling ito sa kanya. Nakalagay ang mga kamay nito sa magkabilang beywang habang madilim ang mukha. "You are not going anywhere wearing that f*cking piece of cloth, Elix Khale! I'm warning you!" Nagbabanta ang boses nito. "Ano ba ang mali sa suot ko? Hindi naman ako nakahubad at lalong hindi naman mahalay. Problema mo?" Nameywang na din siya para gayahin ito. "Don't test my patience, $ekerim. Kung ayaw mong i-pullout kita sa misyon." Banta nito sa kaniya. Umangat ang kamay nito papunta sa mukha at marahas na inihilamos. Napamaang naman siya sa tinuran nito. Bakit ba ito galit na galit sa suot niya? Niyuko niya ang sarili at sinipat. Maayos naman ang kamison na puti na suot niya, maliban na lang sa nakabakat niyang t-shirt bra na kulay itim na walang strap at ang pagsilip ng cleavage niya. Ang palda naman na suot ay hanggang kalahati ng hita niya naman ang haba. Humakab lang ito sa kanyang beywang dahil hapit ito at bumakat ang hubog ng kaniyang katawan. "Ano ba gusto mo? Magpalda ako ng hanggang talampakan at mag-longsleeve?" patuya niyang sambit nito. Pinagkrus niya ang mga kamay sa dibdib. Naiilang na rin kasi siya sa paraan ng pagtitig nito. Parang konti nalang magliliyab na siya sa kinatatayuan. "Kung pwede lang sana oo, ganun ang gusto kong isuot mo. Pati mukha mo gusto kong takpan!" Napabukas-sara ang bibig niya matapos marinig ang tinuran nito. Ang sakit nun ha! "T-Ross, can you please calm down? I think perfect na ang look ni Agent Elix para makuha ang atensyon ng mga tauhan ng VG. O baka nakalimutan mo na? C'mon, you are not like this sa mga misyon natin," mahinahon na turan ni Jera na lumapit pa sa dinosaur. Napataas ang kilay niya ng nilapat pa ng babae ang kamay sa balikat ni T-Ross. Sunod-sunod na katok ang nagpabaling sa amin sa pinto at pumasok ang tatlong agents. "Commander, andiyan na po ang mga targets," wika ng isa at bumaling sa kaniya. "Agent Elix, be ready." Sabay abot sa kaniya ng fully loaded na baril at holster. Maliit lamang iyon kung kaya't kayang itago sa hita niya. Inirapan niya si T-Ross at naglakad na palabas ng kwarto. Ngunit napaigtad siya ng bumulong ito, sapat para marinig niya, "you deserve some punishment for being so stubborn." Napalunok siya ng laway at nakadama ng kilabot at excitement. Omaygad! Saan galing ang excitement sa pagpaparusa nito? Ang harot mo self! Pagdating niya sa ibaba ng bahay ay may inabot sa kaniya ang isang agent na tray. Nakasuot ito ng pang-maid na uniform. "Kayo raw ang magdala nito sa sala Agent Elix." Inabot sa kanya ang tray na may juice at bread. Mula sa kusina ay nauulinigan ang malakas na boses ng mga bisita. Tumango siya at naglakad na palabas sa sala. Humugot siya ng hinga bago diretsong tumungo sa lugar kung nasaan ang target. "Sino ang mala-diyosa sa kagandahan na ito, Mr. Vargas?" pukaw ng tila leader ng mga ito habang sumisimsim ng alak at malagkit ang tingin sa kaniya. Paglapag niya ng tray ay tumunog ang earpiece niya at may nagsalita, "Elix, umalis ka na agad diyan at magpaalam." Boses ni T-Ross iyon. Napataas ang kilay niya. Bakit naman siya aalis eh andito na ang target? Tsk! Nababaliw na talaga ang isang yun. "Oh by the way, this is Kaye. Only child namin, Mr. Vermin," turan ni Agent Darius. Gusto manlaki ng mata niya. Tama ba siya ng narinig? Vermin? Ang leader ng Vermin Gang? Nilingon niya ang gawi ng tinutukoy na Mr. Vermin. Kung titignan ito ay mukhang hindi ito leader ng sindikato. Matangkad ito, moreno at mapupungay ang mga mata. Maamo ang mukha nito at laging nakangiti ang mapang-akit na labi. Nakatingin pa rin ito sa kanya, malapit na siya maasiwa dahil tila nanunuot ang titig nito. Napakurap siya ng kumilos ito at binaba ang hawak na baso bago tumayo at nilahad ang kamay sa kaniya. "Yohan Vermin, pleased to meet you Kaye." Tinignan niya muna ang kamay nito na nakalahad bago kimi na inabot ito at ngumiti. "Nice to meet you too Mr. Vermin" "Call me Yohan please" Ang higpit ng pagkakahawak nito sa kamay niya. Narinig nanaman niya ang pagtunog ng earpiece niya. "Exit now, Elix Khale!" madiin na utos ng kabilang linya pero dinedma niya lang ito. "O-okay, Yohan" nakangiti niyang sagot dito. "Yung kamay ko" "Ohh sorry. Masyado ako na-mesmerized ng kagandahan mo" binitawan na nito ang kamay niya at kumamot pa sa batok na tila nahihiya bago muling umupo sa sofa. Muling tumunog ang earpiece niya "f*ck!" dinig niya sa kabilang linya. Napatikhim pa ang ibang mga agents dahil narinig din nila ang pagmumura ni T-Ross sa kabilang linya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD