Chapter 9

1845 Words
PAGPASOK nila sa loob ng condo ay umikot ang mga mata niya sa kabuuan nito. Infairness, napakalinis ng bahay at mukhang mahilig ito sa painting dahil nakahilera sa dingding ng sala ang mga paintings. Ang kabuuan ng bahay ay minimalist lang. Naglalaro lamang ang mga kulay sa condo na black, white at gray. Kulto lang ang peg? "Feel at home, $ekerim," pukaw nito sa kaniya. Binaba nito ang mga gamit sa lamesa at hinubad ang jacket. Naiwan ang puti nitong tshirt. Napalunok siya sa view, ano kaya ang nasa likod ng mga umbok na iyon sa likod ng tshirt nito? Puno ng kuryosidad na isip niya. Mula sa pagkakatalikod nito sa kaniya ay hindi niya inaasahan ang dagli nitong paglingon. Nahuli nito ang paglalakbay ng makasalanan niyang mga mata sa likod nito. Alam niyang nakita siya ng lalaki dahil biglang sumilay ang maliit na ngiti sa labi nito. Sh*t! "Enjoying the view?" unti-unti na ito na lumalapit sa kaniya habang namumungay ang mata at may pilyong ngiti sa mga labi. "Ahm.. Sa-saan ako matutulog? Inaantok na ako," paglihis niya para pagtakpan ang pagkapahiya at makaiwas sa pang-aasar nito. Gusto niyang batukan ang sarili sa pagkakabulol. Sobrang bilis kasi ng pagrigodon ng puso niya. "Doon ka sa loob ng kwarto ko, yung kabila kasi ay naging tambakan at hindi pa nalilinis," sabay pa sila napatingin sa pinto ng kwarto na tinuro nito. "Eh ikaw, saan ka?" wala sa loob na naitanong niya. "Edi tabi tayo," walang gatol na sagot nito habang tila nananantya ang tingin at may maliit na ngiti sa mga labi. Namilog bigla ang kaniyang mata sa tinuran nito at tila umusok nanaman ang kaniyang ilong, "tabi mo mukha mo! Mas gugustuhin ko pa na dito nalang sa sofa matulog kaysa ang makatabi kang aircon ka! Baka pulmunyahin pa 'ko sa lamig ng hangin mo!" inirapan niya ito sabay salampak sa sofa at humalukipkip. Pumalatak ito at mahinang tumawa bago lalo na ginatungan ang inis niya, "hindi ka lalamigin promise, $ekerim." "Eh kung ikaw kaya gawin ko na malamig na bangkay diyan? Gusto mo?!" gigil na angil niya dito. Feeling niya kailangan niya magdala ng pang-check ng blood pressure. Lagi siyang high blood sa impaktong aircon na ito! Malakas na tawa ang binigay nito sa kaniya. Konti na lang talaga at maniniwala na siya na pwede niya maging second career ang pagiging clown. "Saya yarn?" nakataas ang kilay niya dito habang nagngingitngit ang mga ngipin. "I am, $ekerim. Very," tugon nito sa kaniya. Pero tila ito seryoso habang sinasambit ang sagot nito at matiim na nakatitig sa kaniyang mga mata. Kumurap siya at umiwas ng tingin bago tumayo at bahagyang lumapit dito. "Pahiram ng damit, gusto ko na maglinis ng katawan at matulog. Kung bakit ba naman kasi kinaladkad mo ako dito ng hindi man lang ako sinabihan na magdala ng gamit!" maktol niya dito habang nakataas ang isang kamay na umaaktong humihingi. Ngumiti ito at umiling bago mabilis na pumasok sa silid pero agad din naman na bumalik. Bitbit na nito ang isang puting longsleeves at isang boxer brief. "Here," wika nito sabay abot sa kaniya. Binulatlat niya ito at tinignan, itinaas niya pa sa ere ang boxer brief na binigay nito. Kulay itim na plain na parang boy leg ang itsura nito. Mukha naman na stretchable, sana lang ay magkasya sa kaniya. Kung hindi baka kumaway ang pusa niyang iniingatan! "Nasa loob ang banyo, nandoon na rin ang mga toiletries. If you need anything, just call me," niluwagan nito ang pinto ng kwarto habang nagsasalita. "Salamat," tugon niya at tumango dito bago naglakad na papasok. Hindi niya naiwasan pagalain ang mga mata niya sa loob ng silid nito. Bigla ay parang nahiya siya sa sarili dahil mukhang mas malinis at masinop pa ito kaysa sa kaniya. Agad na siyang pumasok sa banyo at naligo. Antok na antok na siya at gusto na talaga niyang humimlay at magpahinga. Nang matapos siya at lumabas ng banyo ay nagulat siya dahil naabutan niya sa loob ng kwarto ang dinosaur. Mabuti nalang pala at hindi siya lumabas na nakatapis lamang ng tuwalya! Ramdam niya ang nanunuot na titig nito at kita niya rin ang pagtaas baba ng adam's apple nito. Tila gusto na niyang bumalik na lamang sa loob banyo at doon magkulong. Hindi dahil sa natatakot siya sa dinosaur na iyon kung hindi mas natatakot kasi siya sa sarili niya. Baka maipakain niya ang cupcake niya ng hindi oras! "I never thought my clothes will fit that good on you, $ekerim." nakasandal ito sa hamba ng walk-in closet at naka-cross arms habang abala ang mga mata sa paglalakbay sa kabuuan niya. Ilang beses siya napalunok ng laway habang nakikipagtagisan siya ng titig kay T-Ross. Hindi niya alam ang gagawin niya. Lalo siyang tila natulos sa kinatatayuan ng magsimula itong humakbang palapit sa kaniya. "Teka, ano gagawin mo?" natataranta at tila nabibingi na siya sa lakas ng t***k ng puso niya. Napaatras pa siya hanggang lumapat ang likod niya sa pader. Binigyan siya nito ng nakakalokong ngiti na lalong nagpahuramentado ng kabog ng dibdib niya. Humakbang pa ito ng isa pa palapit kaya't ga-hibla na lamang ang pagitan ng mukha nila. Pakiramdam niya ay natuyo ang lalamunan niya lalo pa ng tumatama na sa mukha niya ang mabangong amoy ng hininga nito. "Easy, $ekerim," pabulong na anas nito. Umangat ang kamay nito kaya napalingon siya sa direksiyon niyon. Pakiramdam niya ay namula lalo ang pisngi niya ng abutin nito ang seradura ng pinto ng banyo at muling bumulong, "I just need to take a shower." at pumasok na ito sa loob ng banyo. Naiwan siyang nakatulala habang nakaawang ang mga labi. Naihawak niya sa dibdib ang kamay para pakalmahin ang t***k ng puso niya. Parang anytime aatakihin siya sa puso. Juice colored! Habang nagtutuyo ng kaniyang buhok ay muling nagmasid ang kaniyang mga mata sa kabuuan ng kwarto. Kaparehas ng kulay sa may sala at kusina ay ganoon din halos ang kulay ng kwarto nito. Mas lamang lang ang gray dahil iyon ang kulay ng dingding habang puti naman ang kulay ng bedsheet at comforter sa kama. Napalingon siya sa may side table at napansin niya ang wallet ni aircon na nakapatong doon. Tila may nakaipit na litrato. Kinain siya ng kuryosidad kung kaya't nilapitan niya at dinampot. Sakto naman na pagdampot niya ay bumukas ang pinto ng banyo at niluwa si T-Ross. "P*nyeta" mahina niyang usal. Napamura siya ng hindi oras sa tanawin na nakita niya. Nakaboxers lamang ito habang tumutulo sa katawan nito ang tubig at nagpupunas ng towel sa buhok nito. Napasunod pa ang makasalanan niyang mata sa naglandas na tubig mula sa mamasel na dibdib nito pababa sa alon-alon na abs. Bumaba pa ang tingin niya sa nakatagong T-Rex nito na tila nasisikipan sa loob. Napaangat siya ng tingin pabalik sa mukha nito ng marinig ang pagtikhim at pagpalatak nito, "bakit pakiramdam ko hinuhubaran ako ng tingin mo na iyan, $ekerim?" Napalunok siya at biglang nagbawi ng tingin. "Tseh! Bakit naman kasi lumalabas ka ng ganiyan? Alam mo naman na may kasama ka dito ngayon? Akala mo naman kagandahan iyang katawan mo para ibandera!" irap niya dito habang bumalik sa alaala ang hawak na wallet nito. Nilingon niya si T-Ross na nakatingin na rin pala sa kaniyang kamay. "What are you doing with my wallet?" nakunot ang noo nito sa kaniya habang mabilis na lumalapit. "Wala. Titignan ko lang naman yung picture," sagot niya bago akmang bubuksan ang wallet nito. Hindi pa niya tuluyang nabubuksan ito ng biglang dinakma ng lalaki ang kaniyang kamay para pigilan siya. "That's my personal belongings, $ekerim. Give it back to me," mahinahon pero may diin ang salita nito. Pero dahil matigas ang ulo niya ay winaksi niya ang kamay nito at iniiwas para mabuksan ito. Hindi niya alam pero parang may kung ano sa dibdib niya na gustong-gusto na malaman sino ang nasa litrato. Tila may dunggol ng sakit at inggit sa kalooban niya sa kung sino man ang laman ng litrato na iyon. "Titignan ko lang naman!" pamimilit niya. Inangat niya sa ere ang wallet para hindi nito maagaw at nakailang atras pa siya. "Elix Khale!" pagtawag nito sa buong pangalan niya. Ngayon lang niya napagtanto na halos magkayakap na sila habang nag-aagawan sila ng wallet nito. Umatras pa siya ulit at hindi niya inaasahan na gilid na pala ng kama iyon kaya na-out balance siya. "Ayyy!" napasigaw pa siya at mabilis naman na humapit ang mga braso ni T-Ross sa kaniya para hindi siya matumba. Ngunit dahil sa bilis na rin ng pangyayari ay hindi rin nito nagawang bumalanse at sabay silang natumba sa kama. Siya ang nasa ilalim at si T-Ross ay napadagan sa kaniya. Dahil sa pagkabigla ay napapikit siya ng mariin. "$ekerim," dinig niya na tawag nito sa kaniya. Halos paanas lamang ito at ramdam niya ang init ng hininga nito sa mukha niya. Dahan-dahan siya na dumilat at nakaramdam ng init mula sa kung saang lupalop ng katawan niya. Ang mukha nito isang dangkal lamang ang layo sa kaniya, habang ang mga mata nito ay nakatitig sa kumikibot-kibot niyang labi. "Ahm, tatayo na ak---- uhmmp" hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil mabilis na nitong sinakop ang kaniyang labi. Masuyo ang halik nito, maingat at hindi nagmamadali. Tila rin nanunukso para tumugon din siya. Sh*t! Pakiramdam niya ay binabaliw siya ng dinosaur na ito sa paraan ng paghalik nito. Gusto niya magprotesta ng bigla itong tumigil. Napadilat siya pero hindi makagalaw. Ang mga mata nito ay punong-puno ng emosyon na tila pinipigil. Napakurap siya ng bigla muli itong lumapit sa mukha niya at mabilis na kinintalan ng halik ang kaniyang labi bago umangat at hinalikan ang kaniyang noo. Dinig niya ang malalim na buntong-hininga nito. Napapitlag siya ng lumapat ang labi nito sa tainga niya at bumulong sa paos na tono, "this is like a torture to me, $ekerim. But I really have to stop. Damn!" She heard him throw cuss words in the air sa pagitan ng paulit-ulit na pagbuntong-hininga nito. Hinaplos muna nito ang pisngi niya at pinalandas ang daliri sa labi niya bago masuyo siyang hinalikan sa noo. Marahan ito na tumayo mula sa pagkakadagan sa kaniya. Inabot nito ang unan at kumot habang siya ay naupo na rin sa kama. Kinuha na rin nito ang wallet at kinipkip sa kilikili nito. Gusto sana niya itanong kung sino ba ang nasa litrato pero mas pinili na lang niya itikom ang bibig niya. Baka masyado siyang maging obvious na tsismosa siya. Tsismosa o selosa? Hays, whatever! "I'll sleep on the couch. Huwag mo 'ko gagapangin ah? Marupok pa naman ako," pinasingkit pa nito ang mga mata at nag-pout ng labi na namumula-mula. Sinamaan niya ito ng tingin bago mabilis na kinuha ang unan sa tabi niya sabay hagis dito. Mabilis naman na tumakbo ito palabas habang tumatawa. Kasabay ng pagpinid ng pinto ay ang pagtama ng unan niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD