CHAPTER 2

1385 Words
Wala syang sinayang na segundo. Mabilis syang tumalon para saluhin ang bomba. Ayoko magkalasog-lasog ang beauty ko no! I want to die beautiful! Saktong pagsayad ng kamay nya sa isang button ng bomba ay ang paghawak ng isa pang kamay na mula sa kung saan sa isa pang button. Ang ending ang kamay nya ay nakadiin sa isang button na pinatungan ng kamay ng kung sino na ito sa kabila pang button. Nang akma na silang babagsak ay pumikit sya at hinanda ang sarili sa pagbagsak sa sahig pero napatda sya ng may kamay na pumulupot sa beywang nya at ang katawan ng kung sino na ito ang bumagsak sa sahig at sya ay bumagsak naman sa ibabaw ng katawan nito. Ang nasa isip nya ay baka isa sa mga pulis o SWAT. Shocks! Baka andito na ang poreber ko! Ang magbibigay ng after glow sakin. Ang kakain sa icing ng cupcake ko! Dahan-dahan nyang minulat ang mga mata nya habang madiin pa din ang hawak sa bomba. Para lamang madismaya nang mapagsino ito. "Ikaw?" sigaw nya dito Ngumisi naman ang lalaki "In the flesh. Your knight in shining armour." Tila umusok nanaman ang bunbunan nya sa kapreskuhan nito. "Anong knight in shining armour ka dyan? Baka nightmare kamo!" angil nya dito at tangkang aalis sa pagkakadagan dito pero mabilis ang isang kamay nito na humapit lalo sa beywang nya para pigilan sya. "Hep! What do you think you're doing? Gusto mo bang sabay tayong sumabog dito?" banta nito sa kanya. Pumiksi sya pero matigas ang mga braso nito "Syempre ayoko! Pero yang mukha mo kanina ko pa gustong pasabugin!" galaiti nya. Kung hindi nya lang iniisip yung bombang nasa kamay nila malamang kanina pa bumulagta tong mayabang na to sa kanya. Dinig nya ang nakakaakit na tawa nito dahil sa pinagsasabi nya. Bakit parang ang sexy? Natigilan sya. Oh no! Hindi! Erase! Erase! Pagsaway nya sa isip nya. "Commander!" sabay silang napatingin sa lumapit sa kanila at nagsalita. Kumunot ang noo ko. Commander daw? Ano ba sya? Hinampas ko ang lalaking antipatiko sa dibdib ng kaliwang kamay ko "Sinasabi ko na nga ba terorista ka eh! Ikaw ang commander ng mga holdaper na yan!" pag-akusa ko dito Tumawa ito ng malakas sabay pisil sa beywang nya na kinapitlag at kinalaki ng mata ko "Ang gwapo ko naman para maging terorista lang, $ekerim" ang mga mata nito ay tila nagsasayaw sa pagkaaliw. ($ekerim- "my sugar") Nalukot lalo ang mukha nya dahil hindi nya naintindihan ang huling sinabi nito. "Minumura mo ba ko?!" "Commander, kailangan na po natin i-detonate ang bomba" pagputol ng isang SWAT officer samin. Tinitigan ko ang mukha nito na nakatitig din pala sakin habang nakangisi. Binigyan ko ito ng isang nakamamatay na irap. "Sige, Mendoza. Ihanda nyo ang team at ang mga gagamitin sa pag-detonate" "Affirmative, Commander!" sumaludo ito at mabilis na kumilos. May dumating pa na dalawang SWAT at lumapit sa amin. "Commander, itatayo po namin kayong dalawa ni Ma'am. Unti-unti po ay iuupo namin kayo habang hinihintay na maiayos yung lugar kung saan ide-detonate ang bomba." paliwanag ng isa. Ramdam ko na din ang pangangalay ng kanang kamay ko. Akmang hahawakan ako ng isang SWAT ng magsalita ang lalaking aircon "Huwag mo sya hawakan dyan. Sa braso lang" sita nito ng hahawakan sana ako sa beywang. Matigas ang tono nito at seryoso. Tumaas kilay nya. Problema nito? Mabilis naman na tumalima ang SWAT kahit na nahirapan ito dahil ang isang kamay ko nga ay nakahawak sa bomba kaya dapat ay dahan-dahan ang pagbangon. Nang tuluyan silang makabangon ay dahan-dahan naman sila inalalayan para sana makaupo. Nang umeksena nanaman ang lalaking aircon. "Sit on my lap, $ekerim" hindi ito pakiusap kundi isang matigas na utos. Umarko ang kilay ko at nanlalaki ang butas ng ilong ko "At bakit ako kakandong sayo, aber?" nilagay nya sa beywang nya ang kaliwang kamay habang walang mintis ang pagtaas ng kilay nya dito. Hindi ito sumagot at walang sabi-sabi na umupo ito sa single couch sa gilid ng bangko at marahan syang hinapit paupo sa kandungan nito. Ang kanang kamay nya ang nakahawak sa bomba at ang kaliwang kamay naman ng lalaki ang nakahawak sa isa pang button ng bomba. Napaawang nalang ang labi nya at hindi halos makapagsalita. Bigla kasing may sipa ng kung ano sa dibdib nya. Napasinghap sya ng pumulupot ang kanang kamay nito sa beywang nya at nilapit ang labi sa kaliwang tenga nya "don't flatter yourself too much. I will never take advantage on any woman not unless that they give their full consent" paanas na turan nito na naghatid sa kanya ng sabay na kiliti at kilabot mula sa cupcake nya..este..kaibuturan nya. Ano ba, Elix! "Commander, handa na po ang area" pag-imporma ng isang SWAT. Tumango ito at inalalayan na sila na tumayo at naglakad sa isang open area. Nagsimula na ang bomb squad na buksan ang cylinder. Mataman syang nakamasid sa mga ito dahil baka sumablay pa at bigla silang sumabog ng sabay-sabay. Kung hindi nga lang sana nakapindot ang kamay ko sa button ay malamang ako na ang kumalikot sa bomba na to. Ngalay na ngalay na ko. Nakakainis! "Mga ilang years bago natin ma-detonate ang bomba, mga sir?" sarkastiko nyang tanong sa mga ito. Nababagalan sya sa pagkilos. Ang sarap ibalik sa training ng special weapons! "Be patient, $ekerim. They know what they're doing" sabat ng lalaking aircon sa mahinahong tono. Inirapan nya ito at binalik ang tingin sa dalawang bomb officers. "Sir, yung wire na white na nakaconnect sa button paki-cut" bored na utos ko sa mga ito. Sabay na napalingon ang dalawang bomb officers sakin sabay lingon sa lalaking aircon. Kita ko ang sinusupil na ngiti nito bago pinilit paseryosohin ang mukha "follow her instructions" utos nito sa dalawa. Magkasabay na tumango ang mga ito at dagling pinutol ang puting wire. Saglit silang nakiramdam at sinipat ang bomba. Namatay ang ilaw nito sa ilalim pero may pulang ilaw pa sa ibabaw nito. Ibig sabihin hindi pa tuluyang na-detonate "Cut the pink one, officer" muli kong pakikialam. "unknown connection ang pink na wire, Maam. Baka ito ang trigger ng bomba" pagsagot ng isa sa kanya Tinaasan nya ito ng kilay "Sino ba trainor nyo sa bombs? Ipapasisante ko!" mataray kong angil sa mga ito. Nilingon muli ng dalawa ang lalaking aircon. Humihingi ng go signal. Mga impakto! Walang tiwala sakin? Nakalagay sa beywang ng lalaki ang kanan nitong kamay habang naiiling na natatawa "some bomb wirings are really tricky. They conceal the wiring to deceive the one who will detonate the bomb" "Ano ba to, may lecture portion? Simulation lang ba to? Hello? Wala tayo sa classroom o sa training class! Pwede ba? Ngalay na ngalay na ko!" kapag ako talaga nabwisit bibitawan ko tong bomba na to bahala sila sumabog! Humalakhak na ang lalaki. Ang sarap sa ears! Pakshet! Bakit ba ganito pakiramdam ko sa aircon na to?! Tinanguan nito ang dalawang officers sabay titig sa kanya na akala mo clown sya na kinatutuwaan nito. Nakakagigil! Nang maputol ang pink na wire ay unti unting namatay ang pulang ilaw at may tila nag-spark sa loob at umusok ito. "Move!" sigaw ng lalaking aircon sabay hagip sa beywang nya at tumakbo sila palapit sa isang malalim na hukay "at the count of three, release the bomb, do you copy?" litanya nito. Wala sa loob na tumango sya. Pagbitaw nya sa bomba ay sya namang bato ng lalaki sa bomba sa hukay sabay hapit sa kanya at nag-dive sa lupa para dumapa. He covered her with his body para hindi sya tamaan ng ligaw na shrapnel. Dahan-dahan nyang nilingon ito. Ang gwapo ng hinayupak na aircon na to. Pero mahiwaga ang personalidad nito. Abnormal kumilos pero pag nagseryoso nakakakilabot na nakakakilig. Yung tipong kapag sinakal ka imbes na kakawala ka eh uungol ka nalang. Ganern. Shit! Ano ba iniisip ko? Tumigil ka nga! Mariin syang pumikit. "$ekerim" tawag nito sa kanya na kinalingon nya dito. Napasinghap sya ng mapagtanto na gahibla nalang pala ang pagitan ng mukha nila. Tumatama sa mukha nya ang mabango nitong hininga. Amoy peppermint. Wait lang, hindi ako ready! Gusto kong icheck ang sakin. Baka amoy kahapon pa yung hininga ko! Wait!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD