Chapter 3

1205 Words
Kasalukuyan syang nasa secret room nya habang nagpupunas ng baril at nanunuod ng video tungkol sa water bomb nang bigla nalang maalala ang nangyaring insidente sa bangko isang linggo na ang nakakalipas. Bigla syang natigilan sa pagpupunas ng baril ng muling maalala ang lalaking aircon. "Hays! Bwisit talaga!" padabog nyang nilapag ang baril at tumayo. Naalala nanaman nya ang kaantipatikuhan ng lalaki at kapreskuhan. Pero mas naiinis na yata sya sa sarili nya dahil sa kabila ng pagiging mahangin nito ay tila may kakaiba syang nararamdaman na kung ano sa kaibuturan nya. ---Flashback--- "$ekerim" tawag nito sa kanya na kinalingon nya dito. Napasinghap sya ng mapagtanto na gahibla nalang pala ang pagitan ng mukha nila. Tumatama sa mukha nya ang mabango nitong hininga. Amoy peppermint. Natulala sya at ang lakas ng kabog ng dibdib nya. Lalo pang nagpabaliw sa pakiramdam nya ay nang mahuli nya itong nakatitig sa labi nya. Unti-unti na itong lumalapit sa mukha nya at inangat ang tingin sa mga mata nya... "Commander! Ayos lang ho kayo?" sabay lapit sa kanila ng isang SWAT officer. Bigla nyang naitulak ito sa pagkabigla. Dinig ko ang palatak nito habang nakangisi at sabay iling bago bumaling sa lumapit sa kanila "Kanina okay lang ngayon hindi na" sagot nito habang mabilis na ding bumangon. Akma na syang itatayo ng SWAT officer nang marinig nya ang boses ng lalaking aircon at tila may hagod ng diin. "Don't touch her, Mendoza. Ako na ang magtatayo sa kanya. I still have to check kung nabalian ba sya" seryoso ang tinig nito kaya pinilit nyang tumingala para makita ang reaksyon nito. Pero nang magtama ang mata namin ay kumindat lang ito sa kanya habang nakakagat sa labi. Siraulo talaga! Anong nabalian pinagsasabi nito? Kakaloka. Ramdam nya ang marahan nitong pag-alalay sa kanya sa braso at ang isang kamay nito ay nasa beywang nya. Nang makatayo ay piniksi nya na ang kamay nito na nakahawak sa kanya. Dahil hindi na nya nagugustuhan ang pinong kuryente na dumadaloy sa katawan nya sa pagdaiti ng mainit na palad nito sa katawan nya. Nanguna na sya maglakad pero ang hudyo ay ngumisi lang ng nakakaloko at lalo pang dumikit sa kanya habang naglalakad sila palayo sa open field. Hindi na sana nya papansinin ito hanggang makalayo sya dito pero bigla syang napatigil sa sinabi nito "Better luck next time, $ekerim. For now, pagpantasyahan mo muna ko. I'm not easy to get" Marahas nya itong nilingon "Kapal din talaga ng mukha mong aircon ka eh no? Pa-mental ka na, nasisiraan ka na ng bait!" akma nyang susugurin ito ng mapatigil sila pareho dahil may tumawag dito. "Captain Fierro!" nakasuot ang lalaki ng uniporme pero marami ang badges nito. Mukhang may mataas na posisyon. "Lieutenant!" sigaw nito pabalik bago nagsimulang maglakad-takbo papunta sa tumawag dito. Pero hindi pa sya nakakaikot pahakbang ng muli syang tawagin ng aircon "See you around, $ekerim!" sigaw nito at nag-flying kiss pa ang hudyo. Inirapan nya lang ito at nag-dirty finger sya. Tumawa ito ng malakas "Oooh! Sweet" muli itong kumindat at sinaluduhan sya. Mabilis syang tumalikod at umalis na sa lugar na iyon habang nagngingitngit. ---end of flashback--- Nameywang sya at inis na inilibot ang mata sa loob ng secret room. "Yung g*gong yun sarap pakainin ng bala!" naggagalaiti talaga sya pag naaalala ang presko na yun. Humigop sya ng hangin bago malakas na bumuga. Humakbang sya papunta sa nakadisplay na flintlock gun na ginawa pa noong year 1620. Na-acquire nya ito sa black market at hindi biro ang halaga na nilabas nya mapasakamay nya lang ito. Isa sa ilan na may ganitong klaseng baril ay si King Louis XIII. Inangat nya ito mula sa pagkakasabit at pinagpagan. Puno ang secret room nya na iyon ng iba't ibang klase ng baril, ammunition at explosives. Nakasabit sa pader ang mga vintage nyang mga baril. Merong ginamit pa noong World War I and II. Nag-umpisa ang fascination nya sa baril at explosives nang minsang isama sya ng parents nya sa isang guns and ammunition museum. Idagdag pa na ang nakatatanda nyang kapatid ay napabilang sa Special Force Corp. Mga uniformed personnel na trained sa tactics and weapon at karaniwang misyon ay ang tugisin ang mga malalaking sindikato sa bansa. Napaigtad sya ng marinig ang pagtunog ng doorbell nya. Kumunot ang noo nya dahil wala naman syang inaasahang bisita. Isa pa, walang ibang nakakaalam kung saan sya nakatira bukod sa Kuya nya. Mabilis nya binalik ang flintlock gun sa pinagsasabitan nito at kinuha ang baril na nilinisan nya kanina at sinuksok sa likod ng satin na pajama nya. Lumabas sya sa secret room at may pinindot na switch bago may bookshelf na umandar para takpan ang pinto ng kwarto na iyon. Sinilip nya ang cctv sa labas ng pinto at nakita ang isang lalaki na naka-jacket ng itim at nakasumbrero din ng itim. Nakayuko ito kaya hindi kita sa cctv ang mukha nito. Nakasuksok din sa loob ng bulsa ng jacket ang mga kamay nito. Binunot nya ang baril sa likod at kinasa bago mabilis ang mga hakbang na lumapit sa pinto nya at hinanda ang sarili sa kahina-hinalang lalaki na nasa labas ng pinto nya. Alam nyang hindi iyon ang bulto ng nakatatandang kapatid nya. Muli ay isang mariing doorbell pa ang narinig nya. Unti-unti nyang binuksan ang pinto, nang mabuksan ito ay agad nyang tinutok ang baril sa lalaki. Napaatras ito ng isang hakbang marahil ay hindi inaasahan ang bubungad sa kanya. Bigla nitong tinaas ang kamay sa ere. Nakashades din ito kaya nahihirapan syang mamukhaan ito. "Sino ka?!" matapang na sigaw nya dito. "Woh! Easy! Ako lang to!" ngumisi ito at inalis ng isang kamay ang salamin habang naiwan sa ere ang isa pang kamay. Naniningkit ang mata nya habang pilit minumukhaan ito. Sunod nitong inalis ay ang sumbrero nito at parehas itinaas sa ere habang nakangisi. "Ikaw??? Anong ginagawang mo ditong aircon ka?! Pano mo nalaman kung saan ako nakatira?!" nilapit nya pa sa mukha nito ang baril na hawak nya. "Uyyy! Kunyari pa sya. Na-miss mo ko di ba?" sa sinabi nito ay nagpanting ang tenga nya at mabilis itong sinipa sa paa pero mukhang mabilis talaga ang reflexes nito at hindi masyado dumiin ang sipa nya. "kung mambubwisit ka lang lumayas layas ka na bago ko pa tadtarin ng bala yang pagmumukha mo!" dinikit nya sa pisngi nito ang baril nya. "Alis!" sigaw nya dito habang tinutulak palayo. "Toh naman. Seryoso na. We need to talk" mula sa naglalarong pilyong ngisi nito kanina ay ang biglang pagseryoso nito. "Ano namang pag-uusapan natin, aber?" "About us" halos malaglag ang panga nya dito. Siraulo talaga! Tinulak nya ito palayo sabay atras nya pabalik sa pinto nya. "Sinasayang mo oras ko, siraulo ka!" "Seryoso na talaga. This is about your kuya" akma na sana nyang isasara ang pinto ng marinig ang pagbanggit nito sa kuya nya. Pero hindi sya pwede magtiwala dito. Feeling ko hindi stable ang pag-iisip ng impakto na to. "What about my kuya? Pag yan kalokohan nanaman sinasabi ko sayo ipuputok ko na to dyan sa ulo mo!" banta nya dito at muling humakbang palabas at inumang ang baril. "Nawawala si Eros".
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD