Chapter 6

1368 Words
Inikot ko ang mga mata ko nang makarating kami ng head quarters ng Special Forces Corp. Kita ko din kung pano kami sundan ng tingin ng mga nadadaanan namin matapos saluduhan lalo na ang mga babaeng agents. Hindi nya namalayan na napapataas na pala ang kilay nya. Akalain mong heartrob pala ang aircon na ito dito sa HQ? Sabagay, bakit nga ba naman hindi, totoo naman na walang sinuman ang hindi lilingunin ito. Minasdan nya ang mukha nito na panaka-naka ay ngumingiti ng tipid sa mga nakakasalubong namin. Ang malalagong kilay nito na binagayan ng malalantik na pilikmata at kakaibang kulay ng mga mata nito. He has a natural gray color of eyes na minsan ay mapagkakamalan mong light blue sa tama ng liwanag. Tila ito nagtataglay ng hipnotismo na kahit sinong matiim na titigan ay manlalambot ang tuhod. Napatakip sya sa bibig nya dahil sa naisip. Lihim nyang sinabunutan ang sarili at nag-umpisang kwestyunin. Teka, huwag mo sabihin na attracted ka sa aircon na yan?! No! No! Ayoko! Walang ganun! Tila nagdedebate ang dalawang panig ng isip nya. "Okay ka lang ba?" huminto na pala ito sa paglalakad at humarap sa kanya habang sya ay lumilipad pa din sa kabilang universe ang isip. Nabunggo tuloy sya sa matipuno nitong dibdib at mabilis naman na sumalo ang kamay nito sa beywang nya para maalalayan sya at hindi matumba. Maygad! Nanunuot sa ilong nya ang mabining amoy ng pabango nito na humalo sa na sa balat nito. Sh*t! Parang ang sarap magpakulong sa yakap nito ng one week! Napapitlag ako ng maramdaman ko ang pagyuko nito at tinapat ang mga labi sa kanang tenga ko. "Uhmm pwede bang mamaya mo na ko pagnasahan? Marami pa kasing tao. Kapag tayo nalang dalawa." Umawang ang labi nya at nanlaki ang mga mata na tiningala ito para magtama ang paningin nila. Kita ko ang malapad nitong pagngisi at ang pagsayaw ng mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Nakapulupot pa din ang kanan nitong kamay sa beywang nya at nasa dibdib nito ang mga kamay nya. Simpleng haplos at hawak sa mamasel nitong dibdib. Ganon. Char! Inirapan nya ito at mahinang sinuntok sa sikmura na kinaatras nito pero hindi pa din bumibitaw sa pagkakahawak sa beywang nya. "Kapal mo talaga. Inaantok pa kasi ako ang aga-aga ng call time mo!" inis na angil nya dito sabay piksi sa pagkakahawak ng kamay nito sa beywang nya. Umiiling ito na sumunod na sa kanya sa paglalakad. Nilibang nya ang sarili sa mga nakikita sa HQ. Panigurado ay mamamangha din ang mga kasamahan nya sa V Queens sa gara ng headquarters ng SFC. Gawa sa glass ang walls nito at mataas ang ceiling. Halos hindi mo na din makita ang pagkakaiba ng bawat isa dahil pare-parehas sila ng suot na uniporme. Makikita lamang ang ranggo nila sa kanang balikat ng mga ito. Napadaan kami sa Intelligence department at nakakalula ang mga computers na meron dito. Marami ding mga buttons and apparatus na hindi nya maintindihan. May mga tauhan na nakaupo sa harap ng monitor habang may nakasuot na headset at walang habas ang pagtitipa sa keyboard. Hindi na natingin sa keyboard ang mga ito. Ang mga mata nila ay nakatuon lamang sa monitor habang mabilis na nagta-type ang mga kamay sa keyboard. Pihado ako na manlalaki ang mga mata ni Larkspur pag nakita nya ang Intelligence department. Si Larkspur ang myembro nila na computer wizard at certified hacker. Habang si Foxglove naman ang kanilang sniper. Kumbaga sa bawat kalabit nito ng gatilyo, pihado walang mintis. Si Oleander naman ang genius ng grupo at ang profiler. At si Wolfsbane, sya ang utak at ang leader ng grupo. Ngunit dahil may asawa at anak na ito, malamang hindi na ito makakasama kung sakaling may misyon sila idagdag pa na buntis nanaman ito. Napukaw ang pagiisip nya ng pumasok sila sa isang conference room at naabutan ang mga nakauniporme din na gaya sa lalaking aircon. Dagling tumayo ang mga ito ng maramdaman ang presensya nila at sabay-sabay na bumati at sumaludo. Taray ah. Respetado pala ang aircon na to dito. Pasimple nyang kiniling ang ulo para mapagmasdan ito habang nasa harapan at seryosong nagsasalita sa mga kasamahan nito. Kung titignan mo, tila ito isang matigas na sundalo at hindi kababakasan ng kaabnormalan. Hays, hindi mo talaga malalaman ang katauhan ng isang nilalang nang ganun-ganun na lang. Napakurap sya ng biglang lumingon ito sa gawi nya at nahuli ang pasimpleng pagtitig nya. Sh*t! Patay nanaman ako sa pang-aasar nito mamaya. "Agent Elix will help us solve the case of agent Eros." dun lang tila nabaling ang focus nya sa sinasabi nito, nang mabanggit na ang pangalan nya at ng kuya nya. Gusto nya pagalitan ang sarili, dahil tila panandalian nyang nakalimutan kung bakit nga ba sya nandito. "Commander, pwede si Agent Elix na maging kasama naming undercover para mapasok ang kampo ng Vermin Gang" suhestyon ng isang babaeng agent. Sa tantya nya ay nasa early 30's na ang edad nito. Pero halata pa din ang pagiging fit nito at sa tantya nya ay malakas din ito. "Tama si Agent Rena, Commander. Kami kasi ang nag-aundercover ngayon para mapasok ang kampo ng VG. Sa susunod na araw ay babalik ang grupo na yun para singilin kami" paliwanag naman ng isang lalaki na tila nasa mid-30's na. Nakakahanga dahil ang lahat ng mga agents na nasa loob ay puro matitikas at fit ang mga katawan. Halatang batak sa work out. Tumango si aircon "Sige Agent Rena and Agent Darius, sasama si Elix sa pag-undercover nyo sa VG. Pag-usapan natin ang magiging detalye at plano" Ang VG ay mga loan sharks at nilulubog nila sa utang ang mga lumalapit sa kanila na nagigipit sa pera. Kasama ng pera na binibigay nila ay ang mataas na patong ng interes na nagpapalubog sa mga pobreng biktima nila na dahil sa hirap ng buhay ay wala ng ibang mapagpipilian kundi ang mangutang. Kapag hindi nakapagbayad ang mga umutang sa mga ito ay kinakamkam nila ang lupain o ari-arian na pwede nila mapakinabangan. O minsan ay mga anak na babae ng mga umutang sa kanila ang nagiging kapalit. Gagahasain at pagpapasa-pasahan ng lahat ng myembro ng grupo. Matapos ang briefing ay lumabas na kami ng conference pero babalik pa mamaya para sa detalye ng plano. "T-Ross!" sabay silang napalingon sa gawi ng sumigaw. Isang matangkad na lalaki na may malalapad na balikat. Tantya nya ay nasa 6 feet ang height nito at moreno. Malalaki ang hakbang na lumapit ito samin. "Kamusta, Drix?" nag-hand sign ang mga ito bago nagtapikan sa balikat. "Eto kakatapos lang ng misyon ko. Nabalitaan ko ang nangyari kay Captain." pagbubukas nito ng usapan. Napalingon ito sa gawi ko na napansin naman ni aircon. "By the way, this is Agent Elix. Sya ang tutulong samin sa misyon para hanapin si Eros. Magkapatid sila" pagpapakilala nito. Kita ko ang pagngiti nito ng malapad at lumitaw ang mababaw at maliit na dimples nito sa magkabilang pisngi. Infairness, literal na definition ito ng tall, dark and handsome. Nilahad nito ang kamay na tinanggap naman nya. "Nice to meet you Agent Ganda" sabay kindat sa kanya. Naagaw naman ang pansin namin ng pagtikhim ni aircon at marahan akong hinila palayo. Lumunok si Agent Drix bago ngumiti at nagsalita "O pano, report muna ko. Nice to meet you Agent Ganda." sumunod na bumaling naman sa lalaking aircon "Ingat kayo sa misyon nyo, T-Ross" tinapik nito sa balikat ang lalaki bago naglakad na papasok. Nangingiti sya sa pangalan na itinawag ng lalaki kay aircon na nahuli naman yata agad nito "Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" tila may inis ang tono nito. "T-Ross talaga pangalan mo dito?" tanong nya habang sinusupil ang ngiti "Bakit may problema ka sa pangalan ko?" nameywang pa ito habang nakakunot ang noo. Humalukipkip naman sya at hinarap ito para mas makita ang pagkabwisit nito. Payback time! "Taray ng pangalan mo. Lakas maka-dinosaur!" sabay hawak sa bibig habang tumatawa para hindi makalikha ng malakas na ingay. "T-Ross, kamag-anak mo ba si T-Rex?" gatong nya pa sa pang-iinis dito. "$ekerim!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD