Nilatag nila ang plano para mapasok nila ang kampo ng Vermin Gang. Magpapanggap syang anak na babae ng dalawang undercover at aalalay sa pagmamanman si T-Ross.
"Dinosaur!" tawag nya dito habang seryosong binabasa ang profile ng Vermin Gang. Nasa loob sila ng conference room at dalawa nalang silang naiwan dito base na din sa utos nito sa mga tauhan para makapaghanda. Kasalukuyan silang magkatabi ng upuan habang nakakalat sa mesa ang mga papel na naglalaman ng mga reports tungkol sa VG.
Gaya ng inaasahan, lukot ang mukha na bumaling ito sa kanya habang masama ang tingin. Hinubad nito ang reading glasses at nilapag ang hawak na folder na binabasa bago bumaling sa kanya "kapag hindi ka tumigil dyan makakakita ka talaga ng dinosaur ng di oras"
Ang malapad na ngiti nya ay biglang nabura at napalitan ng kaba. Nagbabanta kasi ang tono nito. Kinabahan ako pero na-excite din, curious ako ano itsura ni T-Rex the dinosaur. Char! Hindi pala ako pwede maging marupok, may misyon pa ko!
Tumayo sya para makalayo dito, bigla syang nauhaw. Naglakad sya papunta sa water dispenser at kumuha ng tubig. Matapos nyang uminom at maitapon ang pinag-inuman ay pumihit na sya pero nabigla sya ng ang malapad na dibdib na ni aircon ang bumungad sa kanya.
"Ano ba? Dati ka bang pusa?" ni hindi kasi nya naramdaman ang yabag nito. Nag-umpisa na din magrigodon ang t***k ng puso nya dahil sa lapit nito.
"Hindi ako pusa pero kaya kong kumain ng pusa, $ekerim" humahakbang ito palapit sa kanya habang sya naman ay humahakbang paatras dito. Nakataas ang sulok ng labi nito habang naglalakbay sa mukha ko ang titig nito.
Napalunok ako ng tumigil ang mata nito sa leeg ko na nakatingala dito dahil tila ito isang poste na nakatayo sa harap nya.
"Uhmm, balik na tayo sa pagpaplano. May misyon tayo di ba?" sabay ngiti ng alanganin dito pero hindi pa din ito nagpapatinag at patuloy pa din ang paglalakad palapit sa kanya. Para silang nagsasayaw na wala naman tugtog.
"I think that can wait. Meron akong ibang magandang plano sa ngayon" binasa nito ng dila ang labi nito sabay ngisi sa kanya. Wari bang sinasabi sa kanya na 'humanda ka'.
Lalo syang kinalabog ng t***k ng dibdib nya ng maramdaman na ang pader sa likod nya. Sh*t! Cornered na ko!
Tinangka nyang umalis sa pagkaka-corner ngunit maagap ang mga braso nito na tumukod sa magkabilang gilid nya "ano ba? Magtrabaho na tayo, Mr. Fierro!" angil nya dito. Baka sakaling umubra kapag naggalit-galitan sya.
Ngumisi ito "akala ko ba gusto mo makakita ng dinosaur, $ekerim?"
Tinangka nyang itulak ito sa dibdib pero ni hindi man lang ito natinag. Lalo syang kinabahan ng makita ang mukha nito na papalapit na sa mukha nya. "nagbibiro lang naman ak----uhmmm"
Hindi na nya naituloy ang sasabihin dahil mabilis nitong tinawid ang pagitan nila at sinakop ang kanyang labi. Nanlalaki ang mga mata nya nang dumampi ang malambot nitong labi. Pero kusa ding pumikit ang mga mata nya ng magsimulang gumalaw ang pangahas nitong mga labi. Ang kaliwang kamay nito ay mahigpit na nakapulupot sa kanyang beywang at kanang kamay nito ay nasa likod ng kanyang ulo, walang espasyo para sya ay makagalaw o makaiwas.
Tila nanlalambot ang kanyang mga tuhod sa kapangahasan nito. Maygad! Ninakaw na nito ang first kiss nya! Pero ganito pala kasarap yun? Nakakanginig, nakakabaliw at parang nakaka-adik!
Agad syang napadilat ng marinig ang palatak ng lalaki at ang pagpisil nito sa baba nya "$ekerim, alam ko masarap ang halik ko but we need to get back to work bago pa mapatid ng tuluyan ang pisi ng pagtitimpi ko" he brushed his thumb on her wet and plump lips habang nakangiti at nakatunghay sa nag-iinit nyang mukha.
Tila napahiya ang pakiramdam nya kaya buong lakas nya itong tinulak, nagtagumpay naman syang mapaatras ito pero mabilis ang mga braso nito na humapit muli sa beywang nya kaya halos masubsob na sya sa dibdib nito. Tila nagtayuan ang balahibo nya ng maramdaman ang labi nito sa punong-tenga nya at bumulong "your lips are the sweetest, $ekerim. I wanted to keep on indulging them without minding on having a sugar-rush" matapos sabihin iyon ay agad na itong binitiwan sya at tumalikod pabalik sa upuan nito habang sya ay naiwan na nakanganga sa hangin at hindi alam pano magrereact. Pashnea ng isandaang beses!
Wala sa loob na dinama nya ang labi nya. Bwisit! Magnanakaw ng halik! Pero bakit imbes na mainis sya ay tila may kiliti na hatid sa kanyang pakiramdam ang halik nito. Bakit? Bakit?
Gusto nyang magpapadyak sa inis sa sarili nya. Ang rupok mo, Ghorl!
Tila hindi nya pa kaya ang harapin ito kaya lumabas nalang muna sya para magbanyo. Hindi na sya nagpaalam, bahala sya dyan!
Matapos nyang maghilamos at sipatin ang sariling repleksyon ay agad din syang lumabas para bumalik sa conference room.
"Agent Ganda!" napalingon sya sa gawi ng tumawag sa kanya. Kasalukuyan syang nasa hallway at akma ng bubuksan ang pinto ng conference
Huminto sya at ngumiti dito "Hi Agent Drix! Tama ba?" pagkumpirma nya. Hindi sya sigurado kung tama ba ang pagkakatanda nya sa pangalab lln nito.
Ngumiti ito at lumabas ang maliit na dimples nito. Mukha naman itong mabait pero parang mukha ding babaero. O baka judgemental lang ako.
"Yup. Nasa deliberation pa din ba kayo ni T-Ross?" tanong dito. Nilagay nito ang kanang kamay sa bulsa nito habang hawak sa kabila ang isang folder.
Tumango ako "Oo. Inaayos lang namin ang plano at pinag-aaralan ang profiles ng grupo".
"I see. Baka kapag nakaluwag kayo ng schedule dyan sa kaso baka pwede kita mayaya magkape minsan" nilabas nito ang kamay mula sa bulsa at kumamot sa batok habang binigyan sya ng alanganin na ngiti.
"Baka matagalan pa kami makaluwag sa schedule, Drix" sabay kami napalingon sa bumukas na pinto ng conference.
Nakita ko ang mukha ni aircon na halos hindi maipinta, kahit siguro si da vinci hindi kayang ipinta ang mukha nito. Nakasalubong ang makapal nitong kilay at tila nagbabaga ang abo nitong mata. Kulang nalang magliyab si Drix sa kinatatayuan sa tindi ng pagkakatitig nito.
"Ahm baka lang naman may maluwag syang schedule kung sakali, T-Ross" alanganin ang ngiti nito na bumaling sa kanya
Hindi nya alam ano isasagot sa lalaki dahil nakakadistract ang madilim na aura ng dinosaur na to.
"Ah-eh..sige Drix, papasok na kami sa loob. Kailangan na kasi namin mapag-aralan ang kaso na hawak namin" hinawakan ko ang braso ni aircon at hinila na sya papasok ng conference.
Nauna akong pumasok habang nasa likod ko sya. Bigla akong napatigil ng marinig ko ang sinabi nito "mukhang gusto mong maparusahan, $ekerim" mahina iyon pero sapat para marinig nya at maramdaman ang hagod ng diin nito.
Nilingon ko sya at madilim ang mukha nito "but don't worry I'll punish you some other time. For now, let's talk to your parents first. Nasa linya na sila" naglakad na ito at nilagpasan sya.
Attitude yarn?