PASURAY-SURAY na naglakad palabas ng gymnasium si Ataska. Walang matinong direksyon at hindi alam kung saan ang pupuntahan. Pakiramdam niya nakalutang ang mga paa sa lupa at nag-uulap ang kaniyang isipan. Nanlalabo ang kaniyang paningin at tila nag-iinit ang buong katawan. Hindi niya makontrol ang pamimigat ng mga talukap. A little voice echoed inside her head. What's happening to her? "Ataska.... yuuuuhhuuuu!" "We're coming for yah..." kasunod ng mga tinig na tila nanunukso ay ang malakas na tawanan ng mga kalalakihang ilang hakbang ang layo kay Ataska. Subalit tila hindi iyon naririnig ng babae na patuloy sa pasuray-suray na paglalakad. Hindi alitana ang panganib na nakaabang sa kaniya. . . "BRO, may amats na yan..." bulong kay Borgie ng isang kasamahan. Sinusundan nila si Ata

