"Saan ka ba talaga nagpunta noong gabi ng year end party?" Nag-angat ng mukha si Ataska mula sa librong kunwaring binabasa at sumulyap sa kay Margaux na nakaupo sa katapat niyang silya. Nakasalong babang nakatunghay sa kaniya. Katatapos lang ng klase nila sa araw na iyon at kasalukuyang nakaupo sila sa hilera ng mga silya at mesa sa labas ng coffee shop na matatagpuan sa loob ng university. May tig-isang frappe at donut na parehong walang bawas at hindi pa nagagalaw. They're both busy... siya lumilipad ang utak si Margaux sa kakadutdot sa cellphone nito. "I told you, I went home early," sagot niyang ibinalik ang atensyon sa libro. Kahit ang totoo ay lumulutang ang kaniyang isipan. Ni wala nga siyang maintindihan sa nilalaman ng libro na 'yon. She just used it para hindi nito mahalatang

