"Mama... M-Mamaaaaaa!" Humahangos na bumaba sa ilang baitang na hagdanan ang dalawang batang lalaki. Hinahabol ang kanilang inang mabilis na naglalakad, halos hindi magkadaugaga sa mga bitbit nitong bags at maleta. Ang ilang piraso pa nga ng damit ay nangalaglag sa dinaraanan nito. Nang maabutan ito ng mas nakababatang lalaki agad ang pagyapos nito sa tiyan ng ina at umiiyak na isinubsob ang mukha doon. "Huwag niyo po k-kami iwan, M-Mama, pleaseeee... Magbabakabait na po kami ni, Kuya!" Hamahagulhol na humigpit ang yakap ng bata sa ina na tila ayaw na itong pakawalan. Pilit naman na kinalas ng ginang na lumuluha rin ang braso ng batang nakayakap sa kaniya. Hinawakan ito sa balikat at bahagyang itinulak na nasalo ng binatilyong nakahabol na sa mag-ina. "I-Ikaw na ang bahala sa kapatid

