NAILIPAT na si Fletcher sa silid na inuukupa ni Frida. Nang dumating si Doctor Jacob bitbit ang resulta ng bone marrow aspiration. "I have the result." "Ano pong resulta, doc?" Ani Ataska. Si Fletcher na nakasandal sa headboard ng kama nito ay tinanguhan ang doctor bilang pagbati. Dahil minor operation lang ang bone marrow aspiration konting pahinga nakarecover agad ang mag-ama at tinanggalan na rin ng swero. Nginitian sila ni Jacob at bahagyang ginulo ang buhok ni Frida na abala sa pagkukulay sa coloring book. "How are you, Frida?" Huminto sa ginagawa ang bata at nag-angat ng paningin sa doctor. "I'm fine po, Doctor Jake." "Does your back still hurts?" Umiling ito at yumakap sa tiyan ni Ataska. "She's a shy little girl..." Nakangiting hinaplos ni Ataska sa buhok ang anak. "

