Natulos sa kinatatayuan niya si Annabeth. There inside the room are Danillo and Auntie Victoria. Hindi niya kailangang hulaan anong nangyari sa dalawa. Sa ayos ng mga ito'y alam na niya. Magulo ang buhok ni Aunt Victoria, nakatapis ang kumot sa katawan. Habang si Danillo ay nagmamadaling ibinubutones ang polo nito. "Magpapaliwanag po ako, Sir—" natigilan ito at bumalatay ang matinding pangamba ng makita siyang nakatayo sa labas ng silid. "Hayop ka! Wala ka ng dapat ipaliwanag! Dahil kitang-kita ang ginawa mo sa kapatid ko!" Sigaw ni Argus. Kinuwelyuhan si Danillo. "K-Kuya! Kuya, huwag mong saktan si Danillo!" Humagulhol na awat ni Victoria. Umalis ito sa ibabaw ng kama at iniharang katawan sa lalaki. "Papatayin ko ang tarantadong ito!" Iniumang ni Argus ang kamao. Sumugod si Matilda a

