BINABAGTAS ni Ataska ang madilim na eskenita papasok sa compound ng inuupahan niyang maliit na kwarto. Alas onse na ng gabi at tanging ang mapanglaw na liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw ng mga taga-roon sa madilim na gabi. Pasimple siyang sumulyap sa gilid ng daan at napa-iling nang makita ang grupo ng mga kabataang palaging nakatambay doon. Naghuhuntahan ang mga ito habang humihitit ng sigarilyo. Walang yatang pakialam kung masira ang kanilang mga baga at numipis ang ozone layer dahil sa chemical na galing sa sigarilyo. Ang tanga niya rin as if maisip iyon ng mga kabataang 'to! Minsan hindi niya alam kung maawa o maiinis sa magulang ng mga kabataan. Kung hindi naman pala kayang bumuhay ng sangkaterbang anak. Bakit pa bumubukaka sa asawa? Hindi man lang naisip gumamit ng proteks

