MAINGAY at masaya ang atmosphere sa university ng umagang dumating si Ataska. Nakabukas ng malaki ang gate kung saan nakasabit ang malaking tarp na may nakasulat na "TOGETHER WE CAN MAKE A CHANGE" ang slogan ng fundrasing charity event na gaganapin sa araw na iyon. Ang makukulay na hugis tatsulok na mga banderitas ay nakakabit at nakapabitin sa mga poste sa pathway, nagkalat at abala rin ang mga estudyante sa pag-peprepara ng mga sunod-sunod na programa tulad ng; feeding program na siyang unang programa sa umagang iyon. Mostly kasi ng napili nilang beneficiaries ay mga bahay ampunan at home for the aged, susundan iyon ng fun and learning program at ang huling programa ay ang pagbibigyan ng inspirational message galing sa mga alumni na kilala na sa iba't-ibang industriya ngayon. May mga

