HINDI na namalayan ni Ataska kung gaano siya katagal nawala sa sarili. Natauhan na lang siya sa paulit-ulit na pagyugyog ni Fletcher sa kaniyang balikat. "Ataska, Ataska, wake up! look at me!" Kumurap-kurap siya at nangangalaglag ang butil-butil na luha sa kaniyang mga mata. "Y-Yung car crash... s-sina, Mama a-at p-papa... n-narinig ko sila, they screamed in pain. T-they—" Sinapo ni Fletcher ang kaniyang pisngi. "Sshh... sshh... it's alright... it's alright... I'm here," alo nito pagkuway niyakap siya ng mahigpit. Ilang sandaling patuloy lang sa pag-iyak si Ataksa. Nanatiling nakakulong sa mga bisig ni Fletcher. Pakiramdam niya ang init na mula sa katawan nito'y nagdudulot ng kapayapaan sa puso niya, nagdudulot ng seguridad, nangangakong hindi siya pababayaan. Nag-angat ng mukha s

