HABANG nasa harapan ng salamin sa ladies restroom. Para timang si Ataska na ngiting-ngiti abot hanggang tainga. Nagpaalam muna kasi siya kay Fletcher na magtutungo sa banyo para mag-retouch. Pero ang totoo, gusto lang niyang mapag-solo. Dahil sa tila sasabog na puso sa nag-uumapaw na kasiyahan. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. Gusto niyang kurutin ang sarili kung nananaginip lang ba siya? Gusto niyang sampalin ang sarili kung isa na naman ba ito sa mga series niya ng pangangarap ng gising. Kinurot nga niya ang sarili. At parang tangang imbes na masaktan. Lalo pang lumapad ang pagkakatingi niya at tila nag-dadaydreaming na bumuntong hininga. Totoong-totoo nga ang mga nangyayari. Ang lalaking sa paniginip lang niya naisip na mapapansin siya, ay pinupuno siya ng atensyon ngayon.

