TATLONG HAKBANG PALAYO.

775 Words
TATLONG HAKBANG PALAYO by. msziah11 "Hey, babe? Do you love me?" nagpapacute na tanong nang girlfriend kong si Xenia. She's so damn cute. Dahan dahan kong nilapag ang cellphone ko sa bedside table tsaka hinawakan ang kamay nya. "Oo naman, prinsesa kaya kita." sabi ko sabay marahang pinisil ang magkabilaan nyang pisngi. "Gagawin ko lahat para maprotektahan kalang, Xen. You're more than my life. I love you so much" dagdag ko pa tsaka tinadtad nang halik ang buong mukha nya. Mahigit apat na taon na kame ni Xenia at parang wala pading nagbabago sa relasyon namin. "babe? Sunduin kita after class okay?" sabi ko habang nakahawak sa magkabilaang balikat nya. "hmm. Aantayin kita" "study well okay? I love you" dagdag ko pa tsaka hinalikan ang noo nya. "I love you too, Dwayne" Patuloy na naging maayos ang pagsasama namin ni Xen hanggang sa bigla biglang nanlamig ang pakikitungo nya sakin. "babe? Sunduin kita after class" nakangiting bati ko dito mula sa cellphone. "hindi na." Walang ganang sagot nito tsaka ako binabaan. Days. Weeks. Months have passed. Today is our 5th anniversary so nag decide akong yayain syang lumabas. Dinala ko sya sa park para don maglakad lakad. "Xen, Mahal mo paba ako?" sabi ko nang hindi tumitingin sakanya. Napahinto sya sa paglalakad tsaka bumitaw sa pagkakahawak nang kamay ko. Sht. 'bat ko pa kasi tinanong? ' Gusto kong takpan ang dalawang tenga ko para hindi marinig ang sagot nya pero para akong naistatwa sa kinatatayuan ko. Mabilis na kumakabog ang dibdib ko habang naghihintay sa mga sagot nya. "Sorry, Dwayne. Pero ayoko na." Tila nabingi ako matapos marinig ang sagot ni Xen. "please, bitiwan mo na ko" dagdag pa nito na mas lalong nagpahina sa'kin. "babe, bakit? May mali ba kong nagawa? Promise aayusin ko" tanong ko tsaka niyakap sya nang mahigpit. "wala dwayne, narealize ko lang na wala na. I mean, wala na yung kilig, yung spark, yung excitement. Dwayne, di na kita mahal" paliwanag naman nito tsaka umalis mula sa pagkakayakap ko. "sige Xen, bibitawan kita. Kung makakapag bigay ka nang tatlong rason kung bakit gusto mo kong iwan." Ramdam ko ang sakit sa lalamunan ko dahil sa luhang kanina ko pa pinipigilang bumagsak. "di na ko masaya, dwayne. Wala na yung saya na dati nararamdaman ko pag kasama kita." sambit nito tsaka tumalikod at humakbang nang isang beses. "gusto ko na munang unahin yung sarili ko." humakbang ulit sya nang isa pang beses. Dinudurog ako nang bawat paghakbang nya palayo. "And lastly, hindi na kita mahal. Kaya palayain mo na ko." dagdag pa nya tsaka tuluyan nang naglakad palayo. Naiwan akong nakatayo doon habang pinagmamasdan syang palayo sa'kin. Weeks have passed. Hindi naging madali parasakin ang pag hihiwalay namin ni Xenia. Sobrang hirap masanay sa taong mawawala din pala sa'yo. Patuloy na nililibang ko ang sarili ko sa mga online games para makalimutan sya. Hindi ko din binisita ang lahat nang mga social media accounts ko para makalimutan ko sya. Sandali akong natigilan nang makitang tumatawag ang mama ni Xen sa'kin. "Dwayne, ijo." bati nito mula sa kabilang linya. Bakas ang pagod sa boses nito. "o tita, what happened po?" alalang tanong ko. "Si Xenia, ijo. Wala na sya" sabi nito tsaka napahagulgol nang iyak. Halos mabitawan ko na ang cellphone ko matapos nyang sambitin ang mga salitang iyon. "Yes ijo, di nya sinabi sa'yo kasi ayaw ka nyang masaktan. Lumaban sya sa sakit nya nang di nya sinasabi sayo." mas lalong lumakas ang iyak ni tita. "nag iwan sya nang message sayo bago sya nawala, check it ijo." dagdag pa nya tsaka tuluyang binaba ang linya. Agad na bumungad sa'kin ang mga chats ni xenia. "babe. Sigurado akong kung nababasa mo man to ngayon e wala na ko. Im so sorry kung tinago ko sayo lahat. Ayokong pati ikaw mahirapan sakin, sobrang mahal kita alam mo yan. I really want to fight with you pero alam kong hindi ko na kaya, hindi ko na kakayaning magtagal pa, kaya hindi ko na sinabi. Im so sorry. I want you to be happy, babe. This would be the last. Sana ako ulit sa next life mo. Mahal na mahal kita , dwayne. " Tila isang gripong umaagos ang luha galing sa mata ko matapos basahin ang huling mensaheng iniwan ni Xen. Yes, in another life. I want to be your boy. Gusto ko ako ulit. We will keep all our promises, be us against the world. Sabay nating lalabanan lahat. In another life, I would make you stay. Ayokong iwan moko ulit. So I don't have to say you were the one that got away. Xen, you're my 'the one that got away'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD