Hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog kagabi dahil paggising ko ay nakahiga na ako sa aking kama. Nakatulog ako habang nakasandal sa dibdib ni Ali. Nag stay sa akin ang amoy niya. His scent is manly and intoxicating but at the same time I feel warmth. Ang sarap sa feeling ng init ng yakap niya. I imagined my pillow that he's Ali. Niyakap ko ito ng mahigpit at hinahalik-halikan. Napatawa na lang ako sa kahibangan ko. Sobrang saya ko ngayon. Feeling ko wala nang makakapag bago pa ng mood ko ngayong araw kaya masigla akong bumangon at naligo. Pababa na ako ng nasilayan ko si Ali na naghihintay sa pinakababa ng hagdan. Nakasandal ito sa dulo ng railing ng hagdan at nakahalukipkip. Pagkakita niya sa akin ay umaliwas ang kanyang mukha. "Finally the princess is awake." malambing na t

