Hindi mawala ang ngiti ko habang nanonood. Paminsan minsan ay hinahaplos ko ang labi kong namamaga pa dahil sa pangigigil ni Ali at para akong mangingisay sa kilig sa make-out session namin kanina. Gusto niya din ako. Parehas pala kami ng nararamdaman kaya pilit naming iniiwasan ang isa't isa. Liligawan daw niya ako! Magugulat si Jade kapag nalaman niya ito. Hindi ko na kailangan mag first move dahil si Ali na ang gumawa nito. Pagkatapos niyang magluto ay binalikan niya ako sa sala. Nakangiti siya habang papalapit sa akin. "I'm just gonna take a shower first before we eat." Napatango ako sa kanya at ngunit. "Okay, Ali." Para siya nagdadalawang isip bago umakyat. Tinitigan muna niya ako. "I want to kiss you but I need to clean up first. Baka mahahawa ka sa amoy ko." Tumayo ako at lu

