Pagkatapos kong maglinis ay agad na akong naghanda para umalis. Tinabi ko na muna ang credit card na binigay niya para makaligo sa loob ng banyo sa loob ng kwarto ko. HInayaan kong bumagsak ang tubig na lumalagaslas mula sa itaas ng ulo ko. Nagsabon ako ng katawan hanggang sa maabot hanggang mga paa ko.
Paglabas ko ay kumuha ako ng isang floral puff dress, maganda siya dahil sa angking kasimplehan nito. Wavy ang ilalim ng dress at lilipad kapag umikot ka. Pinasok ko sa loob ng sling bag ang card. Bigla kong naalala na wala pala akong cash dito, puwedi bang gamitin ‘tong card sa taxi?
Napaangat ako ng titig ng makarinig ng pagtunog ng telepono. Dali- dali naman akong lumabas sa kwarto para sagotin ito at baka si Anton ang nasa telepono. Agad kong sinagot ang tawag.
“Hello,” sambit ko.
“Ma’am, good morning. This is from front desk. I just want to tell you na naghihintay na ang taxi dito sa baba,” sabi ng isang babaeng may paggalang ang boses. Nanlaki ang mga mata ko.
“Ha? Hindi naman ako tumawag ng taxi,” sagot ko sa kaniya. Tumaas ang isang kilay ko, baka ma scam ako nito.
“No, ma’am. Mr. De Vera sent him to accompany you,” tugon niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Akala ko pa naman ay masa- scam ako. Patay ako kay Anton kapag nagkataon.
“Talaga? Sige, sabihin mo pakihintay na lang ako diyan sa baba ha?” sabi ko sa kaniya. Bahagyang kumurba ang bibig ko dahil sa nalaman. Kahit papano pala ay may pakialam din siya sa ‘kin. Hindi niya sinabing kukuhanan niya ako ng service papunta sa supermarket. I pressed my lips together. Para naman akong baliw nito na naglalakad habang nakangiti.
Pagdating ko sa baba ay nagtanong ako sa lounge kung nasaan ang driver na sinabi niya. Itinuro niya ang mamang nakatayo sa labas ng building at nakikipag- usap sa guard. Nakita kong nagtatawanan silang dalawa. Huminga ako ng malalim at nagtungo sa gawi nila. I clasped my hands together, ang saya siguro kong magkasama kaming dalawa ‘no? Siya habang nagtutulak ng cart at ako naman ay nangunguha ng mga kakailanganin naming bilhin. Hays, pero hanggang sa isip ko lang ‘yon.
“Manong, ikaw po ba ang pinadala ni Anton para sunduin ako?” tanong ko sa kaniya.
Napalingon naman siya sa ‘kin na may gulat.
“Ma’am, opo. Ikaw po ba si Carmelita?” tanong niya pabalik sa ‘kin. Napakamot siya ng ulo na parang nahihiya. Siguro dahil naabutan ko siyang nakikipag- usap sa guard.
I nodded my head while smiling, “Opo, ako nga ho ‘yon. Tara na po at baka matagalan ako,” sabi ko sa kaniya. Tumango siya at nagpaalam sa kausap niya. He even patted his shoulder, baka magkumpare? Siguro na.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa backseat, nahiya naman ako dahil kahit kailan ay walang nagbukas ng pintuan para sa ‘kin, lalo’t kapag nalaman nilang galing ka sa bar.
“Ikaw po pala ang asawa ni Sir Anton?” tanong niya habang pinapaandar ang kaniyang taxi. Kumunot ang noo ko. Anong asawa? “Mukha po kayong anghel,” dagdag pa niya at binigyan ako ng isang may pagkamanghang ngiti.
“P-Po? Asawa po ba ang sinabi niyo?” naguguluhan kong tanong. Baka namali lang ako ng pagkaintindi. Bumuntong- hininga ako.
He bounced his head and chuckled. Umandar na kami.
“Sinabi niya kasing sunduin ko daw ang asawa niya sa condo niya dahil may bibilhin ka sa labas,” aniya. My eyes become round. I gulped. Malakas na kumabog ang dibdib ko.
“Sinabi niya ‘yon, manong?” tanong ko ulit. Hindi magkandaugaga ang puso ko sa pagtibok. Umiinit ng husto ang puso ko.
Lumingon siya sa ‘kin, “Mukhang bagong kasal lang kayo, parang hindi ka sanay sa mga sinasabi niya,” aniya.
I looked at my ring finger, itinago ko ito. Wala kasing singsing at baka ano pa ang masabi niya. Peke akong ngumisi para hindi niya mapansin ang pagiging ilang ko sa usapang iyon.
“Paano po kayo nagkakilala? Matagal na ba kayong magkakilala?” sunod- sunod kong tanong. I want to know. Nagugulat ako sa mga sinasabi niya, mali bang kiligin do’n? Bakit niya naman kasi sasabihin asawa niya ako? Hindi nga kami nagkakausap ng maayos at para lang din niya akong kasamabahay. Ano ba kasi ang ine- expect ko sa kaniya? Wala naman nang magmamahal sa ‘kin, isa na lamang akong hamak na basura.
“Kinukuha kasi akong driver ni sir kapag maga- out f town siya, kaya magkakilala kami,” sagot niya. Napalabi ako saka tumango bilang tugon.
I turned my gazed outside the window. Ngayon lang ulit ako nakalabas, hindi ko alam kung bakit ayaw niya akong payagan. Pero okay na rin siguro ‘to, istrikto siya sa bahay, e. Gusto ko rin naman siyang pagsilbihan.
Pagdating namin sa mall ay pinagbuksan niya ako ng pintuan, “Manong, hindi mo naman ako kailangang pagbuksan pa. Hindi naman ako naiiba sa ‘yo,” nahihiya kong sabi.
“Okay lang po, dito na lang po ba ako maghihintay sa kotse? O sasamahan kita sa loob?” tanong niya sa ‘kin.
I looked at the huge mall, madami akong bibilhin sa supermarket pero nakakahiya naman kung papatulungin ko pa siya. Ngumiti ako sa kaniya saka umiling, “’Wag na po, okay naman na ako. Kaya ko na po, dito na lang ako,” sabi ko. He nodded his head, “Bibilisan ko na lang.”
Hinakbang ko na ang mga paa ko hanggang sa dumating ako sa loob ng mall. Nakaramdam kaagad ako ng lamig mula dito. Spaghetti strap lang kasi ang suot ko. Napansin ko ang mga titig ng mga taong nadadaanan ko kaya napayuko ako para tingnan ang sarili. May mali ba sa suot ko? Wala naman. Mabaho ba ako? I smelled my self, hindi naman dahil nagpabango ako kanina.