I pouted my lips. Kainis naman. Makaka- concentrate pa ba ako nito? Ipinagsawalang bahala ko na lang ang mga titig nila. Kumuha ako ng isang cart at naunang pumunta toiletries, at sumunod ay sa snacks at canned goods. Konti lang ang kinuha ko dahil sa tingin ko ay ako lang naman ang makakakain nito. Sumunod nagpunta ako sa vegetables section. Inisa- isa ko ang mga gulay na kakalanganin, may listahaan naman ako kaya hindi na ako mag- iisip pa. Ngumiti ako habang namimili ng fresh na gulay, at ang huli ay karne.
Sobrang puno ng cart ko at medyo may kabigatan na rin kapag tinutulak. Natigilan ako ng may biglang mga kamay na humawak sa tabi ng mga kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko habang pinasadahan ang braso niya pataas hanggang sa makita ko ang mukha niya. He is grinning handsomely. Newly shave at ang gwapo niya.
“Hi,” bati niya sa ‘kin, “Are you alone?” he asked. Napabitaw ako sa cart at siya na lang ang nagtulak nito. Parang ang gaan lang tingnan sa kaniya.
“Y-Yes, mag- isa lang ako. Kilala mo ba ako?” tanong ko sa kaniya. Pinigilan ko ang cart kaya napatingin siya sa ‘kin, “Hindi mo kailangang gawin ‘to,” sabi ko. Gusto ko man na tulungan niya ako pero nakakahiya. Dahan- dahan niyang iniling ang kaniyang ulo habang nakatingin sa ‘kin.
“What’s your name by the way?” he asked, smirking, “I know that you need help,” he added. Napayuko naman ako. Mind reader ba siya? Nakita ko ang pag- abot niya ng kamay sa ‘kin, “I’m Ben, and you are?” he asked again.
I sighed and get his hand, napangiti naman siya na nakataas ang kaniyang dalawang kilay.
“Carmelita,” sagot ko.
Magkasama kaming naglakad na dalawa habang siya ay nagtutulak, “So, Carmelita, are you single?” he asked.
Napaiwas ako ng tingin, hindi ko alam kung single ba ako o hindi. Gagayahin ko rin ba ang sinabi ni Anton kay manong?
“You don’t have a ring I assume that you are,” sabi niya.
Napangisi ako, “Oo, tama,” sagot ko. Hindi naman ‘to malalaman ni Anton, ‘di ba?
“Can I get you number then? So we can eat outside for some time.”
Huh? Mabilis akong tumingin sa kaniya. Tama ba ang narinig ko? Napayukom ang kamao ko habang hawak hawak ang strap ng bag ko.
Umiling ako sa kaniya, “Wala akong phone, e. Pasensya na,” tugon ko sa kaniya. Tinaasan niya ako ng isang kilay.
“Seriously?”
Bigla akong natawa, “Wala nga akong phone at seryoso ako, Ben,” natatawa kong sambit. Tanging telepono lang ang nasa bahay at hindi ko naman binabalak na ibigay ‘yon sa kaniya kahit alam ko ang numero nito.
“Don’t lie, you are like other woman who can’t sleep without seeing their phones,”he uttered, rolling his eyes.
“Iba naman ako dahil wala akong phone.”
Pagdating namin sa counter ay may nauna sa ‘min kaya kailangan naming maghintay. Nakita kong may kinukuha siya sa bulsa niya, ‘yon pala ay ang phone niya. Itinaas niya ito.
“Or I will just take a picture of you,” sagot niya. I covered my face and smile. Baliw ‘to, ilang ulit kong narinig ang pag- click niya sa camera, “Huli ka na, I got many pictures of you here,” sabi niya.
“Huy, delete mo ‘yan,” utos ko. I gritted my teeth. Nakakahiya. Ano kaya ang mukha ko do’n.
“No way, its a remembrance. But anyway, I have to go, sayang hindi ko nakuha ang number mo pero ang importante ay may picture ako dito,” itinuro niya ang phone na nasa loob ng kaniyang bulsa. Bumagsak ang balikat ko. Baliw talaga ang isang ‘to. Umatras na siya habang nakangiti sa ‘kin. Parang ang bait niya pero hindi pa ngayon lang kaming nagkakilalang dalawa. Okay din naman minsan na may nakikilala kang tao.
Habang pina- punch ang pinamili ko ay may napansin akong pamilyar na tao. Kumunot ang noo ko sa lalaking nakasuot ng kagaya ng suot kanina ni Anton, ang ipinagtataka ko ay may kaakbay siyang babae. Iniling ko ang ulo ko, nasa trabaho siya ngayon. Tama nasa trabaho siya.
Umabot ng 10 thousand ang pinamili ko. Ginamit ko ang card niya. Nagpahatid ako sa isang bagger doon sa loob ng market. Meron akong nadaanan na fast food, napaisip ako kung puwedi ba akong kumain do’n. Dumaan na lang muna ako dahil kailangan kong ilagay ang mga pinamili sa loob ng taxi.
Bigla kong naalala si Anton. Alam na alam ko ang damit niya dahil sinuot ko ‘yon sa kaniya kanina pero kung siya nga ‘yon, bakit may kasama siyang babae?
“Ma’am, nasaan po ang kotse ninyo?” tanong niya. Nakita naman ni manong ang pagkaway ko sa kaniya.
“Doon na lang, kuya. Sa lalaking ‘yon,” sagot ko. Tumango naman siya. Tinulungan siya ni manong na magbaba ng mga karton, “Dahan- dahan lang at baka mabasag ang itlog,” sambit ko, “Okay na, kuya. Salamat sa paghatid.”
Hinintay ko munang ipasok lahat ni manong ang mga pinamili ko bago ko ulit siya iniwan sa kotse para bumili ng pagkain. Ilang oras din pala ang itinagal ko sa loob. Nag- order ako ng pangdalawa dahil ibibigay ko ang isa kay manong. Pagod din ‘yon sa paghihintay.
“Yes po. Dalawang order niyan,” sabi ko.
“Ano po ang drinks niyo, ma’am?” tanong niya.
“Coke na lang,” mabilis kong sagot. Nagbayad na ako gamit ang card niya. Bumalik muna ako sa gilid oara maghintay ng order ko. Tumagal ako sa loob bago ko nakuha ang order ko. Binilisan ko ang paglalakad dahil baka sobrang matagal na. Papagalitan pa ako ni Anton.
Kinagabihan ay nagluto ako ng tinola para sa ‘ming dalawa. Nanood muna ako ng telebisyon habang hinihintay siya. Habang nage- enjoy sa panonood ay nawili ako. Hindi ko napansing may nagdo- doorbell sa labas. Agaran akong tumayo at nagtaka kung sino ba naman iyong pupunta sa ganitong oras kung hindi ba naman si Anton, hindi niya naman sinabi sa ‘kin na meron siyang bisita ngayong gabi.
I composed myself while opening the door, keeping my lips curved and my eyes bright. Pero lahat ng ‘yon ay nabura ng isang segundo lang dahil sa nakita. I put my palm over my mouth when I saw Anton kissing someone. Napasinghap ako at pinikit ang mga mata ko.
“Anton, nandito na tayo,” sabi ng babaeng parang linta kong makadikit sa katawan ni Anton. Nakapulupot ang kaniyang mga binti sa beywang ni Anton na akala mo naman ay ahas.
Naamoy ko mula dito ang alak na ininom nila. Alam ko ang mga amoy na ‘yon dahil sa club ako nagtatrabaho. Napaatras ako ng tumama ang mga paningin ni Anton sa mga mata ko. Ang talim ng tingin niya. Namumula ang mukha niya gawa ng alak. Isinandal ng babae ang ulo niya sa mukha niya.
“Carmelita, nasa ‘yo pa ba ang credit card ko?” tanong niya. I nodded my head, “Sige, bilhan mo nga kami ng beer sa baba.” Dagdag pa niya. Parang hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Tinaasan niya ako ng kaliwang kilay, “Ano pa ang hinihintay mo, Carmelita?” tanong niya, “Alis!” tumaas ng boses niya na nagpataranta sa ‘kin.
“Ang cheap mo naman, Anton,” sabi ng babae at hinaplos ang mukha niya. Bungisngis siya na parang may ibang plano sa likod nito, “Wine ang bilhin mo, miss,” sabi ng babae. Napayukom ang mga kamao ko at pumurma ng parang bato. I tighten my grip, ang harot ng babaeng ‘to, maharot pa sa mga babaeng nandoon sa club.
“Sige, wine ang bilhin mo, Maria. ‘Yong pinakamasarap,” aniya. Tumango ako bilang tugon. Nakakainis.
Dali- dali akong naglakad na patakbo patungo sa kwarto para kunin ang credit card niya. Hindi ako magkandaugaga. Napadiin ang pagtikom ko sa bibig ko. Muntikan na akong madapa dahil sa pagmamadali.
Pagkuha ko ng credit card ay napahinto ako.
“Bakit ba ako nagmamadali?” mahina kong tanong sa sarili ko. I gritted my teeth, “Teka, tama ba ang nakita ko kanina sa mall? Sila ba ‘yon?” gumalaw ang panga ko dahil sa inis.
Paglabas ko ng kwarto ay nakita kong nasa sahig na ang mga damit nila. Napatingin ako sa kwarto niya. Hindi ko napigilan ang sarili kong sipain ang mga damit nila hanggang sa umabot ito sa kabilang pader. Nagmadali na akong lumabas para hindi mapagalitan.
Mabuti na lang at merong convenience store sa baba at nakakita ako ng masarap na wine. Marami akong alam sa mga inumin, alam ko kung ano ang matapang at hindi. Pagkatapos kong magbayad ay naglakad na ako pataas, mukhang kailangan kong takpan ang mga tenga ko sa pagpasok sa loob ng bahay.
Tila ay naging mabilis ang oras at ilang hakbang lang ang ginawa ko mula sa elevator ay nasa tapat na ako ng pintuan. Huminga ako ng malalim saka pinindot ang pass code. Kung siya naman pala kanina ang nag- doorbell, bakit kailangan pa? Alam niya naman ang passcode nito. Kagigil talaga, nanadya ba siya?
I rolled my eyes while opening the door. Pagtapak ko pa lang sa loob ay narinig ko na ang mga mumunting ungol na mula sa kwarto niya. Napapikit ako sabay lunok. Kaya ko ‘to.
Nanindig ang mga balahibo ko, napapantig ang tenga ko sa kanilang mga hiyaw. Rinig na rinig mo kung gaano sila nasasarapan sa isa’t- isa. Girlfriend niya ba ‘yon? Kung gano’n…ano ako dito? Kasambahay lang? Bakita niya naman sinabi ‘yong asawa niya ako kung meron naman pala siyang ibang karelasyon.
Ang daming mga bagay na tumatakbo sa isip ko. Kung binili niya ako sa halaga na limang milyon, bakit hindi ako? Nagsayang lang ba talaga siya ng pera sa ‘kin? Siguro gusto niya lang na malaman ng lahat na kaya niyang bilhin lahat ng gusto niya.
Napasandal ako sa gilid ng pintuan ng kwarto niya at nakatitig kung paano sasabihing nandito na ang pinapabili nila. Sa tingin ko hindi naman na nila ‘to kailangan. Sa huli ay pinulot ko na lamang ang mga damit nila at nilagay sa isang sulok. Gulong- gulo ang isip ko.
Handa akong ibigay sa kaniya ang mga kailangan niya pero sa tingin ko naman hindi niya ako gusto.
Naghintay ako ng ilang minuto pero hindi naman nila ako tinawag. Nagtungo na lamang ako sa kusina para kumain. Hindi ko alam kung paano ko nakakayang kumain habang naririnig silang nagtatalik. Ang lakas ng halinghing ng babae, gano’n ba kagaling si Anton? Bigla naman akong na- curious.
“Sa dami ng pera niya, hindi niya man lang naisip na magpa- soundproof ng kwarto niya,” bulong ko na may halong inis. Kung ako ba sa magiging posisyon ng babae, ganiyan din ba kalakas ang magiging ungol ko? Hayys, ano ba ‘tong iniisip ko?
Binilisan ko na lang pagkain para makapasok na sa kwarto pero pagdating ko sa kwarto niya ay parang piniinit ang katawan ko. Mas lalo ko pa palang naririnig ang mga ungol nila na hindi matapos- tapos. Lumagi ako sa sala at nanood ng TV at nagkunwaring hindi sila naririnig. Pilit kong binabaling ang aking mga mata at tenga sa palabas pero ayaw talagang mag- focus.
Mababaliw na yata ako sa kakarinig sa kanila. Hindi ko na namamalayang nakatulog na pala ako sa couch sa kakahintay sa kanilanh matapos.
Kinabukasan ay nagising ako ng mas maaga. Napakaaliwalas ng panahon.
“Dito pala ako nakatulog sa couch,” bulong ko saka nag- inat- inat ng kamay. Hinakbang ko ang mga paa ko patungo sa kwarto at napansin na wala na ang mga damit nilang dalawa na itinabi ko. Pumasok na ako sa kwarto saka naghilamos. Paglabas ko ay naghanda na ako ng agahan para sa kanila. Hindi man lang nagalaw ang wine na binili ko kagabi. Pagkatapos kong magluto ay hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Anton, sinamantala ko ang pagkakataon na maglinis.
Ilang sandali pa ng marinig kong bumukas ang kaniyang pinto. Napasulyap ako sa gawi niya. Humikab siya at sobrang gulo ng buhok. Wala siyang suot pangitaas.
“Ipagtimpla mo nga ako ng kape, Carmelita,” utos niya gamit ang kaniyang mala- paos na boses. Agad akong tumango at nagkunwaring wala akong narinig kagabi. Inihatid ko sa couch ang kape kung nasaan siya nakaupo habang nanonood ng TV.
“Carmelita, may kasama ka bang iba kahapon?” tanong niya. Bigla naman akong ginapangan ng kaba. Nakita niya ba si Ben? Pero paano? Napalunok ako, “Dalawang order ng mga pagkain sa fast food ang inorder mo,” aniya.
Nakahinga naman ako ng maluwag, “Wala, Anton. Binilhan ko na rin si manong driver,” sagot ko sa kaniya. Tumango- tango siya sa ‘kin. Akala ko pa naman nakita niya ako. So hindi siya ‘yong nakita ko kahapon? Hays.