Chapter 1: Dazed and Confused

3014 Words
Dianna's POV "Uy Maxine, ikot mo na yung bote" "Okay sige ito na" Pinanood lang namin yung bote habang umiikot ito, naglalaro kasi kami ng spin the bottle, kung kanino tuturo ang bote, pipili siya kung truth or dare Unti-unti bumabagal na yung pag-ikot ng bote at mukhang....oh no... at ayun sakin nga tumuro yung bote "Dianna! Truth or dare?" "Um.... dare. Char! Truth" "Luh! Ano ba talaga?" "Truth! Truth hehe peace" "Hmmmm Dianna..." "Oh?" "Sino first kiss mo?" "F~First kiss? Hmmm" Flashback 'Tiktilaoook~ Tiktilaookk" Ano ba yan ang ingay! Jusko! 'Tiktilaok~ Tiktilaooooook~" Pusang gala kang manok ka, manahimik ka! 'Tiktilaoook~ Tiktilaookk" Isa! Kapag di ka pa tumigil lulutuin kita ng buhay tamo! Wala ako pake kay tatay sa pangsabong niya! 'TIKTILAOKKK~~ TIKTILAOOOOK" Aba'y nananadya?!!! Humanda k... teka, bakit may manok? Anong tunog yon? Wala naman manok samin?  Napaupo ako sa pagkakahiga, kinusot kusot ko mga mata ko dahil... teka natulog pala ako? Ano nangyari? Saka nahihilo ako sa nangyare. 'Tiktilaoook~ Tiktilaook" Bwiset saan ba nanggagaling yung tunog na yun? Tumingin tingin ako sa paligid ng mapansin kong... hindi ko to kwarto.. nasa guestroom ako ng bahay ng bestfriend ko! "Tiktilaook~ Tiktilaaook~" Tumingin ako sa may bandang gilid ko kung saan nanggagaling yung tunog. At nakita kong alarm clock pala yung naririnig ko kanina pa, nice ha may alarm clock palang ganun. Ngunit teka, bakit nandito nga ba ako? Ano ba nangyari? Saka ang sakit ng ulo ko, ang dami ko yatang nainom kagabi, wait nasusuka ako.. Tatayo na sana ako ng bigla kong napansin na wala pala akong saplot.. oo as in wala, ni short wala, hubad ako! Kaya napabalik ako sa kama at kinuha yung kumot para magtaklob ulit. Dali dali ako tumingin sa katabi ko at nakita ko..... na may LALAKI?!!!! Nakatalikod siya sakin na natutulog at halatang nakahubad din na nakataklob ng kumot sa may bandang baba niya, kaya di ko na kailangan tignan ang nasa ilalim ng kumot. Jusko naman self... don't tell me na tama yung nasa isip mo.. Inhale, exhale, inhale, exhale.. virgin ka pa self okay? Pilit kong pinapakalma sarili ko, pero di ko parin talaga maiwasan kabahan kung ano man ang nangyari sakin o samin kagabi. Hay ayoko na. Kailangan ko ng umalis dito. Dahan dahan akong tumayo at nakita ko na nasa may baba lang din pala ng kama yung bag ko. Tumingin ako sa may bandang mini sofa ng kwarto, at nakita ko sa gilid non may pinto, I think banyo yun. Kinuha ko yung bag ko at dumeretso ako patakbong papunta sa banyo... at ng makapasok na ako, mabilis kong nilock ang pinto at huminga ng malalim.. Chineck ko yung sarili ko kung may masakit ba...oo meron, ang sakit ng ulo ko, na parang gusto ko sumuka ng dahil sa naiwan na lasa ng alcohol sa dila ko at ng dahil sa hilo... pero teka.. medyo mahapdi yung... yung ano ko...AAAGGGHH!!! Humarap ako sa salamin at tiningnan ko ang sarili. "Paano kung may may nangyari talaga? Paano na ang.......W-what the.." napatigil ako ng napansin kong may mga bakat ako ng labi sa may bandang leeg "Ano ba naman kasing pinasukan mo Dianna!! Dapat di ka na nagpakalasing kagabi!!" Sigaw ko sa harap ng salamin na parang ibang tao ang nakikita ko sa harap ko ngayon Kailangan ko na talagang makaalis dito, buti may dala ako na extra damit. Kinuha ko yung bag ko para kunin yung damit na susuotin ko. Dali dali akong nagbihis, nagsuklay at naglagay nadin ng powder sa mukha para hindi halatang may nangyari.. Teka ano nga pala ipangtataklob ko sa leeg ko? Ang daming marks naman kasi, nakakahiya umuwi ng may ganito noh.. hiram nalang ako kay Melanie ng scarf o towel, basta maitaklob ko lang tong pisteng marks na to. Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin.. mukhang ayos na. Sinukbit ko na yung bag ko at lalabas na ako, nimadali ko binuksan ang pinto pero nung pagkabukas ko... "AAAAY TIPAKLONG KA!" Nagulat ako ng may nabangga ako na lalaking nakatayo sa harap ko.. natumba ako pero hinawakan niya kamay ko para di matuloy ang pagbagsak...at sa itsura niya ngayon, halatang siya ay nagulat din... lumaki ang mata niya eh tsssk. "A-ah eh S-sige una na ako" sabi ko ng hindi man lang tumitingin sa kanya.. ang awkward e.. mabilis ko siyang nilagpasan at dali dali lumabas ng kwarto Pagkalabas ko ng guestroom, Pinuntahan ko muna yung kwarto ni Melanie para nga makahiram ako ng scarf pantaklob sa leeg ko. "Bessy? Bessy gising ka na ba? Bess?" Kumakatok ako sa pinto niya pero wala akong naririnig na sagot "Bessy?! Bess Melanie nandyan ka ba?! Bess?!" Sinubukan kong hawakan yung door knob kung nakalock pero hindi.. kaya binuksan ko ng dahan dahan yung pinto, only to find out na wala siya dun. Kaya sinara ko nalang ulit. Baka nasa living room siya at dun nakatulog.. Kaya bumaba na ako ng hagdan. Oo, yung guestroom at kwarto ng bestfriend ko ay nasa 2nd floor, so eto ako ngayon pababa papuntang living room. Pagdating ko don, nakita ko na sobrang kalat at buong living room ay amoy alak, at kung saan saan nakalagay yung mga alak, nasa gilid, nasa lamesa, nasa sahig, nasa sofa.. yung ibang mga classmates niya nandun sa sahig natutulog, yung ibang andun sa sofa, tulog din.... At hindi nga ako nagkakamali, nakita ko ang bestfriend kong natutulog din sa sofa at hindi maayos ang pagkakahiga niya, mukhang nalasing din Lumapit ako sa kanya at dahan dahang tinapik siya sa braso "Bess.. bessy" di siya sumasagot kaya mas nilakasan ko ng konti ang pagtapik sa kanya "Bess gising.. Bess.." "Aray! O-ohh?? Bess?" Ani niya na yung boses niya ay yung pang bagong gising. Sarap pagtripan pero hindi na muna sa ngayon. Sandali siyang umunat at bumangon sabay nagsalita ulit "bess ano nangyari? Dami ko yatang nainom...hehe..." "Oo mukha nga, tingnan mo oh ang kalat" habang tinuro ko pa kung saan saan naka-kalat yung mga alak "Hehe, oo nga e.. palinis ko nalang mamaya sa mga maid... Onga pala! T-teka bess? A-ano nangyari sa leeg mo?" Gulat niyang tinuro pa yung mga marks sa leeg ko "B-bess.. hindi ko din alam.. black out ako kagabi e wala din ako maalala, basta nagising nalang ako may lalaki sa tabi ko" "Sino?" "Di ko alam e, classmate mo yata?" "Hmmm, ano naman nangyari sainyo?" "nga pala bess" sabay ko nang pinutol, "pwede ko ba hiramin scarf mo? Pang taklob lang sa leeg, uuwi nadin kasi ako" "Sige bess kuha lang ako sa taas, wait lang ha dito ka muna" aakyat na siya sa hagdan ng.. "oh Blake! Saan ka galing, saan ka natulog?" Ahh Blake? Blake pala name niya... teka siya yung lalaki kanina diba? Yung lalaki na katabi ko sa kwarto? Naka t-shirt at pants na siya ngayon.. Infairness may itsura siya,  yung katawan niya may pagka James Reid.. saka ang puti niya.. at yung mga mata niya, singkit.. koreano ba to? Teka bat ko ba siya tinitingnan aish! "Ah dun sa guestroom, uwi nadin ako, pa inom lang ako ng tubig Mel ha?" sabi nung Blake. Pareho sina Melanie at Blake na nasa hagdan "Sige sige nandun sa baba, sa may kitchen punta ka nalang" "Sige" pababa na siya ng biglang tumingin sa direksyon ko. At sabay napaiwas tuloy ako ng tingin Ako ba tinitingnan niya? Bakit parang nakatingin siya sakin? Pasimple kong kinuha yung phone ko sa bag na kunwari may ginagawa ako.. para hindi niya isipin na tinitingnan ko siya...pero bakit parang...kahit sa phone lang ako nakatingin, sa dulo ng aking mata, papunta siya sa direksyon kung nasan ako. B-bakit ba ako kinakabahan? Kalma self. Ano gagawin niya? oh no... Hanggang sa.. "Mi-miss?" Gulat kong nagsalita siya. Oo nasa harap ko na siya at hindi ako nagpahalatang nagulat ako, sa phone parin ako nakatingin. "Miss ano name mo?" Di ko parin siya pinapansin. Yan ganyang lang Dianna.. ideadma mo lang "Miss? Yung nasa....leeg mo.." abay hindi ba siya titigil sa kakatanong? Jusko naman! Lalo lang akong na-aw-awkward sa nangyayari at napepressure. "At yung sa kagabi... sorr-" "Ay Helllo Ma? Ah opo pauwi na ako Ma" di na natapos yung sasabihin ni blake ng nagkunwari akong tumawag si mama sakin at tumayo palayo. Nakita ko naman na napa-atras na si Blake at dumeretso na siya sa kitchen. Nakadikit parin sa tenga yung phone ko ng nakita ko nadin si Melanie pababa ng hagdan. "Bess eto na oh, sure ka uwi ka na? O gusto mo magkape ka muna?" Habang inabot na niya sakin yung scarf "A-ah hindi na bess. N-nagmamadali din ako eh, may k-klase pa kasi ako mamaya" "Klase? Sabado ngayon ah, may klase ka?" Ay bwiset, ano ba kaseng klaseng dahilan yun Diannaaa~? Bakit di mo nalang kasi sabihin na si Blake ay yung lalaking katabi mo sa kwarto! Aisshhh! "A-ahhhh kasi ano... May klase kasi ako mamaya sa o-online class. Tama online class" fingers cross, maniwala ka bessy pleaseee. "Ahhh online class.. Anong klaseng online class yan bess?" Juskoo mukha yatang hindi siya naniniwala na may klase ako.. Dianna think, think... AHA! "Ouch bess sakit ng tiyan ko uwi na ako" nag-acting pa ako biglaan ng hawak hawak tiyan ko na parang natatae na ewan "H-ha? Punta ka muna sa cr baka natatae ka lang yan." "O-Oo...I mean..H-hindi bess... mukhang LBM yata to? Baka bumara lang cr niyo." "Oh sige, ipasabay nalang kita kay Blake since na pauwi narin naman na siya." WAIT WHAT?? "AYAW!!!" Nagulat si Melanie sa naging reaction ko, maging si Blake napatingin nadin sakin "I-I mean it's fine, kaya ko naman saka nakakahiya!" "Bess, sa tingin mo kaya mo makauwi mag-isa sa lagay na yan? Sumabay ka na kay Blake, wala ng hiya hiya, ako bahala sayo." "Hindi na talaga promi-" "Bess wag na matigas ang ulo" "O-okay" yun nalang ang nasabi ko. Haizz lagi nalang kapag magdadahilan ako, mas lalong nagiging worst ang situation. Yung tipong ako din mismo ang gumagawa ng ikakahirap ng sarili ko amporkchop. Why am I digging my own grave? Maya maya lang ay lumapit na sa akin si Blake "tara na?" tumango nalang ako "Sige Mel alis na kami. Salamat" sabi ni Blake kay Melanie "Bye ingat kayo sa paguwi! Bess, inom ka gamot para sa tiyan mo pag-uwi ha? Bye bess!" "Bye bessy!" yun lang nasabi ko. Sinundan ko nalang si Blake sa likod niya hanggang sa makalabas na kami ng gate.. sandali kong pinagmasdan muna ang bahay ng bestfriend ko Haizzz when kaya ako magkakaroon ng sarili kong bahay katulad ng ganito. Malaki-laki din kasi ang bahay nila Melanie, yung style ng bahay ay very modern saka mahahalata mo talaga na mayaman ang nakatira.. malaki din ang garden, may swimming pool din saka ang daming kotse, kulang nalang magkaroon sila ng sarili kompanya ng kotse eh tapos ako ung sales manager. Dibale, after ko grumaduate, magiipon agad ako, makakabili din ako ng kagaya ng ganitong bahay, mas malaki pa. Nga pala si Blake!!! Bumalik ako sa realidad nung narealize kong wala na si Blake sa harap ko, tumingin tingin pa ako sa gilid para hanapin siya pero wala akong makitang Blake. Saan kaya nagpunta yun? Ah dibale nalang mas okay na yun, hindi ko na kailangan magtiis sa kaawkard naming dalawa. Magcocommute nalang ako. Nagsimula na akong maglakad papuntang kanto ng biglang... "Miss!" Napalingon ako kung sino yung tumawag. Nakita ko si blake, nasa loob ng kotse, nakabukas bintana at nagsign pa siya na pumasok daw ako sa loob ng sasakyan.. infairness, ang ganda ng kotse niya, mukhang isa pa tong may kaya sa buhay, sanaol talaga. "Sasabay ka ba o iwanan nalang kita diyan?" Diyan? Aba.. mukhang may attitude tong lalaking to ah "Hindi na. Salamat nalang, kaya ko naman mag-isang umuwi" may halong inis na pagkakasabi ko sa kanya at sabay tinalikuran ko na siya. Tsk oo naiinis ako, hindi dahil sa hindi ko siya makakasabay o hindi ako makakalibre ng sakay, hindi ko lang talaga nagustuhan yung sinabi niya Dali dali na ako naglakad ng may biglang humila sa braso ko papunta sa kotse.. sino pa ba? Edi si Blake "A-ano ba bitiwan mo nga ako!" Nagpupumiglas ako, sinusubukan kong alisin yung pagkakahawak niya sa braso kaso masyado siya malakas. "ANO BA BLAKE BITAWAN MO AKO" Imbes na bitawan niya ako, tumigil siya sa paghila pero at biglang hinawakan ang dalawa kong braso paharap sa kanya.. nakatitig lang siya sa mata ko... at ako? Nakatulalang nakatitig din sa singkit niyang mga mata... parang biglang... biglang tumigil yung paligid...namumula din ata ako. at bakit parang kumakabog yung dibdib ko? Kinakabahan ba ako? Gusto kong pumiglas at kumalas sa pagkakahawak niya sakin pero from this moment, hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa.. parang na hy-hypnotize ako sa kanyang titig.. at saka teka... Bakit parang papalapit ng papalapit yung mukha niya sakin? Don't tell me.... hahalikan niya ako?..  Ano na gagawin ko? Pumikit na siya, mukhang hahalikan nga ako... ano gagawin ko? Pipikit din ba ako? Konti nalang ang labi niya sa labi ko...Aaack bahala na si batman... PAAAKKKKK!!! Bigla kong sinampal si blake ng ikinagulat niya. "A-ano satingin mo ang ginagawa mo?!" Inis na sabi ko sa kanya.. pero sa loob loob ko di ko talaga alam kung ano dapat maramdaman ko... gusto ko mainis oo, pero bakit sa mga titig niya kanina, komportable ako? Aaaah ewan ko na! Lasing pa yata ako. Tsk kung hindi lang dahil sa palpak kong mga dahilan kay Melanie, tiyak nasa bahay na ako sa mga oras na toh, hindi yung kailangan ko pa ma encounter etong kaganapan, kasama ang lalaking ito. "Ang arte mo kasi, ikaw na nga itong ihahatid pauwi tapos nagpapabebe ka pa, gusto mo din naman" Aba'y papainitin talaga ng lalaking to ang ulo ko no? Suntukin ko nalang kaya to? "Aba, sino nagsabi na gusto kong sumabay sayo? Pagkatapos ng nangyari satin.... satingin mo ba masaya ako na makakasabay kita? Saka sino ka ba? Hindi nga kita kilala eh... tsk" "Sandali ano? Nangyari? Satingin mo may nangyari satin? Pffft...wow ha" "Oo! Hindi pa ba sapat na ebidensya na nung umaga pag-gising ko, wala akong kadamit damit? At ganun ka din? Ha?!" "Miss, hindi sapat na ebidensya yun... wala ka bang naaalala kagabi?" "W-wala!" "Oh ayun naman pala eh, pano mo nasabi na may nangyari satin?" "Tsk osige nga!! Iexplain mo to!" Tinanggal ko yung scarf sa leeg ko at pinakita yung mga marks "Yan?... Oo aaminin ko.. We kissed..At umabot sa mga intense kisses but... that doesn't mean na umabot sa kant-" "Oo na, oo na! But still, this is unacceptable. Bakit mo ginawa yun sakin?" "Ako? Ako talaga? Dapat nga ikaw ang tinatanong ko ng ganyan.. pero since na hindi mo maalala, I'll just forgive you ,because I know that you were so drunk." "W-what?!" "Nevermind, sumabay ka nalang sakin ng makapagpahinga ka na at gusto ko nadin magpahinga. Pakiusap ko nalang sayo" sabi niya at mukhang huminahon na siya. "Okay.. pero may favor ako" ani ko "Ano?" "Eto na yung pinakahuling beses na makikita natin ang isat isa, I don't wanna see you near me! Close to me! Or even breathe the same air anymore! Okay?" Sandali siyang natigilan sa sinabi ko pero tumango nalang din siya as a sign of agreement. Sumakay na kami sa kotse at tinuro sa kanya yung daan pauwi samin. Sa may kanto namin nalang ako bumaba, ayoko kasing bumaba mismo sa tapat ng bahay eh alam mo na, baka puntahan pa ako ng lalaking to at magtaka sina mama sakin. Habang itinatabi ni Blake yung sasakyan sa gilid, bubuksan ko na sana yung pinto ng sasakyan ng bigla siyang nagsalita "I'm sorry for what happened last night, I'm sorry for kissing you back, that made our kiss even more intense.. but I swear we didn't do it.. nothing happened" "Okay" yun nalang din nasabi ko, ng nagsalita ulit siya. "I also have a favor, since this is our last time seeing each other" grabe yung titig nanaman niya sakin, yung tipong kahit seryoso siya makatingin, it really does do something inside me, na parang ang sarap niyang titiga- ay erase erase tsk ano bang iniisip mo Dianna jusko. "O-okay ano yun?" Bat ba ako nauutal wtf...at parang mainit nanaman mukha ko. "Um... C-can I kiss you again?" Wait what?? Kiss? "A-Ah y-yes I m-mean No wh-" Nagulat ako ng hinalikan niya ako...sa pisngi "Nice to meet you, and take care" sabi niya "Sige, ikaw din" lumabas na ako ng sasakyan at hinintay munang makaalis si Blake.. ng makaalis na siya, dumeretso na ako ng bahay. End of flashback "So ayun, siya ang first kiss ko." "Grabe naman, pang MMK na yan e, tinatanong lang naman namin kung sino first kiss mo pero mukhang dinetalye mo pa talaga hahahaha." "Sorry na guys, nadala lang sa emotion char hahahaha. Pero ang weird lang din kasi... naalala ko name niya, pero yung mukha niya hindi na masyado." "Diba sabi mo singkit siya? Saka mukhang koreano? Emeged feeling ko ang gwapo niya ahihihi." malanding sabi ni Ella "Ewan... gwapo nga sana kaso may pagka attitude din, saka ang weird ng unang moments namin, kaya ekis sakin." "Moments na ano? Moments sa kama? Hahahahah char" pang-aasar sakin ni Maxine. "Tumahimik ka Maxine jusko" inis na pabiro kong sabi sa kanya "Oo nga Maxine may bata oh" sabi ni Ella na tinuro si Maine na nakakikinig lang sa pinaguusapan nami. Sa circle of friends kasi, si Maine lang talaga yung pinaka inosente hahaha. "Eh? Hindi na yan bata, alam na nga niya yung salitang duki-" di na natapos yung sinabi ni Maxine ng takpan ni Ella yung bibig niya. Natigilan nalang kami ng pumasok na yung prof namin. Kaya dali dali kaming bumalik sa pwesto at tinabi na yung boteng ginamit sa paglaro ng spin the bottle kanina. Saglit ko munang chineck yung phone ko patago sa lamesa kase nagvibrate ng may nakita akong notif galing sa f*******:. Jacob Valdez sent you a friend request.                    Accept  /  Delete  Hmmm sino naman to? Maya ko nalang tingnan sa bahay baka mahuli ako ng prof. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD