Jacob Valdez sent you a friend request.
Accept / Delete
Hmmm sino naman to? Maya ko nalang tingnan sa bahay baka mahuli ako ng prof.
Naglecture lang maghapon ang prof namin.. kahit nakikinig lang ako sa ni lelesson, hindi ko padin mapigilang antokin. Pano ba naman kasi, nagpuyat nanaman ako kagabi kakanood ng kdrama. Hays what to do? Napapa pikit na ako, tapos feeling ko anytime soon babagsak na yung ulo ko sa desk
"..so how does th...s ha...ppen?.. so.. t.he" wala na ako maintindihan sa sinasabi ng prof.. mata ko wag ka sumuko! Aack!! Bahala na! Inaantok talaga ako. idlip nalang ako saglit. Hindi naman siguro ako mahuhuli agad ng prof..Nakapwesto ako sa bandang likod ng klase kase.
"Psst uy.. psst Dianna ano ginagawa mo?" Bulong sakin ni Maxine, magka seatmates lang din naman kami
"Inaantok ako Max e, hindi ko mapigilan mata ko. Kusa nang pumipikit pikit" bulong ko pabalik sa kanya
"Nagpuyat ka nanaman no? Ikaw ha, napapadalas na yang pagpupuyat mo. Tingnan mo oh nagmumukha ka ng panda pfft"
"Baliw. Nagandahan kasi ako sa napanood ko na kdrama kagabi kaya hindi ko na napansin yung oras"
"Eh anong oras ka na nakatulog?"
"5am"
"What the-"
"Ehem" lagot, ang lakas kasi ng boses neto ni Max. Nahuli tuloy kami ng prof.
"Please avoid speaking while I'm having a class" sabi sa amin ng prof
"Anyway, this kind of~" blah blah blah jusko, bakit kasi ganun boses ni sir? Nakakaantok amp. Pwede na panglullaby char
"Psst Dianna" bulong nanaman sakin ni Max
"Ano? Pagnahuli nanaman tayo ni sir tamo"
"Eh kasi.. Seryoso ba? 5am ka na nakatulog? So ibig sabihin isang oras lang tulog mo?"
"Parang ganun na nga"
"Wow ang tatag huh, pero kanina, hindi halatang nagpuyat ka huh, infairness nagawa mo pang ikwento samin kanina yung tungkol sa inyo ni Blake. Yung totoo, inaantok ka ngayon dahil napuyat ka kagabi o dahil inaantok ka lang talaga kapag nagtuturo si prof?"
"Tsss"
"Char lang pfft"
"Max mamaya nalang tayo magchikahan, nako pag si sir nag-"
"Ms. Zandoval and Ms. Magno! Last Warning!" Yan na nga ba ang sinasabi ko eh
Lunch
"Hayss sa wakas natapos na din ang pagtuturo ni sir" Nakakainis kase bakit kaya ganyan magturo ang prof namin. Talagang lullaby yung boses niya.
"Hinalo mo pa kase ng kdrama kagabi kaya lalo ka inantok." Sabay hampas sa braso ko ni Maxine.
"Dali na mga bess baka mahuli pa tayo sa linya, maubusan tayo." Sabi ni Ella ng may pagmamadali. Nauna siya sa amin papuntang cafeteria. Oo school cafeteria, may pagkasosyal ang skwela ko. Ang pagkain naman namin dito served ng nakatray wow pak ganern...char...eh kasama na din sa tuition namin ito kaya no choice kame sa food unless magdala kame. Eh okay lang naman ang pagkain... top quality pa nga daw e, well, oo aaminin ko, sobrang sarap nga ng mga sineserve nilang pagkain.
"Hmmm... Beef Kare-kare, dalawang kanin, bagoong, sabaw ng bulalo, at gatas or orange juice" Laking ulat ni Maine at napangiti nalang lahat kame sa nakikita namin.
Odiba ang sosyal talaga, kung napapatanong kayo paano ako nakapasok sa isang skwela tulad nito eh dahil sa good records ko dati. Sa dati kong skwela kase, isa ako dun sa mga top honors kaya nakapagkuha ako dito ng scholarship at... oo, simple ang buhay ng parents ko. HR ang kinuha naming magkakaibigan kase gusto ko maging isang health service manager. At siyemp-... Teka ang ingay naman ng katabi namin sa lamesa. ano ba pinagsasabi nila? nagbibigay ako ng background ko e.. punyemas.
"Uyyy naririnig mo ba ung sinasabi nila? Ang ingay kase mga bess." Binulong ko sa mga bess ko, nakakainis talaga.
"Sila? Yung katabi ng table natin ba?" Pabalik na bulong sakin ni Maxine habang pasimple kong pinapakinggan ng maigi ang pinaguusapan nila. "Ah kasi diba ba nga may isang...teka don't tell me hindi niyo pa alam?" Ulat ni Maxine sakanila.
"Ang alin?" sabay sabi ni Ella
"Ngayong araw ba iyon Max?" tanong ni Maine
"Anong ngayong araw? Ano ba kase iyon!?" napa-sigaw na si Ella dahil siguro sa ka-curious-an
"Di niyo talaga alam? Ikaw Dianna? Di mo din ba alam?"
"Wala ako alam Max" Mahinhin ko lang sinabi habang umiinom ng gatas.
"Kaya nga nagtatanong kame para malaman namin." Halatang inis na si Ella
"Meron kasing bagong transferee na pupunta ngayong araw dito sa skwela natin. HR din kukunin nun pero hindi pa alam if saang section mapupunta." Malinaw na sinabi ni Maxine sa amin pero di namin gets kung bakit ganun nalang napag-uusapan ng maraming estudyante ang pagpasok ng transferee kung sino man yun
"Eh ano ngayon? Mayaman ba? Anak ng mayor? Presidente? Pare niya si Manny?" Ani Ella
"Gwapo?" Napatingin kaming lahat kay Maine nung sabihin niya iyon.
"Malaki kasi ang company nila sa US, halos lahat ng ibang companies nandoon at may shares sila na malalaki. Tapos may kuya pa siya na susunod din ata magtransfer dito, pero ewan ko kung totoo"
Ahh so kaya pala ganun nalang napag-uusapan ng marami about sa paglipat ng bagong estudyanteng yun dito
"May kuya?" Tanong ulit ni Maine
"Huy Maine mukhang interesadong interesado ka ah.. may gusto ka na ata kahit wala ka pa nakikita e, aral ka muna bess hahaha" pangaasar ni Max kay Maine. Nagulat kame sa sinabi ni Maine eh, pero siyempre lahat naman tayo may mga preferences kase kaya no big deal.
"Hahah opo study first ako.....teka Guys....5 mins nalang ang lunch natin oh baka ma-late pa tayo" Haluh oo nga pala, nadala na oras namin sa kwentuhan.. e di pa namin nauubos kinakain namin.
Nagmadali na kaming ubusin ang natitira pang pagkain sa lamesa. Baka malate kame sa subject namin na History....kahit ayaw ko man iyon pero kailangan din sa department namin.
End of Lunch Break
Lumabas na kame sa cafeteria at pabalik na ng classroom...
"Nabusog ako sa pagkain natin grabe, parang sasabog nako" Habang hawak ni Ella ang tiyan niya.
"Ang sarap nga e" sabay ni Maine. Pero eto naman si Maxine nagmamadali papuntang classroom at tinutulak kame para bumilis ang paglakad namin.
"Oo nga busog kayo, bigat niyo masyado para itulak"
"Eh bat mo kame tinutulak kase bess, ikaw lang nahihirapan" Pabiro kong sinabi habang umiinom ng milk namin.
"Sanay nako mahirapan"
Sabi ni Maxine
"Wow strong woman?...hahahah" Sabay flex si Ella ng muscles kahit wala hahaha.
Dumiretso muna ako sa cr para magayos ng kolorete sa mukha ko, feel ko kase ang lagkit ko na.. dapat fresh tayo hahaha...char hindi ako maganda...pero pagbigyan niyo na lola niyo.
"Mga bess, cr muna ako magaayos lang ha?" Tumakbo na ako papunta sa cr.. nako sa taas pa naman yung cr namin...kaya nung pagliko ko sa stairs..... natamaan ulo ko sa dibdib ng isang tao, sa sobrang lakas at biglaang pagtama ay pareho kame natumba sa sahig.
"Aray ko naman, bakit di kase ako tumitingin, pero bat-" kinapa-kapa ko yung sa may bandang dibdib ko at...may nararamdaman akong basa... at yun pala ay yung gatas na galing sa cafeteria na binili ko! Ano ba yan!!Basang basa na tuloy ung dibdib ng polo ko, dali dali kong kinuha yung panyo sa bulsa ko at sinusubukan kong punasan yung bandang nabasa para mabawasan pati mawala amoy nito. At ng napatigil ako kase natandaan ko may nabangga pala ako, ng pagtingin ko diretso sakin eh nasa harap na pala ang nabangga ko. Lalake siya na studyante din dito sa skwela namin.... hmm maputi, wavy hair.. at yung mga mata niya... singkit din. Koreano ba ito? Ung labi niya smooth at mapula pa, pero bakit gumagalaw, ng parang may sinasabi? Wait meron nga b-
"Mi-Miss okay ka lang po? May masakit ba sayo?" A-ano daw? Bakit ganun? Kahit na alam kong nagsasalita siya, hindi ko marinig ng maayos? Basta ang alam ko lang... mga ilang segundo din ako nakatitig sa kanya.. wait what the... bakit kasi yung mata niya? Familiar.. ay pucha erase
Sabay alis ang tingin ko sakanya pero bakit parang umiinit pisngi ko bigla?
Nauna na siyang tumayo sa pagkakabagsak sa sahig..
"Miss okay ka lang po ba? Namumula ka po, may sakit ka ba?" Ini-abot niya sakin ang kanyang kamay para siguro alalayin ako patayo
"Hindi, okay lang ako" kusa na akong tumayo at hindi na ako tumingin sa kanya pa. Dumiretso na ako sa cr nun at sinara ito sa sobrang hiya sa nangyari. Tumingin ako sa salamin tapos kita ko nga namumula ako grabe, ano ba iyon? Bakit ako namumula?
"Okay ka lang Dianna. Okay ka lang. May nabangga ka lang" Sabay inayos ko na sarili ko, nagmakeup tapos binawasan pa ang basa ng dahil sa talsik ng gatas.
"Nubayan kasi, okay na nga ito baka malate pako sa klase"
Sabay takbo ako palabas ng cr at nung pabalik ako sa classroom, napatingin ulit ako kung saan ko nabangga yung lalaki kanina. Hindi ko natanong pangalan niya...Anuba Dianna malalate ka na. Nakita ko na nasa hallway na ung prof namin at nilagpasan ko nalang siya at sabay pasok sa pinto sa likod ng classroom. Sa wakas nakaabot din ako at hindi nalate, phew bilis ko tumakbo hehe flex ko lang.
Nung pagpasok ko sa loob, napatingin naman mga kaibigan ko sakin.
"Oy anyare? bakit naman basa polo mo?" Sabi ni Maxine habang pinupunas pa ito para tumuyo.
"OMG Don't tell me nanay ka na? Sino tatay? hahaha char" Sarap sapakin din ni Ella eh, grrr.
"Eh kase may nabangga ako kanina di ko nakita, kaya pareho kami natumba sa sahig.. tapos nalagyan pa ng gatas tong polo ko." Napatango nalang sila kase alam naman nila na may ganito ako sa ugali na biglang may mababangga dahil kakamadali.
"Isasara ko nalang ung coat ko para matakpan."
"Good afternoon class" Bati ng prof namin na kakapasok lang ng room, bumati kami pabalik pero kasama din ng prof ang homeroom teacher namin or adviser tawag ng iba...hmm mukhang may announcement.
"Good afternoon sainyo mga anak ko, sige umupo na kayo" Ayieee kasweet naman ng adviser namin, yan kasi lagi ang tawag niya samin e
"May announcement ako na sasabihin, naririnig niyo na siguro yung about sa bagong transferee student dito na galing US. Isa din sa malaking kapartner ng school natin ang family nila, sila halos incharge sa mga scholarships and other funded projects for students. Kaya ang swerte naman natin diba?"
"Wow malaki ang influence huh, kahit dito bess, pati scholarship mo hawak ng family nila" bulong sakin ni Maxine
"Oo nga, mukhang dahan dahan lang dapat tayo sa transferee na yan" sagot ko sa kanya... huhu parang kabado ako, even though wala naman dapat akong rason para kabahan.
"I'm glad to announce na sa ating department siya makakapasok.. at....SA KLASE NATIN SIYA!"
Biglang naghiyawan ang mga kaklase ko pati narin itong katabi ko na may matching paghampas pa sa braso...
Seryoso? Sa atin siya? Swerte natin? grabe yung sigawan dito sa room, kala mo mga nakawala sa zoo.
"Okay tahimik muna mga anak, pati ako, nagulat din ako dahil magiging family member natin siya. Tawagin ko na ba siya?"
"Yes sir!" Sabay sigaw ng mga kaklase ko, parang idol naman ang papasok.
"You may come in please."
Sabay pasok ang studyante at tumabi sa adviser namin, tamang kilig kilig yung iba naming mga kaklase. P-pero bakit parang familiar siya? Maputi, makinis ang balat, singkit mata, pink ang labi, mukhang kore...H-HAA???? SIYA YUNG NABANGGA KO!....
Nilakihan ko talaga ang mata ko at mariin tiningnan siya kung siya nga ba talaga yung lalaking nakabangga ko kanina.... at... OO SIYA NGA!! nagulat ako ng bigla siyang napatingin sakin kaya dali dali kong iniwas ang tingin at napatingin nalang sa katabi kong bintana.
"Will you introduce yourself to the class please?"
"Hi guys, I'm Joshua Valdez, I came from the States at Cali...short for California. And I hope we get along quite well. Salamat po"
So Joshua pangalan niya...
"So Mr. Valdez first time mo lang dito diba?"
"Yes sir"
"Cute parin ng smile niya" biglang bulong ni Maine... narinig namin ni Maxine yung binulong niya... or ako lang yata?
Saglit 'pa rin'? PA RIN? Bakit naman pa r-
"May nakilala ka na ba dito or familiar faces?"
Naku po bakit tinanong ni sir iyon...lagot ako nito...please wag ka titingin sakin. Iniangat ko yung libro at ngali ngaling tinakpan sa sarili ko na kunwari nagbabasa. Jusko
Sa gilid ng mata ko... parang lahat ng kaklase ko nagsimulang tumingin sa may bandang dereksyon ko.. oh no..
"Ah si Maine ba? Ano relasyon niyo sa isa't-isa?" Sabi ng adviser namin. Phew kala ko ako yung tinuro niya.... wait what? Si Maine???
"Yes sir si Maine, childhood friends kame sir." Ch-childhood friends?
Gulat lahat kami at napatingin nalang kay Maine... eh si Maine naman nakangiti lang patago.
"At isa pa po sir that I bumped into earlier after lunch time....The girl infront of Maine." Please don't
"You mean si Ms. Zandoval? Dianna can you face forward please anak?" Shit
Ramdam ko ang tingin ng mga tao sakin, nakakahiya naman kase. Napaharap nalang ako...."Yes sir?"
"Mr. Valdez says here both of you saw each other. Is that correct?"
"Y-Yes sir" Bakit ako nauutal, ayusiin mo Dianna.
"And...pinag-usapan niyo din bang dalawa na magsara kayo ng coat?"
At napatingin nalang kami na pareho ngang nakasara coat naming dalawa.....Nabasa din ba siya? ...di ko man alam na nabasa siya...sana hindi naman please lang....nakakahiya na kasi eh.
"Well sir we 'literally' bumped into each other and milk was spilled on our polo shirts. Pasensya na po"
"Wait what? Siya ang nakabangga mo bess?! Seryoso?!" Bulong sakin ng gulat ni Maxine
"Oo na Max shhhh ka muna, nakakahiya" Hindi ko na talaga kaya ang pressure na nakukuha ko
"That's fine, kahiya naman din na baka makita ng ibang students sa school na nabasa ka sa first day mo. And I hope Ms. Zandoval apologized for what happened" Haluh.. bwiset naman.. ni hindi nga ako nakapagsorry kanina e, kase naman nagmamadali ako. Teka bakit nga ba ako nagmamadali kanina? Ah tama dahil baka nga malate kami.. pero still.. dapat hindi ko siya iniwan ng basta basta nalang ng ganun kanina.. tapos hawak pa ng family nila ang sa pag scholar ko dito....I'm doomed.
"All is well sir, salamat ng marami po."
"You can sit beside Ms. Maine. Would that be okay with you Maine?"
"Yes sir" At sabay na siyang pumunta sa desk niya, nilagpasan ako at nakababa lang noo ko at iniiwasan ang tingin niya.
"Kamusta naman Shua?" Shua? Nickname niya ba iyon? Sabagay childhood friends nga pala silang dalawa.
"Doing fine, ikaw din sana" Naririnig ko may pagkatawa sa huli ano ba iyan bat iniisip ko
"Of course naman" Balik ngiti ni Joshua kay Maine na talagang mukhang childhood friends sila. Haysss sana all nalang talaga, nasan na kaya yung mga childhood friends ko? Oh well, wala na ako magagawa sa ganun, goodluck nalang sa kanil-
"Ms. Zandoval? Right?" Nagulat ako ng tinawag niya pangalan ko, at sabay humarap ako sa kanya.
"Oo, Dianna nalang tawagin mo sa akin." Kinakalma ko sarili ng dahil sa pressure.
"Sorry for what happened earlier, hindi ko nakita na may tao." Jusko bakit ganun ang mukha niya parang yung aso na nagpapacute na hindi mo matitiis.
"O-Okay lang, ako dapat magsorry, ako yung tumatakbo kanina. Kaya s-sorry." Sabay humarap nalang ako kung nasaan ang mga prof namin, ayaw ko na talaga.
"Bess bat parang namumula ka?" Bulong ni Maxine sakin
"You fine?" Sunod na sabi ni Maine sakin
"Oo, okay lang ako." Kalma lang self, kalma chill.
"Okay class have fun with Mr. Zandoval and with your history class, thank you again sir for the time."
"No problem sir." Ulat ng prof namin habang kumakaway sa adviser namin. "Okay class, fun is over, please get your textbooks and turn them to page 132."
Ano ba iyan si prof, panira ng trip.....kakasabi langna have fun with Mr. Zandoval tapos ngayon, fun is over? Speed lang?
"Don't expect me to go easy on each and everyone of you, especially you Mr. Zandoval. We go for quality education here and not hierarchy, no offense towards your family. But I doubt that your family is like that."
Grabe din prof namin sa pagenglish, well kaya prof nga tawag din naman, kaya malakas. History prof lang sakalam, char.
"Okay can someone tell me about the 'Asian Financial Crisis' based on what you know?" Grabe din magtanong si prof, bakit ganun kase. Asian Financial Crisis........uhmmm. Patay tayo dito mga kapatid. char siyempre alam ko iyan, basic lang sa akin. Mukhang walang tatayo edi ako na la-
"Yes Mr. Zandoval?"
"According to the Corporate Finance Institute, The Asian Financial Crisis is a crisis caused by the collapse of the currency exchange rate and hot money bubble. The financial crisis started in Thailand in July 1997 after the Thai baht plunged in value. It then swept over East and Southeast Asia."
Ano daw sabi niya? Naunahan pa ako tuloy kakasalita sa isip ko na parang ewan haysss. Galing naman din infairness ano kaya ang gusto niyang field pagkatapos nito? Saglit lang, bakit nakatingin siya sa akin? Ngumiti din ba siya? Bakit parang iba ang pagtingin sa akin? Haluh wag ako mag assume, masama yan.
"That is correct, very well said Mr. Zandoval. Please give him a round of applause." Lakas ng mga palakpak ng mga kaklase ko na parang award show ang inattendan ah.
"I hope everyone can be competitive like Mr. Zandoval, goodluck to everyone especially for the coming exams."
"Aww exams nanaman." Sabay sabay sinabi ng buong klase ng parang choir.
"Ganyan talaga ang buhay ng studyante, gumanyan din ako."
No choice kame, at nakinig nalang kame ng buong hapon sa lecture ganun. At minsan naririnig ko naguusap-usap sila Maine at Joshua sa likod ko. Nang biglang may tumapik sa gilid ko, si Maxine at Ella
"Uyyy bess anuba nangyayare sayo? Kanina ka pa tingin ng tingin sa likod ha." Takang taka na tanong ni Maxine sakin, hawak ung braso ko.
"Kaya nga, don't tell me may gusto ka kay Joshua? Nagkita pa kayo kanina bago magstart afternoon classes natin. Tapos nakasara pa ang coat ninyong dalawa, scripted?" Sunod na sumbat ni Ella ng nakangiti na parang may nalalaman.
"Pinagsasabi mo. Hindi noh, aksidente nga lang yung nangyare kanina. Wala naman ibang nangyari sa aming dalawa, ganun lang! the end." Mahina ko sinasabi para hindi marinig nung dalawang nasa likod namin.
"Mamaya nalang tayo magkwentuhan, last subject na ito oh." Sinabi ko para mawala na ang atensiyon sa akin, at buti nalang gumana naman at nakinig nalang sa last subject. Kapagod naman maging studiyante.
Dismissal
"Yes sa wakas din natapos na ang klase" Masayang sabi ni Ella habang nagstretching.
"Tama. Kastress din minsan ang ganito talaga bess." Kalat nga ng bag ko at inaayos ko bago umuwi, pero siyempre magstreet food muna kame bago umuwi.
"Pwede ba sumama si Joshua sa atin?" Biglang tanong ni Maine sa amin, Jusko naman ang awkward na nga namin e.. saka bakit.... parang may kahawig siya? Nakilala ko ba siya dati? Nakita ko ba dati?
"Pwede naman siyempre. The more the merrier nga diba?" Tuwang tuwa na pagsabi ni Ella, na nakahanda na gamit.
"Goods lang din sakin" sabi ni Maxine. "Ikaw ba bess?" Sabay tingin lahat sila sa akin at napressure ulit ako.
"Okay lang" yun lang nasabi ko, at umalis na kame. Napangiti nalang din si Joshua sa sinabi ko, pero napatingin ako sa cellphone ko ulit. Jacob Zandoval? Joshua Zandoval? Isa lang ba kayo?
"Bess tara na dali, maiwan ka pa!" Sigaw ni Maxine sa pintuan at bumalik ako sa realidad.
"Oo bess eto na" Mamaya ko nalang asikasuhin sa bahay.