START
Third Person's POV
Binabalot ng mataas na tensyon ang apat na sulok ng silid. Mula sa gitna ay mayroong ring kung saan nasa itaas ang isang lalaking nasa kwarenta ang edad at isang bata na pitong taong gulang lamang. Kapwa nakasuot ng boxing gloves ang mga ito, nasa kalagitnaan sila ng sparring.
"Drystan never stop to amuse me," komento ng isang executive na kasama ng Chairman na nanonood. "Wala pa siyang kain mula noong isang araw but he can still stand straight in his feet and accept those beats from a grown up man."
"Well, thanks to those supplements that helps him to wake up everyday. Those and water are just the things that keep him living in this whole entire three days," komento rin ng isa pang executive.
"Lazarus and Percy are doing a great job too. Lazarus can now hold and use a gun and good in manipulating people. While Percy, who's not that good in fighting, but he's a total genius when solving a problem that is connected to the business. He is good in making strategies and also has an almost perfect objective for everyone. They're really your child, Gother. I bet they'll become a big help of the Organization when they grown up." Walang tigil sa pagpapapuri ang lahat.
"And there's Marshall, the failure," usal ng Chairman at hinilot ang kaniyang sentido. "I don't know what should I do to that s**t. Maybe I should just throw him away."
"But he's too young and weak. Just bear with him for the mean time."
Natigil sa pag-uusap ang lahat nang makarinig sila ng malakas na pagbalibag ng katawan maging ang malakas na daing. Pagkatingin sa ring ay napatanga ang lahat nang makitang ang matandang lalaki na ang nakahiga habang nakaupo sa ibabaw nito ang bata at walang tigil na pinagsusuntok ang kaniyang mukha. Nang makabawi ng pagkagulat ay nagsimula naman silang maghiyawan.
Saka na lamang pinatigil ang bata nang mapansing halos hindi na humihinga ang lalaking ka-sparring niya. Pinababa na siya ng ring at agarang binigyan ng tubig at pinuri ng mga executive. Ngunit hindi makikita sa mukha, maging sa mata ng bata ang galak sa natatanggap niyang mabulaklak na salita. Wala itong kaekspre-ekspresyon, na para bang wala lang sa kaniya ang nangyari.
Saka na lamang naagaw ang atensyon ng bata nang may humawak sa kaniyang balikat, dahilan upang mag-angat ito ng mukha at pinagmasdan ang Chairman. May mga sinabi ito pero wala roon ang atensyon ng bata dahil panay ang kaniyang pagkurap at pagkusot sa kaniyang mata.
"What's wrong with your eyes?" takang tanong ng Chairman na naiba na ang atensyon dahil sa ikinikilos nito.
"My eyes hurt and it's blurry," sagot naman ng bata.
Nagtawag ang Chairman ng isa niyang utusan at kinuha ang salamin sa mata nito sabay isinuot sa mata ng bata.
"Can you see clearly with those glasses?"
Tumango ang bata bilang pagtugon.
"When did you start to have a blurry vision?"
"Before the first day of sparring."
Nagtinginan naman ang mga executive at bumuo ang sari-sarili nilang hula, ngunit ang mas pinapaniwalaan ng karamihan ay ang, "kaya siguro palagi siyang talo these past three days dahil sa blurry vision niya. Pa'no na lang kung malinaw ang mata niya?"
Hindi nagtagal ay natapos ang lahat ng iyon ay nagsialisan na ang lahat. Bumalik naman ang batang si Drystan sa kaniyang kwarto. Pinaliguan agad siya ng mga naghihintay na maid at pinasuot ng malinis at maayos na damit, bukod doon ay ginamot din ng maid ang kaniyang mga sugat at pasa na tatlong araw niya ng iniinda.
"Gusto mo bang kumain?"
Umiling ang bata at inakyat agad ang kaniyang higaan. "I want to sleep," tugon nito sa malumanay na boses. Tumango naman ang maid at nilapitan ang isang bookshelf. May kinuha itong libro mula roon at naupo sa tabi ng bata.
"Nasaan na nga ulit tayo? Ah right, nasa epilogue na tayo," usal ng maid habang inililipat ang pahina ng libro. Ito na ang nakasanayan nilang gawin tuwing gabi, ang basahan niya ng kwentong Florante at Laura ang bata. Ito na lamang ang tanging paraan kung saan kahit papa'no ay naipaparamdam ng maid sa bata na kailangan niya ring maranasan ang buhay ng isang normal na bata, kahit na bago man lang matulog.
"Can you leave me alone? I'm not in the mood to hear your voice."
Hindi naman nakaimik ang maid at pinanood lang ang batang si Drystan na tinalikuran siya sa pagkakahiga. Agad na nakaramdam ng pagkirot sa puso ang maid hanggang sa niyakap nito si Drystan.
"Do you hate the story?" untag ng maid habang pinagmamasdan ang bata na nakapikit at kumportable sa kaniyang higaan.
"Yeah."
Mapait naman na ngumiti ang maid at hinigpitan ang pagkakayakap sa maliit na katawan ng bata. "Pasensya ka na," bulong nito. "Pasensya ka na kung wala akong magawa para alisin ka sa impyernong ito, pero kapag namulat ka na... umalis ka rito at tignan ang mundo sa labas. Na hindi normal ang mga bagay na'to para sa batang gayang mo."
Nabalot lang ng katahimikan ang paligid hanggang sa muling umuwang ang labi ng maid at may ibinulong sa tainga ng bata. Agad namang nagmulat ang mata ni Drystan samantalang kumawala na sa pagkakayakap ang maid at tumayo na. Ibinalik na nito ang libro sa dati nitong kinalalagyan. Bago rin ito umalis ay muli niyang nilapitan ang bata para magpaalam, hanggang sa tuluyan na siyang lumabas.
Nang mabalot na ng katahimikan ang paligid ay agarang bumangon ang bata. Inakyat nito ang upuan at inabot ang librong laging binabasa ng maid sa kaniya. Sinimulan niya iyong buklatin at binasa ang dapat na wakas na ng kwento. Dulot na rin ng kuryosidad kung bakit ito palaging binabasa sa kaniya ng maid.
"What are you reading?"
Nag-angat ng mukha ang bata at nakita ang Chairman. Inabutan siya nito ng maliit na glasses na kasya sa kaniya kaya naman agaran niya iyong isinuot upang maging malinaw na ang kaniyang paningin, lalo na sa pagbabasa.
"Florante at Laura?" tanong ng Chairman. "Why are you reading that?"
"I'm just curious. The maid always mentioning about the love of Florante to Laura, and Laura's love to Florante... but what is love?" dire-diretso nitong sambit. Inagaw ng Chairman ang libro at isinarado iyon sabay ibinalik sa bookshelf. Ginulo naman nito ang buhok ng bata at ngumiti.
"Love is like a poison. I guess you've already heard to that maid that Laura almost killed herself for love, right? And that's the meaning of it. You're being crazy, unreasonable, and useless when you're in love," paliwanag nito na tinanguan naman ng bata.
"So Mom fell in love that's why she died?"
Natigilan ang Chairman sa narinig at pinagmasdan lang ang inosenteng mukha ng bata. Kalaunan ay natawa ito at hinawakan ang maliliit na braso ng bata at yumuko upang magkapantay sila ng mukha.
"That's right. Your mother was a victim of it. She's desperate to save Marshall and I know you heard it from her that she'll always be happy if Marshall will live a happy life, because she love him. She choose to save him rather than saving her own life. That's why she died. That's what we mean when you love someone."
"Then why does the maid keep on whispering in my ear that she loves me after telling a chapter of the story?" sunod pang tanong ng bata na ikinapaningkit ng mata ng Chairman, ngayon niya lamang nalaman ang patungkol dito.
"She says that she loves you?" pagtatanong ng Chairman na tinanguan ng bata. "Then you should be careful. Don't you know that love and hate are almost the same? What if she's just feeding you a wrong words? Then your curiosity means you've been trapped in her manipulation."
"But—"
"Are you doubting my words, huh, Drystan?" Dahil sa sinabi nito ay tumango na lang ang bata at yumuko habang pinag-iisipan pa rin ang narinig na paliwanag ng kaniyang ama. "I have a gift for you." May inilabas na maliit na bote ang Chairman at ibinigay iyon kay Drystan.
"Why don't you give back the love that the maid feels towards you? Give back the so called love she's talking about."
Hindi umimik ang bata at pinagmasdan lang ang boteng hawak niya. Sa unang tingin pa lang ay alam niya na ito dahil isa ito sa itinuro ng mga executive sa kaniya. Naintindihan niya na rin ang gustong iparating ng Chairman.
"I'll go ahead. I also need to check Lazarus and Percy's improvement. Ikaw na ang bahala sa kaniya," habilin ng Chairman at naglakad na paalis ng kwarto ng bata, pero pagkarating niya sa pinto ay huminto ito at nilingon si Drystan. "You'll meet tomorrow your new teacher. Be kind to her."
Tumango lang ang bata at pinanood na maglaho sa kaniyang paningin ang kaniyang ama. Matapos iyon ay bumalik ang paningin ng bata sa kaniyang kamay. Pinakatitigan nito ang bote at pinag-iisipan pa rin ang mga narinig na paliwanag ng kaniyang ama.
So that's the meaning of love.
Lumabas sa kaniyang kwarto ang bata at tumakbo pababa. Tumungo agad siya sa kusina at nagpakuha ng pagkain sa isang taga-luto. Nang abutan siya ng sopas ay patago niya namang inilagay ang likidong laman ng bote sa sopas at inihalo iyon.
"Drystan, bakit nandito ka? Dapat ay sinabihan mo na lang ako kung nagugutom ka," hayag ng maid na nag-asikaso sa bata kanina.
Umiling naman ang bata at iniangat ang hawak nitong mangkok. "You can have this," aniya na ipinagtaka naman ng maid at tinanggap ang mangkok.
"Para sa akin?" tanong ng maid na tinanguan naman ng bata. "Bakit mo naman ako naisipang bigyan ng sopas?"
"Because I love you too," tugon ng bata na siya namang ikinatigil ng maid, hanggang sa kalaunan ay lumitaw ang ngiti sa labi nito.
"Sige na nga," sagot nito at sumubo agad sa sopas. Tuwang-tuwa ito dahil sa narinig niya mula sa bata. Ramdam niyang kahit papa'no ay nagtatagumpay siyang kunin ang loob nito at naturuan niya ito ng tama. Na lalaki ang batang hindi baluktot mag-isip gaya ng kaniyang ama, at dalawang nakatatandang kapatid... subalit sa kalagitnaan ay bigla na lang siyang nakaramdam ng paninikip ng dibdib at mabilis siyang tinatakasan ng lakas.
Nagawi ang paningin ng maid sa bata at doon niya lang napansin ang kanina pa nitong hawak na maliit na bote na sa hula niya'y lason ang laman, na inilagay nito sa kaniyang pagkain.
Bumagsak ang katawan ng maid sa sahig at mabilis niyang pinagsisihan na naging mabait ito sa bata, kaya ngayo'y naghahabol na siya ng hininga makaligtas lamang sa ginawang panlalason sa kaniya. Patagal ng patagal, ang malinis niyang intensyon ay napalitan ng matinding pagkamuhi.
Natanaw naman nito ang bata na nakatakip ang mga maliliit niyang kamay sa kaniyang mukha, ngunit hindi nagtagal ay ibinaba niya iyon. Mabilis na nanindig ang balahibo ng maid nang makita ang ekspresyon ng bata. Nakangisi ito. Walang halong lungkot o takot, na para bang tuwang-tuwa pa siyang nag-aagaw buhay na ang maid. Kahit na bata lamang ito ay matinding takot na ang lumulukob sa kaniyang pagkatao.
"That's what you get for loving me, dumbass," bulalas pa nito at humakbang palapit sa maid. Naupo pa ito at hinawakan ang pisngi ng maid.
"Good night."